IKALAWANG YUGTO : PAGPAPATAWAD

10 0 0
                                    


COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

[ W E D N E S D A Y ]
( HARRY Part )
Si Mr. DeAndre nga!
Hinintay nya ko simula kagabi pa? Marahil gusto nya talagang makipag-ayos. Natuwa ako kasi may pagkakataon na din akong humingi ng dispensa sa kanya. Sa kabilang banda, naguguluhan pa din ako. Hindi naman kami magkakilala pero bakit parang malaking bagay pa rin sa kanya pakikipag-ayos sakin. Okay lang sana kung kaibigan ko sya or simpleng kakilala at mauunawaan ko ang pag-effort nyang hingin ang aking kapatawaran. Pero hindi eh, he's a total stranger to me.
"Mr. DeAndre... Mr. DeAndre..." Tulog na tulog ang mokong. Kawawa naman. Tinapik-tapik ko ang balikat nya sabay ng pagtawag ko ng pangalan nya. Minulat nya ang mga mata nya at ng makita nya ko, tinaggal nya ang cap nya at bigla syang tumayo. Muntik ng matapon ang dala kong kape.
"Oh? Harry! I'm sorry I fell asleep." - pautal-utal nyang sabi. "And, and sorry for that." Tinuro nya ang hawak kong kape dahil nakita din nyang muntik ng matapon ang dala kong kape.
"No. Don't apologize. It doesn't matter." - tugon ko sabay ngiti. Ngumiti din sya. Ang cute talaga ng ngiti nya. "Do you want coffee?" - alok ko.
"Sure." - mabilis nyang tugon.
Inilapag ko muna sa may malapit na mesa sa lobby ang kape ko at tumungo ulit sa vendo machine para ikuha sya. Pagbalik ko, nakita kong may hinihigop na syang kape. Nagtaka ako. Napansin kong wala na din 'yung kape ko sa mesa. Kinuha nya ang kape ko.
"That's my coffee!!" - sabi ko.
"I know. But I don't want a very hot coffee. Your coffee is just what I want. It's not too hot so I can drink on it. I hope you don't mind." - sabay smile na maloko.
"But I already drank on that! Ininuman ko na kaya 'yan."
"Doesn't matter to me. This is already mine." Humigop sya ulit. "Sarap."
No choice na ko. Ininom ko na lang ang bago kong kape. Sandali, nag-Tagalog sya. Nakalimutan kong marunong nga pala sya. Atsaka yung punto nya, wala talagang foreign enunciation.
"Marunong ka palang mag-Tagalog?!?" - tanong ko.
"Half-Pinoy ako. My dad is an American. My mother is a Filipina. I born and grew up in America pero dito na ko nag-college."
"Ah, I see." - tugon ko. "Bakit ka pala nandito? Sabi ni manong hinihintay mo ko at kagabi ka pa nandito." - tanong ko. Tinanong ko pa rin kahit alam ko na ang sagot.
"Harry, can we talk?" - seryoso nyang tanong.
Ofcourse. Buti na lang ikaw nag-open. "'Wag tayo dito. Dun tayo sa bench sa labas." Nauna akong lumabas. "Sige Manong, salamat po."
"Kuya, salamat din ah." - sabi ni Mr. DeAndre.
Paglabas namin ay napansin kong makulimlim ang paligid. Malakas din ang ihip ng hangin. Mukhang malakas ang darating na ulan.
Tinapon namin ang mga paper cups ng kape sa nadaanan naming basurahan at tinungo namin ang hilera ng mga benches sa may labas ng ospital. Covered ang lugar na ito. Dito kasi halos naghihintay ang mga kamag-anak ng mga pasyente. Pumili ako ng bakanteng bench at duon kami naupo. Mga 5 minutes kaming hindi nagkibuan. Nagkakailangan pa kami. Nauna syang magsalita.
"'Yung tungkol nung isang araw, Harry hindi ko sinasadya." - sabi nya.
"Hindi na mahalaga 'yun. Hindi ko na nga iniisip 'yun eh." - tugon ko. Pero alam ko sa sarili ko na nagsinungaling ako dun sa parteng hindi ko pag-iisip sa kanya.
Nakita kong nabigla sya sa sagot ko. Hindi nya rin siguro inaasahan ang sagot ko. "Ako nga din gusto kong mag-apologize. I'm sorry for what I've said." - pagpapatuloy ko.
"No. Hindi. Nasabi mo lang 'yun dahil na din sa nasabi kong masama sa'yo. You don't have to apologize." - may pag-iling nyang sagot.
"Siguro... Pero nagkamali pa din ako."
"It's fine with me. Don't worry. I am much worried about you." Natigilan sya. "Have you forgiven me?"
"Maybe."
"Well, 'Maybe is much better than 'No.'" - malungkot nyang sabi. Ang sama ko. Pinatawad na nya ko tapos ako 'Maybe' lang ang sagot ko sa tanong nya.
"Haaayyy... Oo na." Nginitian ko sya. "Your apology is accepted Mr. DeAndre."
Tiningnan nya ko ng walang ekspresyon ang kanyang mukha. "Napilitan ka lang ata eh." - malungkot nyang sabi.
"Hindi ah..." - sagot ko. "Ayaw mo ba?"
"Hindi. Hindi. Gusto ko." - sagot nya. Bigla nya kong niyakap. Marahil sa sobrang tuwa. Mahigpit ang yakap nya sakin. Nagulat ako sa naging reaksyon nya. Kung makapag-react eh parang matagal na kaming magkakilala. Hindi naman ako nakapag-react sa ginawa nya. Habang yakap nya ako ay paulit-ulit nyang sinasabi ang "Thank you." Medyo nagtagal ang pagkakayakap nya sakin at napansin na rin nya 'yun at bumitaw na sya.
"Sorry. Natuwa lang ako. Pasensya na." - sabi nya na hindi makatingin ng diretso sakin.
"Hi... Hindi okay lang." - tugon ko. "Ah, Mr. DeAndre kailangan ko ng umuwi."
"Ah, oh sige. Pwede bang 'Drew' na lang itawag mo sakin? Huwag na masyado pormal. I'm not your patient anymore."
Tumayo nako. "Oh sige Drew. Una na ko ah. Maglalakad pa kasi ako pauwi. Atsaka mukhang uulan."
"Maglalakad? Malapit lang ba uuwian mo?" Tumayo na rin sya.
"Oo. Malapit lang naman 'yung dorm ko dito. Sige ah, nice meeting you." Nagsimula na kong maglakad pero hinabol nya ko.
"Hatid na kita." - sabi nya ng nahabol nya ko. Tinanggal na din nya ang jacket nya. Nakaputing sando lang sya nun kaya nakita ko na naman ang magandang hubog ng kanyang katawan.
"Ha? 'Wag na. Malapit lang naman."
"No. I insist. Sige na. Pagbigyan mo na ako. Para makabawi naman ako sa'yo."
Ipipilit ko sana na 'wag na pero sa konting panahon na nakilala ko sya, alam ko na hindi ako mananalo sa kakulitan nya. He's just too persistent. "Ikaw bahala." - sagot ko na lang. Nakita kong sumaya sya at di ko inaasahang sasaya din ako.
Nagsimula na kaming maglakad pauwi ng dorm. Masaya kaming nagkwentuhan ng mga buhay-buhay namin habang naglalakad. It may sound a bit absurd pero parang kung mag-usap kami ay parang matagal na kaming magkakilala considering na hindi masyadong maganda ang first meeting namin.
Napagkwentuhan namin ang mga work namin. Ako as a nurse at siya naman as an architect. Nagtatrabaho daw sya sa isang architectural firm. Naisip ko na mayaman sya. Hindi naman nya itinanggi na medyo may kaya sya sa buhay. Humble sya, hindi mapagmataas. Marami na kaming nalaman sa isa't isa, particulary sa work. Ng nakarating na kami sa dorm, huminto ako sa harap ng gate.
"Dito na tayo. Sa loob ng gate na 'to ang dorm namin. Kasama ko ang kaibigan ko dyan, si Jen. Kaya lang pumasok sya. Nurse din sya at dun din sya nagwo-work sa hospital." - sabi ko.
"Ah, sana ma-meet ko sya minsan."
"Oo naman. Papakilala kita. Mabait 'yun. Hehe."
"Ok. Sige pasok ka na. Mauna na din ako. Nice meeting you, Harry."
"The feeling is mutual Drew. Salamat sa paghatid. Ingat sa pag-uwi ha. Salamat ulit."
"Sige, bye." Nagsimula na syang maglakad palayo. Napansin kong nag-iba ang mood nya simula nang makarating kami. Parang biglang bumaba ang kaninang masigla nyang disposisyon. Ngayong paalis na sya ay mas lalo kong napansin 'yun.
"Drew!" - sigaw ko. Lumingon sya. "Kung wala ka namang gagawin, pasok ka muna sa loob." Kahit malayo ay nakita kong biglang lumiwanag ang mukha nya at mabilis syang tumakbo papalapit sa akin.
"Talaga Harry?? Sigurado ka??" - masayang tanong nya. Ano ba 'to. Parang bata.
"Oo naman. Tara." At pumasok kami sa dorm. Agad akong pumunta sa kitchen para maghanap ng makakain. Hindi pa kami nag-aalmusal. "Feel at home ah. 'Wag kang mahihiya. Maghahanda lang ako ng almusal."
"Maganda din ang place nyo. Maluwang."
"Oo nga eh. Mura pa rent namin. At mabait pa ang may-ari." Binuksan ko ang refrigerator at nakita kong may natira pang adobo na niluto ko kahapon. "Kumakain ka ba ng adobo?" Inilagay ko sa microwave oven ang ulam para mainit. "Oo." - tugon nya. Abala syang nagbabasa ng magazine sa maliit naming sala. Nakikita ko sya dahil hindi naman ganoon ka-spacious ang dorm namin. Nakapang-de-kwatro pa ang loko. Pinanindigan naman nya ang sinabi kong 'Feel at home.'
"Anong gusto mong luto ng itlog? Sunny side-up, scrambled, or boiled?" - tanong ko.
"Ikaw na bahala. Itlog naman lahat ng 'yun eh." - pilosopong sagot nya habang busy pa din sya sa pagbabasa. Ano naman kaya binabasa nya dun? Puro medical at nursing journals at magazines lang naman nandun. Hindi naman nya maiintindihan ang mga nakasulat dun.
"Nagtanong ka pa kasi Harry..." - sabi ko sa sarili ko.
"Ha? May sinabi ka?"
"Wala. Sabi ko sunny side-up na lang lulutuin ko."
"Narinig ko 'yung sinabi mo." Nagulat ako dahil nasa likod ko na sya. Muntik ng mahulog ang hawak kong itlog sa sahig. "Kahit ano namang luto ng itlog kinakain ko kaya sabi ko ikaw na bahala... Basta luto mo." - nakangisi nyang sabi.
"Oo na. Heto na nga oh. Sige na bumalik ka na dun."
"Tulungan na kita dyan." - alok nya.
"Huwag na. Kaya ko na 'to. Sige na bumalik ka na dun."
"Sige na ako na magluluto nyan." - pangungulit nya.
Ang kulit talaga nito. "Sige na. Heto na."
Sinimulan na nyang lutuin ang itlog. Sinimulan ko na ring initin ang sinangag na niluto ni Jen kaninang umaga.
"Sir, what cook do you want for your sunny side-up egg?" - tanong nya.
"I want it medium rare." Parang steak lang?? "Make it two please." - tugon ko. Sinakyan ko na lang ang biro nya.
"Two medium rare eggs, coming up!" Nagtawanan kami.
Magkatabi kaming nagluluto sa gas stove. Nasa right side ko sya at hindi maiiwasang magkadikit ang mga braso namin. Nakikiliti ako sa mga maliliit na balbon sa kanyang braso kaya inilalayo ko ang aking braso. Pero pinipilit nyang inalapit at ikinikiskis ang braso nya sa braso ko. Loko 'to ah.
"Ah Sir, can you give me a little space. I can't move na eh." - sabi ko. Humagikgik ang loko. Pinagtitripan lang ako. Nainit ko na ang sinangag at napansin kong patapos na din sya.
Inihain ko na ang sinangag at adobo sa mesa. Nilagay na rin ni Drew ang niluto nyang itlog. Kumuha na din ako ng mga plato at mga kubyertos. "Gusto mong kape." - tanong ko.
"Yes, please." - tugon nya.
"Sige, maupo ka na dyan. Timpla ko lang 'to."
Biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinamahan ng malakas na hangin. Mukhang may bagyo ah.
"Mukhang magtatagal ang buhos ng ulan ah." - sabi ko. "Heto kape oh." Kinuha nya at inilapag sa mesa.
"Thanks." - sagot nya.
"Kain na tayo." Umupo na din ako at nagsimula na kaming kumain.
"Sarap ng adobo na 'to ah." - sabi nya.
"Thanks."
"Ikaw nagluto nito? Sarap ah. Alam mo pwede ka ng mag-asawa. Sarap."
"Thanks." - ulit ko. Itlog naman ang ulam ko. "Masarap din ang itlog mo ah." - sabi ko.
"Ha? Ang itlog ko??" - tanong nyang may ngisi.
Nakuha ko na ang ibig nyang sabihin. Loko talaga 'to. "Oo, itong itlog na 'to. 'Yung niluto mo." Tinuro ko ang mga niluto nyang itlog.
"Ahhh, okay. Akala ko kung ano. Hehe." - tugon nya. "Ano pwede na din ba kong mag-asawa?"
"Hoy, halos lahat ng tao marunong magluto ng itlog.. Kelan pa naging basehan na kapag ang tao marunong magluto ng itlog eh pwede ng mag-asawa?? Ha??"
"Sakit mo namang magsalita."
Hindi ako kumibo. Hindi ko alam pero parang nainis ako sa biro nya dun sa itlog. Tssk.
Mauubos na ang kape ko pero napansin kong hindi pa nya ginagalaw ang tasa nya. "Ayaw mo ba ng kape? Hindi mo pa ata naiinom yan.."
"Gusto ko. Kaso mainit pa eh.."
Nakalimutan kong hindi pala sya umiinom ng 'not-too-hot' coffee. "Hipan mo kaya." - suhestyon ko.
"Ayoko. Hayaan mo na lang lumamig mag-isa." Taong 'to. Parang bata talaga.
"Akin na nga." Kinuha ko ang tasa nya at hinipan ko para madaling lumamig at para mainom na ng batang 'to. Tinitingnan nya lang ako habang ginagawa ko 'yun. "Heto na. Siguro naman pwede na 'yan. Inabot ko ang tasa at ng makuha na nya ay agad nya naman itong ininom. Arte.
"Sarap ah." - may ngisi nyang sagot. "Galing mo palang mag-blow." - biro nya.
Biglang nag-iba ang timpla ko sa sinabi nya. Sa totoo lang, ayoko talaga ng green jokes lalo na galing sa taong kakakilala ko pa lang. Sa iba siguro ayos lang 'yung mga jokes na ganun pero kapag kasi ako sinasabihan ng ganun pakiramdam binabastos ako. "Tapos na ko." - sabi ko kahit hindi pa talaga. Nawalan na ko ng gana.
"Pero hindi ka pa tapos ah." Napansin nya siguro ang pag-iba din ng mood ko. At kita din sa mukha ko ang aking pagkainis. "Harry, sorry. Joke lang 'yun. Hindi 'yun totoo." - mabilis nyang sabi.
"Jokes are half-meant Mr. DeAndre. At ayoko sa mga jokes na 'yun. I feel disrespected." - inis kong sabi. Sinimulan ko ng iligpit ang pinagkainan ko. Alam kong kabastusan ang ginawa ko dahil hindi pa sya tapos kumain. Bastusan pala ang gusto mo ah.
Mabilis syang tumayo at pinuntahan ako sa aking kanan habang nililigpit ko pa din ang aking pinagkainan. "Harry, I apologize for what I've said. Really, I didn't mean that." - sabi nya.
"I don't think so." Sinungaling. "Tumabi ka dyan." Hindi sya natinag. Sinadya ko syang bungguin sa kaliwang parte ng katawan nya para makadaan ako.
"Aaahhh..." - sabi nya na ang dating sa akin ay parang daing at nasaktan sya pero hindi ko sya pinansin. Nilagay ko sa lababo ang dala ko. "Haaaarrrrryyyyy..." Nakatalikod ako sa kanya. Hindi pa rin ako kumibo. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Mga isang minuto siguro syang hindi nagsalita. Napansin kong hindi sya nangulit. Nakakapanibago. Lumingon ako sa kanya. Nakapikit sya at nakasimangot ang mukha. Ang kanang kamay nya ay nakahawak sa kanyang kaliwang tagiliran. Tumutulo ang dugo sa kanyang kanang kamay. Nagsisimula na ding kumalat ang dugo sa kanyang puting sando.
"Oh my..." Pinuntahan ko sya at inalalayang makaupo. Mukhang napasama ang pagbunggo ko sa kanya. Patuloy pa ding nagdurugo ang sugat nya. Kailangang may gawin ako.
"Haarryyy, I-I'm sooorrryy..." - ulit nya. Umandar na naman kakulitan nya.
"Mr. DeAndre. Don't talk." - utos ko. "Kaya mo bang maglakad? Punta tayo sa kwarto ko. Doon ko gagamutin 'yan." Inalalayan ko syang tumayo. Umakbay sya sakin gamit ang kanyang kaliwang braso habang ang kanang kamay nya ay pinipigilan pa din ang paglabas ng dugo sa kanyang sugat. Nahirapan akong alalayan sya dahil halos kalahati ng bigat nya ay na sa akin Napapahawak na lang ako sa pader para hindi kami mabuwal. "Malapit na." - sabi ko.
"Heto na. Dahan-dahan ah." Inalalayan ko syang makaupo sa kama at makahiga. "Tanggalin ko muna 'tong sando mo ah." Tumango na lang sya. Hindi na nya makuhang magsalita sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.
Sobrang puno ng dugo ang gasang tumatakip sa sugat nya. Agad kong kinuha ang first aid kit ko sa cabinet. Kumuha ako ng maraming gasa. "Diinan ko lang ah. Medyo masakit. Tiisin mo." Nilagyan ko ng gasa ang sugat at dahan-dahan kong diniinan para matigil ang pagdurugo. Kita ko sa mukha nya ang matinding sakit pero hindi sya nagsalita. "Kasalanan mo 'to Harry. Kasalanan mo 'to." - mahina kong sabi sa sarili ko.
"It's all my fault Harry. It's all mine.. I'm sorry.." - nahihirapang sabi nya.
"When I hear one more sorry from your mouth, you will be sorry for what am I doing." - madiin kong sabi. Napangiti sya sa sinabi ko. Nangiti din ako. Baliw talaga 'to.
After 5 minutes ng ginawa kong pagdiin sa sugat, hindi na ito nagdurugo. May maliit na pagbuka sa may bandang gitna ng sugat dahil sa pagbunggo ko sa kanya kanina. Pero tingin ko hindi na 'yun ga-grabe basta aalagaan. Tinakpan ko ang sugat ng bagong gasa ng masiguro kong natigil na ang pagdurugo.
"Ayos na. Tumigil na ang pagdurugo." - sabi ko. Hindi sya kumibo. Mukhang wala na din syang lakas para sumagot pa. Nagkalat ang dugo sa paligid ng kanyang sugat. Mukha na rin syang haggard.
"Kukuha lang ako ng pampunas. Babalik ako." Pumunta akong kusina. Kumuha ako ng maliit na palanggana at nilagyan ng mainit na tubig mula sa thermos at nilagayan ko din ng tubig mula sa gripo. Pagbalik ko sa kwarto ay kumuha naman ako ng towel pampunas.
Maaliwalas na ang mukha nya. Hindi na siguro sumasakit ang sugat nya. Sinimulan ko na syang punasan at nagsimula ako sa mukha. Gwapo talaga nya. Just the perfect match of facial features. May pagkahawig sya sa bida ng isang American suspense series na 'Supernatural' na si Dean Winchester na Jensen Ackles naman sa totoong buhay. Pero mas gwapo si Drew.
"Harry, I'm sorry for causing you too much trouble. You don't deserve this." - sabi nya. Nakapikit pa din sya. Haayyy. Heto na naman kami. Ang walang katapusang paghingi ng sorry... Naisip kong hindi pala tapos ang trabaho ko as a nurse. May extension pa. "And thank you. Thanks for taking care of me." - dugtong nya.
Inuna ko munang punasan ang mga braso nya bago ang kanyang katawan kung saan nagkalat ang kanyang dugo. Muli na naman akong namangha sa kakisigan nya. Ang bango-bango pa. Walang panama ang Greek icon na si Adonis sa ganda ng hubog ng katawan nya. Hindi ko na hinubad ang pantalon nya. Ayos na siguro 'yun. Kinumutan ko na lang sya pagkatapos. Akala ko natutulog na sya pero muli syang nagsalita pero nanatili syang nakapikit.
"Thanks Harry. Thanks for all..."
"You're welcome. Now sleep and get some rest. Kagabi ka pa walang tulog. At wala na kong maririnig na kahit ano mang salitang lalabas sa bibig mo." - sabi ko. Ngiti lang ang naging tugon nya. And that's more than enough than saying 'Thank you.'
Naghanda na ko para maligo. Inaantok na din ako. 10AM na at hindi pa ko natutulog. May duty pa ako mamaya. After maligo, kinuha ko 'yung extrang foam sa likod ng aking cabinet at nilapag ko sa sahig sa gilid na aking kama kung saan nakahiga si Drew. Buti na lang may extra ako, in case of emergency kagaya nito. Nilagyan ko ito ng bed sheet at kumuha ng bagong kumot.
Makakatulog na din. Naghihilik na ang mokong. Tulog na tulog na. Ng masiguro kong ayos na sya, mahimbing na din akong natulog.
@@@@@@@@@@
4:30PM ng nagising ako. Kailangan ko ng maghanda para makapasok na. Pagbangon ko, wala na sa kama si Drew. Malinis ang pagkakaayos ng higaan nya. Baka umuwi na. Lokong 'yun ah, hindi man lang nagpaalam. Madali kong iniligpit 'yung pinaghigaan ko at lumabas. Umuulan pa din pero hindi na masyadong malakas. Papatila na din.
Nagulat ako ng makita ko sya sa kusina. Nagluluto. Napansin nya ko.
"Good Morning Harry." Morning? Hapon na na ah. Kagigising ko lang kasi. "Nagluluto ako ng sinigang na hipon. Hapunan natin. Pasensya na ah, nangialam na ko dito." Napansin nya ang confusion sa mukha ko. "Ah, bumili ako sa may talipapa dyan sa labas. 'yung dinaanan natin kanina." Ahh. Wala kasi kaming hipon sa refrigerator. Napansin ko din ang suot nya. White t-shirt na tinernuhan ng khaki shorts. Bagay sa kanya ang mga damit ko. Medyo hapit nga lang 'yung t-shirt. Nabasa na naman nya ang iniisip ko. "Heto ba? Kumuha ako sa cabinet mo. Pahiram muna ah. Balik ko na lang."
"Ah, ayos lang. Ahh, ligo lang ako ah." - ang tangi ko na lang nasambit.
Habang naliligo ako, naiisip ko ang mga pinaggagagawa nya. Kung umakto sya ay parang matagal na kaming magkakilala. Para kaming magbestfriends. Ayos lang sakin 'yun kasi nakita kong mabuti syang tao. Sa totoo lang, hindi ako madaling magtiwala sa mga tao. Hindi ko alam bakit palagay ang loob ko sa kanya sa kabila ng mga pangit na nangyari sa amin.
Pagkalabas ko ng restroom, "Gusto mong kape Harry?" - bungad nyang tanong.
"Sure." Pumasok na ko sa kwarto at nagbihis ng uniform. Ang bait naman nya. Mukhang bumabawi sa ginawa nya kaninang umaga ah.
"Wow. Nurse na nurse ah." - bungad nya paglabas ko ng kwarto. "Bagay talaga sa'yo ang all-white."
"I know." - sagot ko. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-nursing ay dahil sa uniform. Gusto ko ang all-white. Mukhang malinis. Respetado.
"Upo ka na Harry. Hayaan mong ikaw naman ang pagsilbihan ko." - sabi nya sabay ngiti. "Ako ang alipin mo ngayon. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo. Lahat gagawin ko. Pero ngayon lang ah. Hehe." - sabay kindat sakin.
"Baliw." - sabi ko.
He's humming a song while preparing the coffee. At first, I can't recognize the song but when he's humming the chorus, I learned that I'm familiar with it. 'Alipin' ng bandang Shamrock. Sabi nga pala nya alipin ko sya ngayon. "Heto na po ang kape nyo." Iniabot nya ang tasa ng kape at ang mangkok ng sinigang na hipon. "Sana po ay magustuhan nyo ang inihanda ko para sa inyo." Yumuko sya na parang nagbibigay galang sa kanyang kamahalan. Baliw talaga.
Humigop muna ako ng kape. Galing. Nahuli nya ang timplang gusto ko. Gusto ko kasi sa timpla ng kape ko ay 'yung nag-aagaw ang pait ng kape at tamis ng asukal. Napatingin ako sa kanya. "Ginaya ko ang timpla mo ng kape kanina sakin. I thought that's the way you want your coffee." - sabi nya.
"Impressive." - puri ko. Hindi ko naitago ang paghanga ko. Galing nya. Unang tikim pa lang nya ng kape, nakuha na nya ang saktong lasa na gusto ko.
"It's my pleasure your highness." - tugon nya.
"Drew, upo ka na din." - sabi ko.
"No. The servant should not be in the same table with his highness."
"Baliw. Kumuha ka na ng sa'yo at kumain ka na dito." Umiling sya. Umiral na naman ang kakulitan nya. Kung maipilit. "Well, your royal highness commands the servant to join him in his banquet. And that's an order!" - sinakyan ko na lang ang kabaliwan nya. Agad naman syang kumuha ng kanyang ulam at sinamahan na din nya ng kanin. Tapos umupo na sya sa upuan.
"Now, the royal highness orders his servant to stop this stupid stuff." - sabi ko. "Drew, itigil mo na 'to."
"But..."
"That's an order Mr. DeAndre!" - sabi ko.
"Ok."
"Drew, ilang taon ka na ba?" - mariin kong tanong.
"25..."
"Then act like a 25-year old man."
"Ok."
Hindi na ko makapaghintay na tikman ang niluto nyang sinigang na hipon. Tinikman ko ang sabaw at hindi ako nagkamali. Masarap ang luto nya. Hindi lang sya basta masarap, sobrang sarap. Hindi ako pihikan sa pagkain. Halos lahat kinakain ko. Pero alam ko kung masarap ang pagkain at hindi.
Alam ko kung ano ang kulang at sobra sa nilutong pagkain. Alam ko din kung ano ang makapagpapasarap dito.
"Ano? Hindi ba masarap?" - tanong nya.
Tinikman ko ulit. Ganun pa din. Sobrang sarap.
"Harry, hindi mo ba nagustuhan?"
"Anong hindi? Masarap. Sobra. Ang galing mong magluto ah." - may pagkamangha kong sagot. Para sa akin, pagdating sa pagluluto, iba ang magaling sa marunong magluto. Pareho nilang alam ang magluto at pareho din silang masarap magluto. Pero mas nakakaangat ang magaling magluto. Alam ng magaling magluto kung ano pa ang makapagpapasarap pa sa pagkain at alam din nya kung ano ang makapagpapasaya sa taong kakain nito. At si Drew, napakagaling nyang magluto.
"Talaga? Nagustuhan mo? Mabuti naman." - tuwang-tuwa nyang tugon.
"Galing mo ah..." Nagsimula na kong kumain. Tamang-tama ang asim, alat, linamnam. Napalabas nya ang tunay na sarap ng hipon. Galing.
"Salamat ah. Mabuti na lang nagustuhan mo."
Medyo marami na kong nakain ng mapansin kong hindi pa sya nagsisimula. Nakatingin lang sya sakin at nakangiti. "Hindi ka pa kumakain?"
Halatang nabigla sya sa tanong ko. "Ah, oo." Mukhang lutang lang syang nakatitig sakin habang kumakain ako. "Makita lang kitang masaya, busog na ko." - mahina nyang sabi.
"Ha?? Anong sabi mo??" - tanong ko. Pero narinig ko 'yung sinabi nya. Hindi ko lang pinahalata. Loko-loko talaga.
"Ah, eh.. Wala." - mabilis nyang tugon. "Kain na tayo."
Puro tunog lang ng kubyertos ang maririnig habang kumakain kami. Tumila na din ang ulan. Buti naman para hindi ako madumihan.
Paminsan-minsan ay nahuhuli kong nakatingin sa akin si Drew. Pero agad naman nyang binabawi. Anong problema nito? Siguro na-o-overwhelm lang sya sa kabaitang pinapakita ko.
"Pwede na ba akong mag-asawa?" - tanong nya.
Tumango ako. "Pwedeng pwede." Ngumiti na naman sya. "Alis na ko pagkatapos kumain."
"Sabay na ko. Hatid kita. Uwi na din ako pagkahatid ko sa'yo. Nahihiya na nga ako kasi buong araw na kong nandito. Madami ng abala ang nabigay ko sa'yo."
"Wala 'yun. Basta ba lagi mo kong ipagluluto."
"Oo naman." - tugon nya na may ngiti.
"Ah, maalala ko. Kumusta na pala sugat mo?"
"Ayos na. Magaling ang nurse ko eh. :)" Nambola pa.
"Nabusog ako. Salamat." - sabi ko.
"Anytime."
"Ako na ang magliligpit nito." - sabi ko pagkatapos naming kumain.
"Ako na, madudumihan ka pa."
"Hindi na. Kaya ko na 'to. Sige na mag-ayos ka na. Kuha ka na lang ulit sa cabinet ng susuotin mo. May mga polo shirts ako dun. Tingnan mo kung may kakasya sa'yo."
"Okay na 'to. Suotin ko na lang ulit 'yung jacket." Tama siya. Bagay naman 'yun sa khaki shorts at tsinelas nyang suot. Bad boy lang ang dating.
Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan namin, napansin kong tapos na din syang mag-ayos. Sobrang bagay nga suot nya. Nag-cap pa sya. Kahit ano siguro isuot nya babagay sa kanya. Inaya ko na syang umalis.
Sabay ulit kaming pumunta sa ospital. Habang naglalakad, naisip kong andaming nangyari sa araw na yon. Kakakilala ko pa lang sa kanya tapos ganito na kami ka-close.
"Can I have your number?" - tanong nya. Hindi pa nga pala kami nagkakapalitan ng cellphone number.
"Sure, pahiram ako ng phone mo tapos heto phone ko." At ganun na nga ginawa namin. Nagpatuloy kaming maglakad at nakita kong may malaking baha sa may daan. Binabaha talaga dun kapag medyo malakas ang ulan. Dun lang naman sa part na yon, pero medyo mahaba ang sakop ng baha sa daan.
"Dapat pala nag-jeep na lang tayo. Nakalimutan kong binabaha pala dito." - sabi ko.
"Ha?? Ayan na ang ospital oh. Lapit na lang tapos mag-je-jeep ka pa.." - sabi nya.
"Eh pano gagawin?? Alangan namang lumusong ako dyan. Hindi mo ba nakikita nakaputi ako??" May inis kong sagot.
Ngumiti sya.
Adik talaga 'to. Ngiti-ngiti pa nakikita ng namumroblema ako dito. Nakakainis. No choice. Papara na lang ako ng jeep.
"Akin na yang backpack mo." - sabi nya.
"Bakit?"
"Basta." Hindi nako nakatutol pa. Inalis na nya ang straps ng bag ko sa balikat ko at sinuot nya. Nagtataka pa din ako sa ginagawa nya.
Itatanong ko na sana ang kung ano balak nyang gawin ng bigla nya kong buhatin. 'Yung buhat ng katulad ng buhat ng groom sa bride nya kapag bagong kasal sila. Ng masiguro nyang kaya nya ang bigat ko, nagsimula na syang maglakad. Siya ang lumusong sa baha.
"Drew, what on earth are you doing? Ibaba mo ko." - sigaw ko.
" Sshhh... Wag kang maingay. Pinagtitinginan tayo oh." Diretso lang ang tingin nya at naka-ngisi pa ang loko. Nakita kong pinagtitinginan nga kami ng mga nagdadaang tao.
"Ibaba mo na kasi ako. Nakakahiya oh. Ang bigat ko kaya. Atsaka yung sugat mo baka magdugo na naman." - mahina kong sabi.
"Kaya naman kita eh.. Ako pa." - pagmamayabang nya. "Wag kang mag-alala, sa tingin ko naman hindi na magdudugo sugat ko. Atsaka Harry, hindi kita pwedeng ibaba." Diretso pa rin ang tingin nya.
"Bakit naman??" tanong ko. Hindi sya sumagot. Nakangisi pa rin. Hindi nya nga ako pwedeng ibaba dahil nasa gitna na kami ng baha. Hindi nako kumibo. Pero patuloy akong pinapahanga ng lalaking to. Somehow, kinilig ako. I've never been this 'kakilig' my entire life. Never in my dreams that this will happen to me. He's my knight in shining armor.
"Harry ok na. Ibaba na kita ah," - sabi nya. Nag-daydream ako.
"Ah, ah sige," - sabi ko. "Hindi mo naman kailangang gawin yun eh. Salamat ah"
"Kailangan mo so I volunteered. Tara na. Baka matsismis pa tayo. Hahaha.." - sabi nya.
Natuwa ako sa ginagawa nya. Hindi ko inisip na gagawin nya yun. Pero at least, problem solved na. Thanks to him. "Hugas ka ng paa mo mamaya sa ospital ah. Ang dumi nun, baka magkasakit ka pa."
"Opo." - tugon nya. Sinamahan ko sya na maghugas ng paa sa may restroom ng lobby ng ospital.
"Pano? Akyat nako sa taas. Uwi kana din." - sabi ko.
"Ah, ok." Hindi nya naitago ang lungkot. Nagsimula na syang maglakad paalis.
"Ah, Drew."
"Bakit??" Mabilis syang bumalik.
"Ah, 'yung bag ko"
"Ay, sorry." At binigay na nya ang bag ko.
"Salamat ah. Drew, uwi ka na ok? Pahinga ka na. Wag ng magpapagod..."
"Ok po."
"Ingat ah"
"Ok po." - ulit nya.
Hinintay ko muna syang makasakay ng jeep. Nag-wave sya sakin at nag-wave back ako. Umakyat na ko papuntang 2nd floor. Nakita ko si Honey sa nurses station. Wala si Sheryl. Off nya.
"Anyare?" - bungad sakin ni Honey. (Favorite nya talaga "Anyare?" expression na 'yun).
"Ano?" - tanong ko.
"Yung pagbuhat sayo ni Mr. DeAndre kanina sa daan. Sino ba naman ang hindi makakapansin nun ah?? Hahaha." - tugon nya.
"Ha?" - tanong ko. Nakita pala ni Honey 'yun.. "Hindi kasi ako makalusong sa baha baka madumihan ako. Sabi ko mag-jeep na lang tapos bigla nya kong binuhat. Nagulat nga ako eh." - sabi ko.
"Ahhh, ok.." - may ngisi nyang sagot. "So bati na pala kayo."
"Oo, mapilit eh." - tugon ko. Kinikilig nako.
"Wow, girl na girl.. Haba ng hair!!! Hahahaha." - tukso nya.
"Oy ah.. Wala lang yun.. Pahingi na nga ako ng chart para matapos na.."
"Ok.. Wala nakong sinabi.. Hahaha." - sabay abot ng mga patient's charts.
Nagsimula nakong magtrabaho. Minsan naiiisip ko ang mga nangyari saming dalawa ni Drew ngayong araw. At napapangiti ako. Ha? Bakit? Bakit ganito ang feeling? Alam ko ang ganito pero ayokong i-entertain. Dahil takot ako. Ayokong mag-assume.
( DREW Part )
30 mins lang ang travel from hospital hanggang sa condo ko. Tinext ko si Harry pagdating ko sa unit. Naligo muna ako at pagkatapos nilinis din ang sugat. Hindi na sya sumasakit at nagdudugo. Galing talaga ng nurse ko. Tiningnan ko ang phone ko pero hindi pa din nagrereply si Harry. Baka busy.
Nahiga nako sa kama. Inisip ko ang mga nangyari samin ngayong araw. Buti na lang talaga nagkaayos na kami. At hindi lang 'yon ang magandang nangyari sakin. Naging close pa kami ni Harry. Sabi siguro ni Lord I deserve to be happy after what had happened to me these past few weeks. Akala ko hindi ko na makakalimutan si Kaye. Well, not totally but thanks to Harry. Niligtas na naman nya ang buhay ko.
Hindi pa din sya nagtetext??? One hour has passed. Nami-miss ko na sya. Tawagan ko na lang kaya? Hindi pwede. May work pa sya. Madami sigurong ginagawa. Baka pagalitan pako nun kung bakit tinawagan ko pa sya. Hahaha. Ang cute nyang magalit. Lalo na pag naka-snub sya. Kaya lang mahirap amuhin kapag nagtampo. Hehe.
2 hours nakong nakahiga. Hindi ako makatulog at wala pa din syang reply. Text ko na nga lang ulit...
"Harry, did you received my message?" - text ko. After 1 minute, nagreply sya.
"Yes. Sorry I haven't responded quickly. Too many work here." - reply nya.
"No, I understand. Am I bothering you?"
"Slight lang. Hehe. Hindi, I'm almost done with my stuff. It's too late. Why aren't you sleeping?
"I can't sleep. I dunno why. Maybe I'm missing you. :)" - text ko.
Hindi sya nagreply. 3 mins. 5 mins. 15 mins had passed. Wala pa din. Baka may ginagawa. O baka hindi na naman nagustuhan sinabi ko. Kinabahan nako kaya tinawagan ko na sya. Hindi nya nasagot (or sinagot???) ang first call. AAAHHHH... Drew, you're stupid. Sabi ko sa sarili ko.
I attempted a second call. First ring... Second... Third... (Wala pa rin. Tumayo ako sa kama. Nagpapanic nako.) Fourth ring... Fifth...
"Yes?" - sagot nya.
"Harry. Oh my... I thought you're mad again." - may pagkataranta kong sagot.
"Mad???"
"Yes, for what I've texted a while ago." Kinakabahan nako. Hindi sya nagsalita for a while. Ayan na. Galit na.
"What? About you missing me??" - tugon nya.
"Yeah.. . .. . .." Drew!!! Look what you've done. Sabi ko sa isip ko.
"You thought I'm mad about that?"
"Yes? Look Harry. It's... It's just that.........."
"Drew," he interrupted. "I'm not mad ok? Not at all."
Nakahinga nako. Narinig nya din siguro ang buntong-hininga ko. "That's a relief. I thought your mad when you haven't replied."
"Mr. DeAndre," - sabi nya. "In case you have forgotten. Nasa work po ako. Hindi ko naman po kayo masasagot agad-agad. May ginagawa po kaya ako dito."
"Yeah. Of course. Sorry."
"I'm not mad ok?" - ulit nya. "Pero kung hindi ka pa magpapahinga baka 'yun 'yung ikagalit ko."
"Opo. Heto na po. Magpapahinga na po." - tugon ko. "Ahhh, Harry, ahhhh yung sinabi ko kanina, I mean it. I really miss you.
Hindi sya nakasagot agad. "The feeling is mutual, Drew." - tugon nya.
Talaga? Nami-miss nya din ako?? I haven't expected that answer. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sagot nya.
"Drew, are you still there?"
"Yeah. Yeah. I'm still here."
"Baka pwede na po kayong magpahinga."
"Yeah, of course... Ah, Harry anong duty mo bukas?" - tanong ko.
"Uhmmm, off ko bukas. Next morning pa duty ko ulit. Why?"
(Great!) "Ah, wala lang."
Hindi sya sumagot. Gusto ko pa sana syang makakwentuhan ng matagal.
"Mr. DeAndre...!" - madiin nyang sabi.
Nakuha ko na ibig nyang sabihin kaya sumagot ako agad. "Opo. Matutulog na po... Good night."
"Good night din. Tulog ka na. Bababa ko na 'to."
"Sige. Good night ulit." At binaba na nya ang phone.
'The feeling is mutual Drew.' Paulit-ulit na naririnig ko ang boses nya sa isip ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? May feeling na ba ko para kay Harry? Pero straight ako.'Yun ung alam ko..., dati... Ngayon??? I don't know.
Haaayyy... I don't wanna think of that this time. The thing is Harry and I are friends. And I'm happy again. That's more important. Pupuntahan ko ulit sya bukas. May plano ako.

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon