IKALABINGWALONG YUGTO : PAGSISIMULA

3 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

( DREW Part )
"Tito Drew, maraming salamat po sa regalo nyo ah..." - sabi ni Matt.
"Buti naman nagustuhan mo, Matt." - tugon ko at naghigh-five kaming dalawa.
"Oo nga Drew, hindi nya na nga mabitawan ang remote control ng kotse nya eh." - sabi ni Ate Vanessa.
"Nagustuhan din namin lahat ng Christmas gifts mo sa amin, anak." - sabi ni Tita Jean. "Maraming salamat."
"Wala pong anuman 'yon Tita."
Umuwi kami ni Harry dito sa probinsya ng December 24 at dito na kami nag-Pasko. December 26 ngayon at ito ang araw ng pag-alis namin ni Harry papuntang States.
"Oh, heto na hinihintay mo Drew." - sabi ni Kuya Bart. "Tagal maghanda."
Agad kong pinuntahan si Harry at tinulungan ko syang dalhin ang malaking bag na dala nya. Kasama nya si Mama na nanggaling sa taas.
"Thanks." - sabi ni Harry. "Sigurado ka, my love ah? Ayos na 'to? Konti lang ang damit na dinala ko."
"Oo, mahal ko. Pwede na 'to. Ilang araw lang naman tayo dun. At may iba pa naman akong damit sa L.A. na pwede mong gamitin."
"Ok. Ikaw wala ka na bang nakalimutan?"
"Wala na, mahal ko. Di ba na-check mo na din kagabi?" Tumango sya.
"Best wishes sa inyong dalawa ah." - sabi ni Ate Alex. "Sana nandun din kami sa kasal nyo."
"'Wag kang mag-alala Ate, may videocam si Kuya Drixx. He'll take a video of our wedding para makita nyo din." - sabi ko.
"Oi... Drixx daw..." - tukso ng kakambal nyang si Kuya Bart.
"'Wag mo kong simulan Bartholomew ah!!" - inis na sagot ni Ate Alex. "Nakakarami ka na sakin."
"Pakipot ka pa kasi Alexandra.." - tugon ni Kuya Bart.
"Oo nga Ate. Halatang gusto mo din naman si Kuya Drixx eh..." - sabi ni Harry.
"Harry! Akala ko ba magkakampi tayo?! Eh bakit mas kinakampihan mo pa 'tong si Bart?" - galit na tugon ni Ate Alex.
"Kayong tatlo, tama na 'yan.. Andyan si Matt oh..." - saway ni Mama sa tatlong magkakapatid. "Oh pano mga anak, mag-ingat kayo ah." - sabi naman ni Mama saming dalawa ni Harry.
"'Wag na po kayong mag-alala. Aalagaan ko po ang asawa ko." - sabi ko sabay yakap sa bewang ni Harry. Tiningnan nya ko ng masama.
Natawa silang lahat. "Tumawag kayo agad kapag nakarating na kayo dun. Laging magdadasal ah." - dagdag pa ni Mama.
"Opo. 'Yun po 'yung una naming gagawin Mama kapag nakarating kami." - tugon ni Harry.
"Oh Drew, ikaw na bahala dito kay Harry ah." - sabi ni Tita Jean. "Congratulations ulit."
"Salamat po, Tita." - tugon ko.
----------
Almost 16 hours ang naging byahe namin sa eroplano. Nagkaroon kami ng stopover sa Seoul, South Korea at naghintay pa kami ng halos isang oras dun. At sa bawat oras na nasa eroplano kami ay lagi ko syang hinihingi ng kape. I tried to convince him to get some rest dahil sigurado maninibago sya sa pag-iiba ng time zones. But he's so absorbed reading the 'Breaking Dawn,' ang last sequel ng Twilight series na birthday gift ni Hunter. Adik talaga 'to sa pagbabasa. Almost 2 months lang nya natapos ang unang tatlong libro ng Twilight tetralogy at ngayon malapit na nyang matapos ang mga pinakahuling chapters ng Breaking Dawn. Baka nga bago kami mag-landing ng Los Angeles ay matapos na nya ang libro.
"Mahal ko, magpahinga ka naman. Please." - pakiusap ko ng malingat ako at inistorbo sya. "Makakatikim talaga si Hunter sakin kapag bumalik tayo ng Pilipinas. Magsisisi syang 'yan ang birthday gift nya sa'yo." Wala syang naging reaksyon. Nagpatuloy lang sya sa pagbabasa.
Inaamin kong nagseselos ako sa mga librong binabasa nya. Pakiramdam ko kasi nakakalimutan na nya ako habang nagbabasa sya. Minsan talaga sinasadya ko syang istorbohin at sa mga pagkakataong 'yon ay hindi sya naiinis o nagagalit sa akin kahit alam nyang sinasadya ko 'yun. Sa mga pagkakataon namang 'yon ay ititigil nya ang pagbabasa nya at kakausapin ako. "Kumusta naman ang love story ni Edward at Bella?"
"Ayos lang." - matipid nyang sagot habang diretso pa din ang pagbabasa nya.
"How about the coffee-flavored love story of Drew and Harry? Ano na kayang balita dun?"
Tiningnan nya ko mula sa gilid ng kanyang mga mata na nakataas ang isang kilay. "I think Drew and Harry are also doing good. Pwera na lang magbago ang isip ni Drew at iwan nya si Harry."
"Hindi gagawin ni Drew 'yun." - mariin kong tugon. "Pwera na lang din kung sasabihin ni Harry na lumayo si Drew sa kanya."
"Sa tingin ko naman hindi sasabihin ni Harry 'yun... At sa kulit ni Drew? Alam na alam kong hindi nya lalayuan si Harry." Binaba nya ang librong binabasa nya sa kanyang kandungan. "Coffee?" - alok nya. Kinuha ko at ininom ang tira nya.
"Sorry."
"Ayos lang ako my love, don't worry." Ngumiti sya. "Ayaw mo nun? Kapag natapos ko na 'to, hindi ka na magseselos sa libro na 'to." Napansin nya ang kalituhan sa mukha ko. "My love, akala mo ba hindi ko napapansin? You're jealous with the books I'm reading. Napaka-childish mo talaga."
"No! Bakit naman ako magseselos?" - pagsisinungaling ko at ninakawan ko sya ng halik. "Hindi naman nila kayang halikan ka eh... Hehe."
Nakita ng isang Koreana na nakaupo sa kabilang upuan ng eroplano ang ginawa kong paghalik kay Harry at kita namin sa mukha nya ang pagkabigla at pagkagulat.
"Drew! Don't dare do that again ah!" - nakangiting sabi ni Harry at ninakawan ko ulit sya ng halik.
Nakatingin pa din sa amin ang Koreana at nakita nya ulit ang ginawa kong paghalik kay Harry. Pero iba na ang naging reaksyon nya ngayon. Umiling-iling sya na nakangiti at sinabi nya sa Korean accent... "You're a perfect couple." Kami naman ang naguluhan ni Harry sa sinabi nya.
"Perfect couple daw tayo mahal ko?" - nakangisi kong tanong. "Pa-kiss nga ulit..."
Tinakpan nya ang mukha nya ng hawak nyang libro. "Umayos ka nga Drew!" - sabi nya sa ilalim ng libro. "Nakakahiya..."
Pagkasabi nya nun ay napansin kong humagikgik sa tawa ang Koreana na parang kinikilig at parang naintindihan nya ang sinabi ni Harry na ikinagising naman ng katabi nyang pasahero. Narinig ito ni Harry at napagtanto nya na kami ang dahilan ng pagtawa nya at mahina nyang hinampas ang braso ko ng hawak nyang libro.
----------
It's almost 10:00AM-L.A. Time (1:00AM-Manila Time) when we landed on Los Angeles International Airport and took a cab (taxi) that will ride us home.
"Excited na ko, my love." - sabi ni Harry ng nasa byahe na kami pauwi.
"Excited saan, mahal ko? Makita sila Mom o ang kasal natin?" Hinalikan ko ang mga singsing sa daliri nya.
"Pareho."
"You guys a couple?" - tanong ng driver. "Are you here for a marriage?"
"How do you say so?" - tanong ko.
"It's obvious. And there are many gay couples who planned to marry here in California." Hindi kami nakasagot sa tinuran ng driver. "FYI. I have nothing against same-sex marriage." Natigilan sya sandali bago sya nagpatuloy. "Honestly, I'm kinda jealous of you guys."
"Sorry?" Hindi ko maintindihan ang sinabi nya.
Natawa sya. "Like you, I am in a relationship with a man. And he does not want to marry me." Malungkot nyang tinuran ang huling pangungusap. "But I know he loves me and that's for sure."
Naghihintay siguro sya sa isasagot naming dalawa ni Harry pero nabigo sya. Hindi pa rin kami nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin, at siguro ganun din ang sitwasyon ni Harry. Kaya nagpatuloy na lang sya. "I want him to marry me."
"Why?" - tanong ni Harry.
Tiningnan kami ng cab driver mula sa kanyang rear mirror at kita ko ang kalituhan sa kanyang mukha. Kahit ako ay nagulat sa tanong ni Harry. "For heaven's sake, man! We love each other! We've been together for more than four years. And I want to prove to him, and to others, that I do love him!" - medyo tumaas ang boses nya marahil sa naging tanong ni Harry, na sa tingin ko rin, ay walang kabuluhan.
"Hey! You have no right to speak to him like that!" - galit kong tugon.
Hinawakan ni Harry ang kamay ko. Tiningnan nya ko at parang gusto nyang sabihin na 'Kaya ko 'to. Akong bahala.' Tapos ay tiningnan nya ulit ang driver. "You don't understand. Marriage is not a seal that can bond both of you and make you as one."
"What are you getting at?" - tanong ng driver. Mahina na ngayon pero madiin pa din.
"What I'm just trying to say is that there is this greater bond that holds relationship for so long. That there is this strong connection that is more important than signing the marriage papers, saying 'I Do' to each other, and putting a ring to each other's ring fingers."
Natigilan pansamantala ang driver bago muling magsalita. "Enlighten me."
"Commitment! Although marriage is a form of commitment, it's just a piece of paper for me. It's not essential for couples that when they love each other, they should marry. Well, they have their choices though. But marriage is not the reason why couples stay in a relationship just because they vowed 'Till Death Do Us Part.'" Natawa ng mahina ang driver. "There is this mutual bond that is much greater than the formal, or legal, exchange of I Do's."
"Love." - sagot ng driver.
"Exactly! And you said that you still love each other for four years now."
"And still counting..." - nakangiting tugon ng driver.
Nangiti din si Harry tapos hinawakan nya ng mas mahigpit ang kanina pa nyang hawak na kamay ko. "You know what. I'm already married to this man here." Tiningnan nya ko at naguluhan ako sa sinambit nya. "We already gave each others' vows to each other long before he proposed to me and asked me to marry him."
"What do you mean?" - tanong ng driver.
Nakatitig pa din sya sakin. "Let's just say I already gave my 'I do' to his very soul and already signed our deepest romantic vows that only our hearts can interpret." Nginitian nya ko. "And I think you're already married four years ago."
Natigilan ang driver pansamantala. "I think so." - pagsang-ayon nya.
"Conratulations." - bati ko.
"Thanks."
Nakangiti lang ang driver sa buong byahe namin pagkatapos nilang mag-usap ni Harry. At wala namang kapantay ang aking kasiyahan dahil sa mga sinabi ni Harry. Wala ng kumibo sa aming lahat hanggang makarating kami sa aming bahay.
"Thanks, again." - sabi ng driver ng bumababa na kami. "I couldn't have realized it without you, man."
"You're welcome." - tugon ni Harry.
Ng iaabot ko na ang bayad namin ay umiling sya. "Nah... Don't bother. I owe you guys more than a million bucks for showing how my man truly loves me. Now I'm relieved." Ng makababa na kami ay muli syang nagsalita mula sa bintana ng driver's seat. "Best wishes to your marriage. And good luck to you both." At saka na sya umalis.
"I'm so proud of you, mahal ko. Napaintindi mo sa kanya ang totoong kahulugan ng pag-ibig." Pero parang hindi nya narinig ang mga sinabi ko dahil napansin ko ang paghanga niya sa bahay namin. "This is it." - sabi ko. "This is the place where I grew up."
"Wow, ang ganda my love. Ito ba 'yung sinasabi mong dinesign ni Dad para kay Mom?"
"Yup. Wedding gift ni Dad kay Mom. At 'yung pinapagawa ko namang bahay sa Pilipinas ay wedding gift ko naman para sa'yo." Dinala ko pareho ang bagahe namin. "Let's go."
Ng makarating na kami sa front door, pinigilan ko syang kumatok sa pinto. "What?" - tanong nya. Tumingin ako sa taas at bumaling din ang tingin nya pataas. "Mistletoe?"
"Yes!" - tuwang-tuwa kong tugon. "I'm pretty sure you know the rules."
"No!" Tumingin sya sa paligid tapos nagbuntong-hininga sya. "Okay. Pwede mo na kong halikan. Bilisan mo ah."
"You don't know the rules."
"Anong ibig mong sabihin? Isn't it when two people are under a mistletoe, they should kiss each other?"
"That's it. Ang sabi mo kasi pwede na kitang halikan. The rule is, according to you, we should kiss each other." - sabi ko ng may ngisi. "It should be a mutual action between the couple. Got it?"
"Ang dami mo pang sinasabi." Hinawakan nya ang mukha ko at hinayaan ko na syang halikan ako. Malugod ko naman itong tinanggap. Siguro, kagaya ko, ay sabik na sabik na din sya. Medyo natagalan ang halikan namin na natigil lang ng bumukas ang pinto.
"You owe me one, son." - bungad ni Dad samin na nakangiti.
"Thanks, Dad." - tugon ko.
"You planned this?" - nahihiyang tanong ni Harry sakin. Nagbu-blush na naman sya.
"Hindi, Harry. Hindi si Drew ang nagplano nito. Ang Dad nya." - sabi ni Mom.
"Welcome, Harry and Happy Holidays." Niyakap ni Dad si Harry. "Consider this place as your home."
Niyakap naman ako ni Mom sa pisngi sabay halik sa aking pisngi. Ganun din ang ginawa niya kay Harry. "Maligayang pagdating. A bit of advice Harry. If you don't want Drew to kiss you all the time, be mindful of the mistletoes inside."
"Ano po?" - tanong ni Harry. "Madami po ba talaga?"
"Hundreds of them, Kuya Harry." - sabi ni Drake.
Tumingin sa akin si Harry at nag-aalala sya. "Drew?"
"Don't worry mahal ko. Hindi ko gagawin ang paghahalikan ka sa loob." Tapos binulungan ko sya. "Sa loob ng kwarto ko na lang."
Narinig ni Dad ang binulong ko. "Hey! That's not even!" - pagtutol nya.
---
Kinuha ni Drake ang mga bagahe namin at sya na ang nagpasok sa kwarto ko. Si Kuya Drixx ay nasa shop pa. Nagtatrabaho kasi si Kuya Drixx sa isang musical instrument store na may café sa loob ng shop. Pinapatakbo nya ito kasama ang mga kaibigan nya.
"How's the trip?" - tanong ni Dad.
"Very tiring Dad. But it went all fine." - sagot ko.
"Kumusta, Harry?" - tanong ni Dad na hindi naitago ang kanyang American accent. "It's hot outside, right?"
"Ayos naman po. Medyo naninibago lang. Maybe its because of the time zone change. And the weather, it's similar to Philippines though. Akala ko po makakakita na ko ng snow. Hehe."
"Hindi pa ko nakaranas ng snow dito Kuya Harry." - sabi ni Drake. "Pero kung gusto mo punta tayo ng Alaska. Dun hindi lang snow, yelo pa. May Uncle kami na nakatira dun."
"Maybe some other time Drake. Konti lang ang oras ng mga Kuya mo dito" - sabi ni Mom. "Drew, akyat na kayo sa kwarto para makapagpalit na kayo tapos kapag ayos na kayo, baba na kayo para makapag-lunch na."
Umakyat kami sa kwarto ko na matagal ko ng na-miss at napansin kong bago na ang kama ko. Mas malaki kaysa sa dati. Baka pinapalitan ni Dad dahil sa pagdating ni Harry.
"My love anong oras na sa Pilipinas ngayon?"
Tiningnan ko ang relo ko. Almost 12 noon na. Nagbilang ako sa isip ko. Nahuhuli kasi ng 15 hours ang L.A. time kaysa sa oras sa Pilipinas. "3AM, mahal ko. Tulog pa sila Mama nyan. Mamayang 4PM ka na tumawag, tamang-tama 7AM na dun sa kanila..." Napansin kong naghikab sya. "Mahal ko, are you sure you're not experiencing jet lag? Konti lang ang naitulog mo." - nag-aalalang tanong ko.
"Nope. I think I'm okay. Baka nakakalimutan mo. Nurse ako and I work on shifting schedules. Hindi naman sya nagkakaiba sa shifting time zones... Don't worry, my love. I can manage. Eh ikaw? Are you okay?"
"I'm fine." - sabi ko habang inaayos ang mga gamit namin. "Tomorrow we'll go to Los Angeles County and we'll apply for a marriage license. Once we got the license, I can legally marry you."
"As if I have a choice..."
"Yeah, I'm giving you no choice..." Natawa ako. "After New Year, we can immediately fly to Greece to have our honeymoon..."
"Ano?!" - gulat nyang tanong. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang balak kong honeymoon namin sa Greece.
"You heard it right. We're having our honeymoon in Greece. Bakit ayaw mo ba dun? Gusto mo sa Italy? Or sa Paris para mas romantic?" Alam kong hindi naman ang lugar ang ikinagulat nya, kung hindi ang honeymoon.
"Hindi 'yun. Kailangan ba may honeymoon pa?"
Natawa ako. "Oo naman. Di ba lahat ng kinakasal may honeymoon after their marriage..."
"I know.."
"Then what's wrong? 'Wag mong sabihing ayaw mo." Nakikita ko sa mukha nya ang pag-aalinlangan. "Pero kung ayaw mo 'wag na nating ituloy..."
"Hindi, ituloy natin." - mabilis nyang tugon. "Pero Drew, hindi mo naman kailangang gawin ito. Ang dami na ng ginawa mo. Masaya na kong kasama kita. 'Yun lang..."
"Alam ko, mahal ko. At gusto kong mapasaya ka pa." - tugon ko. "Greece 'yun mahal ko. Nandoon ang tahanan ng Olympian gods and goddesses. I've been there once. At pinangako ko sa mga diyos at diyosa ng Greece, partikular kay Aphrodite, na sa susunod na pupunta ako dun ay kasama ko na ang asawa ko. And that happens to be you..." Hinalikan ko sya sa noo. "Excited na ko mahal ko. Sa sobrang pananabik ko gusto ko nga ngayon na eh..." - malambing kong sabi.
"'Wag masyado excited."
"Hmmm.. Maalala ko lang mahal ko. Ano nga ulit ang Tagalog ng 'honeymoon?'"
"Pulot-gata."
"Pulot-gata? Doon pa lang masarap na... Yummy... Mahal ko, simulan na natin ang ating pulot-gata. Pwede ba?" - pagpupumilit ko. Sinubukan nyang lumayo sakin pero mahigpit ang yakap ko sa bewang nya.
"Adik ka talaga no... Sige ka. Sisigaw ako ng 'Rape' dito." - biro nya. "At kapag narinig ka ni Dad, siguradong magagalit sa'yo 'yun."
"Mahal ko naman eh..." Tama sinabi nya. Siguradong si Harry ang kakampihan ni Dad kapag nangyari 'yun kahit biruan lang. Pinakawalan ko na sya.
"Ikaw kasi eh..." Bigla nya kong hinagkan. "'Yan na muna para sa ngayon."
----------
Kinabukasan ay agad kaming pumunta sa Los Angeles County (District) para mag-apply ng marriage license. Kailangan kasi ang marriage license para legal ang pagpapakasal ng mag-asawa. Buti na lang at walang masyadong nag-aapply ng araw na 'yun. Bale tatlong couples lang kami na nag-aapply para makakakuha ng marriage license. Isang straight couple, isang lesbian couple at kaming dalawa ni Harry. Medyo natagalan lang ang sa amin dahil madami pang tinanong kay Harry kasi he's a Philippine-born citizen. Eventually, na-approve din ang application namin kasi may English translation naman ang birth certificate nya para maconfirm lang kung nasa hustong gulang na sya and he's not below 18 years old.
Pagkatapos naming makuha ang marriage license ay pumunta kami sa isang marriage counseling kasama pa din ang dalawang couples na kasama namin sa marriage license application. Hindi naman talaga kailangan ang marriage counseling pero nakatulong ang mga sinabi ng counselor sa pagsisimula ng mag-asawa bilang isang pamilya.
Ng makauwi na kami ni Harry ay agad naming sinabi kila Mom at Dad ang napakagandang balita. Ng mga oras na 'yun ay kausap naman ni Kuya Drixx si Ate Alex sa Skype kaya ibinalita na rin namin kila Mama at Tita Jean ang pag-approve sa aming marriage license.
The other day, kasama sila Mom, Dad, Kuya Drixx at Drake ay nagpunta kami ni Harry sa isang Judge para pangunahan ang aming kasal. December 28 ang araw ng kasal namin ni Harry. Ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko.
( HARRY Part )
"Kinakabahan ako, my love." - tanong ko habang hinihintay namin ang judge na magunguna sa kasal namin.
"Bakit naman? Wala ng atrasan 'to, mahal ko. 'Wag mo kong tatakbuhan ah."
"Ha? Hindi ko gagawin 'yun!"
"Dapat lang. Kasi hindi mo na magagawa 'yun. Kinuntsaba ko na si Dad na kapag tinangka mong maging 'Runaway Groom' eh pipigilan ka nya." Tumawa sya sa biro nya.
"Baliw!" Nilingon ko sila Dad at ng makita nya ko ay agad naman nya kong kinindatan.Kasama nya si Mom, Kuya Drixx, at Drake. Kami lang ang tao sa room at may isang babaeng nasa gilid na ang sabi ni Drew ay isang stenographer. Si Kuya Drixx naman ay kanina pa nagre-record mula sa kanyang video camera nasa bahay pa lang kami.
"Atsaka madaming gwardiya sa labas. Kaya 'wag ka ng magtangka." Pagkasabi ng banta nya ay hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit. "Akin ka lang." Ngumisi sya.
"Tigilan mo nga ako. Kung tatakas man ako dito ay sa kadahilanang baliw ang mapapangasawa ko."
"Tama! Baliw na baliw sa'yo!"
Agad namang sinimulan ng judge ang kasal pagdating nya. Nagsalita sya na parang matagal na nyang ginagawa ang pangunahan ang isang kasal. Monotonous nyang binigkas ang mga dapat nyang sabihin. Medyo naiinis nga ako dahil kabaligtaran sya ng nararamdaman namin ngayon ng mahal ko. Kami ni Drew, nasa 'Edge of Glory' kami. Siya naman nasa 'Edge of Purgatory.'
Wala naman talagang official vows na sinasambit sa isang same-sex marriage hindi gaya ng isang man-woman marriage na may sinusunod na sumpaan. Doon, pwede mong sabihin ang lahat ng nararamdaman mong pagmamahal ninyo sa isa't isa.
"May I have the rings, please." - sabi ng judge. Agad naman pumunta si Drake para ibigay ang hiningi ng hukom.
"Drew, do you take Harry to be your husband?
Do you promise to continue to be loving, affectionate, faithful, loyal, honest and trustworthy?
For better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, for as long as you both shall live?"
"I do." - sagot ni Drew.
"Will you now place the ring on Harry's finger and repeat after me?"
"Hmm, can I say my own vows?" - tanong ni Drew.
"Sure. Of course you may."
Kinuha nya ang kamay ko at agad nyang hinubad ang dalawang singsing na unang binigay nya sakin. Hawak sa palad ang tatlong singsing ay malambing nyang sinambit ang kanyang sumpa.
"This is the promise ring of our past." - sabi nya habang sinusuot nya ang promise ring sa daliri ko. "Ang nakaraang pangako ko na ikaw lang at ikaw na ang huli kong mamahalin ay iyong-iyo na para alagaan. Ingatan mo ang pangako ko na 'yun sa'yo dahil sa'yo na nakasalalay kung aalagaan mo pa ba 'to o ipagsasawalang-bahala na lang." Ngumiti sya bago magpatuloy. "At alam kong hindi mo gagawin ang itapon ang pangako kong 'yun sa'yo."
Kinuha nya ang engagement ring at sinunod naman nyang isinuot ito sa daliri ko. "This is the engagement ring of our present. My commitment to you as your lifetime partner is a guarantee. I will always love you, Harry. Mamahalin kita hindi dahil nagsumpaan tayo na 'yun ang gagawin natin kundi dahil 'yun ang gusto ng puso ko. Mamahalin kita hindi dahil responsibilidad ko, bilang asawa mo, na mahalin ka kundi dahil 'yun ang magpapasaya sa ating dalawa. Mahal kita Harry at masaya akong mahalin ka.
"And, this is the wedding ring of our future. The ring that strengthen the promise of the past and intensify our present engagement. I will happily stand beside you through the years. Nandito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari. Kahit anong pagdaanan natin, alam kong malalampasan natin kasi magkasama tayo. Hindi ko man maibibigay lahat ng kailangan mo, makakaasa kang ibibigay ko naman lahat ng makakaya kong ibigay."
Hawak pa di nya ang kaliwang kamay ko ng halikan nya ang tatlong singsing sa daliri ko - tanda ng seguridad ng kanyang pag-ibig. Ang kasiguraduhan na ang puso nya ay para sa akin lang - at sa akin lang.
Medyo matagal din kaming hindi nagkibuan ng matapos na syang magsalita kaya siguro nagsalita na ulit 'yung judge. Iba na ngayon ang mood ng judge. Nakangiti na ito ngayon.
"Harry, do you take Drew to be your husband?
Do you promise to continue to be loving, affectionate, faithful, loyal, honest and trustworthy?
For better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, for as long as you both shall live?"
"I do." - sagot ko.
"Will you now place the ring on Drew's finger and," Natigilan sya. "Say your own vow."
Tiningnan ko ang mapapangasawa ko diretso sa kanyang mga mata. "This is overly romantic to be true." - sabi ko. "Sa totoo lang hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na nangyayari ito sakin. Alam mo 'yun. 'Yung parang panaginip lang lahat ng ito. 'Yun bang parang sa sobrang ganda na hindi na ko umaasa pang may mas gaganda pa pala na mangyayari.
"Alam mo Drew, napakabait ng Diyos sakin kasi ipinakilala ka nya sa isang tulad ko."
"Pero mas mabait sya sakin Harry kasi dinala ka nya sa buhay ko." - sabi nya.
"Sandali! Hindi pa ko tapos! Tapos ka ng magsalita di ba?"
Natawa si Dad at ikinagulat naman ni Drew ang naging tugon ko. "Sorry. Sige, mahal ko. Ituloy mo na."
"At 'yan ang pinakagusto ko sa'yo Drew." May lambing na ulit ang pagsasalita ko. "Nakikinig ka sakin. You always listen to whatever I say. At mas inuuna mo pa ko sa kahit ano pa mang mas mahalaga pa sa buhay mo. At sobra akong nagpapasalamat dun."
Kinuha ko ang kamay nya at isinuot ang singsing na kanina ko pa hawak sa kanyang kaliwang palasingsingan. "Sabi nila, ang kasal daw ay pagmamahal sa isang tao ng paulit-ulit kasi wala ka ng ibang pagpipilian kung hindi ang tao lang na 'yun. Pero sa tingin ko hindi naman ako mahihirapang gawin 'yun. Nung magkalayo nga tayo ay minahal kita bawat oras, ngayon pa kayang magkakasama tayo?"
Ngumiti sya. "Drew, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Inaamin ko, ako ang madalas na nagpapasimula ng mga away natin at ikaw lagi ang nagpapakumbaba. Dahil doon, lalo ko lang napapatunayan na mahal mo talaga ako. At simula ngayon ay lagi kang umasang mas marami pa tayong pag-aawayan dahil magsasama na tayo araw-araw." Natawa sya. Hinawakan ko naman ang maamo nyang mukha. "Drew." Tumulo ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan. "Drew, lagi mong sinasabi na mas mahal mo ko. You always say that you love me more than I love you. At alam ko na hindi ko mahihigitan ang pagmamahal na lagi mong binibigay. Kaya ako na lang ang magpupuno ng pagkukulang mo sa sarili mo. At gagawin ko 'yun ng buong puso, Drew."
Pinunasan nya ang mga luha ko. "Alam mo bang naiinis ako sa sarili ko." - sabi nya.
"Bakit naman?"
"Alam mo bang pinakaayaw kong nakikita ang taong mahal ko na lumuluha? And I despise myself everytime I see you cry knowing I'm the reason behind your tears."
"But these are happy tears."
"Kahit na." Umiling sya. "Ayoko pa din."
Natawa ulit ako. "Eh paano gagawin? I can't fight back these tears. Dapat masanay ka na. Iyakin ang mapapangasawa mo."
Natawa kaming dalawa. Kanina, habang nagpapalitan kami ng sumpaan ay hindi na namin napansin na may kasama pa la kaming iba sa kwarto. Nakalimutan na naming hindi lang kami ang nandoon dahil sa sobrang pagtatapat ng aming pag-ibig para sa isa't isa. Parang lumikha ng isang panibagong mundo ang mga salitang binitawan namin. Mundo na kami lang dalawa ni Drew ang magkasama. Isang mundong sisimulan naming buuin pagkatapos ng seremonyang ito.
Nagbalik lang kami sa totoong realidad ng magsalita si Dad. "I think they are done with their marriage vows." - sabi ni Dad sa hukom. Nakalimutan ko ding hindi lang pamilya namin ang nandoon. "And I think we can now proceed."
"Sorry." - sabi ng judge. Napansin kong medyo na-OP nga 'yung judge kasi halos Tagalog ang ginawa naming sumpaan namin ng asawa ko sa isa't isa. Tapos nagsalita sya in full conviction. . .
"...by the powers vested in me as a Justice of the State of California, I now pronounce you are now married! If you desire to seal this marriage with a kiss, you may now do so..."
At tuluyan na naming tinapos ang kasal sa paghalik ko kay Drew. Hindi na namin pinatagal ni Drew ang halik na sisimbolo ng pagsisimula ng panibagong buhay namin. Ang pagsisimula ng pagsasama namin. Ang pagtatapos ng seremonya ng aming kasal ay ang pagsisimula ng aming walang hanggan.
"I will love you forever." - sabi ko.
"And I will love you forever. . . and a day..." - tugon naman ng asawa ko.
"Till death do us part?" - tanong ko.
Umiling sya. "Forever and a day nga di ba? Even death will not make us part."
My hesitation on our relationship has long been gone. Tinanggal na ni Drew lahat ng pag-aalinglangan ko sa hindi pangkaraniwang relasyon namin. May mga tao pa ding hindi bukas ang kaisipan at puso sa aming relasyon. At maraming tao pa din ang pupukulin kami ng mga panghuhusga at panlalait.
Pero sapat na sapat na ang isinisigaw na wagas na pag-ibig ng aking puso. Sapat na 'yun para hindi ko na marinig pa ang mga hindi magandang pananaw ng ibang tao sa relasyon namin. Tama na 'yun para maging bingi ang puso ko at ang tangi na lang nitong naririnig ay ang magandang boses ng asawa ko.
( DREW Part )
Walang kapantay ang sayang aking nadarama dahil sa wakas ay kasal na kami ni Harry. Ngayon, masasabi ko ng kumpleto na ang buhay ko dahil makakasama ko na si Harry ng panghabang-buhay... My better half...
Nanatili pa kaming dalawa ni Harry sa Los Angeles ng tatlong araw pa at napagpasyahan namin na doon na muna i-celebrate ang New Year. Sa loob ng tatlong araw ay madalas ay nasa bahay lang kami. Kung aalis naman kami ay kasama ang buong DeAndre Family. Dad always make sure na makapag-bonding ang buong pamilya kasama si Harry. Ipinasyal din namin si Harry sa buong Los Angeles . Sa mga araw na din na 'yun ay tinuruan ko si Harry na mag-drive. Pinagpraktisan nya ang lumang elf truck ni Dad na ginamit ko din nung sampung taong gulang pa lang akong magsimulang magsanay na magmaneho. Nung unang araw nga ay hindi sinasadyang mabangga ni Harry ang likuran ng bakuran namin na naging dahilan para masira ito. Buti na lang ay mabilis kong natapakan ang brake. And guess what? Ako pa ang pinagalitan at sinisi ni Dad kung bakit nangyari 'yun. Hindi daw ako magaling na driving instructor. Hindi naman sya nagalit dahil dun sa nasirang bakod. Nagalit sya dahil muntik ng mapahamak si Harry. Kung alam lang nya na sobra din ang pag-aalala ko nun sa mahal ko.
Ng huling gabi ng taon, New Year's Eve, ay naranasan ko ang pinakamasaya at pinakamabuluhang pagsalubong ko ng bagong taon kasama ang mga mahal ko sa buhay. Nung nakaraang taon ay kasama ko si Kaye na nag-celebrate ng New Year. Ng mga panahon na 'yun ay nagkakalabuan na kami. At ang tanging naging hiling ko lang nun ay sana ay sumaya naman ako at ibinigay naman ng Panginoon ang kahilingan ko at ibinalik nya si Harry sa buhay ko.
Kinabukasan ay pumunta kami sa Pasadena, California para saksihan ang pinakamagandang selebrasyon ng California sa pagsalubong nito sa Bagong Taon, ang Tournament of Roses Parade. Taon-taon ay sinasaksihan ito ng mga tao hindi lamang ng mga Amerikano pati mga iba't ibang dayuhan at turista. Ang parada ng mga floats ay pinapalibutan ng mga magaganda at makukulay na mga bulaklak na lumilibot sa iilang lugar at kalye ng California. Tuwang-tuwa si Harry sa napanood namin. Sa katunayan nga ay iuuwi daw nya ang isang petal ng asul na rosas na napulot nya sa daan. Remenbrance daw nya. Dahil duon, namulot naman ako ng ibang petals na magkakaiba ang kulay. Red, purple, white, yellow, orange, pink at peach.
"Oh, heto mahal ko. Kumpleto na 'yan ah." Binigay ko ang mga petals ng iba't ibang rosas na magkakaiba ang kulay. "Hirap hanapin ng purple at peach ah. Natapakan pa nga ang kamay ko ng hindi sinasadya ng kunin ko 'yung red eh."
"Wow naman, my love. Hindi mo naman kailangan pang gawin 'to. Pero salamat ah." - may ngiting tugon nya. "Ano 'to? United Colors of Benetton?"
Ng hapong ding iyon ay lumipad na kami papuntang Athens, Greece para sa aming honeymoon. 16 na oras ang naging byahe namin sa eroplano at nagkaroon kami ng stopover sa France. Dahil tapos na ang binabasa nyang libro ay nakapagpahinga at nakatulog sya sa buong byahe namin at dahil na rin siguro sa sobrang pagod. Mag-gagabi na ng makarating kami ng Athens. Agad kaming sumakay ng taxi at pumunta sa isang hotel kung saan kami mananatili. Pagkatapos naming kumain ng hapunan sa hotel ay agad na din kaming nagpahinga. Plano naming manatili sa Greece ng apat na araw at babalik ulit sa Los Angeles at mananatili ulit ng limang araw pa bago naman umuwi ng Pilipinas.
Kinabukasan ay inaya ko syang pumunta sa isang lugar na sigurado akong magugustuhan niya. Pumunta kami sa Acropolis of Athens. Isa itong tourist spot sa Greece na dinadayo ng napakaraming turista. Nakapunta nako dito ng isang beses at ipinangako ko sa sarili ko na sa susunod na magpupunta ako dito ay isasama ko na ang asawa ko.
Napakalawak ng lugar kung saan nakatayo ang mga matatandang istruktura na ginawa ng mga sinaunang tao. Bilang isang arkitekto ay lubos ang pagkamangha ko sa mga ito. Biruin mo naitayo nila ang mga naglalakihang at naggagandahang istrukturang ito ng wala silang pormal na edukasyon tungkol sa Physics o Geometry.
Pero mas sobra ang pagkamangha ni Harry sa Acropolis. "Wow!" - "Ang ganda!" - "Great!" - "Whoa..." - "Tara dito my love! Bilisan mo naman!" 'Yan ang mga paulit-ulit kong naririnig sa kanya. Mabilis syang nagpapalipat-lipat sa mga istruktura at mataman nya itong pinagmamasdan. Napakalawak ng lugar pero hindi nya alintana ang pagod.
"Mahal ko. Ingat ah. Mabato dito baka..." Hindi ko pa natapos ang pagsasalita ko ay nangyari na ang kanina pang inaalala ko. Nagkamali sya ng tapak sa isang malaking bato at dumulas ang kanyang kanang paa. Dahil dito ay parang natapilok sya na naging dahilan naman ng pagkawala ng kanyang balanse. Mabuti na lang at naabutan ko sya at hindi sya bumagsak.
Inalalayan ko syang makaupo sa isang malaking tipak ng bato. Nakita ko sa kanyang mukha na nasaktan sya."Mahal ko, ayos ka lang?" - tanong ko. Alam kong hindi sya maayos.
"I think so." - sabi nya habang hinihimas-himas ang kanyang paa. "Pero sa tingin ko hindi muna ako makakapaglakad."
"Mamasaihin ko mahal ko. Medyo masakit. Tiisin mo."
"Sorry ah. Panira ako ng moment." - sabi nya habang hinihilot ko ang paa nya.
"Of course not. Mas sira ang moment na 'to kung wala ka."
"Ang korny mo talaga. Pero sorry pa din... At salamat."
"Mahal ko, para saan pa at naging asawa mo ko?" Tumalikod ako sa kanya at umupo. "Sakay na."
"Ha? Hindi na. Kaya ko namang maglakad."
"Hindi mo kaya mahal ko. Sige na sumakay ka na sa likod ko. Sayang ang oras. Marami pa tayong pupuntahan."
"Salamat, my love." - bulong nya pagsakay nya sa likod ko. "Sabihin mo lang kung nahihirapan ka na sakin ah. Pwede mo naman akong ibaba. Pwede mo namang iwan muna ako tapos balikan mo na lang ako kapag tapos ka nang mamasyal. Hindi naman ako magagalit eh."
"Alam mo bang minsan talaga nakakainis ka mahal ko?" - sabi ko habang naglalakad. Pinagtitinginan kami ng mga kasama naming turista.
"Huh? Bakit naman?"
"Naiinis akong isipin na kaya mong isipin na kaya kitang iwan... Eh alam mo namang hindi ko magagawa 'yun. Mahal ko, kahit na magka-rayuma ako dahil sa pagbubuhat ko sa'yo, hindi kita ibaba. I won't let you down..."
"Ang korny mo talaga. Sipain kita dyan eh." - tugon nya.
"Halikan kita dyan eh."
Pero sya ang humalik sa pisngi ko na sobrang ikinatuwa ko.
Nakapasan pa din sya sa likod ng marating namin ang malaking rebulto na imahe ni Athena, ang dyosa ng karunungan. "My love, pwede mo na kong ibaba. Hindi na sumasakit ang paa ko." Inikot-ikot nya ang kanyang paa para ipakita sa akin na ayos na nga 'yun.
"Sigurado ka mahal ko? Kaya pa naman kitang buhatin eh." - pagsisinungaling ko. Sa totoo lang ay kanina pa nangangalay ang kamay ko at nagsisimula na ding sumakit ang tuhod ko at nagmamanhid na din ang paa ko. "Ayos lang ako mahal ko." - dagdag ko pa.
"Ok na ko. 'Wag ka ng makulit. 'Wag ka ng magpaka-Atlas dito." - biro nya. Dahan-dahan ko syang binaba. "Salamat."
"Ayos lang talaga ako mahal ako. Tama ka nga. Magkamukha nga kami ng binubuhat ni Atlas. Sya binubuhat nya ang Earth, ang mundo natin. Ako naman binuhat ko ang mundo ko. At ikaw 'yun, mahal ko." Itinaas ko ang kaliwang sleeves ng suot kong polo shirt at ipinakita ko ang braso ko sa kanya. "Atsaka ayang naman ang mga malalaki kong muscles kung hindi naman mapapakinabangan." Pero hindi sya nakatingin sakin. Nakatayo sya, nakayuko ang ulo at nakapikit ang kanyang mga mata sa harap ng rebulto ni Athena. Marahil ay kinakausap nya si Athena. Hinayaan ko lang sya sa kanyang ginagawa.
Si Athena din ang dyosa ng arkitektura at sining kaya bilang isang arkitekto ay isa sya sa mga paborito kong dyosa.
"Anong hiniling mo kay Athena, mahal ko?" - tanong ko ng matapos na syang magdasal.
"Hiniling ko na sana ay bigyan nya tayo ng lakas para malampasan ang mga problemang darating sa ating buhay... Na sana ay gabayan nya tayo lagi sa mga susunod na mga taong magkasama tayo... Na sana ay bigyan nya tayo ng karunungang malampasan kahit anumang suliranin ang dumating sa atin..."
Iniharap ko sya sa akin. "Isa kang mabuting tao mahal ko kaya siguradong pagbibigyan ka nya." Tiningnan ko ang imahe ng dyosa. "At ipinapangako ko sa kanya, at sa lahat ng dyos at dyosa ng Olympus, na hindi kita iiwan kahit ano pang problemang dumating satin." Tumingala ako sa langit. "At sa Diyos na tinatawag kong 'The Great Architect of the Universe.'"
"Ha? Sino naman 'yun?"
Natawa ako. "Sa profession mo mahal ko, siguro sya ang tinatawag nyong 'The Great Healer.'"
"Si God. . ."
"Higit sa mga dyos at dyosa ng mitolohiya ay mayroon pa tayong Diyos na mas nakakaangat sa kanila. Ipinapangako ko din sa Kanya na mananatali ako lagi sa tabi mo. At wala ng makakapigil sa pagmamahalan natin, mahal ko. Sa mundong ito, ang mahalaga ay ikaw lang at ako..."
----------
Pagkatapos naming malibot ang buong Acropolis ay sumakay ulit kami ng taxi para puntahan ang susunod ko pang sorpresa. Nakarating kami sa isa sa pinakasikat na café sa buong Athens. Ang 'Coffee Love.'
"Ang ganda dito mahal ko. Masarap kaya kape nila dito?" - tanong ni Harry ng makaupo na kami.
"Siguro. Dinadagsa kasi ito ng mga turista kapag bumibisita sila dito sa Athens." Agad kong tiningnan ang kanilang menu book at pumili ng pwede naming masubukan. May isang waiter na lumapit sa amin. "Mahal ko, anong gusto mo?" Tinitingnan din nya ang menu book.
"Ewan ko, my love. 'Yung hot coffee na lang. Pampainit. Masarap naman siguro kape nila dito."
Bago pa ko makasagot ay naunahan akong magsalita ng waiter. "Masarap po ang kape namin dito. Pinakamasarap po sa buong Athens." - sabi nya.
"Pilipino ka?" - tanong ni Harry. "Galing ah."
"Opo. Mag-i-isang taon na po ako dito sa Athens."
"Masarap ba talaga kape nyo dito?" - tanong ko. Tumango sya. "Ok, sige. Bigyan mo kami ng dalawang order ng kape at dalawang order na din ng clubhouse sandwich."
Almost 5 minutes ang nakalipas at bumalik sya dala ang order namin. "Enjoy po." - sabi nya.
Tinikman namin ang kape at tama ang waiter. Masarap nga. Siguro iba ang kape na nillalagay nila dito hindi gaya ng usual na kape. "Ang sarap nga mahal ko."
"Pwede na." - walang karea-reaksyon nyang sagot. Hindi nya nagustuhan ang kape.
"What's wrong? Hindi mo gusto no?"
"Hindi naman sa hindi gusto. Masarap din naman sya. Pero mas masarap pa din timpla mo, my love." Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi nya o malulungkot kasi dinala ko pa sya dito. "Tanong ko lang my love ah, ano bang ginagawa mo sa tinitimpla mong kape ha? Iba ang sarap eh. Hindi ko maipaliwanag."
Natawa ako. "Gusto mo ba talagang malaman mahal ko?"
"So meron nga?" - may pagtataka nyang tanong. "Wala naman akong ibang nalalasahan ah. Anong nilalagay mo?" Hindi ako sumagot at nakangiti lang ako sa kanya. "Mr. DeAndre!"
"Are you referring to me or to yourself?" - biro ko. "We're both DeAndre's now..."
"Mr. Drew DeAndre!!!" - mariin nyang sabi.
"Fine. Hmmm, kapag gumagawa kasi ako ng kape..." Ayaw ko sanang ituloy pero baka magalit si Harry sa akin. "Kapag gumagawa kasi ako ng kape mahal ko, binababad ko muna 'yung ginagamit kong kutsara sa bibig ko na ginagamit kong panghalo sa kape mo..." - may ngisi kong sagot.
"That's gross!" - sabi nya. Kung wala lang siguro kami sa public place ay sisigaw sya. "Ginagawa mo 'yun?"
Tumango ako. "Nung una kitang pinagtimpla ng kape nung nasa dorm tayo, aksidente kong nagawa 'yun. Tapos sinimulan ko ng gawin 'yun everytime na gagawan kita ng kape. Moreover, we shared the same cup before that. Naalala mo nung nasa ospital? Ininom ko ang kape mo. Sa tingin ko nga, 'yun ang dahilan kung bakit ako na-inlove sa'yo." Kinindatan ko sya. "Atsaka di ba, naghahalikan naman tayo? Kaya ayos lang 'yun."
"Pero kadiri pa din 'yun. And by that time na nasa dorm tayo ay hindi pa tayo magkaibigan. Kakakilala pa lang natin nun ah. Bakit mo ginagawa 'yun?"
"I dunno. By instinct, I guess..."
"Instinct?? Ano 'yun? Natural sa'yo na dilaan mo ang kutsarang gagamitin mo para magtimpla ng kape o kaya naman lagyan mo ng laway mo ang kapeng ginagawa mo?? That's not instinct! That's ridiculous!! That's insane!!!" Medyo tumaas na din ang boses nya at pinagtinginan kami ng mga tao sa loob ng café.
"Hindi naman." - bulong ko naman. "Sa'yo ko lang ginawa at ginagawa 'yun... Kaya nga ayokong may ibang taong magtimpla sa kape mo eh. Baka gawin din nila ang ginagawa ko. Hehe."
"Salamat ah..." - sarkastiko nyang sagot. Lagot ako nito mamaya.
"Pero nasarapan ka naman sa mga timpla ko di ba? May added ingredient sa kape mo... Love..."
Tumingala sya. "Mahabaging Hera. Goddess of Marriage. Bakit ba ko nagpakasal sa taong 'to?"
"Sa tingin ko hindi si Hera ang dapat mong sisihin." Tiningnan nya ko ng masama. "Si Eros."
"Baliw! Eh bakit ko naman sisisihin si Eros. Wala syang kasalanan." Hindi ako kumibo. "'Wag kang tatabi sa akin mamaya ah... Sa sahig ka matutulog mamayang gabi."
"Mahal ko naman. Honeymoon natin di ba? Wala namang ganyanan..."

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon