IKATLONG YUGTO : PAGPAPAHIWATIG

3 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

[ T H U R S D A Y ]

( DREW Part )

6AM. Nag-alarm phone ko. Kailangan ko pang puntahan si Harry. Naligo nako, nagbihis at kumain ng breakfast ng kaunti. By 6:30AM, tapos nako. I've decided to bring my motorcycle. 'Yun na lang gagamitin ko. Walang masyadong hassle at mabilis akong makakapunta sa ospital. Baka kasi kapag kotse gagamitin ko ma-late pako. Kinuha ko na lang yung helmet ko at isa pang extrang helmet at pumunta nako ng ospital.

6:50AM. Sakto. Nakarating nako. Hindi pa siguro sya nakakauwi.

"Good Morning kuya," - bati ko kay Manong Guard.

"Good Morning din po Sir." - tugon nya.

"Ah, kuya nakita mo na bang umuwi si Harry?" - tanong ko.

"Hindi pa. Pero pababa na din siguro yun. Mag se-seven na din eh."

"Dito ko na lang sya hintayin sa lobby. Salamat ah."

Ng puntong iyon, nakita kong pababa na yung nurse na ka-duty ni Harry. Siya yung nurse na pinakiusapan ko dati ng magalit si Harry dahil sa mga sinabi ko. Sinalubong ko sya.

"Good Morning Miss." - bungad ko.

Nakita kong nagulat sya sa bigla kong pagsalubong sa kanya. "Ahh.. Mr. DeAndre.. Magandang umaga din." - tugon nya.

"Ah, Honey right?" Tumango sya. "Ah, gusto ko lamang itanong kung nasaan si..."

"Si Harry??" Sya na ang nagpatuloy ng tanong ko. Nangiti na lamang ako at tumango. "Pababa na sya, may ini-endorse lamang syang pasyente dun sa kapalitan namin."

"Ah, ganun ba. Sige hintayin ko na lang sya dito. Nice meeting you Miss Honey. At salamat din pala kasi tinulungan mo kong makipag-ayos kay Harry. Maraming salamat."

"Wala 'yun. Nakita ko kasing sincere ka sa pakikipag-ayos kay Harry kaya tinulungan na kita. Ah, sige mauna na ko. Pababa na yon, wag kang mag-alala. Sige bye."

"Bye. Salamat ulit."

Magugulat 'yon panigurado kapag nakita ako. I never informed him that I will come. Nakita ko ang vendo machine. Bili ko syang kape. Adik sa kape yun eh. Hehe. Binigyan ko na muna si manong ng kape. Nung una ayaw nyang tanggapin pero napilit ko din. Tapos kumuha ulit ako ng dalawa para sa amin ni Harry. Pumwesto ako dun sa lugar na hindi nya ko makikita. At sakto pababa na siya. Dumiretso sya sa coffee vending machine. I knew it. Adik talaga. Kaya nagmadali akong pumunta sa likuran nya.

"Good Morning, Harry."

Tumalikod sya. At kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nya. Hindi nya inaasahan ang pagsulpot ko dun.

"Coffee?" - alok ko. At binigay ko ang kape nya. Kinuha naman nya pero hindi pa din sya nagsasalita. Nakatitig lang sya sakin.

"I know I'm handsome and you don't have to say that." - biro ko.

"Baliw! Adik!" - mabilis nyang tugon. " Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" - tanong nya.

"Sinusundo ka."

"Ha? Bakit? Hindi naman ako nagpapasundo ah?"

"Oo nga. Pero ikaw naman iimbitahin kong pumunta sa place ko." - sabi ko. "Sige na. Sumama ka na. Off mo naman diba?"

"Oo nga. Pero..."

"Pero ano? May gagawin ka ba?"

"Hindi. Wala naman."

"Wala naman pala eh. Tara na."

"Ubusin muna natin yung kape natin." - sabi nya. "Upo muna tayo. Salamat dito ah."

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon