IKAANIM NA YUGTO : PANGANGAMBA

13 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

[ S U N D A Y ]
( DREW Part )
5:30AM Gising pa din ako. Hindi ako makatulog. Haaayyy... Bumangon nako para maligo at magbihis. Nagbreakfast. Gumawa ng kape para kay Harry. At umalis.
6:30AM nasa ospital na ko. Hintayin ko na lang sya dito sa kotse.
Hindi ako mapakali. Mukhang special ang taong 'yun sa kanya. Tatanungin ko ba 'sya? Gusto ko lang malaman. 'Wag na kaya... Bahala na... Tinext ko ng 'Good Night' si Harry kagabi pero hindi sya nagreply. Bakit kaya? Busy? Sana trabaho ang pinagkakabusyhan nya. Haayyy...
Mag 7:30AM na ng nakita ko si Harry. Kasama nya ulit yung lalaking 'yun? Magkasama ba sila sa duty? Tssskkk... Kagaya kagabi, binigyan na naman nya ng kape si Harry. Tapos nag-usap muna sila bago lumabas. Tumatawa na naman sya. Nagseselos talaga ako.
Lumabas nako ng kotse para makita ako ni Harry pero hindi nya ko napapansin dahil abala sya sa pakikipag-usap sa lalaking 'yun. Medyo nakita ko na ang mukha ng lalaki. Maputi. Mataas ng kaunti kay Harry. Singkit ang mata. Matangos ang ilong. May hitsura at laging nakangiti.
Napansin kong nagpaalam na sila sa isa't isa. At napansin na din ako ni Harry sa wakas. Nasa kabila ako ng daan kaya tumawid pa sya. Ng lumakad na sya papalapit sakin may nagbusinang motor na nanggaling sa parking lot ng ospital at tumigil sa kinaroroonan ni Harry. Nakita ko na sya 'yung kasamang lalaki ni Harry kanina at kagabi.
"Coffee Bean, angkas ka na. Hatid na kita." - sabi ng lalaki.
Coffee Bean? 'Yun ang tawag nya kay Harry? Tapos ihahatid nya si Harry? Aagawan pako ng responsibilidad kay Harry. Aba talagang...
"Hindi na Hunter, may kasabay ako." - sabay turo sa akin.
Nagkatinginan kami ng lalaki. Tiningnan ko sya ng masama. "Ah, sige Coffee Bean. Una na ko. Mamaya ulit ah... Ingat." - sabi ng lalaki.
"Sige, ingat din." - sabi ni Harry.
Pinagbuksan ko si Harry ng pinto. "Thanks Drew. Kanina ka pa?" Hindi ako sumagot. Pumunta nako sa driver's seat.
"Hui, tinatanong kita. Kanina ka pa ba?" - tanong ulit ni Harry.
"Isang oras na." - sagot ko. Halata sa boses ko ang pagkainis. Inis hindi dahil sa paghihintay ng ganun katagal kung hindi dun sa lalaking 'yun.
"Isang oras?? You should've texted me." ( Hindi ka nga nagrereply eh ). Hindi ako sumagot. "Drew, daan muna tayo sa dorm, magpapalit lang ako."
"Sino siya?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
"Sino???" - tanong nya. "Ahhh... Si Hunter. Kasama kong nurse sa area. Alam mo ang kulit nun. Loko-loko. Lagi nga akong tumatawa kapag kasama ko sya sa duty. Paano puro jokes alam sa buhay. Hindi nga ako nakakaramdam ng antok kapag kasama ko sya. Buti na lang nagkaduty kami ulit..."
( Ganun? So balewala pala 'yung kape na pinabaon ko. May gigising pala sa'yo buong magdamag. )
"Coffee Bean?" - tanong ko ulit. Kailangan kong malaman ang relasyon nila. It's now or never.
"Ahhh, tawag nya sakin 'yun. Kasi nga di ba mahilig ako sa kape. Ang kulit ano? Nagpapangalan... Tapos alam mo tawag ko sa kanya?" ( Ha? Pati ikaw Harry may tawag sa kanya?? ) "Tea Bag! Kasi gustong-gusto naman nya yung tsaa. Laging ngang may dalang tea bags 'yun sa duty eh kaya 'yun 'yung pinangalan ko sa kanya... Haha..."
( Buti pa 'yung Hunter na 'yun... May terms of endearment sila ni Harry. Haayyy.. Hindi ko na kailangan pang itanong kung gusto nya ang lalaking 'yun. Halata naman eh. )
"Mukhang close na close kayo ah. May tawagan pa kayo."
"Hahaha, oo nga eh." - sabi nya. "Drew, what is that tone on your voice? Is something wrong?" Mukhang napansin na nya.
"Nothing." - pagsisinungaling ko. ( Are you that insensitive? You already know what my feelings to you are. You should know. )
"Are you jealous?" - tanong nya. ( Now you know. )
"Of course not." - pagsisinungaling ko ulit.
"Sure?"
"Hindi nga."
Nakikita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin sya sakin. Diretso lang ang tingin ko habang nagd-drive. "Kaibigan ko si Hunter. Natural lang na maging close kami sa isa't isa. Parang tayo." - sabi nya.
( Okay, you're not that insensitive. Maybe you're just speaking your heart out and just being honest to me. I'm just thinking negative. But it's obvious you are very much happy when you're with that guy. )
Ng makarating kami ng dorm ay nagpaalam sya sandali para magpalit ng damit. After 5 mins, bumalik na sya at umalis na kami.
"Hindi mo ba ko kikibuin? Wala ka bang sasabihin?" - tanong nya. Halos 15 minutes na ng hindi kami nag-uusap.
"Ano namang sasabihin ko?"
"Yung nasa loob mo... 'Yung nararamdaman mo.."
"Wala naman ah..."
"Sinungaling!" - sabi nya. "Kilala kita Drew at alam ko kung may itinatago ka at lalong hindi ako manhid." Tumaas na ang tono ng boses nya. "Itigil mo ang kotse."
"Bakit?"
"Basta itigil mo ang kotse." Galit na sya.
Tinigil ko ang kotse sa tabi ng daan. Tinanggal nya ang pagkakasuot ng kanyang seatbelt at inabot nya ang lock ng pinto ng kotse. Bababa sya?? "Unlock it!" - utos nya pero hindi ko sya pinakinggan. "I said unlocked it!!" - pasigaw nyang sabi.
"Tama ka! Nagseselos ako. Alam kong wala akong karapatan pero 'yun 'yung nararamdaman ko!" - sabi ko.
"So meron nga! Sa lahat ng ayoko ay mga taong hindi nagsasabi ng totoo! Even if I don't want to, I explained myself that he's just a friend because I sensed that you're not telling the truth. At inulit ko pa ang tanong! And you keep telling lies!" Galit na galit sya. "Now, can you please unlock the door!!!"
"But you like him, right?"
"Tinatanong mo kung namamangha ako sa kanya? Kung may crush ba ako sa kanya? Oo. Crush ko sya. Gusto ko sya." (Ang sakit. ) "At alam nya 'yun dahil hindi ko itinago sa kanya 'yun. Pero kahit kailan hindi sya nagtake-advantage sakin. Ganun ko rin sya mas lalong hinangaan. Pero gaya nga ng sabi ko, magkaibigan lang kami. Alam mo ayokong depensahan ang sarili ko pero alam ko na ito ang makapagpapagaan ng kalooban mo. Ngayon? Masaya ka na?"
Nag-gulity ako sa ginawa ko. Napaka-immature kong mag-isip. "Look Harry, I'm sorry. It's just that I'm very jealous that I became unreasonable."
Narinig ko ang sunod-sunod na buntong-hininga nya. Marahil ay sinusubukan nyang pakalmahin ang kanyang sarili. "Pwede bang mag-isip ka muna Drew. 'Wag kang masyadong magpadala sa damdamin mo." - paliwanag nya.
"I'm sorry." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Heto. Hetong tinatawag mong pagmamahal sakin? Napag-isipan mo ba 'to?"
"Oo. Harry. Napag-isipan ko na 'to. At iba yun sa pagseselos ko ngayon. Inaamin ko. Nagpadala ako sa selos ko. Napansin ko lang kasi na mas masaya ka kapag kasama mo sya. Naramdaman kong mas napaliligaya ka nya."
"Hindi totoo 'yan." - sabi nya. "Mas masaya ako kapag kasama kita. Mas matagal ko na nga syang kakilala pero magkaibigan lang kami. Hindi mo lang siguro napapansin pero 'yun 'yung totoo."
"Thanks."
"Let's be honest with each other, okay?" - malambing nyang tugon. "If you're mad, tell me. If you have a problem, I'll listen. And if you don't want me in your life, just let me know."
"But I want you in my life!"
"Fine. Then be honest okay?" Tumango ako. "And to set these things straight, I have to be honest with you too." Nagbuntong-hininga sya at ngumiti. "Crush din kita." Sinabi nya 'yun ng diretso at parang wala lang sa kanya. Pero para sakin, pakiramdam ko nasa langit ako. Nagbigay iyon ng lakas ng loob para ituloy ang mga plano ko. "But that doesn't mean sinasagot na kita." - may ngiting pagpapatuloy nya.
"Of course. But I'll make sure you'll fall for me too."
"Don't be so confident, Sir. I'm not the one who'll sweep off your feet. 'Wag kang mag-assume. At 'wag kang mag-expect." - sabi nya.
"Okay." - tugon ko ng nakangisi.
Tiningnan nya ko ng masama. "Para sakin ba 'yan?" - sabay turo sa kapeng dala ko.
"Oo sana kaya lang binigyan ka na ng kape ng Hunter na 'yun." Kinuha nya 'yung bote.
"Aysuuuss... Nagtampo pa. Mas masarap kaya kape mo." Ngumiti sya. "Tara na baka mahuli pa tayo sa misa."
Pinagsaluhan namin ang kape at biruan na kami ulit hanggang makarating kami ng simbahan. Pumasok kami agad pero maaga pa kami ng 30mins. May nagno-novena. Nakahanap kami ng mauupuan at ng mauupo na kami, lumuhod sya sa luhuran. "Makikisabay lang ako sa rosary." - sabi nya.
Ganito ka ba ka-relihiyoso Harry? Sige, ituloy mo lang yan. Bigyan mo pa ako ng dahilan para mahalin pa kita ng todo. Lumuhod na din ako at sinamahan ko sya sa pagdarasal. Tiningnan ko sya. Nakapikit sya at taimtim ang kanyang pagdarasal. Nagdasal na din ako. Hiningi ko sa Diyos na sana 'wag nyang hayaang mawala sakin si Harry dahil hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yun.
"Hui!" - bulong ni Harry sa tabi ko. "Baka gusto mong umusog ng konti... Tayo lang naman dalawa sa upuan. Pwede ka pa ngang humiga dyan."
"Sorry." Nakasiksik kasi ako sa kanya. Hehe.
Nagsimula at natapos ang misa ng hindi kami nagkibuan kahit sa sermon ng pari. Nakikinig talaga sya. Ayos lang naman 'yun sakin dahil 'yun naman ang tama. Isa pa, sobra na 'yung ganito kami kalapit sa isa't isa. Kinausap lang nya ako nung nag 'Peace be with you' sya sakin with a sweet smile. Tsskk. Sana 'I love you' na lang 'yun.. Hehe..
Kumain kami pagkatapos dahil hindi pa sya nagbreakfast. Inaya ko syang manood ng sine pero tumanggi sya. May pasok pa nga pala sya mamayang gabi. Inalok ko na lang sya ulit na matulog sa condo. Actually, pinilit ko sya. Pero sabi nya maaga ko syang gisingin para makadaan muna sa dorm kasi wala syang dalang uniform.
"May pasok ka na bukas di ba? Babalik ka na ng firm?" - tanong nya habang kumakain kami ng early dinner. Ginising ko sya ng mas maaga kagaya nga ng sabi nya. Tumango ako.
"'Wag mo na akong sunduin ah. Ayos lang naman sakin."
"Hindi. alas-nuwebe pa naman pasok ko. Ok lang."
"'Wag na Drew. Ayos lang talaga. Nakakapagod kaya 'yun. Atsaka gigising ka pa ng maaga. Lapit lang din ng ospital.
"Harry, sige na. Please?? Baka 'yung Hunter pa na 'yun maghatid-sundo sa'yo."
"So? Wala namang problema dun. Dati na nyang ginagawa 'yun. And he's a friend after all." - tugon nya.
"Harry, ayaw mo na ba sakin?"
Tiningnan nya ko at ngumiti ako. "Joke! Drew, kasi naman kaya ko naman eh. Atsaka naaabala na kita.."
"Harry, let's just say you're doing me a favor for allowing me to do this. Masaya ako kapag ginagawa ko 'to. And I won't last a day without you.."
"Lyrics ng kanta 'yun ah. Pero four days pa lang tayong magkakilala."
"Eeeeennnggg!" Parang tunog 'yun sa isang game show kung saan nagkamali ang contestant. "Correction.! Four years na."
"Ok! Fine! Pero Drew, pwede ba bawasan mo 'yung kakulitan mo kahit minsan lang?"
"I will."
"I'm not convinced." - sabi nya. Natawa ako. "Ahhh, sya nga pala. Next, next Friday uwi kami nila Jen at Art sa probinsya. Fiesta kasi samin. Atsaka reunion na din ng barkada namin. Na-approve na 'yung leave ko. 3 days."
"3 DAYS!?! Ang tagal nun!"
"Tatlong araw lang... Anong matagal dun? Na-approve naman 'yung leave ko."
"Pero sakin hindi okay 'yun. Ang tagal ng tatlong araw..." - nakasimangot kong tugon.
"Drew! 'Wag ka ngang OA! Para kang baliw!"
Tatlong araw? Na hindi ko sya makikita?? Iniisip ko pa lang mababaliw talaga ako. "Di ba Harry, I won't last a day without you??"
Nag-isip sya. Tapos tiningnan nya ko na nakasulubong ang kanyang kilay. "Gusto mo bang sumama?"
"Talaga?? Sasama mo ako?"
"Oo sana, pero naisip ko kasi may pasok ka diba?"
"Harry, baka nakakalimutan mo, I'm one of the bosses... Isa pa hindi pa ko nakakapagbakasyon."
"Ok! Pero mahaba-habang byahe 'yun ah. Magco-commute tayo nila Jen at Art."
"Si Ares na lang sakyan natin!"
"Ha? Ayos lang ba sa'yo?" - tanong nya. Tumango ako. "Ok."
"Sasama mo ba talaga ako? Baka napipilitan ka lang."
"Ayan na naman. Ang kulit! Oo na nga diba?"
Sa sobrang tuwa ako, pinuntahan ko sya at niyakap sa likod habang nakaupo sya. Hinalikan ko sya sa pisngi.
"DREW!!! What the.."
"Sorry! Natuwa lang ako!"
"Tssskkk..."
"Thanks Harry... "
Naligo na sya pagkatapos at pinahiram ko na lang sya ng damit. Pinagbaon ko ulit sya ng kape. 5:30PM ng makarating kami sa dorm at nadatnan sila Art at Jen na nanonood ng TV.
"Ui Art, mukhang napapadalas ang pagdalaw ah..." - sabi ni Harry pagdating namin.
"Oo nga eh. Tinext kasi ako ni Jen. Wala na naman daw syang kasama dito." - tugon nya kay Harry. "Pare, musta na?" - tanong nya sakin.
"Ayos lang." - tugon ko. "Hi, Jen."
"Hello." - tugon naman nya sakin.
"Jen, sorry ha, Ako ata ang may kasalanan kung bakit ka nag-iisa dito. Laging wala si Harry dito."
"Nako Drew. 'Wag mo ngang pinagpapapansin itong si Art. Niloloko ka lang nito." - tugon ni Jen.
"Art ah. 'Wag ka ngang makisali pa sa mga kalokohan ni Jen." - sabi ni Harry. "Sige na, magbibihis lang ako. Drew, sandali lang ah. Mabilis lang 'to." - paalam nya sakin. Pumasok na si Harry sa kwarto para magbihis.
"Pare, ano kamusta?" - bulong ni Art sakin.
"Nasabi ko na. Pero mukhang ayaw eh." - tugon ko.
"Sabi nya lang 'yun. Pagtyagaan mo lang," - bulong naman ni Jen.
"'Yun na nga ginagawa ko. Sa tingin nyo ba may pag-asa ako?"
"Oo naman." - sabay nilang sabi.
"Ahhhh, fiesta daw sa inyo next, next weekends ah. Sama daw nya ako."
"Nice! Reunion din naming magkakaibigan 'yun. Para makilala mo na din ang buong barkada." - sabi ni Art.
"Sa tingin mo ba isasama ka nya kung hindi ka mahalaga sa kanya?" - sabi ni Jen. Nangiti lang ako.
"Ano namang pinagbubulungan nyo dyan? Sigurado, ako na naman ang topic nyan." - sabi ni Harry paglabas ng kwarto.
"Ah, sinasabi ko lang Harry 'yung pag-aya mo sakin sa probinsya."
"Ah, okay." - sabi nya. May narinig kaming kumakatok sa gate. Pumunta si Jen para tingnan kung sino. Pagabalik nya kasama nya 'yung lalaking 'yun - si Hunter. Anong ginagawa nya dito?
"Hi, Art, musta na?" - bati ni Hunter. Magkakilala sila?
"Pare, ayos lang ako. Ikaw? Tagal na tayong hindi nagkikita ah." - sabi naman ni Art.
"Ayos lang din." - tugon nya kay Art. "Heto, gwapo pa din."
Napailing si Jen. "Oh bakit ka pala napadaan?" - tanong ni Jen.
"Magkasama kasi kami ni Harry sa duty ngayon kaya naisip kong sunduin sya." - tugon ni Hunter kay Jen. "Hi, Coffee Bean, sabay ka na sakin?" - tanong naman nya kay Harry.
"Ah... Eh,,, 'Wag na Tea Bag, may maghahatid sakin. Salamat ah." Nagkatinginan kami ni Harry.
"Ah, sayang naman."
"Ah, sya nga pala. Hunter, si Drew. Kaibigan ko." - sabi nya kay Hunter. "Drew, si Hunter. Kaibigan ko din." - pakilala naman nya sakin.
"Drew?" Nagkasalubong ang makakapal nyang kilay na tila nag-iisip. "Teka Coffee Bean?! Sya ba 'yung nanigaw sa'yo? Bakit sya nandito??" - tumaas ang tono ng pananalita nya. "Pare, ang kapal naman ng mukha mo!" - sabi nya sakin. Lalapit sana sya sakin pero pinigilan sya ni Art.
"Pare, relax ka lang." - sabi ni Art.
Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Harry. "Hunter tapos na 'yun. Okay na kami. Humingi na sya ng tawad sakin."
"Totoo ba yan Coffee Bean? Baka pinagtatakpan mo lang 'tong taong 'to?!"
"OK na nga diba??" Tiningnan ng masama ni Harry si Hunter.
"Ok. Fine. Nagtatanong lang eh." - sabi nya kay Harry na parang biglang umamo sa isang tingin lang ni Harry. "Hunter, pare." - pakilala nya sakin sabay iniabot ang kanyang kamay.
"Drew." - sabi ko. Tinanggap ko ang kamay nya at halatang galit pa din sya sakin dahil sa sobrang higpit ng kanyang hawak sa kamay ko.
"Pero pare, 'wag mo nang gawin ulit 'yun sa Coffee Bean ko. Kahit mas malaki ka sakin, hindi kita uurungan." - banta nya sabay bawi ng kamay nya.
"Oi Hunter, OA na 'yan ah." - sabi ni Jen.
"Pero Jen, seryoso ako."
"'Wag kang mag-alala. Hindi na mauulit 'yun. Pasensya na nga din pala dun sa nangyari." - sabi ko kay Hunter.
"Sige. Sige. Nice meeting you pa rin." - sabi nya. "Pano Coffee Bean? Una nako, hintayin na lang kita sa lobby." - paalam nya kay Harry. "Jen, Art una na ko."
"Sige, pare." - sabi ni Art.
"Ingat ah." - sabi naman ni Jen.
"Pare, ingatan mo ang Coffee Bean ko ah." - sabi ni Hunter sakin.
"HUNTER!" - sabi ni Harry.
"Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan. Iingatan ko talaga sya." - tugon ko kay Hunter.
"DREW!" - sabi ni Harry.
Nagpaalam na si Hunter at umalis.
"Grabe Art, naramdaman mo na 'yung tensyon kanina?" - sabi ni Jen.
"Oo nga. Akala ko magkakaroon ng royal rumble..." - sagot ni Art.
"Nako! Kayo talaga! Drew, tara na nga." - sabi ni Harry.
"Art, Jen. Alis na kami." - paalam ko.
"Ingat."
Hinatid ko na si Harry sa ospital at gaya ng inaasahan hinihintay sya ni Hunter sa may lobby.
"Thanks Drew ah, 'wag mong intindihin si Hunter. Ganun talaga 'yun pero mabait sya."
"Ganun ba sya ka-overprotective sa'yo?"
"Hmmmm... Siguro... May inaway nga syang pasyente dati dahil binastos ako." Hindi ako kumibo. Masyado siguro silang malapit sa isa't isa. "Pero alam ko naman na gagawin mo din 'yun."
"Oo naman, Harry. Lahat gagawin ko para sa'yo. Poprotektahan kita ng buhay ko. Pangako ko 'yan."
"Ha?? Pwede bang wala na 'yung 'buhay ko?'"
Nangiti ako. "Ok!"( Pero totoo Harry. Lahat gagawin ko para sa'yo. Buhay ko man ang kapalit. Hindi dahil ikaw ang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay hanggang ngayon kung hindi dahil mahal na mahal kita. )
"Wag kang mag-alala Drew, hindi sya nanliligaw sakin. At kung sakali man, hindi ko sya sasagutin."
"Talaga? Bakit naman?"
"Kasi... Hmmm... Mas masarap ka..."
"Ha? Masarap ako?" - pinutol ko ang pagsasalita nya.
"Mas masarap kang gumawa ng kape!! Salamat ulit sa kape ah."
"Anytime, Harry."
"Ingat ah. Pasok na ko."
Sinalubong sya ni Hunter. Nag-usap sila ng kaunti at umakyat na. Hindi na ko mag-iisip ngayon. May tiwala ako kay Harry. Alam kong hindi nya ko bibiguin. Takot akong mawala sya kaya ganun na lang pagseselos ko kanina pero naipaliwanag na nya lahat at naalis na nya ang pag-aalinlangan ko.
Mabuting tao si Harry. Napapatunayan 'yan kung gaano ang pagmamalasakit ng mga taong nakapaligid sa kanya. Maraming nagmamahal sa kanya. At isa na ko dun. Pero sa dami naming nagmamahal sa kanya, how can my love to Harry be an exceptional love among others?
( NARRATOR Part )
Ganoon ang naging set-up nina Drew at Harry within two weeks na magkakilala sila. Laging hatid-sundo ni Drew si Harry. Araw-araw ding may inihahandang kape si Drew para kay Harry. Madalas ding matulog si Harry sa unit ni Drew lalo na kung night shift sya. Welcome din naman mag-stay si Drew sa dorm.
Para kay Drew, masaya sya kapag kasama nya si Harry. Gumanda din ang pakikitungo nya sa ibang tao lalo na sa mga kasama nya sa trabaho. Tanggap na tanggap naman ni Jason si Harry bilang bagong minamahal ni Drew. Pansin din nya kasing nasa mabuting kalagayan ang matalik nyang kaibigan kapag si Harry ang kasama. Hindi pa din nawawalan ng pag-asa si Drew na mapapasagot nya si Harry. Maghihintay sya hanggang maging handa na ito.
Unti-unti namang nahuhulog ang loob ni Harry kay Drew. Alam nya sa sarili nya na matagal na itong inasam ng puso nya. Hindi nya inakalang titibok ito sa isang lalaki. Malaki ang paghanga nya kay Drew - sa kakisigan, pag-uugali, at sa natatangi nyang karakter. Tanggap na nya noon sa sarili nya na walang magmamahal sa kanya, ang pagmamahal na pwede lamang sa isang lalaki at isang babae. Pero ngayon, heto, may nagmamahal sa kanya na dati sa panaginip lang nya pinapangarap. Ang kanyang 'Prince Charming' at ang kanyang 'Knight in Shining Armor.' Pero sa kabila ng lahat ng pagmamahal nya para kay Drew, takot pa din syang ipakita at iparamdam ito sa kanya. Mas gusto nyang babae ang magmahal at mahalin ni Drew dahil iyon ang tama. Mas tamang isakripisyo nya ang nararamdaman nya para sa ikabubuti nilang dalawa.
Pero sino sya para magsabi kung ano ang mas nakakabuti sa kanilang dalawa gayong sa simula pa lamang alam na nya sa sarili nya na si Drew ang makabubuti sa kanya. Si Drew na mahal na mahal nya

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon