IKAAPAT NA YUGTO : PAGDEDESISYON

8 0 0
                                    

COFFEE – FLAVORED LOVE STORY

[ F R I D A Y ]

( HARRY Part )

5:30AM. Nag-alarm phone ko. Ang ingay. May nag-uusap sa labas. Ang lakas ng boses at tawa. Mukhang tuwang-tuwa. Si Jen at Art talaga, kapag nagsama puro kalokohan. Siguro dito natulog si Art. Inaantok pako kaya bumalik ako sa pagtulog.

After 5 mins, nagising na naman ako dahil may kumakatok na sa pinto ko. Si Jen. Alam nyang umaga ang duty ko ngayong araw.

“Jen, 5 minutes na lang. Inaantok pa ko.” – sigaw ko.

Pero hindi pa din sya huminto sa pagkatok. Hindi ako titigilan nito hanggang hindi ako bumabangon.

“Jen naman eh..” bumangon nako at pumunta sa pinto. “Ayan na.”

Pagbukas ko ng pinto. Nagising ako sa nakita ko.

“Morning, sleepy head.”

“DREW?” Anong ginagawa ng taong ‘to dito ng ganito kaaga?

“Coffee?” – alok nya ng kape.

“Anong ginagawa mo dito?” – ulit kong tanong.

“Diba sabi ko, babalik ako.”

“Pero ganito kaaga? Baliw ka talaga no?”

“Coffee?” – alok nya ulit. Nag-smile na naman sya.

“Thanks. Pero maghilamos muna ako.”

Pumunta ako sa CR para maghilamos.Nakita kong nag-uusap na naman sila. Pinag-uusapan na naman nila ako. Sigurado ako. “Ang ingay ah!!” – sabi ko ng madaan ako sa dining table kung saan nag-aalmusal na sila.

Paglabas ko ng CR, nandun na naman si Drew. (Buti hindi ka pumasok ng CR??). Inabot nya yung twalya ko para pamunas. Pagkatapos kong punasan ang mukha ko, inalok na naman nya ang ginawa nyang kape kaya kinuha ko na. As usual, masarap ang timpla nya. “Thanks.”

“Tama na ‘yan. Sumabay na kayo saming mag-almusal.” – sabi ni Art.

“Grabe Drew, ang sarap talaga ng kare-kare mo.” – sabi ni Jen.

“Kare-kare?” Tinignan ko si Drew.

“Dinala ko yung tirang kare-kare kagabi.” – tugon nya nakangiti.

Natuwa ako. Matitikman ko na naman luto niya. “Kain na tayo.”

Masaya ang kwentuhan namin habang kumakain. Parang kabarkada na namin si Drew. May sense of humor at makulit kaya gumaan na din loob nila sa kanya. Nakabihis na si Jen ng mag-almusal kami. Pati si Art ay ready na din sa pagpasok. Ako na lang ang hindi – kaya nagmadali akong mag-almusal at ng makaligo na. Gusto ko pa sanang kumain ng marami kaya lang baka ma-late kami. Ng makatapos nakong maligo, nakita ko silang nag-uusap. Si Jen ay naghuhugas na nang pinagkainan namin. Kasali din sya sa usapan nina Art at Drew sa dining table. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila pero hindi ko na pinansin dahil dumiretso nako kaagad sa kwarto para magbihis.

After 5 mins.. “Harry, tara na baka ma-late tayo.” – sigaw ni Jen sa pinto ng kwarto ko.

“Oo, ayan na. Tapos nako.” Pagkalabas ko ng pinto napansin kong ayos na sila at mukhang ako na lang talaga hinihintay.

“Sorry sa paghihintay ah. Tara na.” – yaya ko. Nauna na kaming lumabas ni Drew. Mag-CR lang daw si Jen kaya hinintay na ni Art. Dun sa labas ng gate na lang namin sila hintayin para mag-abang ng jeep. Baka kasi malate kami. Paglabas ko nakita ko ang red na Mercedes-Benz na kotse. Ang gara at ang ganda. Kanino kaya ‘to? Baka dun sa kapitbahay namin ni Jen na nagdo-dorm din sa kabila. Bakit kaya dito pa sila nagpark sa tapat namin.

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon