IKAWALONG YUGTO : PAGSUYO

6 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

( HARRY Part )
Turn ko na naman sa pag-inom ng alak . Hindi ko na yata kaya 'to. Feeling ko anytime masusuka nako. Nakatingin lang ako sa baso.
"Harry, ako na dyan." - bulong ni Drew.
"Ha? 'Wag na." Tumingin muna sya sa mga kaibigan ko at agad nyang kinuha ang baso at ininom na nya.
"Salamat" - bulong ko. At ganun na nga ginawa namin ng palihim hanggang matapos. Napansin 'yun ni Jen, Rizza, at Reg pero hindi na sila kumibo.
"Guys, magha-hatinggabi na. Uwi na tayo." - yaya ni Ruth.
"Oo nga, tuloy na lang natin 'to sa swimming bukas." - sabi ni Lance.
"Sige, sige. Pero hindi ko pa naririnig kumanta si Harry, eh." - sabi ni Alvin na lasing na lasing na.
"Pagbigyan mo na friend, para makauwi na tayo." - sabi ni Rizza.
Pumayag na ko total naman ako na lang talaga hindi kumakanta. Hindi naman ako magaling kumanta pero hindi naman ako sintunado. Naghanap ako ng makakanta sa song book sa tulong ng ilaw ng TV.
"Oy, 'Need You Now!'." - sigaw ni Isaac. "Duet 'yan ah. Drew samahan mo."
Akala ko, tatanggi sya pero game-na-game ang loko. Agad syang tumayo at pinuntahan ako. Nagpalakpakan naman ang buong barkada.
NOW PLAYING : Need You Now by Lady Antebellum
AKO: Picture perfect memories
Scattered all around the floor. (Sandali, isa lang ang mic ah.. Pano kami magduduet??)
Reaching for the phone cause,
I can't fight it anymore. (Bigla nyang hinawakan ang kamay ko na may mic.)
DUET: And I wonder if I ever cross your mind. (Dahil duet kami at isa lang ang mic, magkaharap kami ngayon. Adik talaga 'to. Nakatawa pa. Naririnig ko ang malakas na tili ni Rizza.)
AKO: For me it happens all the time.
AKO: It's a quarter after one.
I'm all alone and I need you now.
Said I wouldn't call, but I lost all control
And I need you now. ("Really? You need me?" - biro ni Drew. "I'm here." Nagtawanan silang lahat.)
And I don't know how I can do without,
I just need you now.
DREW: Another shot of whiskey,
Can't stop looking at the door.
Wishing you'd come sweeping in the way you did before.
DUET: And I wonder if I ever cross your mind. (Dapat duet kami. Kaya lang hindi sya sumabay. Tapos nagsalita sya. "Don't worry, Harry.")
DREW: For me it happens all the time. (Nagtilian at nagsigawan ang buong barkada. Nakakahiya. Ang ingay nila. Buti na lang nasa gitna kami ng bukid.)
DREW: It's a quarter after one.
I'm a little drunk and I need you now. (Tama! Lasing ka na nga!)
Said I wouldn't call, but I lost all control
And I need you now. (Sandali lang. Ang ganda ng boses nya. Ang lamig.)
And I don't know how I can do without,
I just need you now. (Natulala ako. Lalo na nakatitig at nakangiti pa sya sakin. Hindi ko pa sya naririnig kumanta dati. Hindi ko napansin 'yun kaninang nag-duet kami. Sobrang ganda ng boses nya. Para syang crooner.)
Dun sa pinakahuling chorus, nag-duet ulit kami. Nawawala ako sa tono dahil sa sobrang lapit ng mukha namin. Tapos gumigiling pa sya kapag kinakanta nya 'yung lyrics na 'I need you now.' Lasing na nga siguro 'to. Kung ano-ano ginagawa. Tuwang-tuwa naman ang mga nanonood samin habang ako naman matutunaw na sa sobrang hiya.
Pagkatapos ng kantahan at tuksuhan, nagtulungan kaming ibalik 'yung mga gamit sa bahay nila Adrianne at naghiwa-hiwalay na. 15 mins na lang lalakarin namin.
"Are you drunk?" - tanong ko habang naglalakad kami ni Drew pauwi.
"No! Why?"
"'Yung ginawa mo kaninang kumanta tayo? Sadya ba 'yun?"
"Sort of. Hahaha. Sorry Harry ah. Gusto ko lang mapasaya mga kaibigan mo."
"Adik ka talaga. Alam mo bang gusto kong mawala na lang bigla sa sobrang hiya." Loko-loko talaga. Pagdating namin sa bahay, naglinis at nagtoothbrush lang kami sandali at nagbihis na sa kwarto. Tulog na sila Mama.
"Harry, sandali lang. Mag-restroom lang ako." - paalam nya. Pero kakagaling nya lang dun ah.
Naglatag ako ng banig at nilagyan ko ng dalawang makapal na kumot para hindi ko maramdaman ang lamig ng sahig. Si Drew na lang sa kama.
"Harry, pinagdala kita ng kape." - sabi nya pagpasok at binigay nya sakin.
"Ano 'to pampalubag-loob?? Haha.. Salamat ah. Hati tayo." Sarap ng kape. Medyo nawala ang epekto ng kokonting alkohol sa katawan ko sa init ng kape. "Dito ka sa kama matutulog ah."
"Ha?! Bakit?! Ako na lang sa sahig."
"Hindi, dito na lang ako sa sahig. Bisita ka dito. 'Wag ng makulit." Inabot ko ang tira kong kape sa kanya at agad naman nyang inubos. Pagkatapos ay agad na syang humiga sa inilatag ko sa sahig.
"Drew! Ano ka ba naman?! Dito ka na lang sa kama." Nakapikit na sya. Ang taong 'to. Bahala ka na nga. Pinatay ko na ang ilaw at nahiga nako sa kama.
Nakakainis talaga. Kapag naipilit talaga. Inaantok nako pero hindi ako makatulog. Tsskk...
"Drew?"
"Yes?"
Ayaw ko sanang sabihin 'to pero mapupuyat naman ako kakaisip sa kanya. "Gusto mo bang tumabi sakin?" - tanong ko. Hindi naman masyadong maliit ang kama ko. Minsan, tumatabi nga si Ate Alex sakin.
Napansin kong bumangon sya at umupo. Kahit madilim ay nakikita ko pa din ang imahe nya dahil sa liwanag mula sa bilog na buwan na tumagos sa glass window ng aking kwarto. "Talaga Harry? Sigurado ka?" - tanong nya. Ang ganda ng imahe ng mukha nya na ang kalahati nito ay natatamaan ng liwanag mula sa buwan. Parang isang magandang painting.
"Oo."
Humiga sya ulit. "Ayoko! Baka kapag nakatulog ako dyan bumaba ka dito sa sahig." Tsskk... Bakit nya nahulaan ang balak ko? Ganun ba ko ka-predictable? Ganun na ba nya ko kakilala na pati mga iniisip ko alam na nya? Pero ayoko talaga syang mahiga dun.
"Hindi! Hindi ko gagawin 'yun." - sabi ko.
"Promise?"
"Promise!"
Mabilis syang umakyat sa kama at tumabi sakin. Tumagilid at humarap ako dun sa side ng kama para hindi ko sya makita. Hindi ako kumportable na nandun sya pero titiisin ko na lang.
"Drew, ang ganda ng boses mo. I always thought that maybe you have a good singing voice because your speaking voice is very gentle. And I'm precisely correct when I heard you sang."
"Thanks." - tugon nya. "Gusto mo kantahan kita?" Hindi ako sumagot. Tapos kinanta nya ang chorus ng 'Daylight' ng Maroon 5. Wow ang ganda talaga. Ang lamig. Para akong hinehele.
"Good night Harry." - sabi nya sa likod ko. "I love you."
I love you too, Drew. You succeeded to have my heart. It's all yours now. - sabi ko sa isip ko.
[ S A T U R D A Y ] (Araw ng Fiesta)
Nagising ako sa magandang ingay sa labas. Mga mosiko na nagmamartsa sa daan. Nagulat din ako dahil nakayakap sa akin si Drew. Kaya nga ayokong tumabi sa akin 'to eh, pero natuwa ako. Magkaharap ang mga mukha namin. Ang gwapo talaga nya!! Pinagmasdan ko ang mukha nya. Napaisip tuloy ako kung anong nagawa ko para mahulog ang magandang nilalang na 'to sakin. Ang swerte ko naman. Hehe.
Nabigla ako ng magsalita sya. "Morning, Harry." - sabi nya. Pero nakapikit pa din sya. Kanina pa ba sya gising? At matagal ko na ba syang tinititigan? Naalala ko yung mga kamay nyang nakayakap sakin, baka sabihin nya gusto ko 'yun. Well, hindi masyado. Konti lang. Hehe. Iaangat ko na sana 'yung kamay nya pero lalong humigpit ang ang pagkakayakap nya. Tiningnan ko sya at nakangiti ang loko pero nakapikit pa din.
"Drew, babangon na ko."
"Good Morning, Harry." - ulit nya.
"Oh sige na. Good Morning din. Now get your hand off me." Pinakawalan na nya ko. Agad akong bumangon at tumayo. Tumayo na din sya.
"I'm just returning the favor Harry." - sabi nya na nakangiti pa din.
"Returning the favor? Anong ibig mong sabihin?"
"Kagabi kasi habang natutulog tayo, nagising ako ng naramdaman kong nakayakap ka sakin. Tapos nakadagan pa 'yung isa mung binti sakin. Naisip kong nilalamig ka so I hug you back."
Ha? Ginawa ko 'yun? "You should've woke me up." Nakangiti sya. Useless din. Halatang gusto nya 'yun. "Sorry."
"Wala ka namang ginawang mali eh. Tulog ka at hindi mo alam 'yun."
"Tsskk. Sorry pa din. Bakit parang nagustuhan mo?"
"Syempre. Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya?! Hahaha..."
"Baliw! Adik!" - sabi ko. Tapos may naisip ako. "Tell me the truth, did you kiss me?"
"No! I want to but I controlled myself."
"Good."
"But if you want to, I'm more than happy to do it." Lumapit sya sakin na may ngisi na parang demonyo sa mukha.
"No! Drew don't do it!" - sabi ko. Lumayo ako sa kanya. "I'm warning you, Drew!" Papalapit pa din sya sakin. Umakyat ako sa kama at tumayo dun. "Drew, I'm serious!" Umakyat na din sya. "Stop it Mr. DeAndre!!" Huminto sya. Tapos may kumatok sa pinto. Si Matt.
"Tito Harry, gising ka na po ba? Tawag na po kayo ni Mame (si Mama). Mag-aalmusal na daw po."
"Oo Matt, pababa na kami ni Tito Drew mo." - sabi ko. Nakahinto pa din si Drew at mukhang nagulat sa pagkatok ni Matt. "Drew, tara na sa baba. Don't dare do that again ah! Adik talaga 'to."
Gumawa ako ng kape namin ni Drew. Hati na lang ulit kami. Tapos sumabay na din kami sa almusal.
"Ma, mamayang hapon na po swimming ng barkada." - paalam ko.
"Sige 'nak, ingat kayo dun ah. Matatanda na kayo. 'Wag ng mag-isip na parang bata."
"Ma, 'wag po kayong mag-alala kay Harry. Ako na po bahala sa kanya." - sabi ni Drew. Siniko ko sya. Humihirit na naman.
"Sige Drew anak. Alagaan mo si Harry ah."
"Mama!..." Pati ba naman si Mama.
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami ng mga dadalhin namin sa swimming. Napansin kong kanina pa may kausap si Drew sa phone. Tapos lumalabas pa sya sa kwarto para sagutin ang mga tawag. Halatang ayaw nyang iparinig sakin ang usapan ng kung sino mang kausap nya.
"Drew, may problema ba? Kanina ka pa parang balisa dyan."
"Ha?... Wala..." Natataranta pa syang sumagot. "Hmmm... Si Jason! May tinatanong lang sya."
"May problema ba sa firm?"
"Hmmm... Oo pero maliit na bagay lang." - sabi nya. Hindi ako kumbinsido at napansin nya 'yun. "Harry, 'wag mo ng alalahanin 'yun. Binigyan ko na ng instructions si Jason."
"Ok." Sabi mo eh. Tinulungan nya ko sa pag-aayos at ngayon puro text naman ang dumarating sa phone nya. Habang binabasa nya 'yung mga 'yun, nangingiti sya. Ano kayang problema? Mukhang nahanapan na ng solusyon ah.
1PM ng umalis kami. Sumakay kami kay Ares. "Sabay daw sila Adrianne, Rizza at Lance." - sabi ni Drew.
"Ha? Pano mo nalaman? May number ka ba nila?"
"Oo. Lahat sila!" Ang galing ah. Agad-agad. At 'yun na nga ginawa namin. 'Yung iba kasi may kanya-kanyang dalang sasakyan. Halos motorsiklo kaya dumiretso na sila dun.
Hinintay naming makumpleto kaming lahat sa main entrance, then pumasok at pumunta na kami sa cottage. Nakapag-reserve na daw si Tom at Drew ng cottage kaninang umaga. Malaki at maganda ang villa na nakuha nila. Heto yata ang pinakamahal. Dati, nagkakasya na kami sa mga mumurahing cottage, pero ngayon naka-centralized at fully-airconditioned pa cottage namin tapos may 2 rooms at may sariling restroom pa. Hindi naman kasi 'yun 'yung habol namin. Ang mahalaga may bonding pa din kami sa isa't isa.
Halos lahat kami ay hindi pa naglu-lunch kaya kumain kami agad pagkatapos naming ayusin ang mga gamit namin. Medyo mainit pa ang sikat ng araw kaya nagkakwentuhan muna sa loob. Napansin kong ang dami nilang coolers/ice box na dala. Sigurado ako puro alak ang laman ng nasa loob nun. Tsskk.. Ng 4PM na, nagbihis na kami at lumabas para maligo.
Public swimming pool 'yun pero ng araw na 'yun walang masyadong tao. Ayos lang naman samin 'yun at least hindi crowded. May favorite pool kami dun na may elevated platform/stage kung saan may mga nagpe-perform na banda. Masaya 'yun parang pool party. Mamayang gabi pa sila tutugtog.
Ang lamig ng tubig at ang sarap lumangoy. I'm not a swimmer pero mayroon naman akong konting alam sa paglangoy. Kasama ko sila Jen, Adrianne, Ruth, at Isaac. Si Drew naman kasama si Art, Tom, Francis at Alvin. Tinanong ko kay Jen kung nasan 'yung iba sabi nya nasa ibang pool daw. Bakit pa sila hihiwalay? Lalo na si Lei na hihiwalay kay Tom?? Weird. Kung nakikita lang ni Lei ngayon ang ginagawa ni Tom.
Habang nagkekwentuhan kami at nakalublob pa din ang mga katawan namin sa 4 and a half feet na pool, napansin kong madaming taong lumalapit sa grupo nila Tom. Kung hindi mga babae, mga bading. Hindi naman sila malayo samin kaya dinig na dinig namin ang mga usapan nila. Gusto nilang makita ang katawan ni Drew. Naka-white sando kasi sya nun at gray na boxers kaya kahit nakadamit sya ay kita pa din ang magandang hubog ng kanyang katawan. At gusto pa nilang makita ang kung anumang kakisigan ang nakatago doon. Habang kinukulit pa din sya, lalo na ng mga bading, tumitingin-tingin sya sakin. Anong ibig nyang iparating?? Kung gusto nyang ipakita ang kanyang katawan sa lahat, bahala sya. Hindi ko sya pipigilan.
"Guys, balik muna ako sa cottage ah. Naiihi ako eh."
"Dito ko na lang umihi sa pool. Hindi naman mapapansin eh. Lumayo ka na lang ng konti." - sabi ni Isaac.
"Kadiri ka talaga Newton!" - sabi ni Ruth.
"Loko-loko talaga 'tong si Newton. Sige ah, una na ko sa inyo." - paalam ko.
Umalis ako ng hindi nagpaalam kay Drew. Ni hindi ko nga sya tiningnan. Mukhang nag-eenjoy naman sila kaya hindi ko na inabala. Agad akong dumiretso sa restroom ng villa namin pero hindi ako umihi dahil hindi naman talaga ako naiihi. Ayoko lang makitang pagbigyan ni Drew ang gusto ng mga taong 'yun. Pero kung gusto talaga ni Drew na gawin 'yun, ok lang naman sakin kasi talagang may ipapakita naman talaga sya.
May biglang kumatok sa pinto ng restroom. "Harry?" Si Drew.
"Yes?" Bakit sya nandito?
"Anong ginagawa mo?"
"Umiihi..."
"That long?? You're almost 15 minutes there..." 15 minutes?!? Ganun na ba ako katagal dito? At kanina pa ba sya bumalik ng villa? "Nainom mo ba lahat ng tubig sa pool?" - biro nya.
"Of course not." Lumabas nako. "Bakit ka nandito?"
"Sinundan kita." - sagot nya. "Bakit mo ko iniwan?"
"Naiihi ako." - sagot ko. "Bakit masama na bang umihi ngayon?"
"Hindi naman." - sagot nya. "Bakit hindi mo sinabi sakin para masamahan kita?"
"Kaya ko naman eh." - sagot ko. "Bakit ka umalis dun? Di ba nag-eenjoy ka pa?"
"Of course not!" - sagot nya. "Bakit mo naman nasabing nag-eenjoy ako?
"Ah,.. Wala lang." - sagot ko. "Bakit hindi mo sila pinagbigyan?"
"Sino? 'Yung mga tao dun sa pool? Ayoko nga!" - sagot nya. "Bakit gusto mo bang pagbigyan ko sila?"
"I'm not the one who's requesting! And it's your sole prerogative to grant their demand." - sagot ko. "Bakit mo ko tinatanong?"
"I'm asking because I care for your opinions. You're right! It's my own prerogative but you are now part of my choices and my decisions - and even my actions. And your opinions may greatly change my decisions." - sagot nya. Nakatitig lang sya ng diretso sa akin habang nagsasalita sya. "Are we having a fight?"
Hindi ako nakatugon agad dahil nabigla ako sa mga sinabi nya. "No..." Ganun na ba kalaki ang parte ko sa buhay nya? "It's okay with me if you will stay there."
"I'm staying where my heart stays, Harry." Nginitian nya ko. He's so handsome and sexy right now. Ang lakas makaturn-on ng kanyang rugged, wet hair with those sparkling eyes and that smile! Pwede nakong mamatay!
Hindi ko talaga matagalan ang pagtitig sa mukha nya. Kumuha ako ng towel sa bag ko at pinunasan ko ang buhok nya at 'yung mga butil ng tubig sa katawan nya. Alam ko na nakatingin pa din sya sakin. "You have my heart, Harry. I'll go wherever you will go."
Oo na. Ang korny mo. "Magpalit ka muna kaya ng suot kahit 'yung pangtaas lang."
"Dalawa lang 'tong dala kong sando."
"Pero baka magkasakit ka. Ang lamig kaya." Dapat hindi ko na sinabi 'yun dahil agad nyang inalis ang suot nyang sando."
"Problem solved!" - nakangiti nyang tugon. Akala ko sanay na ko na wala syang suot na damit. Hindi pa pala. Nasolusyunan nga ang problema nya, ako naman namomroblema ngayon. Binalot ko 'yung pinampunas kong towel sa katawan nya. "Thanks." - sabi nya at umalis nako sa harapan nya. Kumuha uli ako ng ibang towel at ako naman ang nagpunas sa sarili ko. Umupo ako sa couch. Ang lamig pa din kahit pinatay ko na 'yung aircon.
"Coffee?" Umupo sya sa tabi ko at binigay nya ang dala nyang insulated bottle sakin. Nagtataka pa din ako kung paano nya naitatago sakin ang paggawa nya ng kape. Lagi nya kong sinosorpresa.
"Thanks Drew. You always know what makes me happy."
"Let's just say I'm also happy when I see you happy."
In fact, its not the coffee that makes me happy. It's you, Drew. Your concern, kindness, care, and your unconditional love. I'm happy when you're always with me.
"Guys, alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw pagbigyan ni Drew ang mga taong 'yun sa pool kanina." - sabi ni Jen pagpasok ng villa. Kasama nya sila Adrianne, Ruth, Rizza, at Isaac.
"Tama... For Harry's eyes lang pala 'yung gusto nila." - biro ni Ruth.
Heto na naman sila. "Guys, pansin ko lang bakit ang dami nyo namang dinalang cooler?"
"Ah, mga anu 'yan..." - mabilis na sagot ni Adrianne. "Mga alak... Lalasingin ka namin para sagutin mo na si Drew! Haha."
"Asa! Hindi naman ako iinom!" - tugon ko. Sabi na nga ba mga alak laman nun. "Nasan 'yung iba?"
"Nasa pool pa." - tugon ni Isaac.
Nag-ayang kumain ulit si Rizza kaya 'yun ginawa namin. Maya-maya pa ay dumating si Tom, Lei, Reg at Grace. Nakita kong nag-usap si Lei at Jen. Tapos umalis naman si Jen, Adrianne, Ruth at Isaac. Tinanong ko sila kung saan sila pupunta. Sabi ni Jen may bibilhin lang daw. After 15 minutes, si Art, Lance, Alvin at Jen naman bumalik. Tinanong ko si Jen kung ano binili nila, pagkain daw. Tinanong ko kung nasan ang pagkain, sabi nya dala ni Isaac. Umalis ulit si Tom, Lei, Grace at ngayon kasama si Rizza. Every 15 minutes, ganun ang ginagawa nila. May darating, tapos may aalis. Tapos nag-uusap sila ng pabulong. Tinanong ko sila kung anong nangyayari, pero hindi ako kumbinsido sa mga sagot nila. Magkakaiba at inconsistent. Weird. Then kinausap ni Francis at Art si Drew. Ngayon kasama namang aalis si Drew. Kinuha ni Drew ang bag nya.
"Sasama ako." - sabi ko. I need to know what's happening.
"Hindi Harry. Dito ka na lang." - sabi ni Francis. Ngayon sigurado nako na may kakaibang nangyayari. Kinuha din nila 'yung mga cooler.
"Drew, what's this?!" - naiinis kong tanong. Tningnan nya si Art at Francis.
"I'm sorry Harry." - sagot nya at agad silang umalis. Ano 'to? May nangyayaring ayaw nilang ipaalam sakin. At pati si Drew???
"Friend, 'wag ka ng magalit." - sabi ni Rizza. "Pumapangit ka." - biro nya. Pero hindi ako natawa at sumagot. Kinakausap din ako ni Isaac at Lance, pero hindi ko din sila kinikibo dahil hindi pa din nila sinasabi sakin kung ano nangyayari.
30 minutes ng wala si Drew. Naiinis ako sa kanya. 'Yung iba mapapatawad ko pa, pero sya?!! Tssskkk... He shall have a convincing explanation to this entire ruckus.
Dumating si Jen. "Guys, ok na!" - sabi nya. Nakangiti silang nakatitig sakin. What now? "Ano?? Sasabihin nyo na ba sakin kung ano ang nangyayari?" - inis kong tanong.
"Oo." - sabi ni Lance. "Pasensya na Harry."
"Tara na." - yaya ni Rizza.
Lumabas na kami sa cottage. Mag-7PM na nun kaya medyo madilim na. Tinanong ko kung saan kami pupunta, pero sunod na lang daw ako. Another stupid answer. May nadaanan kaming dalawang babae na nag-uusap.
"Ang ganda nuh? Ano kayang gagawin dun?" - sabi ng isa.
"Ewan. Pero romantic. Nakakakilig!!" - sagot ng pangalawa.
Hindi ko sila pinansin. Nagpatuloy lang akong naglalakad na sinusundan sila Jen. "Dito na tayo, friend. I'm so happy for you!" - sabi ni Rizza.
Tumigil kami sa function hall ng resort. Lugar kung saan ginagawa ang mga okasyon - birthday, anniversary, kasal, reunion, atbp. Hindi pa ko nakakapasok dun, malaking lugar 'yun tapos closed hall pa. Kumbaga, may privacy ang mga taong nagce-celebrate dun. Tapos napansin ko dun sa may bintana, iba 'yung liwanag sa loob. Parang liwanag ng nagsasayaw na apoy na kandila.. Ngayon, anong ginagawa namin dito?
"Ako din Harry. Joking aside. Masaya din ako para sa'yo." - sabi ni Lance.
"Just say 'Yes' ha!?" - sabi ni Isaac.
Itatanong ko na sana kung ano ang nangyayari ng buksan ni Jen ang pinto ng function hall. Nakita ko sa loob ang napakaraming kandila na nasa maliliit na baso. Parang 'yung nasa music video ng 'A Thousand Years' pero may makipot at mahabang espasyo sa gitna. Parang daan papunta sa kabilang dulo ng hall. Mahigit isang-daan yata ang mga kandila pero hindi 'yun sapat para paliwanagin ang malawak na hall. Sa kabilang dulo ng hall ang pinakamadilim. Walang kandila sa bahagi na 'yun.
"Guys, ano 'to?" - tanong ko.
"Malalaman mo lahat ng sagot sa kabilang dulo." - sabi ni Jen.
"Sige na friend!" - sabi ni Rizza.
Pero ayokong pumasok. Inakbayan ako ni Lance at Isaac at para nila akong tinutulak papasok ng hall. Wala nakong nagawa. Pagtapak ng mga paa ko sa hall, may musika akong narinig. Ang gitara ni Alvin at kasama pa ang piano ni Lei. Tapos ang musikang tinutugtog nila ay isa sa pinakapaborito kong kanta. 'Got to Believe in Magic.' Ang ganda talaga ng collaboration ng mga instruments nina Alvin at Lei.
"Harry, lakad na!" - sabi ni Jen sa may labas ng hall. Bakit hindi sila pumapasok? Nagsimula nakong maglakad sa daanang napapaligiran ng mga kandila. Naguguluhan pa din ako. Napatingala ako. Hindi lang mga kandila ang nagpapailaw sa buong hall. May mga glow-in-the-dark stars din na nakadikit sa dingding. Ang ganda. Para akong nasa space.
May napansin akong may nakatayo sa dulong bahagi ng hall. Paminsan-minsan ay natatamaan sya ng liwanag mula sa nagsasayaw na apoy ng mga kandila. Nakaputing sando sya at puti din ang kanyang shorts.
Si Drew! Bumilis ang tibok ng puso. Gusto kong tumakbo papalabas ng hall. Pero hindi sumusunod ang mga paa ko sa gusto ng isip ko. Parang may magnet si Drew na humihila sakin papalapit sa kanya. Tapos kumanta sya. Napahinto ako sa paglalakad pero hindi na sya malayo sakin. Siya naman ang lumalapit ngayon habang kumakanta sya.
Take me to your heart
Show me where to start
Let me play the part of your first love.
All the stars are bright
Every wish is ours tonight my love.
Pity those who wait
Trust their love to fate
Finding out too late that they've lost it.
Never letting go
They will never know the ways of love.
Got to believe in magic
Tell me how two people find each other
In a world that's full of strangers.
You've got to believe in magic
Something's stronger than the moon above
Cause it's magic when two people fall in love.
I may never know
Why I need you so
All I need to know is this feeling.
Handle it with care
We were born to share this dream my love...
Dun sa second chorus, si Regine na ang kumanta. Tapos nagliwanag na ang buong hall. Ang daming dekorasyon ng hall. May mga bulaklak na gawa sa makukulay na papel de hapon at may mga nakasabit din sa dingding. Ang ganda. Patuloy pa din ang pagtugtog nina Alvin at Lei habang kumakanta si Reg. Silang tatlo ay nasa kaliwang side ng hall. 'Yung ibang kabarkada namin ay nasa kanang bahagi ng hall. Nasa harap ko na si Drew na may dalang isang pulang rosas. Ano na naman 'to? Heto na ba 'yun? Napansin kong madami ding nakakalat na petals ng red roses sa sahig.
"I may not be perfect. I may not be the man you've dreamed of. I made mistakes and may commit many in the future. I am immature and childish. I'm not listening to what you're saying. I'm too persistent.
"But you let me into your life despite of what I did to you. You endured my imperfection. You showed me that I can be a better fit for the man you imagined. You've forgiven me. You understood my immaturity. And accepted me for who and what I am.
Diretso lang syang nakatitig sakin. Nakikita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. "Mahal kita Harry. Mahal na mahal. Sabihin mo ng makasarili ako pero hindi kita pakakawalan. Ayokong makuha ka ng iba sa akin. Ayokong mawala ka sa akin." Hindi ako makasagot sa mga sinasabi nya.
Lumuhod sya. "Sa'yo lamang ako Harry. Pangako ko 'yan. At pwede bang akin ka lang?? Hindi ko maipapangako na ako ang perpektong tao para sa'yo. Meron tayong mga hindi pagkakaunawaan at pagkakaintindihan, pero aayusin natin 'yun. Tayong dalawa - magkasama."
May kinuha sya sa bulsa nya. Isang singsing. "Kung pareho tayo ng nararamdaman para sa isa't isa, tanggapin mo 'to. This is a promise ring. I promise not to leave you - whatever happens. Harry gusto kong maging tayo. Higit pa sa kaibigan ang gusto kong magkaroon tayo. Now, if you believe in the magic of love.. If you believe in the magic of love that transcends the universe.. If you believe in the magic of love that conquers all.. If you believe in the magic of love that knows no reason, boundaries and sexual orientation... Take this ring."
Inaalok pa din nya ang singsing. "Sigurado nako Harry, ikaw ang pinakahuli kong mamahalin. Harry, let me be your first love, at sana ako na din ang huling taong mamahalin mo... Pangako Harry hindi kita iiwan. Pinapangako ko ito sa tapat ng mga kaibigan mo, sa harap ng mga dyos at dyosa ng Olympus, at sa Diyos na nasa taas na pinaniniwalaan kong nagbigay sa'yo sakin..."
Kanina pako nakatitig sa kanya. Wala na akong ibang narinig na mga tunog kung hindi boses lang nya. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. Nakangiti silang lahat. Pwera kay Jen at Rizza na parehong umiiyak. Tiningnan ko ulit si Drew. Ang lalaking matagal ng inasam ng puso ko. Ang lalaking nagpatibok sa akala kong natutulog kong puso na hindi marunong umibig. Sincere sya. At mahal nya ko. Ano pa bang hihilingin ko?
"Kasya ba 'yang singsing na 'yan sa daliri ko?" Inilahad ko ang aking kaliwang kamay sa kanya. "Pagkasyahin mo ah!" - biro ko. "Pwede bang ikaw na magsuot sakin??"
Nangiti sya at agad nyang sinuot ang singsing sa left ring finger ko. Tapos tumayo na sya.
"Does that mean you love me too?"
"I do." - sagot ko. "I love you too, Drew."
"YES!!!" Sumigaw sya at nagtatalon. Para talaga syang bata. Tapos niyakap nya ko ng mahigpit. "Thanks Harry!! Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon." Inalis nya ang pagkakayakap sakin at tiningnan nya ako sa mata. Nagseryoso ang mukha nya. "Can I kiss you?" - tanong nya.
Hinawakan ko sya sa pisngi at hinagkan ko ang kanyang mapupulang labi. Smack lang. "You're lucky. That was my first kiss." - sabi ko.
Natulala sya. Hindi nya siguro inaasahan na gagawin ko 'yun. Pinakita ko lang kung gaano ko din sya kamahal. "Wow." 'Yun lang ang nasabi nya. Tapos nagtilian at nagsigawan ang buong barkada.
"Pwede, isa pa?" - sabi nya.
"Tama na. Baka..." Natigilan ako kasi hinawakan nya ang mukha ko at sya naman humalik sakin. Magkalapat lang ang mga labi namin at medyo matagal 'yun kaysa nung una. Napapikit ako sa sobrang sarap sa pakiramdam.
"I love you, Harry." Napansin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Hinalikan nya ko sa noo. "I love you." Ngayon sa magkabilang pisngi naman nya ko hinagkan. "Mahal kita." Sunod, sa ilong. "Mahal na mahal kita, Harry." Pinakahuli nya kong hinagkan sa labi.
"Mahal din kita, Drew." At tumulo na ang mga luha ko sa sobrang kasiyahang aking nadarama. "Mahal na mahal..."

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon