IKALIMANG YUGTO : PAGTATAPAT

18 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

[ S A T U R D A Y ]
( HARRY Part )

7AM ng nagising ako. Inaantok pa ko pero nagpapasama kasi si Drew sakin. Nasan naba 'yun? Teka? Kagabi, nanood kami ng movie nila Jen, nakatulog ba ko? Oo! Pero bakit nandito ako sa kama ko? Si DREW!!!
Paglabas ko ng pinto, nakita ko si Jen na nag-aalmusal. "Morning Jen, si Drew?" - tanong ko. Pero nakita kong lumabas si Drew ng restroom. Nilapitan ko sya.
"Morning, Harry." - bati nya.
"Binuhat mo na naman ba ako?" - bulong ko sa kanya.
Ngiti lang ang sagot nya.
"Oo, binuhat ka nya..." - sabi ni Jen.
"Huh?" Alam nya? "Bakit hindi nyo ko ginising?"
"Gigisingin sana kita pero sabi ni Drew 'wag na. Buhatin ka na lang daw nya."
Tiningnan ko si Drew. Nakangiti na naman. Ang pungay pa ng mata kasi bagong gising. Pero inis pa din ako dahil hindi nila ako ginising. Pumasok ako sa restroom para maghilamos. Paglabas ko may hawak ng tasa ng kape si Drew at inalok ako. Hindi ko kinuha. Manigas ka dyan. Gagawa ako ng sakin. Pero bibiruin ko lang sya. Hehe. Kumuha ako ng tasa at kutsarita para mas makatotohanan ang pag-arte ko.
"Harry, heto na kape oh. 'Wag ka ng magtampo. Eh kasi tulog na tulog ka. Ayoko naman maistorbo tulog mo kaya binuhat na kita. Harry, sorry na..."
Tiningnan ko sya. Nakakaawa mukha nya. Nag-smile ako. "Joke. Akin na nga 'yan." - sabi ko. Nag-smile na sya. "Salamat ah." Sarap talaga kape nya.
"Salamat saan?" - tanong nya. "Sa pagbuhat ko sa'yo o sa pagtimpla ko ng kape?"
"Both..."
"Baka gusto nyo ng maupo dito para kumain at baka kayo almusalin ng mga langgam dyan sa sobrang sweet nyo."
Si Jen talaga. Pang-asar. Nagsimula na kaming mag-almusal. Pandesal, scrambled eggs, hotdog. Ang alat ng itlog.
"Kaw nagluto?" - pabulong na tanong ko kay Drew.
Umiling sya sabay tingin kay Jen. Mukhang nalasahan din nya ang itlog. Sabi na eh, alat talagang magluto ng itlog ni Jen. Kung makapaglagay ng asin, wagas.
"Bakit Harry, may reklamo?" - tanong ni Jen.
"WALA!!! Ang sarap nga ng luto mo eh. Lalo na itong ITLOG!!" - sabi ko.
Pagkatapos naming mag-almusal, sinabihan ko na si Drew na mauna ng maligo habang nililigpit ko ang mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay pumunta nako sa kwarto ko para magligpit. Teka? Saan kaya natulog si Drew? Mukhang hindi naman nagalaw yung foam dito sa likod ng cabinet. Pagpasok ni Drew, nakita kong nakatapis lang sya ng twalya. Bigla akong tumalikod. Ano bang akala nya, nasa condo nya sya? Kumuha na lang ako ng uniform sa cabinet para kung gabihin man ako, magbibihis na lang and I'm off to go.
"Harry, salamat sa pagsama sakin ah." - sabi nya.
"Ah.., Oo... Wala 'yun..." - sabi ko. Pero hindi pa din ako lumilingon sa kanya. (Ano ba? Hindi ka pa ba tapos?)
Mukhang napansin nya. "Hahaha, Harry ok na. Pwede ka ng lumingon. Nakabihis na ko." - sabi nya.
"Adik ka talaga. Bakit hindi ka pa kasi nagbihis dun sa restroom?"
"Nakalimutan kong magdala ng damit eh."
Kahit nakita ko na ang hubad baro nyang katawan nung nilinis ko sugat nya, naiilang pa din ako. 'Yung sugat nga pala. "Drew, 'yung sugat mo pala kumusta?"
"Ok na." - tinaas nya ung polo shirt nyang suot. "Tingnan mo tuyo nya." Hindi ako nakatingin sa sugat kundi sa katawan nya. Bwiset to ah. Sinasadya ba nya? Mukhang hindi naman. Ako lang talaga may problema.
"Buti naman. Sige na maligo na ko."
Pagkatapos naming maayos ang lahat, nagpaalam na kami kay Jen at umalis na. Ng makasakay na kami sa kotse, pinatugtog nya ang playlist nya sa kotse. Puro love songs. Kapag nakakarinig ako ng mga ganun, feeling ko in-love ako kahit I'm not in a relationship. At least diba, naranasan ko na ding ma-inlove kahit imaginary.
"Coffee?" - tanong nya sakin.
"May dala ka na naman?" - tugon ko.
"Yup, ni-refill ko lang bottle. Ginawa ko nung naligo ka."
"Thanks." Inalok ko din sya ng kapeng dala nya at hindi naman siya tumanggi. Malaki na ang pasasalamat ko sa taong 'to. Naguguluhan pa din ako kung bakit nya ginagawa lahat ng 'to. Bakit nga ba? Gusto ko na syang tanungin pero sa isip ko natatakot akong marinig ang sagot. At hindi ko din alam kung bakit ako natatakot.
Habang nasa daan, enjoy ako sa love songs at coffee. Tapos naalala kong may gusto akong itanong sa kanya kanina pa.
"Drew, san ka natulog?" - tanong ko. "Sa may foam ba?"
"Hindi."
"Sa sofa sa labas?"
"Neither."
"Huh? Don't tell me you slept on the floor!?"
"Of course not."
Hindi rin?? Eh wala ng ibang matutulugan dun ah.. Alangan namang matulog sya kay Jen, hindi nga ako nakakapasok basta-basta sa kwarto nya eh.. Saan kaya? Oh my... 'wag nyang sabihing...
"Sa kama mo ako natulog, magkatabi tayo... " - sabi nyang suot ang nakakaloko nyang ngiti.
"Ha? Bakit dun? Ang liit lang ng kama ko ah. Atsaka malikot akong matulog..."
"Hindi naman... Medyo lang... Hehe."
"Dapat kasi ginising mo ko ng naipaglatag kita."
"Ayaw nga kitang gisingin di ba..."
Hindi nako kumibo. Walang kapupuntahan pagtatalo namin. May isasagot at isasagot sya sa mga tanong ko kaya nanahimik na lang ako. Hindi lang ako makapaniwala na tumabi sya sakin. Adik talaga.
"Anong iniisip mo?" - tanong nya.
"Wala." - sabi ko.
"Harry, wala akong ginawang masama sa'yo." - biro nya.
"Ha? Hindi naman 'yung iniisip ko! Baliw!" - sabi ko.
Puro kwentuhan at biruan kami habang nasa byahe. Sobrang close na kami kahit wala pang isang linggo kaming magkakilala. Marami na din kaming alam sa isa't isa. Kilala ko na ugali nya at ganun din sya sakin. Sana magtagal kaming ganito... As friends syempre...
"Dito na tayo..." Nag-park sya sa parking lot ng isang mataas na building. Pumasok kami sa elevator ng building at nakita kong pinindot nya ang '36'th button. Mukhang mga propesyonal ang mga nagtatrabaho dito. Puro sila naka-long sleeves, slacks, at neck tie. Ganito din daw uniform nila sa firm sabi ni Drew nung tinanong ko sya. Wow, iniisip ko palang na ganito suot nya humahanga na ko. Bagay na bagay sa kanya.
Pagdating namin sa 36th floor, agad kong nakita ang ganda ng office. Nakita ko ang pangalan ng firm - 'Cruz, DeAndre, & Garcia Architectural Firm.'
"DeAndre? You are one of the associates?" - tanong ko.
"Ahh, hindi ako 'yan. Si Dad 'yan. Pero simula ng nag-resign si Dad sa Firm at ako na pumalit sa kanya, pwede mong sabihin na sakin na 'yang apelyido na 'yan."
Ipinakilala ako ni Drew kay Helga, secretary daw nila. Maganda si Helga. Cute kasi maliit. Tantya ko 4'10" lang taas nya. Naka-heels sya kaya tumatangkad. Sunod ipinakilala naman nya ako sa mga junior architects ng firm. Nagulat ako dahil 'Sir' ang tawag nila kay Drew. Hindi nya nabanggit sakin na isa pala syang senior architect dito. Wow. Senior? Bigatin pala 'tong isip-batang adik na 'to.
Pagkatapos pumunta na kami sa office nya. Ang ganda ng office nya. Kita ang labas ng building dahil salamin lang ang harang. Nakakatakot pumunta dun para kasing mahuhulog ka. Pero lumapit pa din ako at tiningnan ang view. Wow. Ganda dito ah.
"Nagustuhan mo?" - tanong ni Drew sakin.
"Oo, ang ganda ng office mo!" - sagot ko. Nakita ko ang isang painting nya na hindi ko napansin kanina dahil una kong nakita ang view sa labas na kita mula sa loob. Sobrang laki ng painting na halos sakop na ang kalahati ng isang wall ng office. Sa painting, nandoon ang 6 na matitipunong lalaki at 6 na nag-gagandahang babae. Feeling ko nasa harapan ko silang lahat. Life-sized. Pakiramdam ko nakatitig silang lahat sakin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang ganda ng painting. Mukhang mamahalin.
"Can you name them all?" - tanong ni Drew na kanina pa ata nasa tabi ko at kanina pa nakatingin sakin.
"Ah, hindi eh. Pero sigurado ako na si Zeus ang nasa gitna. Si Poseidon siguro ang sa kanyang kaliwa, at si Hera naman ang nasa kanan nya. Yung iba, hindi ko kakilala sa mukha." - tugon ko. Tama ako sa tatlong pangalang tinuran ko at ipinakilala na nya ang natitirang syam na diyos at diyosa ng 12 Olympian Gods ng Greek Mythology.
"Drew, ang ganda nito! Sobra!" - 'yun lang ang nasabi ko.
"I knew it. Magugustuhan mo din ito. Alam mo kahit araw-araw kong nakikita 'to hindi pa din ako nagsasawa. Pakiramdam ko kasi isa na din ako sa kanila." - sabi nya.
Habang namamangha pa din ako sa nakikita ko, may pumasok na lalaki sa office ni Drew. "Brod, heto na 'yung plano na papatingin ko sa'yo..." - sabi nya pero natigilan sya ng makita ako. Magkasing-taas sila ni Drew, moreno, semi-kalbo, at may hubog din ang katawan.
"Ah, brod I'd like you to meet Harry." - sabi ni Drew sa lalaki. "Harry, this is Jason. Senior architect din sya dito. And my only bestfriend." - sabi naman ni Drew sakin.
Nagkatinginan sila ni Drew. Tumango naman si Drew. Ano 'to?
"Finally, we've met! I'm Jason. Pleased to meet you." - inabot nya ang kamay nya. Binigay ko naman ang akin para makipagkamay. Bakit ganun ang sinabi nya?
"Harry." - tangi ko lang nasabi.
"Brod, patingin na 'yan. Hindi naman kami magtatagal eh. Dumaan lang talaga kami. - sabi ni Drew kay Jason.
"Harry, sandali lang ha, upo ka muna dyan. Hindi naman tayo magtatagal." - sabi nya sakin.
"Hindi Drew, take your time." - sabi ko.
Nagpunta na sila sa may office table ni Drew at duon inilatag nila ang nakarolyong malalaking papel at may drawings na dala ni Jason kanina. Puro straight lines lang nakita ko sa papel. Mukhang building. May pinag-uusapan silang hindi ko maintindihan. Umupo na lang ako dun sa upuan na kita ko ang painting. Ang ganda talaga. I'm always fascinated by the stories of Greek Mythology. Habang nagda-daydream ako dahil sa painting at nag-uusap pa din ang dalawang magkaibigan, may kumatok. After three knocks, Helga entered.
"Excuse me Architect DeAndre, aalukin ko lang po ng maiinom bisita nyo." - sabi ni Helga.
"Oh my!!! Ah, kape gusto nyan. Pero ako na lang magtitimpla Helga. Salamat." Pagkasabi nya nun, umalis na si Helga at pinuntahan ako ni Drew. "Harry, sorry, I forgot to offer you something. Wait a sec, I'll get your coffee." - sabi nya. Tatanggi sana ako pero nakaalis na sya.
Tumayo ako at lumapit ulit sa painting. Galing naman ng gumawa nito. Lalo na yung mga mata nila, parang nakatitig sakin.
"Alam mo, ganyan na ganyan si Drew." - sabi ni Jason. Nagulat ako dahil nasa tabi ko na sya. Nakalimutan ko na ding nandun pa sya sa sobrang preoccupied ko sa larawan. "Madalas ko siyang nakikitang nakatitig sa mukha ng mga 'yan. Hindi ko alam na may tao pa palang makikipagtitigan sa mga 'yan maliban sa kanya."
Ngumiti lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Ah, Harry gusto ko lang sabihin na malaki ang pasasalamat ko sa 'yo dahil sa pagbabalik mo kay Drew sa dati. Simula kasi nung iwan sya ni Kaye grabe ang pagbabago nya. Malungkot, sumpungin, laging galit sa mundo. Kaya may utang ako sa'yo." - sabi nya.
Hindi ko pa din alam isasagot ko dahil naguguluhan ako. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Mukhang nakita nya sa mukha ko ang confusion. "Hala, hindi mo pa ba alam?" - tanong nya.
"Ang alin?" - tugon ko.
"Lagot." - mahina nyang sabi.
"Harry, here's your coffee. Sorry talaga." - sabi ni Drew pagpasok nya at binigay sakin ang kape. Nagpasalamat ako. Bumalik na si Drew sa table. Si Jason nanatili sa pwesto nya.
"Harry, pwede bang 'wag mong sabihin kay Drew sinabi ko? - bulong nya sakin. "Lagot talaga ako kapag nalaman nya? Please?" - pakiusap nya.
"Ok." - tangi ko lang nasabi kahit hindi ko pa din alam ang dahilan..
"Jason, halika nga." - sabi ni Drew. "Tapusin na natin 'to. Tsaka wag mong ha-harass-in yang si Harry ah! Bubugbugin kita!"
"Thanks!" - bulong ni Jason sakin. "Nakikipagkaibigan lang eh." - sabi nya kay Drew at pumunta na din sa table.
Pagbabalik ko kay Drew sa dati?? Bakit ako? Atsaka sino si Kaye na nang-iwan kay Drew?? Baka girlfriend ni Drew. Pero wala naman naikekwento si Drew sakin. Iniwan daw sya so ex nya??
Habang kinakausap ko ang sarili ko, nakatingin ako sa pinakamagandang Dyosa sa lahat. Si Aphrodite. Ang ganda nya. Talagang sinadya ng pintor na pinakamaganda sa lahat ng dyosang nandoon si Aphrodite. Sya din ang dyosa ng pag-ibig. Tinanong ko sya sa isip ko, 'Dyosa ng kagandahan at pag-ibig, kelan kaya darating ang taong magmahal sakin? Sino kaya ang taong para sakin?'
"Ako na!" Narinig ko si Drew na nagsalita. Mukhang nagdi-diskusyon sila ni Jason. Medyo tumaas ang tono ng pagsasalita nya sa sinabi nyang iyon. Nakatingin pa din ako kay Aphrodite. 'Ano na po? Sino po ang taong magmamahal sakin?'
"Ako na nga!" - si Drew na naman. Nag-aaway ba sila? Lumingon ako. Mukahang my pinag-uusapan lang sila at hindi magkasundo sa isang bagay. Napansin ni Drew na nakatingin ako sa kanila. He smiled. I smiled back.
Tiningnan ko na lang ulit ang dyosa ng pag-ibig. Nakangiti din sya?? Hindi ko napansin yun kanina. Sa mga mata nya lang kasi ako nakatingin. Tanging sya lang ang nakangiti sa kanilang lahat. Sinadya din siguro ng pintor na nakangiti sya para lumabas ang totoo nyang kagandahan. 'Huwag nyo nga po akong ngitian lang. Hindi nyo pa po sinasagot tanong ko. Sino po?' - tanong ko ulit kay Aphrodite sa isip ko kahit alam kong imposible syang sumagot.
"Ang kulit! Ako na nga diba??" - sabi na naman ni Drew. Nagulat ako. Bakit sa tuwing tinatanong ko ang dyosa ng tanong kung sino ang taong magmamahal sakin, sumasagot naman si Drew.
Si Drew ba?
At tanging ngiti lang ang sagot ng magandang dyosa ng pag-ibig.
"Harry, hindi mo na naman iniinom ang gawa kong kape." - sabi ni Drew. Nasa tabi ko na sya. Hindi ko na naman napansin.
"Sorry, 'yung painting kasi." - pagdadahilan ko. Ininom ko na ang kape baka magtampo. Iniinom ko naman ang kape kahit lumamig na.
Kinuha nya sakin ang tasa. "Pahingi ah." - sabi nya at uminom dito. "Tingnan mo, sobrang lamig na nito." - sabi nya at binigay ulit nya yung tasa.
"Ayos lang naman. Iinumin ko pa din 'to." - tugon ko. "Gusto mo pa ba?". Tumango sya. "Tirhan na lang kita." Tinirhan ko sya at binigay na sa kanya ang kape. "Ubusin mo na."
Naalala ko yung mga tanong ko kanina sa dyosa at ang mga sagot naman ni Drew. Ikaw ba talaga yun, Drew? Imposible.
"Bakit? May dumi ba ko sa mukha?" - tanong nya. Nakatitig kasi ako sa kanya habang umiinom sya ng kape. Umiling ako. "Bakit ka nakatitig sakin? Nai-inlove ka na sakin no?" - biro nya.
"Adik ka talaga!"
After 30 minutes, umalis na kami ng firm. Masaya ako kasi unti-unti ko ng nalalaman ang pagkatao ng bago kong kaibigan. Inalis ko na sa isip ko ang mga tinanong ko kay Aphrodite kanina. Hindi ko alam bakit naglakas-loob akong itanong sa kanya ang mga 'yun. Nakakatawang isipin na kapag tinatanong ko sya, si Drew ang sumasagot. Haha. Imposible kasing mangyari 'yun kaya kinalimutan ko na lang. Pero ang hindi maalis sa isip ko ay ang mga sinabi ni Jason. Sino si Kaye?
Pumasok kami sa isang Japanese restaurant na hindi kalayuan sa firm. Lunch time na at nagugutom na din ako. Ng makahanap na kamin ng pwesto, binigay ni Drew yung menu book. Ang daming pagpipilian. 'Yung iba Japanese ang words kaya hindi ko maintindihan.
"Any suggestions?" - tanong ko kay Drew.
"Masarap ang tempura at beef teriyaki nila dito. Atsaka 'yung Udon noodle soup. Wanna try?"
"Sure." Umorder na sya sa waiter. "Pareho tayo?"
"Yup, 'yun din yung mga madalas kong kainin dito." - sabi nya. "How'd you like the place?"
"Great." - sabi ko. Para kaming nasa Japan sa lugar na 'to. Yung red motif, incryption, themes, decorations lahat Japanese-inspired. Pati 'yung mga waiters ang waitresses naka Japanese uniform. Pero mga Pinoy ang mga kumakain. Napansin kong marami ng nagdadatingan ng mga oras na yun. Mukhang maraming parokyano ang restaurant na 'to ah. Buti na lang nauna kami kung hindi wala kaming mauupuan.
Bumalik na yung waiter dala yung order namin. "Let's eat." - sabi ni Drew. Tama nga sya. Masasarap lahat ng pagkaing in-order nya. Dati na kong nakakatikim ng Japanese food pero heto 'yung pinakamasarap.
"Drew, ang sarap ng mga pagkain."
"I'm glad you're pleased."
Sa sobrang gutom ko at sa sobrang sarap na din ng pagkain, mabilis kong nakahalati 'yung kinakain ko. Napansin ko na ding parang walang gana si Drew dahil konti pa lang nakakain nya. Madalas ay nahuhuli ko syang patingin-tingin sakin.
"What's wrong?" - tanong ko.
"Nothing." - sagot nya.
"But you barely touch your food." - sabi ko. "Wala ka bang gana? May sakit ka ba? May problema ba?" Sa sandaling pagkakakilala namin, alam kong may mali. Naalala ko ang mga sinabi ni Jason. "C'mon, I'm your friend. Tell me."
"Harry..," - sabi nya. Halatang nag-aalinlangan syang ituloy ang sasabihin nya. Tumahimik na lang ako. Hindi ko naman sya pipilitin kung ayaw nya talagang sabihin. Nagbuntong-hininga sya. "Nung na-ospital ako, diba tinatanong mo kung saan ko nakuha yung sugat ko?" ( Ah,oo yun yung nagalit ka sakin tapos sinabihan mo ko na masama? Isang masamang panaginip. ) "At sorry ulit. Hindi ko talaga sinasadya."
"Nakalimutan ko na 'yun. Bakit? Handa ka na bang sabihin sakin ang tungkol dun?" - tanong ko. ( Nako Drew, subukan mo lang akong sigawan ulit. Ikaw naman babangungutin. Hehe. )
"Nakuha ko 'yun dahil sa ex-girlfriend ko, si Kaye." - sabi nya. Tama ako. Ex nya yung si Kaye. "Nurse din si Kaye kagaya mo. 'Yun din ang dahilan kung bakit nung una, galit ako sa mga nurses." ( Tama ba namang sisihin ang lahat sa pagkakamali ng isa. ) "Pero nung dumating ka, nagbago na ulit pananaw ko." Ngumiti sya pero nagseryoso ulit. "Pinagpalit nya ko sa isang lalaki na kakakakilala lang nya. Pinagpalit nya ang halos apat na taon na pagsasama namin. At alam mo ang mas masakit, wala siyang maibigay na rason kung bakit nya ko hiniwalayan. Ah, meron pala." Natawa sya. "Wala daw akong kwentang tao."
Ang sama naman pala ng Kaye na 'yun. Ganun nya lang itinapon ang apat na taon na pagsasama nila. At walang kwentang tao? Si Drew? Siguro nung una naming pagkikita, pwede ko pang sabihing wala talaga syang kwentang tao. But he already redeemed himself.
"Sa pagnanais kong ibalik ang dating kami, nakuha ko 'tong peklat na 'to sa aking tagiliran. Sinaksak ako ang lalaki nya. At nakita nyang lahat 'yun at hindi man lang nya ako tinulungan. Pero nagpapasalamat pa din ako dahil nangyari 'yun. 'Yun din ang nagtakda ng katapusan ng kahibangan at katangahan ko sa pag-ibig."
"Drew, ganyan talaga sa pag-ibig. Akala mo perpekto na ang lahat tapos may mangyayaring hindi mo inaasahan. Masakit. Oo. Pero hindi naman dapat matapos ang buhay mo dun. Marami pa namang iba dyan na mas masusuklian pa ang kaya mong ibigay. At sa nakikita ko ngayon, mukhang nakalimutan mo na sya."
"Tama ka Harry, nakalimutan ko na sya. Salamat ah." ( Salamat? Kanina nagpasalamat din si Jason. Ano bang ginawa ko? ) "Harry, hindi mo siguro alam pero ikaw ang dahilan kung bakit ko nakalimutan si Kaye. Sa limang araw pa lang na pagkakakilala natin, natutunan kong mabuhay muli. Akala ko hindi nako sasaya ng ganito." - sabi nya. ( Ano bang pinagsasasabi ng taong 'to? ) "You're making me happy, Harry. You know, I've never been this happy. I am happier the past four days with you than the past 4 years I've spent with Kaye."
Naguguluhan ako. Bakit nya sinasabi 'tong mga 'to? "What do you mean?"
"I don't wanna lose you Harry."
"Pero hindi naman ako mawawala. Magkaibigan na tayo, Drew." - sabi ko. Masyado nang seryoso ang usapan na 'to. 'Yun lang pala gusto nyang sabihin. "I'm your friend. Whenever you need me, I'm always here."
"Hindi lang 'yun ang gusto ko, Harry. I need you more than what you're thinking." - sabi nya. ( So ano? Ano pang gusto mong sabihin? ) Gusto kong marinig ang gusto nyang sabihin. Pero meron ding parte ng pagkatao ko na ayaw marinig ang sasabihin nya. "I need you, Harry and..." Nagbuntong-hininga sya. "And I think I love you."
Naalala ko ang lahat ng nangyari ng nakaraang apat na araw. Iba nga ang closeness namin sa isa't isa. Masaya din ako kapag kasama ko sya. Ibang klase ang saya ko kapag kausap ko sya. Nagtatanong ako at naguguluhan. Pero alam ko na ang sagot. Denial lang ako.
"Drew, hindi ito magandang biro."
"Harry, this is no joke. I mean it."
"Imposible! Hindi tayo pwedeng magkarelasyon."
"Dahil pareho tayong lalaki?? Oo, alam ko. Pero hindi imposible ang relasyong ito. Inaamin ko, hindi pa ako umibig sa kapwa ko lalaki dati, puro babae. Pero iba ngayon, nag-iba nung makilala kita."
"Drew, naguguluhan ka lang. Masyado lang tayong malapit sa isa't isa, as friends. Kaya mo nasasabi ito."
"Hindi Harry, sigurado ako sa nararamdaman ko."
"Si Kaye... Baka nangungulila ka lang sa pagkawala nya kaya mo nararamdaman ito."
"Wala na si Kaye sa buhay ko bago pa man tayo magkita. Tinapos ko na ang anumang ugnayan namin simula ng iniwan nya ko at ikaw Harry ang dahilan kung bakit tuluyan ko syang nakalimutan."
Ano ba 'to? Hindi ko alam sasabihin ko. Ano bang ginagawa mo sakin Drew. Huwag mo naman gawin sa akin ito.
"Pero Harry, kung meron ng ibang nagpapatibok sa puso mo... I'll..."
"Hindi Drew, wala." - pinutol ko pagsasalita nya. "Pero, hindi ko alam... Hindi ko alam sasabihin ko."
"Wala ka naman dapat sabihin. Ang mahalaga, malaman mo kung ano ang nararamdaman ko na MAHAL KITA at KAILANGAN KITA. Hayaan mo lang ako. Ngayon kung maisip mo at maramdaman hindi mo talaga ako gusto, as partner. Hindi ko na ipipilit. Let's just be friends. Pero hayaan mo ko, Harry. Nakikiusap ako."
Hindi ko pa din alam sasabihin ko. Nawalan na din ako ng gana. Nang napansin nyang hindi na ko kumakain, nag-aya na syang umalis. Hindi pa din kami nagkikibuan hanggang makarating kami sa kotse. Blanko ang isip ko. Kanina marami akong iniisip pero sa sobrang dami, minabuti na ng utak ko na burahin lahat.
"Harry, alam ko naguguluhan ka. Patawarin mo ko. Naglakas-loob na kong sabihin sa'yo dahil ayokong mawala ka."
"Iuwi mo na ko sa dorm." Gusto kong mapag-isa para makapag-isip.
"Hindi Harry, hindi kita iiuuwi na ganyan kalagayan mo. I'm fully responsible on you now." - sabi nya na parang pinagsasabihan ako. "At isa pa baka patayin ako ni Jen kapag nakita ka nyang ganyan." - biro nya.
Hindi ako natawa. Gusto ko ng umuwi. Pero ayoko na ding makipagtalo. Bahala ka.
"Meron pa kong gustong sabihin sa'yo." - sabi nya.
Ha? Meron pa? Ano ba naman, Drew? Hindi pa ba sapat ang stress na binibigay mo sakin?
"I have this favorite line in 'The Alchemist' by Paulo Coelho." - sabi nya. "So, I love you because the entire universe conspired to help me find you."
Paborito ko din ang linya na 'yun na galing sa 'The Alchemist.' Pero ano naman ang kinalaman nun sa sitwasyon namin ngayon? Sinagot nya ang tanong ko sa isip ko.
"Four years ago, there's a motor accident. Yung lalaking naaksidente, duguan at hindi makagalaw dahil sa bali nya sa braso at binti. Sa unang tingin, hindi na magtatagal ang tao. Swerte pa din sya kasi nakahelmet sya kaya hindi sya nawalan ng malay-tao. May iilang taong nandoon. Para maki-usyoso? Merong iba na nagsasabi na dapat tulungan ang lalaki, pero walang naglakas-loob para gawin yun. Alam din ng lalaki na anumang oras pwede syang mamatay. Tanggap nya na hanggang dun na lang sya. "Ayos ka lang, kuya?" Narinig ng lalaki ang isang boses. Minulat nya ang mga mata nya at kahit nahihilo, nakita nya ang isang lalaki na nakaputi. Nasa langit na ba ako? - tanong nya sa isip nya. Hindi. Imposibleng mapunta ako sa langit. "Kuya. Kumapit ka lang. Hihingi ako ng tulong." - sabi ng nakaputing lalaki. Pumikit uli sya dahil hindi na nya kaya. Paggising nya, nasa ospital na sya. Buhay pa sya. Agad nyang hinanap sa kaibigan nya 'yung lalaking tumulong sa kanya pero hindi alam ng kaibigan nya ang sagot. Kailangan nyang mahanap ang taong nagligtas sa buhay nya. Umasa sya na mahahanap pa din nya ang taong nagbigay sa kanya ng pangalawang buhay. At sa wakas, pagkatapos ng apat na taon, nakita na nya ang hinahanap nya..." Humarap sya sakin. "At ngayon, kaharap ko na sya."
"IKAW 'YUN???" - tanong ko. Habang nagkekwento sya, naalala ko ang mga pangyayaring 'yun apat na taon na ang lumipas. Ako 'yung lalaking nakaputi. Nursing student pa lang ako nun. Hindi ko yun makakalimutan. Pauwi nako nun ng makita ko ang naaksidenteng lalaki. Walang tumutulong sa kanya. I decided to help him. Ganun naman mga nurses, well kahit hindi naman nurse eh, kapag may nangailangan ng tulong dapat tumulong lalo na kung kaya mo naman. Malubha na ang lagay nya pero buhay sya. Agad kong tinawagan ang kaklase ko sa ospital at nagpadala ng ambulansya sa lugar namin. Hindi ko iniwan ang lalaki mula sa pagsama sa ambulansya hanggang makarating kami sa ospital. Hindi rin ako umalis sa ospital hanggang makasigurado akong maayos na sya.
"Iba ang itsura ko noon, diba? Medyo mataba, long hair tapos mahaba din ang mga balbas at bigote ko."
Tama. Mukhang adik ang taong 'yun. Kaya siguro walang gustong tumulong marahil sa takot na kriminal pala ang tutulungan nila. Sya ba talaga 'yun?? Ibang-iba ang itsura. Pero naalala ko yung pungay ng mga mata. Sya nga!!!
"Kaya nung muli kitang nakita sa ospital tapos nasigawan kita, Harry sobrang pagsisissi ko noon. Ang taong nagligtas sakin at matagal ko ng hinahanap, ginawan ko pa ng masama. Kaya kahit ikamatay ko, pilit akong humingi ng tawad sa 'yo." - sabi nya. Umiiyak sya. "Harry, patawarin mo na 'ko... Hindi ko talaga sinasadya..." Mapula na mga mata nya. Tumutulo pa din ang luha. "Harry, pinagsisisihan ko talaga 'yun. Patawarin mo na ko..."
"Drew, di ba pinatawad na kita? Isa pa, nakalimutan ko na 'yun." Nabigla ako sa reaksyon nya. Ngayon ko lang sya nakitang lumuha.
"Pakiramdam ko Harry pinatawad mo lang ako kasi nasabihan mo din ako ng hindi maganda ng araw na 'yun. Parang napilitan ka lang..."
"Hindi. Pinatawad na kita." - tugon ko. Ganun pala ang iniisip nya simula nun. Na hindi bukal sa kalooban ko ang pagbibigay ko sa kanya ng hinihingi nyang kapatawaran. "'Wag ka ng umiyak. Please..."
Bigla nya kong niyakap. "Salamat. Makakahinga nako ng maluwag." Ibig sabihin, matagal na nyang dala-dala 'yun sa dibdib nya. "At Harry, maraming maraming salamat sa pagliligtas mo sakin nun." Humigpit ang yakap nya. "Utang ko sa'yo ang buhay ko."
Umiiyak pa din sya habang nakayakap sakin. Ang init ng katawan nya. Medyo natagalan ang pagkakayakap nya. Hindi ko naman sya pinigilan. Nakangiti na sya ng bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin. In-start na nya ang sasakyan. "Tara na sa condo." Hindi kami nagkibuan hanggang makarating na kami sa condo. Naiilang ako sa kanya.
"Harry, sige magpahinga ka na. Doon ka na sa kama ko."
"'Wag na Drew. Dito na lang ako sa sofa."
"Sige na, Harry. Dun ka nalang sa kama. Hindi naman din ako mahihiga dun. Atsaka malikot kang matulog, baka mahulog ka pa. At kapag nahiga ka at nakatulog dyan sa sofa, bubuhatin kita ulit."
Hindi na ko kumibo. Ayoko na ding makipagpatalo. Pumunta nako sa kwarto nya at nahiga sa kama nya. Iniisip ko ang mga sinabi nya. Bakit ako pa, Drew? Bakit?
30 mins later, gising pa din ako. May kumatok sa pinto. "Harry, may kailangan ka ba?" - sabi nya sa may kabila ng pinto ng kwarto. Hindi ako sumagot. Akala ko umalis na sya pero pumasok sya sa kwarto. Nagtulog-tulugan ako. Dahan-dahan syang umupo sa may gilid ng kama. Ano kayang gagawin nya?
Kinuha nya ang kaliwang kamay ko ng dalawa nyang palad at nilagay nya ang kamay ko sa mukha nya. Naramdaman kong nasa mukha nya ang palad ko dahil ramdam ko ang maliliit na tubo ng buhok sa kanyang pisngi. Kiniskis nya ang mukha nya sa palad ko na parang dinadama nya ang init ng aking palad. Ano bang ginagawa ng taong 'to? Nakikiliti ako sa ginagawa nya pero hindi pa din ako nagpahalata na gising ako. Hinalik-halikan nya ang palad at likod ng kamay ko. Ang init ng hininga nya. Pauit-ulit nyang ginawa 'yon tapos may naramdaman akong mainit na likido. Luha? Umiiyak na naman sya?? Narinig ko na din ang mahina nyang pagtangis. Bakit na naman??
"Harry, patawarin mo ko. Hindi ko sinasadyang ilagay ka sa ganitong sitwasyon." Lumalakas ang pag-iyak nya. "Pero mahal na mahal kita Harry, at ayokong mawala ka sakin."
Seryoso talaga sya. Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinabi nya. Sige, Drew. Pagbibigyan kita dahil magkaibigan naman tayo. Pero sana matauhan ka na Drew. Hindi pwedeng maging tayo. Hindi talaga dahil mali. 'Yun ang sinasabi ng isip ko. Pero iba ang sinisigaw ng puso ko. Alam ng puso ko na may nararamdaman din ako para kay Drew. Mahal ko na ba sya? OO. Mahal ko sya at natatakot akong malaman nya...
( DREW Part )
"Harry... Harry..." Ginigising ko sya. Minulat na nya ang mga mata nya. Natatakot akong tingnan ang kanyang mga mata. Nawala ang mga kislap nun nung nagtapat ako sa kanya kanina.
"Harry, 5 o'clock na, diba may pasok ka pa?" - sabi ko.
"Ha? Oo nga... Buti na lang ginising mo ko." - sabi nya pero halatang inaantok pa sya. "Teka, bakit basang-basa ka? Pawis ba 'yan?"
"Oo, kakatapos ko lang kasi magwork-out." - sagot ko. "Ah, gusto mong kape?"
"Yes, please." Agad akong pumunta ng kitchen para ipagtimpla sya. This is the least I can do after what I've done to him. Buti naman kinakausap na nya ako.
"Drew, palitan mo na kaya ang suot mong sando." - sabi nya paglabas ng kwarto at dumiretsong umupo sa isa sa mga upuan ng dining table.
"Hindi na, maliligo din naman ako pagkatapos kong magluto ng dinner natin." Inabot ko ang kape nya.
"Thanks. Gusto mo tirhan kita?" - alok nya.
"Ha??" Nagulat ako sa tanong nya. Ok na ba sya? "Sure." - sagot ko. Sinimulan ko ng lutuin ang dinner. Chicken adobo. Hindi masyadong hassle lutuin at hindi kailangan ng mahabang oras sa pagluluto.
"You need a hand?" - tanong nya.
"Thanks, but I can manage." - tugon ko. Napansin kong ininom nya ang ginawa kong kape. That's a relief. Hindi na siguro sya nagtatampo sakin.
"Drew, don't you think you're overexerting yourself? Hindi mo ba masyadong inaabuso katawan mo?"
"I don't think so. Sanay na ko. Pakiramdam ko nga magkakasakit ako kapag hindi ko 'to ginagawa."
"But you're sweating a lot, considering your unit is fully air-conditioned..." Cocerned pa din sya? "Pwedeng pahiram ng towel?"
"Maliligo ka na ba? Kuha ka na lang sa drawer ko sa kwarto."
Bumalik sya sa kwarto at narinig ko na syang lumabas ilang sandali lang. Akala ko dumiretso na sya sa bathroom pero nagsalita sya sa tabi ko.
"Drew, harap ka muna sakin." Humarap ako. Pinunasan nya ng towel ang pawis ko sa mukha, buhok, leeg, balikat... Hindi ako makapagsalita. "Ngayon, tumalikod ka." Sumunod naman ang katawan ko. Tapos pinunasan naman nya ang batok ko at likod. "Hindi ka dapat nagpapatuyo ng pawis. Para kang bata. And don't tell me you don't know that." Inayos nya ang pinampunas nyang towel at hinayaan sa likod ko. "Now face me." Humarap ako. Blanko ang isip ko. "Mr. DeAndre, madami na kong inaalagaang pasyente sa ospital. Pwede ba, 'wag ka ng dumagdag pa?" - biro nya. Ngumiti sya. Bumalik na din ang saya sa mga mata nya.
Kinuha nya ang tasa ng kape. Uminom sya ng konti at binigay sakin. "Oh, tama na yung init nito. Inumin mo na." Ininom ko 'yung kape. Parang natauhan ako. "Kumuha na ko ng towel ah, mauna na kong maligo." - paalam nya. Tumango lang ako. Hindi pa din ako makapagsalita.
Tama ba 'tong nangyayari? Totoo ba 'to? Hindi na sya galit sakin. Kinakausap na nya din ako. Narinig nya kaya ang mga sinabi ko kaninang tulog sya? 'Di na bale, ang mahalaga ayos na kami ulit. Buti naman.
Pagkatapos nyang maligo, dumiretso na sya sa kwarto para magbihis. Paglabas nya, "Drew, maliligo ka ba? Ako na dyan."
"Ah, oh sige. Pero pinalalambot ko na long 'tong karne. Patikman na lang din baka may kulang pa." Pumunta nako sa kwarto para kumuha ng damit at dumiretso sa restroom. Pagkatapos kong maligo, nakita kong nakahanda na ang mesa.
"Drew, kain ka na dito. Upo ka na."
"Dapat hinintay mo nako. Baka madumihan ka pa."
"Anong akala mo sakin? Bata?" - biro nya. "Huwag mo akong itulad sa'yo. Sige na kain na."
"Upo ka na din. Kumusta pala luto ko?"
"Perfect. As usual."
Nagsimula na kaming kumain. Gusto ko sanang itanong kung payag na syang ligawan ko sya. Pero 'wag muna.
"Si Ares o si Hermes?" - tanong ko.
"Hmmmmm... Who do you suggest?"
"Si Hermes. It's already past 6 o'clock. We can get earlier in the hospital if we will ride on Hermes. He's the fastest god after all."
"Hermes, it is." - sang-ayon nya. Natuwa ako. May inner motive din ako kung bakit si Hermes ang sinu-ggest ko. Maglalapit na naman kami at wala syang choice para yakapin ako... Hehe.
Ng makakain at makapagligpit na kami, nagpunta na sya sa kwarto para maghanda sa pag-alis Pagkakataon ko na 'to. Pinaghanda ko sya ng maiinom nyang kape. Dalawang timpla ginawa ko sa dalawang insulated bottles. Medyo mahaba ang gabi para sa kanya. Kakailanganin ito ng mahal ko. Nilagay ko ang dalawang bote sa isang closed paper bag. Sakto, paglabas nya tapos nako.
"Ready?" - tanong ko. Tumango sya.
"Ano 'yan?" - tanong nya sabay turo sa hawak kong paper bag.
"Nothing... Just some stuffs... Ah, heto jacket oh, malamig sa labas." - alok ko. "Atsaka heto helmet."
"Wow, bago to ah... Nasan yung pink?"
"Tinago ko na..."
"Ok naman sakin 'yun. Hindi ka na dapat nag-abala pa." - sabi nya. "Hmmm, kay Kaye ba 'yun?"
"Oo..."
"Ahhh, Ok. Let's go?"
As much as possible, ayoko ng magkaroon ng mga bagay na mag-uugnay sakin kay Kaye. Madalas pa din syang magtext at tumawag. Pero hindi ko sya sinasagot. Magpapalit nako ng number.
Para akong nasa langit habang nasa byahe. Yakap ako ng taong mahal ko. Sana laging ganito. 10mins before seven, nakarating na kami sa ospital. Binigay ko na ang sorpresa ko.
"Heto oh, baon mo."
"Huh? Ano 'to?" Binuksan nya ang paper bag. "Kape?! Drew, salamat ah. Hindi ako aantukin nito. Salamat talaga." - sabi nya. Sige Harry, ngiti ka lang. 'Wag ka ng malulungkot ah. "Walang anuman. Bukas ulit ah, susunduin kita."
"Oo nga pala Drew, 'wag na. Magsisimba ako bukas."
"Great! Magsisimba din ako."
"Drew, hindi mo naman kailangang..."
"Harry, nagsisimba ako every Sunday." - putol ko. Masaya ako dahil may makakasama nako. Hindi tulad dati. Mag-isa lang ako. Minsan, sumasama si Kaye pero kapag pinilit ko.
"Ahh... Okay? Oh sige, pasok nako. Ingat ah."
"Bye Harry" - paalam ko. "I love you." - mahina kong sabi.
Lumingon sya. Tiningnan nya ko ng masama. Narinig nya ba ang sinabi ko. Galit ba? You're so stupid Drew, sabi ko sa sarili ko.
Ngumiti sya. Ibig sabihin ba nun okay lang sa kanya 'yun? Sana nga. Kumaway sya tanda ng pamamaalam. I waved back.
Nung nasa lobby na sya, tinawag sya ng isang lalaki. Nurse din. Binigyan nung nurse si Harry ng kape mula sa vendo. Ngayon ko lang nakita 'yung lalaking 'yun. Nag-usap sila tapos bigla na lang tumawa si Harry. Hindi ko pa nakikitang ganun tumawa si Harry. Kaibigan nya siguro. Mukhang close na close sila. Tapos umakyat na sila. Sino kaya 'yun? Medyo nainis ako. Mukhang alam din ng lalaking 'yun na paborito ni Harry ang kape. Tssskkk!!! Atsaka bakit nandun siya sa lobby? Hinihintay nya ba si Harry? Tssskkk!!! Nagseselos ako?? Oo!! 'Yung tawa na 'yun ni Harry, hindi ko pa nakita 'yun nung mga panahong magkasama kami.
Hanggang nakauwi ako, hindi ko pa din matanggal sa isip ko 'yun. Naiinis ako. Gusto kong tanungin si Harry, pero ayokong magpahalata. Isa pa, hindi naman kami. Kaya malaya nyang kausapin kung sino mang gusto nyang kausapin. Kaibigan lang 'yun ni Harry. 'Yun lang.

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon