IKALABING-ISANG YUGTO : PAGSUBOK

1 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

( DREW Part )
Nasa harapan ako ng ospital ngayon at hinihintay kong lumabas si Harry. Sinabi lang nyang may kakausapin lang sya kaya magtatagal sya ng kaunti. Galing sya ng night shift at papasok naman ako sa firm.
Limang minuto na kong naghihintay sa kanya at excited na kong makita sya. Pero mukhang hindi naman sya excited na makita ako. Nakita kong kasama na naman nya si Hunter at masaya silang nag-uusap sa lobby. Kahit na ipinaliwanag na ni Harry ang tunay na relasyon nila ni Hunter ay hindi ko pa ding mapigilang magselos kapag magkasama sila. Kapansin-pansin kasi na masayang-masaya si Harry kapag kasama nya si Hunter.
Bumaba ako at pinuntahan ko sila sa lobby. Si Hunter ang unang nakapansin ng paglapit ko. "Oh, Coffee Bean, nandyan na ang sundo mo."
Lumingon si Harry at nilapitan nya ko. "Morning, my love. Dapat hinintay mo na lang ako sa kotse."
Habang kinakausap nya ako ay magkatitigan kami ni Hunter. Sa titig nyang 'yun, alam kong hindi lang pagkakaibigan ang gusto nyang mamagitan sa kanilang dalawa ni Harry. Hindi ko alam pero parang walang kamalay-malay si Harry sa kung ano mang espesyal na pakikitungo ni Hunter sa kanya. Ang alam nya ay magkaibigan lang sila at sadyang malapit lang talaga sila sa isa't isa. Pero iba ang nararamdaman ko.
"Morning din mahal ko, how's your night?"
"It went fine. Medyo nakakapagod kasi napakadaming pasyente.. And your coffee really helped me surpass the night." Ayos na sana ang lahat kaya lang may dinagdag pa sya. "Buti na lang kasama ko si Hunter, hindi masyadong nakakapagod."
"Haha, pano naman Coffee Bean eh binigay mo lahat ng pasyente sakin." - tuwang-tuwang tugon ni Hunter. "Lagi kang ganun.. Inaabuso mo kabaitan ko."
"Masyado ka naman Tea Bag, hati naman tayo ah.." - sabi ni Harry.
"Hati? Kelan pa naging proportional ang 10 sa 5? Akala ko pa naman magaling ka sa Math, Coffee Bean."
"Tea Bag ah, isa lang naman ang lamang mo sa akin ah.. Walong pasyente sa'yo, pito naman sakin.. Ikaw lang 'yung nagbantay nung dalawang pasyente ko kasi medyo madami akong ginagawa dun sa isa pa.. Akala mo naman nahirapan.." - mariin pero parang mahinahong tugon ni Harry. "Isa pa ikaw naman nag-alok ah.."
"Haha.. Joke lang Coffee Bean.. Ito naman.. Hindi ka na mabiro.." - may ngising tugon ni Hunter. Tapos tiningnan nya ako. "Hindi ka na nasanay sa akin."
"Halimaw!" - sagot ni Harry. "Sige na nga. Una na kami ah.. Ingat ka sa pagmamaneho.. Dala mo ba helmet mo?"
"Yup." - tugon ni Hunter sabay ng pagtango nya. "Alam ko namang hindi ako pwedeng mag-drive kapag wala ako nun kasi magagalit ka.."
"Good. . ." - tugon ni Harry. "Oh pano, off ko bukas ah. Kita na lang tayo sa susunod na araw."
"Okay. 'Wag mo kong mami-miss Coffee Bean ah.." - sabi ni Hunter sabay ng malakas nyang tawa.
"'Wag ka ngang mag-assume. You never cross my mind.."
"Of course. I never cross your mind because I'm always there.. Haha.."
"Adik! Halimaw! Baliw!" - sabi ni Harry. "My love, 'wag mong iniintindi si Hunter ah. Ganyan lang talaga 'yan.."
"Oo nga Drew. Binibiro ko lang sya. Ang sarap kasing kinukulit ng Coffee Bean ko eh.." Coffee Bean KO?! "Peace tayo ah.."
"Ah, oo naman. Ayos lang ako." - pagsisinungaling ko. "Tara na, mahal ko."
"Sige my love." - tugon ni Harry. "Tea Bag, una na kami. Ingat ah."
"Ingat din kayo Coffee Bean. Drew, ingatan mo ang Coffee Bean ko ah.. Baka maging Coffee Powder 'yan.."
Biro 'yun mula sa kanya pero iba ang dating nun sakin. "Sige brod, aalagaan at iingatan ko ang MAHAL KO."
May ibang ibig sabihin si Hunter sa mga biro nya. Hindi lang mga biro 'yun para sa akin. 'Jokes are half meant.' Tsskk..
"My love, anong oras kang natulog kagabi?" - tanong ni Harry ng makasakay na kami ng kotse at umalis. "It's almost 1AM nung huli tayong nag-usap."
"I already slept after that call.." - malamig kong tugon.
"Totoo?" Tiningnan nya ko. "I don't think so.."
Naguluhan ako sa sagot nya. "That's the truth!" - medyo tumaas ang tono ng boses ko at hindi man lang sya natinag. Nakatingin lang sya sakin. "Sorry, mahal ko. Really, I'm just being honest. Isn't it we promise each other to be honest all the times?" - may ibig akong pakahulugan sa sinabi ko. Gusto ko kasing malaman ang 'totoong' relasyon nila ni Hunter.
"So we're talking 'Honesty' in here.." - sabi nya. Nagsalita sya ng may tono ng isang zombie dahil walang kaemo-emosyon. Monotonous kumbaga. "Stop the car, Mr. DeAndre."
Nabigla ako sa tinuran nya. Hindi dahil pinapatigil nya ang kotse kung hindi dahil hindi nya ginamit ang tawagan namin. Tinawag na naman nya ko sa apelyido ko at seryoso sya. Ng itigil ko ang kotse, inunahan ko na syang magsalita. "I hope we're not having an argument." Nag-aalala ako. Ayokong tinatawag nya ko ng ganun. Bumabalik kasi 'yung alaala nung na-ospital ako at nagawan ko sya ng hindi maganda dahil puro 'Mr. DeAndre' ang tawag nya sakin nun. Parang bumabalik ang isang pangyayari sa aking buhay na pinakaayaw kong balikan.
"We're not arguing unless you will give me what I want." Hindi na sya ngayon nakatingin sa akin. Malayo ang diretso nyang tanaw sa harapan ng sasakyan.
"What do you mean?" Nababahala na ko sa kinikilos nya. "What do you want?"
"I want to know what's bothering you now." Kilala na nga nya ako at wala akong maitatago. "Gusto kong malaman kung ano ang iniisip mo, as far as 'honesty' is concerned. . ."
Ako ang nagbukas ng 'Honesty' topic pero bakit parang ako pa ngayon ang nahulog sa sarili kong bitag. He's now looking through my eyes now and patiently - and eagerly - waiting for my answer. He already caught me and there's no way out. Malalim ang naging buntong-hininga ko bago ako magsalita.
"Nagseselos ako, mahal ko. . ." Nabigla sya sa pag-amin ko. Sa reaksyon ng mukha nya ay napatunayan kong wala talaga syang kaalam-alam na may gusto si Hunter sa kanya. "Nagseselos ako kay Hunter."
"Ano? Kay Hunter? Bakit na naman?" Natigilan sya at parang nag-isip. "'Yung nangyari ba kanina? Biruan lang namin 'yun."
"Siguro sa'yo biruan lang.. But when it comes to him, I doubt it."
"Malabo 'yung magkagusto sakin." - pagpapaliwanag nya. Hindi kagaya kanina, bumalik na ang emosyon sa tono nya. "Straight kaya 'yun.."
"Straight din ako mahal ko bago kita makilala.."
Mabilis na nagkasalubong ang kilay nya. "And what do you mean by that Mr. DeAndre?!" - mariin nyang tanong.
"Hindi! Mali ang iniisip mo!" Iniisip siguro nya na sya ang may kasalanan kung bakit nag-iba ang sexual orientation ko. "What I meant was there is a possibility that Hunter will fall for you too. And it's not impossible."
Kumalma na ang mukha nya. "Bakit mo naman nasabi 'yun?"
"Naramdaman ko lang. There is this gut feeling that he also likes you."
Nag-isip muna sya bago sya sumagot. "Okay. If you're feeling that way, might as well forget it."
"Sorry?" Naguluhan ako sa sinabi nya.
"Ang ibig kong sabihin, kung tama man 'yang hinala mo kalimutan mo na kasi hindi naman ako mahuhulog sa kanya." Nangiti sya. "Crush ko nga sya pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Isa pa wala naman syang nababanggit na gusto nya ko higit pa sa sa relasyon ng magkaibigan. Sabihin na nating tama nga 'yang hinala mo at hindi ko lang talaga napapansin na may espesyal na pagtingin sya sakin... So what? Tayo na di ba?" Tinaas nya ang kamay nya na may singsing. "Trust me my love. Ikaw lang ang mahal ko."
Ang sarap pakinggan ng mga sinabi nya. Lalo na't tinawag na nya ko gamit 'yung term of endearment nya sakin. Ng akmang ibaba na nya ang kamay nya ay agad kong kinuha 'yun at hinalikan.. "Sorry, mahal ko . Promise, I will never ever think about that again." Nakangiti pa din sya. "Happy monthsary."
"Happy monthsary din, my love. Talagang hindi ka natulog ng maaga para lang batiin ako ah. Halos isang oras tayong magkausap kaninang past midnight ah.." Natigilan sya. "Alam mo my love, napansin ko nga kanina, naalala ko lang. Parang lagi nga akong tinitingnan ni Hunter kanina habang magkausap tayo. Nagseselos kaya sya?" Natawa sya sa sinabi nya.
"He should be. Dapat lang syang mainggit dahil mas mahal ako ng Coffee Bean nya.." - sagot ko. "Mali pala, ako lang pala ang mahal ng Coffee Bean nya. Haha."
"Hindi ka rin possessive ano?"
"Actually yes. Possessive ako pagdating sa'yo." Kinuha ko 'yung unang regalo ko sa kanya para sa unang monthsary namin. Kape. "At ako lang ang taong may alam ng timpla ng kapeng gusto mo." Kinindatan ko sya.
Kinuha nya ang dala kong insulated bottle at agad naman syang uminom dito. Tumango sya. "I can absolutely agree to that." Uminom sya ulit. "And you can actually say that to Hunter when you really feel that he is a threat to you.."
Malakas ang naging tawa ko sa biro nya. Now, I can proudly say that Harry is all mine. Hindi na ko matatakot ngayon na pwede syang makuha ng iba sakin. Dahil sa sinabi nya, mapapanatag na ako. May tiwala ako sa kanya at alam kong hindi nya ko bibiguin.
Pagkatapos naming pagsaluhan ang kape ay iniuwi ko na sya sa dorm. "Happy Monthsary ulit, mahal ko." - sabi ko ng pinagbuksan ko sya ng pinto. Hinalikan ko sya sa pisngi.
"Happy Monthsary din, my love." - tugon ni Harry. "Sa tingin ko 'yun na 'yung panglabing-dalawang pagbati mo sakin ngayong araw."
Nangiti ako. "Get some rest ah. May date pa tayo mamayang gabi. Excited ka na ba?"
Tumango sya. "I can't wait." Inayos nya ang neck tie ko habang nakatingin sya sa mukha ko. "Nasabi ko na ba sa'yo na kamukha mo si Jensen Ackles?"
"A thousand times, mahal ko... And I've been jealous of him a million times."
Natawa sya. "Don't be!! Mas gwapo ka dun. At mas crush kita!!" Ngumiti sya. "Oh, sige na, baka ma-late ka pa. I love you my love. Ingat ah." Hahalikan nya dapat ako sa pisngi pero mabilis kong inumang ang labi ko kaya nahalikan nya ko sa labi. Tiningnan nya ko ng masama.
"I love you more mahal ko."
Kasabay ng monthsary namin ni Harry ang isa pang mahalagang okasyon sa buhay ko. Ang aking kaarawan. Mukhang hindi alam ni Harry na birthday ko din ngayon ah. Hindi ko pa yata nasabi sa kanya dati, pero hindi naman din nya tinanong. Bahala na nga. Sabihin ko na lang mamayang gabi sa date namin. Mas mahalaga para sakin ang celebration ng monthsary namin kaysa sa birthday ko.
**********
"We're all in this together guys! Let's do our best!" - may pagmamalaki kong sabi. Nasa conference room ako at nagme-meeting kami ng mga co-architects ko sa firm. We're working on a very huge project kaya napagdesisyunan naming magsama-sama dito sa project na ito. "Do you have any further questions?" Nagtaas ng kamay si MJ, isang junior architect. Tinawag ko sya.
"Sir saan tayo mamaya?" - tanong ni MJ. "San po tayo gigimik?" Nakagawian na naming magnight-out kapag birthday ng isa sa amin.
"Hindi 'yan pwede!" - sabi ni Jason. "May date 'yan mamaya!"
"Talaga Sir Jason? Tsskk, sayang naman.. Napaghandaan ko pa naman 'to." - tugon ni MJ.
"Oo nga guys." - sabi ko. "Sa weekend na lang ah. Hindi talaga ako pwede mamayang gabi. Pero nag-order na ko ng lunch natin."
"Oh, 'yun naman pala eh. Kantahan na natin si Sir!" - sabi ni Ronnie. At kumanta silang lahat ng 'For He's a Jolly Good Fellow.' Pagkatapos ay lumabas na silang lahat. Naiwan na lang kaming dalawa ni Jason sa room.
"Happy Birthday brod." - bati ni Jason. "At Happy Monthsary na din sa inyo ni Harry."
"Salamat brod ah. Pasensya na din kasi ako pa yata ang magb-break ng tradisyon nating birthday-night-out na ako ang nagpasimula."
"Wala 'yun! Alam ko namang mas mahalaga ang monthsary nyo ni Harry kaysa sa kung anumang okasyon meron ngayon.."
"Lahat para kay Harry, brod.. Lahat para sa kanya.."
"In-love na in-love ang bestfriend ko ah.." Inakbayan nya ko. "Buti natagalan ka ni Harry?" - biro ni Jason.
"Gago! Umalis ka na nga dyan." Itinulak ko sya. "Nakakaabala ka. Kailangan kong paghandaan ang first monthsary namin ni Harry. Gagawin ko 'tong memorable. Kaya nga magha-halfday ako ngayon diba?"
"Wow! Well, I wish both of you the best of luck..."
"Thanks. Mag-seryoso ka na kasi sa mga relasyon mo. Puro flings lang ang ginagawa mo. Matakot ka sa karma! Hahaha..."
"Gago!"
May kumatok sa pinto ng conference room. Si Helga. "Architect DeAndre, may naghahanap po sa inyo. Nagpupumilit po syang..." Hindi na nya natapos ang pagsasalita nya ng hinawi sya sa gilid ni Kaye.
"Ang kulit mo! Hindi ka pa din nagbabago! Kakausapin ko lang si Drew!" - sabi ni Kaye.
"Architect, I'm sorry." - sabi ni Helga.
"It's okay Helga. Don't worry. You may go." - sabi ko.
"I told you! Now go!" - mataray na sabi ni Kaye. Pero hindi natinag si Helga. "Go!" - ulit ni Kaye.
Tiningnan ako ni Helga. "It's okay Helga. You can now go." Umalis na si Helga.
"Happy Birthday!" - bati ni Kaye sakin. Lumapit sya sakin at akmang yayakapin ako pero agad akong umatras. Natigilan sya at mukha syang napahiya dahil nandun pa din si Jason. "Hi, Jason."
"Hello." - sabi ni Jason. "Brod, labas muna ako ah." At umalis na din sya sa conference room.
"Why are you here?" - inis kong tanong.
"Harsh... I came here to greet you. It's the birthday of my one and only Hon."
"Thanks. Now go."
"Drew, don't be so cruel to me. I'm still your friend."
"Ng iniwan mo kong duguan ng sinaksak ako ni Marcus, tinapos ko na lahat pati pagkakaibigan natin."
"Drew, let's talk."
"Kaye ano ba? Hindi na kita mahal! Hindi mo ba naiintindihan 'yun?"
"I know you still have a space of me in your heart."
Natawa ako ng malakas. "You must be kidding. You're having delusions."
"So ano? Seryoso ka ba talaga sa Harry na 'yun? Sa baklang 'yun?"
Nag-iba ang mood ko sa sinabi nya. Biglang nag-init ang ulo ko. Nararamdaman ko ang pamumuo ng dugo sa aking ulo. "You have no right to call Harry like that!" - madiin kong sabi. Pinipigilan kong 'wag syang sigawan. "'Wag mo na ulit syang iinsultuhin! Ang lakas ng loob mong sabihin 'yun sa kanya! Sa harap ko pa!" Alam ko na namumula na ang mukha ko sa sobrang galit.
"Pero ganun nga ang tawag sa kanya sa pakikipagrelasyon sa'yo! Isa syang..."
Unconsciously, sinuntok ko ng napakalakas ang mesa ng conference room. Sa sobrang lakas ay naglaglagan ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa. "ENOUGH!" - sigaw ko sa kanya. "PLEASE KAYE, LUMABAS KA NA KUNG AYAW MONG MASAKTAN KITA!!"
Ikinagulat nya ang ginawa ko. "I-I-I'm so-sorry..." Ngayon nya lang ako nakitang nagalit ng ganito. Dati kasi nakapagtitimpi pa ko sa harap nya kahit sobrang galit na ko. Pero dati pa 'yun nung kami pa at ibang-iba na ngayon.
"Now leave!" Tinuro ko ang pinto papalabas pero hindi sya natinag. Pumunta ako sa glass door para pagbuksan sya ng pinto. Pero bago pako makarating ng pinto ay hinawakan nya ko sa aking balikat. Napaharap ako sa kanya. Hinawakan nya ang pisngi ko at bigla nya kong hinalikan sa labi. Nagulat ako sa ginawa nya. Natigilan ako. Siguro lima hanggang sampung segundo ang nakalipas bago ako makapagreact. Hinawakan ko sya sa balikat nya at itinulak ko sya palayo.
"Utang na loob Kaye! Hindi na kita mahal! 'Wag ka ng umasa pa! Nakikiusap ako, tigilan mo na ko. Mahal ko si Harry! Mahal na mahal ko sya! Kinalimutan na kita at ang lahat ng pinagsamahan natin. Alam mo, sobrang pinagsisihan ko ang pakikipagrelasyon ko sa'yo. Dapat itinuloy ko na lang ang paghahanap ko kay Harry nun. Sana inilaan ko na lang ang oras at apat na taon ko sa paghahanap ko sa kanya at hindi sana nasayang 'yun ng dahil sa walang kabuluhang pagsasama natin!!! Umalis ka na. 'Wag mong hintaying masaktan pa kita..." Natahimik sya sa sinabi ko. Mabuti na 'yun para malaman na nya na seryoso talaga ako kay Harry.
Biglang bumukas ang glass door. Si Jason. "Brod, nagkita ba kayo ni Harry?" - tanong ni Jason.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Para kasing nakita ko sya."
"Ha? Saan? Bakit? Nandito sya?" - sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Oo. Pero tumakbo sya papalabas."
Ng akmang tatakbo na ko sa labas, hinawakan ni Kaye ang kamay ko. "Drew."
"Hindi ko alam kung anong balak mo Kaye. And I don't give a damn to what you're thinking - or planning - right now. Pero kapag may nangyaring hindi maganda sa relasyon ni Harry, ikaw lang ang sisisihin ko." Dinuro ko ang mukha nya. "You are all to blame."
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya at mabilis akong tumakbo palabas ng conference room at hinabol si Harry. Isa lang ang dahilan para tumakbo sya. Nakita nya ng hinalikan ako ni Kaye.
"Helga? Si Harry?" - tanong ko ng makita ko sya.
"Nako Architect tumakbo po sya papalabas... Parang nagmamadali. . ."
"Mahal ko!" - sigaw ko kahit hindi ko sya nakikita. Naabutan ko sya na nakasakay na sa elevator. Pero papasara na ang mga pinto nun. Sinubukan kong pigilan ang pagsara pero hindi nako umabot. Sinubukan ko ding pindutin ang mga elevator buttons pero walang nangyari. Nakita ko na nasa 35th floor na ang elevator. Wala na kong choice. Mabilis kong tinungo ang fire exit. I'll take the stairs.
Kailangan ko syang maabutan. Wala akong pakialam kung manggagaling pako ng 36th floor basta kailangan kong ipaliwanag ang nakita nya.
Natakot ako sa nakita kong itsura ni Harry kanina. Lalo na ang mga mata nya. Hindi ko pa nakikita ang mga 'yun dati. Hindi ko maipaliwanag pero parang nawalan ng buhay ang mga mata nya. Dahil sa mga 'yun, nalalaman ko kung ano ang tunay na nararamdaman ni Harry. Lagi kong gustong tingnan ang mga 'yun. I can see his whole being through his eyes. At kanina, sa kauna-unahang pagkakataon, nawalan ng buhay ang mga 'yun. And for the first time, ayoko ng tingnan ang mga mata nya.
Halos liparin ko na ang pagbaba ng hagdan. Hingal na hingal ako ng makarating ako sa baba. Pero hindi ko pinansin 'yun. Agad akong pumunta sa isa sa mga elevators. Sana maabutan ko sya. Madaming tao sa lobby dahil siguro mag-lulunch na ang mga empleyado. Hinintay ko syang lumabas sa isa sa mga limang elevators kung saan nakakonekta ang floor namin. Walang Harry na lumabas. Hinanap ko sya sa paligid. Wala pa din. Nasan ka na ba mahal ko? Mahal ko...
Parang ang puso ko na ang naghanap sa mahal ko dahil nalilito na ang mga mata ko sa dami ng tao sa lobby. Nakita ko syang papalabas na ng tower. At nag-aabang ng masasakyan.
"HARRY!!!" - sigaw ko. Sa sobrang lakas ay napalingon sya. At lahat ng tao sa lobby ay napatingin din sakin. Wala akong pakialam kung pagtinginan nyo ko. Hindi ko kayo kailangan. Isa lang ang kailangan ko.
Pero nakita kong umiiyak sya. Kahit sa malayo ay alam kong lumuluha sya. Parang piniga ng kung ano ang puso ko ng makita ko sya sa ganoong kalagayan. Agad ko syang pinuntahan pero may pumaradang taxi sa harap nya.
"Mahal ko!!!" - sigaw ko ulit. Hindi na sya lumingon sa pagkakataong ito. Mabilis syang sumakay sa taxi. At mabilis ding umalis ang taxi - sakay ang mahal ko...

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon