EPILOGUE

2 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

'Ang ganda talaga ng gabing ito.' - sabi ni Harry sa kanyang isip.
Malamig ang pag-ihip ng hanging amihan sa mukha ni Harry habang pinagmamasdan nya ang bilog na buwan at mga bituin sa kalangitan. Pero lagi namang maganda ang gabi para sa kanya. Wala mang buwan o hindi nya makita ang kahit isang bituin dahil nagtatago ito sa makakapal na ulap na magdadala ng malakas na ulan - maganda pa rin ito para sa kanya.
Habang matamang pinagmamasdan ni Harry ang langit ay naramdaman nya ang mga bisig ng kanyang asawa na bumalot sa kanyang katawan mula sa kanyang likod na nagsisilbing kalangitan naman niya dito sa ibabaw ng lupa.
"Mahal ko, tara na sa loob." - yaya ni Drew sabay halik sa pisngi ni Harry habang nasa likod pa din sya ng kanyang asawa.
"Handa na ba?"
"Oo. Sorry natagalan ah." Hinalikan nya si Harry.
"Haayy.." Tumingala si Harry. "Sa Linggo papatanggal ko na lahat ng mistletoe sa buong bahay. Talagang kinuha mo pa ang style ni Dad ah. Pakikiusapan ko talaga sila Manong Boy at Manang Flor na alisin lahat ng Christmas decorations dito sa bahay total tapos na naman ang Pasko."
Ang mag-asawang Manong Boy at Manang Flor ang mga caretakers ng bahay nila kapag umaalis ang mag-asawa tuwing Linggo. Ang araw ng Linggo ang nagsisilbing araw nilang dalawa para sa isa't isa. Umaalis sila ng bahay at namamasyal na magkasama.
"Ayoko. Hindi nila gagawin 'yun." - tugon ni Drew.
"Bakit?"
"Dahil ako ang nagpapasweldo sa kanila."
"Ahh, ganun. . ." - tugon ni Harry na tumango-tango pa. "Ang natatandaan ko kasi ako ang nagbibigay ng sweldo nila kahit sa'yo nagmumula ang pampasweldo."
Natigilan si Drew dahil tama ang tinuran ng asawa. Siya na kasi ang nagbu-budget ng lahat ng gastusin nila sa bahay. "Mahal ko naman. Pwede bang i-extend hanggang January 6." Hinintay nya ang sagot ni Harry, pero nabigo sya. "Please? Pagkatapos na ng 'Feast of Three Kings.'"
"Ok." - nakangiting pagsang-ayon ni Harry.
"Yes!" Tapos hinagkan nya ulit si Harry. "Tara na sa loob."
"My love, bakit ang dilim?" - sabi ni Harry ng pumasok sila sa bahay. Madilim ang buong paligid. Hindi nakasindi ang mga ilaw sa loob. "Drew, ano naman ba 'to? Wala akong makita." Mabuti na lang tumatagos ang sinag ng buwan sa malalaking glass window ng bahay. Kahit papaano ay nakikita ni Harry ang paligid.
Hinawakan ni Drew ang kamay ni Harry. "Mahal ko, nandito lang ako sa tabi mo. Maglakad ka lang at gagabayan kita. Hindi ka mapapano, sigurado ako. Magtiwala ka lang."
"Sabi ko na nga nakalimutan mong makapagbayad ng kuryente eh." - biro ni Harry. "Dapat talaga ako na ang sumaglit para gawin 'yun."
"Mahal ko, hindi ko nakalimutan 'yun. Wala pa kong nakakalimutang bilin mo di ba? Dahil sigurado akong aawayin mo ko kapag hindi kita sinunod."
Ng makarating sila sa dining room ay agad napansin ni Harry ang sorpresa ni Drew. Napakaganda ang ayos ng kanilang dining table. Parang mga mesa sa mga fine dining restaurants.
Dinner by candlelight ang inihanda ni Drew para sa first wedding anniversary nila ni Harry. Maaga syang umuwi galing ng firm para paghandaan ito.
Ginabayan ni Drew si Harry papalapit sa mesa at hinila nya ang upuan para makaupo ang asawa nya. "Mahal ko, maraming salamat sa isang taong pagtyatyaga mo sa akin ah." - malambing na sabi ni Drew ng makaupo na sya. Kinuha at hinawakan niya ang kamay ng kabiyak. "Sana dumating pa ang maraming taong hindi nagbabago ang tingin natin sa isa't isa."
"Hindi kailanman magbabago ang nararamdaman ko, my love. Alam kong alam mo 'yan."
Nginitian ni Drew si Harry. "Happy Aniversary, mahal ko. Pasensya na ha heto lang nahanda ko. Gusto ko pa sanang magluto ng marami kaya lang nagkulang ako sa oras." - sabi ni Drew at nagsimula na silang kumain ng kanilang hapunan.
"Ano ka ba naman my love. Ang dami na nito oh. Tsaka aanhin natin ang maraming pagkain eh tayong dalawa lang naman nandito. Ang mas mahalaga, masarap lahat ng niluto mo." - tugon ni Harry.
Isang taon na ang nakalipas ng magpakasal si Drew at Harry. Halos walong buwan na din ng lumipat sila at magsimulang manirahan sa kanilang bagong bahay kagaya na din ng pangako ni Drew na magpapatayo siya ng bahay para sa kanilang dalawa.
"Ang romantic nito ah. Nagustuhan ko."
"Mabuti naman nagustuhan mo mahal ko. Gusto ko sana sa labas tayo magcelebrate ng anniversary natin kaya lang hindi pwede."
"Talagang hindi pwede. Ayoko naman iwan si Zeus dito."
Pagkasabi ni Harry nun ay umiyak ang tatlong buwan na sanggol na nakahiga sa maliit na crib na nakatabi sa dining table kung saan sila kumakain. Agad tumayo si Harry para kuhanin ang bata.
"No. Papa won't leave you." - sabi nya habang sinasayaw ang bata para patahanin sa pag-iyak. "Tama na baby Zeus, hindi naman kitan iiwan eh. Dito ka lang sa tabi ko." Tumigil na sa pag-iyak si Zeus. Tiningnan ng masama ni Harry si Drew. "Nagbibiro lang si Daddy. Hindi ka namin iiwan."
Si Zeus ay in-adopt nila Drew at Harry sa isang bahay ampunan tatlong buwan na ang nakakaraan. Sabi ng mga madre ay iniwan daw sya ng isang batang ina sa kanilang ampunan dahil hindi nya kayang buhayin ang bata dahil iniwan sya ng ama ng kanyang anak. Dahil sa kagustuhan na rin nilang dalawa na magkaanak, agad nilang inayos ang mga papeles para ampunin ang bata. Kagaya ng napag-usapan nila, isinunod ang apelyido ni Zeus sa apelyido ni Drew.
"Alam na alam mo kung paano sya patahanin." - sabi ni Drew na nasa tabi na ni Harry at sinusubukang patulugin si Zeus.
"Oo naman. Sa bawat oras na magkasama kami, wala syang choice para masanay sakin. Hehe." Habang isinasayaw ni Harry si Zeus ay napansin nyang nakatitig lang si Drew sa kanya. "Bakit? Anong iniisip mo my love?" - tanong ni Harry.
"Mahal ko, why don't you reconsider my offer to hire a 'yaya' for Zeus. Alam kong napapagod ka na sa pag-aalaga sa anak natin."
"Napag-usapan na natin 'to di ba? Hindi na natin kailangan 'yun. Kailanman hindi ako mapapagod ng pag-aalaga ng cute na cute na batang 'to. At hindi pa din magbabago ang isip ko. Ayokong may mag-alagang ibang tao sa anak natin. Kaya ko naman eh. Masaya ako sa ginagawa ko."
"But you already gave up your job as a nurse ever since we adopt Zeus. I know how important your work as a nurse to you. Di ba gustong-gusto mo ang trabaho mo?"
"Oo." Natigilan saglit si Harry. "Pero naisip ko imbes na alagaan ko ang ibang tao na hindi ko kaano-ano, di ba mas maganda kung sarili kong pamilya ang alagaan ko?" Nginitian ni Harry si Drew. "I'm willing to give up everything, even my own happiness, for the sake of this family. And I know you will do the same."
"Of course mahal ko. Gagawin ko din ang lahat para sa inyong dalawa ni Zeus. And I must say that you're the best househusband a man could ever have. At malaki ang pasasalamat ko na ikaw ang asawa ko." Hinalikan ni Drew ang pisngi ni Harry. "Pakarga nga sa anak natin." Dahan-dahang binigay ni Harry kay Drew ang tulog na tulog na si Zeus. Sandaling nalingat si Zeus sa mga bisig ni Drew pero agad naman itong nakatulog ng simulan na nyang isayaw ang bata.
"Mas magandang ako na ang mag-alaga sa anak ko kaysa iba pa ang magpalaki sa kanya." - sabi ni Harry habang tinatapik ang mga binti ng nakatulog nilang anak.
"Anak ko?"
"Anak pala natin."
"Hindi. What I meant was, si Zeus lang ba ang aalagaan mo?"
"Syempre pati ikaw na din." - sabi ni Harry na pinisil pa ang magkabilang pisngi ni Drew. "Ikaw kaya ang pinakaunang baby ko."
"So kung kaya mo namang mag-alaga ng bata, I don't think it won't be hard for you kung kumpletuhin na natin ang labindalawang dyos at dyosa ng Mt. Olympus."
"My love naman eh. Seryoso ka talaga dun ah?" - tanong ni Harry. Tumango si Drew. "Ok. Pero hindi mo naman siguro pagsasabay-sabayin ano? Ang hirap kaya."
"Hahaha. Oo naman mahal ko. Dito pa nga lang kay Zeus hindi na kita ma-solo. Paano pa kaya kung madami na di ba?" - sabi ni Drew. "Mahal ko, ready ka na ba mamaya?" - may ngising tanong ni Drew. "Ako, excited na."
"Hmmm... Kung hindi mangungulit si Zeus mamaya. Pwedeng pwede... Hehe."
"Zeus, mag-usap nga tayo. Lalaki sa lalaki." - sabi ni Drew sa tulog na si Zeus. "Pwede bang makisama ka? Kahit ngayong gabi lang. Nakikiusap ako. Di ba love mo si Daddy? Pwede bang akin muna ang Papa mo? Pagbigyan mo naman..." Natigilan si Drew.
Napansin ni Harry na nag-iba ang itsura ni Drew. "Bakit?" - tanong nya. Inilayo ng kaunti ni Drew si Zeus mula sa pagkakalapit ng bata sa kanyang katawan. "Inihian ka na naman ba nya? Hahaha."
"Pangatlong beses na 'to ngayong araw ah..." - sabi ni Drew.
"That's his way of showing his love my love." Kinuha ni Harry si Zeus kay Drew. "It means he love you so much."
"Really? I don't think so." Agad hinubad ni Drew ang suot nyang t-shirt. "I think that is a disagreement to my request to exclusively have you tonight."
"Hahaha. Sige gagawa ako ng paraan para mahimbing syang makatulog mamaya." Binaba na ni Harry si Zeus sa kanyang crib. "Para naman magawa mo kung ano man 'yang binabalak mo. Hehe." At pinalitan ni Harry ng bagong damit si Zeus.
"Great! Thanks mahal ko." Agad lumapit si Drew kay Harry.
"Basta para sa'yo my love. Happy Anniversary. I love you.
"Happy Anniversary din. I love you more mahal ko." At hinalikan nya si Harry.
"Sige na my love, tapusin na natin ang pagkain natin. Sandali lang pala, kuha lang kitang bagong damit."
Aalis na sana si Harry pero pinigilan sya ni Drew. "'Wag na mahal ko. Tamang-tama 'to. Diretso na. Wala ng paligoy-ligoy pa." - sabi ni Drew sabay kindat kay Harry.
"Agad-agad?"
"Oo. Gusto mo ngayon na. Tutal tulog na naman si Zeus."
Hindi na nakatutol pa si Harry dahil agad na syang sinunggaban ng halik ni Drew. Hindi na din sya tumanggi dahil sabik na din sya sa kanyang asawa. Hindi na din sila nakapunta pa ng kanilang kwarto at doon na sa kusina nila tinapos ang kanilang pagniniig. Mahimbing pa ding natutulog ang batang si Zeus pagkatapos nilang pagsaluhan ang kanilang pag-ibig. Agad pinagtimpla ni Drew si Harry ng kape.
"Mahal ko, hindi ka ba nagsasawa?" - tanong ni Drew pagkaabot ng tasa ng kape kay Harry at umupo sya sa sofa katabi nya. Inaabot naman ni Harry ang bathrobe kay Drew na agad naman nyang isinuot dahil underwear lang ang kanyang suot.
"Of course not. Hindi ako magsasawa sa kape mo my love. Lalo na't gawa mo.. At ayoko ng isipin kung ano mang ginagawa mo sa timpla mo. Hehe."
"Hindi ang kape ang tinutukoy ko, mahal ko." - seryosong sabi ni Drew. "Ako... Hindi ka ba nagsasawa sakin? Isang taon na tayong nagsasama bilang mag-asawa. And we're living together for more than a year. Hindi ka ba nagsasawang kasama ako?" May pagkabahala sa mga tinuran ni Drew. "Natatakot kasi akong dumating 'yung araw na magsawa ka sa akin, tapos iwan mo ko."
Hindi agad nakasagot si Harry. Tanging mahihinang higop lang niya sa kanyang kape ang tanging maririnig sa kanilang bahay sa nakakabinging katahimikan sa kalaliman ng gabi. Inilapag ni Harry ang kanyang kape sa katabing mesa. Tumayo siya at tiningnan nya kung maayos lang si Zeus. Ng masiguro nyang mahimbing pa ding natutulog ang anak ay bumalik at tumabi ulit sya sa kanyang asawa.
"Alam mo my love, naisip ko na din 'yan. Na baka dumating ang araw na magsawa ka din sa akin." Humigop sya ulit ng kape sa huling pagkakataon at ibinigay nya ang tira sa kanyang asawa, kagaya ng dati. "Pero sa tuwing naiisip ko 'yun, agad nawawala ang pag-aalinlangan ko. You know my love, I've never doubted your loyalty and faithfulness. Hindi ko maisip na kaya mong gawin na iwan ako..."
"You're right. Isipin ko pa lang na malalayo ako sa'yo, talagang mababaliw ako."
Hinawakan ni Harry ang kamay ni Drew. "You know what. Everytime you hold my hands, I can still feel the grip of your hands as if you don't want me to let go. Your hands still perfectly fitted mine just the way it was before, my love.
"Kapag yakap mo naman ako, ramdam na ramdam ko kung paano mo ako kailangan sa buhay mo." - pagpapatuloy ni Harry. "Kung paanong ayaw mong mahiwalay ako sa'yo. Kapag magkalayo tayo at kapag nasa trabaho ka, kung pwede nga lang tawagan mo ako oras-oras gagawin mo. At kapag tumatawag ka bago ka umuwi, alam kong hindi mo napapansin, pero alam mo bang sobrang excited mong umuwi dito sa bahay kasi sabik na sabik ka ng makita ako? I can still feel that, my love.
Tumayo si Harry at hinila din nya si Drew papatayo. Hinawakan ni Harry ang mukha ni Drew at nagkatinginan sila. "In your eyes, I can still see the look of the man who loves me most. The one who can put me above anything else. The man who can give up everything, even his own life, just for me. I can still see the man who'll be forever be beside me. In your eyes, I can still see the two of us together even when we get older, my love.
"And when you kiss me, I still feel your love to me. I still feel every beat of your heart when your lips touch mine. At ang halik mo ang tanging nagpapatulog sa akin buong magdamag at sya din namang bumubungad sakin tuwing umaga paggising ko. Nararamdam ko pa din ang lahat ng pagmamahal mo, my love... Hanggang ngayon."
Sa sobrang ligaya na nararamdaman ni Drew ay sinubukan nyang halikan si Harry pero nabigo sya.
"Sandali, hindi pa ako tapos. Hindi ko pa nga nasasagot ang tanong mo di ba? Kung nagsasawa na ba ako sa'yo?" Nagbuntong-hininga si Harry at ngumiti. "Hindi, my love. Hinding-hindi ako magsasawa sa'yo kailanman. And, I won't even give up on us. Ikaw na nga ang asawa ko di ba? May choice pa ba ako?" - biro ni Harry.
Natawa si Drew. "And I'm glad you let me to be your choice." - sabi nya.
"Atsaka maghahanap pa ba ako ng iba. 'Yung mukha pa lang na 'yan. Ang mukhang 'yan ang gusto kong makita mula sa aking paggising hanggang sa pagpikit ng aking mga mata. Pati nga sa panaginip nakikita ko pa din ang gwapo mong mukha." Nginitian nya si Drew. "Siguro naman pwede na ang mga sinabi ko para hindi ka na mag-alinlangan na magsawa ako sa'yo at iwan ka..."
"Hindi na mahal ko..." - tugon ni Drew. Kinuha ni Drew ang tasa ng kape na tira ni Harry kanina at uminom sya dito ng kaunti. Pagkatapos nyang uminom ay inilahad nya ang tasa kay Harry. "Patunayan mong mahal mo pa din ako. Inumin mo 'tong tira kong kape."
Naguluhan si Harry sa sinabi ni Drew. Tinatanong nya ang isip nya kung bakit ganun ang gustong mangyari ng asawa nya. Kailanman kasi ay laging si Drew ang umiinom ng kape na tira ni Harry sa kadahilanang ayaw ni Drew ng masyadong mainit na kape kaya si Harry na muna ang nauunang uminom. Pero ngayon, iba ang gusto ni Drew na mangyari.
"Anong ibig mong sabihin, my love?" - may pagtatakang tanong ni Harry. Pero hindi nya kinakitaan ng kahit anumang reaksyon ang asawa nya. Kahit naguguluhan si Harry ay kinuha niya ang tasa mula kay Drew. Ininom nyang lahat ang natirang kape. Habang umiinom ay nakatitig sya sa mga mata ng kanyang asawa ng may naramdaman syang may bagay na bumunggo sa kanyang mga labi pagkaubos nya ng kape. Agad inilayo ni Harry ang tasa mula sa kanyang labi at narinig nya ang pagtunog ng isang bagay sa loob nito. Kinuha nya ang bagay na 'yon mula sa pinakailalim ng tasa at matamang tiningnan.
"My love, anong ibig sabihin nito?" - tanong ni Harry habang hawak nya sa kanyang mga daliri ang bagay na nakuha nya sa tasa. Kinuha ito ni Drew mula sa mga daliri ni Harry at isinubo nya ito. "Bakit mo sinubo?"
"Sayang ang lasa ng kape sa singsing eh..." - may ngiting tugon ni Drew.
"Ha? Baliw ka ba? Drew, ano ba 'tong ginagawa mo?"
Iniluwa ni Drew ang singsing mula sa kanyang bibig. Lumuhod sya sa harapan ni Harry at inilahad ang singsing sa harapan nya. "Papayag ka bang pakasalan ako ulit, mahal ko?"
"Ha? Kasal na tayo di ba? Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Let's renew our vows, mahal ko. Gusto kong ulitin natin ang naging sumpaan natin isang taon na ang nakalipas."
"My love, hindi na natin kailangan 'yun. Ang ipinangako natin isang taon na ang nakalipas ay mananatili magpakailanman."
"Kailangan ko. Sige na, mahal ko. Pagbigyan mo na ako."
Napabuntong-hininga si Harry. "Kung maipilit mo talaga." Inilahad ni Harry ang kanyang kamay sa harap ng asawa dahil wala naman din siyang magagawa sa kakulitan ng asawa.
Agad isinuot ni Drew ang singsing at agad tumayo. "Salamat." Hinagkan nya si Harry. "Kahit alam kong napilitan ka lang."
Nangiti si Harry. "At alam kong taon-taon mo gagawin ito." Masayang tumango si Drew. "Pero pwede bang wala ng singsing? Okay naman ako kahit wala nito." Tiningnan nya ang bagong singsing sa daliri nya. Ilang buwan na ang nakalipas ng pumunta sila sa isang jewelry shop at napagpasyahan nilang pag-isahin na lang ang tatlong singsing ni Harry - ang promise ring, ang engagement ring, at ang wedding ring. "Nadagdagan na naman ng isa. May laway pa!"
"Salamat, mahal ko."
"Kelan ang kasal?"
"Bukas! Sa may bakuran sa labas ng bahay natin katabi ng pool."
"Agad-agad?!"
Tumango si Drew. "Nasabihan ko na sila Mama. Uuwi din sila Dad at Mom at dito sila magba-Bagong Taon. Pupunta din sila Jen at ang buong barkada pati na rin sila Jason at ang mga co-architects ko."
Natulala si Harry dahil wala syang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid nya. Naisip nyang hindi pa din pala nya lubos na kakilala ang asawa nya. Lagi na lang syang nagugulat sa mga sorpresang plano ni Drew sa kanilang pagsasama. "Hindi na dapat ako nagtanong." - tulala pa din ng sumagot si Harry.
"Sorry."
"Nakakainis!!!"
"Sorry, mahal ko."
"Drew, pwede ba kitang sapakin?"
Tumango naman si Drew. "Sige, pwede mong gawin 'yun."
"Argh. Nakakainis ka. Sobrang bait mo. Pwede ka bang maging agresibo minsan? 'Yung 'wag kang magbait-baitan minsan. You know what? It bugs the hell out of me."
"Anong ibig mong sabihin? You want me to be aggressive? Marahas?"
Tumango si Harry. "Kahit minsan lang."
Ngumisi si Drew. "Kaya mo ba?"
Naguluhan si Harry sa tanong ni Drew. Ngumisi pa talaga sya.
"Kakayanin mo bang maging agresibo ako?" - tanong ulit ni Drew.
Kahit nalilito pa din ay tumango si Harry. Pagkatapos ay hinalikan ni Drew si Harry.
"Sandali. Hindi ito ang ibig kong sabihin." - sabi ni Harry ng makalayo ito. "Ang ibig kong sabihin ay. . ."
Pinutol ni Drew ang pagsasalita ni Harry. "I know what you are getting at. You want me to play Mr. Naughty? 'Yung magagalit sa'yo. 'Yung maiinis sa'yo. 'Yun ang ibig mong sabihin sa pagiging agresibo, di ba?" Tumango si Harry. "Sorry, but I can't. Hindi ko magagawa 'yun."
"Tssk. Wala na kong sinabi. Hindi mo din pala ako pagbibigyan."
Umiling si Drew. "Hindi. Meron kang sinabi na nagustuhan ko. At pagbibigyan kita."
Pagkatapos sabihin ni Drew 'yun ay agad nyang hinila si Harry mula sa kanyang bewang papalapit sa kanya. "Pasensya ka na mahal ko, heto lang ang alam kong karahasan na pwede kong gawin sa'yo."
At ipinagpatuloy na ni Drew ang naudlot na paghalik nya kay Harry kanina. Kagaya nga ng sabi ni Drew, marahas ang ginawa nyang paghalik sa asawa nya. Agresibo. Mainit. Maalab. Mapagmahal. Ang tanging nasa isip nya lang ngayon ay mapaligaya ang kanyang asawa sa piling nya - na lagi naman nyang sinusubukang gawin at susubukan pang panatilihin.
'Nabubuhay ako sa isang napakagandang panaginip.' Ito ang madalas sabihin ni Harry kay Drew. Simula ng gisingin ni Drew ang kanyang puso sa matagal na pagkakahimbing na nag-iisa sa mundo ng kawalan ay hindi na nya gustong bumangon pa at mas gugustuhin pa nyang ipagpatuloy na lang kanyang buhay sa mundo ng imahinasyon kasama si Drew.
**********
Samantala, sa napakalayong lugar ay may mga pares ng mga matang nakamasid kila Harry at Drew. Wala silang kamalay-malay na ang buhay nila ay binabantayan at pinagmamasdan ng mga makapangyarihang nilalang. Tahimik nilang sinusubaybayan ang dalawa simula pa noong magkakilala sila.
"Tama ba talaga ang naging desisyon mo, Aphrodite?" - tanong ni Zeus, ang pinuno ng mga dyos.
"Tungkol saan?" - tanong ni Aphrodite, ang dyosa ng pag-ibig at kagandahan.
"Tungkol sa dalawang mortal na 'yan. Alam nating lahat na hindi natural sa mundo ng mga tao na mag-ibigan ang magkapareho ng kasarian. Bilang dyosa ng pag-ibig, nararapat ba talaga na magsama sila?"
"Ang pag-ibig ay isang kumplikadong pakiramdam ng kahit na sinomang nilalang dito sa mundo, na kahit tayong mga dyos ay nahihirapan itong mapigilan. Masyado itong malakas para diktahan ng mga nakasanayan ng pananaw ng mga tao tungkol sa pagmamahalan at pagsasama at kahit anomang batas ng mga mortal. Ang pag-ibig ay may sariling batas, at hanggang ngayon, walang nilalang ang makapagsasabi ng mga ito - kahit ako. Tanging pag-ibig lang ang may alam kung ano ang tama at mali sa mga nakakaramdam dito." - pagpapaliwanag ni Aphrodite.
Tumango-tango si Zeus habang hinihimas ang kanyang mahaba at puting balbas. "Sa tingin ko tama ang lahat ng tinuran mo." - pagsang-ayon ni Zeus. "Eh ikaw, mahal. Ano sa tingin mo? Ikaw na dyosa ng pag-iisang dibdib, tama bang magpakasal pa sila? Hindi ba kalabisan na 'yun?"
"Wala akong nakikitang masama, mahal." - tugon ni Hera. "Nararapat lang silang handugan ng pribilehiyo ng pagiisang-dibdib. Narinig mo ang mga sinabi ni Aphrodite. Wagas ang pagmamahal ng dalawang mortal para sa isa't isa. Hindi ko naman ipagdadamot ang kaligayahang dapat nilang maranasan at makamtan."
"Pero alam naman nating napakasagrado ng seremonya ng pag-iisang dibdib." - tugon ni Zeus. "Karamihan sa mga nilalang sa ibabaw ng lupa ay hindi na iginagalang ang kahalagahan ng kasal. Magpapakasal sila, tapos ano? Maghihiwalay lang din sila at iiwan ang isa't isa. Ipinagsasawalang-bahala na lang nila ang kanilang sumpaan sa isa't isa."
"Talaga mahal?" May ibang gustong ipakahulugan si Hera sa sinabi ni Zeus. Natawa sya ng mahina. "Nakakatawang isipin na sa'yo pa nanggaling ang mga katagang tinuran mo."
Hindi lingid sa kaalam ng ibang dyos ang pagkakaroon ng ibang karelasyon ni Zeus, dyosa man o tao, na labis na ikinagagalit ng asawa nyang si Hera.
"Ahh.. Ehh.. Mahal..." - pautal-utal na sabi ni Zeus. "Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang malaman ay kung magsasama pa sila ng mas matagal. Sayang naman kasi ang regalo mong kasal sa kanila kung mauuwi lang ito sa hiwalayan hindi ba?" - malumanay na pagpapaliwanag ng pinuno ng mga dyos at dyosa. Kahit si Zeus ang itinuturing nilang pinuno sa Olympus, malaki pa din ang takot nya sa asawa nyang si Hera lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang katapatan sa isang relasyon.
Matalim ang naging tingin ni Hera kay Zeus. "Bakit hindi mo tanungin si Apollo? Hindi ba siya ang may hawak ng mga propesiya? Si Apollo na anak mo sa ibang babae?" - may pigil na galit ang mga tanong ni Hera.
'Heto na naman kami.' - batid ni Zeus sa kanyang isip. Napagtanto nyang tanungin na lang si Apollo kung ano ang magiging kapalaran ng dalawa para naman mabaling ang atensyon ni Hera sa ibang bagay. Pero bago pa man sya magtanong ay narinig na nito ang magandang musika mula sa gintong lira ng kanyang anak.
"Hindi sila maghihiwalay, mahal kong ama." - sabi ni Apollo na patuloy pa din ang pagkalabit sa kanyang lira na naglilikha ng magandang musika. "'Yun ang sinasabi ng mga hula. Natural ang hindi pagkakaunawaan sa isang mag-asawa pero malakas ang kapit ng dalawang mortal sa kanilang pag-iibigan." May himig ang naging tugon ng dyos ng musika at propesiya o panghuhula. "Kahit itanong mo pa kay Hades, ama."
"Tama." - walang kare-reaksyon na tugon ni Hades, ang dyos ng mundong ilalim at ng mga patay. "Patuloy na magsasama ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang buhay. At alam kong hindi pababayaan ng mahal kong Reyna Persephone ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang mundo."
"Haayy..." Malakas ang naging buntong-hininga ng dyos ng karagatan. Malalim at malamig na para bang ang boses nya ay ang nanggaling pa sa kaibuturan ng dagat. "Alam mo bang pati ang asawa kong si Amphitrite ay sinusubaybayan ang pag-iibigan ng dalawang taong 'yan." - may pailing-iling at nakangiting sabi ni Poseidon.
"Mga lapastangan!" - galit na galit na pagsabat sa usapan ng dyos ng digmaan. "Mga mapangahas!"
"Ano na namang ikinagagalit mo, Ares?" - bulol na tanong ni Dionysus, ang dyos ng alak. Nahihirapan syang magsalita dahil sa espirito ng alkohol sa kanyang katawan.
"Nakalimutan mo na ba, Dionysus? Lagi kayang agresibo magsalita si Ares." - mapang-asar na sabi ni Hermes, ang mensahero ng mga dyos.
Nasanay na ang lahat ng dyos at dyosa ng Bundok Olympus kung paanong magsalita si Ares. Laging agresibo ito kung magsalita kaya halos lahat sila ay ilang na makipag-usap sa kanya. Kagaya din ng pananalita ni Dionysus na laging bulol kung magsalita dahil sa sobrang kalasingan.
"Wala silang galang! Wala silang karapatan na ipangalan ako sa isang walang kwentang sasakyan ng ipinagdikit-dikit na metal!" - galit pa ding sabi ni Ares.
"Kotse ang tawag ng mga tao dun." - sabi ni Athena, ang dyosa ng karunungan.
"Wala akong pakialam kung ano pa ang tawag nila dun. Ngayon, pinaplano pa nilang ipangalan ang mga anak nila sa ating lahat? Mga hangal! Hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Dapat lang silang parusahan!"
"Wala kang gagawin Ares." - may pagbabantang sabi ni Hephaestus, ang panday ng mga dyos. "Hindi mo sila kakantiin. At hindi mo sila sasalingin."
"Hinahamon mo ba ko Hephaestus?"
"Sumasang-ayon ako kay Hephaestus." - sabi ni Artemis, ang birheng dyosa ng pangangaso. "Walang ginagawang masama ang dalawang mortal kaya hindi mo sila dapat parusahan."
"Ares, 'wag ka ngang magpakababa." - malumanay na sabi ni Demeter, ang dyosa ng pag-aani. "Dapat nga matuwa ka pa dahil ipinapasok nila sa kanilang buhay ang buhay nating mga dyos."
"Siyanga. Isa iyong karangalan para sa ating lahat." - sabi ni Athena. "At base sa aking kalkulasyon, ikaw lang naman Ares ang tutol na isunod ng dalawang tao ang mga pangalan natin sa mga magiging anak nila."
Natahimik na lang si Ares. Alam nyang tama ang tinuran ni Athena. Siya lang ang hindi sumasang-ayon sa mga plano nina Drew at Harry. Muli, nabaling lahat ng tingin nila kila Drew at Harry.
"Athena, ilang minuto na silang naghahalikan?" - tanong ni Zeus.
"Dalawampu't tatlong minuto at apatnapu't apat na segundo, mahal kong ama." - mabilis na tugon ni Athena.
"Sa tingin ko, sasang-ayon ako sa anak kong si Ares ngayon."
"Anong ibig mong sabihin, mahal?" - tanong ni Hera.
"Tingnan mo nga sila. Halos kalahating oras na silang naghahalikan pero hindi pa din sila tumitigil."
"Nagmamahalan sila mahal kong kapatid." - sabi ni Poseidon. "Natural lang na gawin nila 'yan."
"Nandun na ko. Pero labis na ang ginagawa nila. Wala na silang pakialam sa mga nangyayari sa kanilang paligid." - medyo tumaas na ang boses ng dyos ng mga dyos at dyosa. "Kanina pa umiiyak ang panganay nilang anak at hindi man lang nila napapansin ang pagtangis nito dahil abalang-abala sila sa kanilang ginagawa!"
"Ama, kalahating minuto pa lang umiiyak ang bata." - sabi ni Artemis.
"Kahit na!" - bulalas ni Zeus. "Hahayaan lang ba nilang umiyak na lang sa isang sulok ang kanilang anak. Tapos ang lakas ng loob nilang mag-ampon pa ng labing-isa pa makumpleto lang tayong labindalawa sa tahanan nila. Hindi ito makatwiran! Pinapabayaan nila ang bata na kapangalan ko pa!"
Natawa ang lahat ng nasa kapulungan sa naging reaksyon ni Zeus - pati si Ares na bihira lang kung ngumiti.
Habang nagtatawanan ang lahat ay may isang pares ng dyos na kasama ng labingdalawa pero hindi sila nakikisali sa pulong ng nakakataas.
"Eros!" - tawag ni Zeus sa dyos ng pag-ibig. "Ikaw ang dapat sisihin dito. Ikaw ang dahilan kung bakit naglapit ang tadhana ng dalawang mortal. Oo nga't nagmamahalan sila pero mga pabaya silang magulang!"
"Wala po akong nakikitang pagkakamali sa paglalapit ko ng buhay nila, kamahalan." - mahinahong tugon ni Eros. "Labis lang po ang pagmamahalan nila sa isa't isa ngayon pero palagay po ang kalooban kong magiging mabuti silang magulang sa mga anak nila."
"Siyanga?" - may pag-aalinlangan ang naging tugon ni Zeus.
"Tama ang sinabi ni Eros, ama." - pagsang-ayon ni Apollo. "Mabuti silang tao at kayang-kaya nilang palakihin ng tama ang mga anak nila." Muli, pinatugtog nya ang hawak nyang lira. "'Yun ang sabi sa mga hula."
Natahimik na lang si Zeus sa sinabi ni Apollo. Alam nyang laging tama ang mga hula ng anak. At hindi pa ito nagsinungaling kailanman, dahil siya din ang diyos ng katotohanan.
"Anong gumugulo sa isip mo, mahal?" - tanong ni Psyche, ang dyosa ng kaluluwa. Nasa tabi sya ng asawa nyang si Eros.
"Mahal, nag-aalala ako para sa kanilang dalawa." Tinutukoy ni Eros si Drew at Harry. "Paano kung isang araw ay magbago ang takbo ng tadhana at," natigilan ito pansamantala dahil ayaw nyang mangyari ang kanyang iniisip. Pero magtyagang hinintay ni Psyche ang sasabihin ng asawa. "at maghiwalay silang dalawa."
Natawa si Psyche. "Mahal, hindi mangyayari 'yun. Hindi mo ba narinig ang mga hula ni Apollo? Pati na rin ang mga sinabi ni Hades? Wala ng makapaghihiwalay sa kanila."
"Tama ka, mahal. Hindi ko na ito dapat inaalala pa."
Pero kilala ni Psyche si Eros. At alam nyang hindi pa din nawawala ng tuluyan ang pagkabahala nya sa magiging kapalaran nina Drew at Harry. "Mahal, isa lang ang naiisip kong daan para maghiwalay ang dalawa."
Nabigla si Eros sa sinabi ni Psyche. "Ha? Ano 'yun, mahal?" - mas lalong tumindi pa ang pag-aalala ni Eros. "Akala ko ba hindi na sila maghihiwalay? Ano ba 'yun? Sabihin mo, mahal."
Ngumiti muna si Psyche bago sumagot. "Ang tanging makakapatay sa apoy ng kanilang pag-ibig ay ang pagkawala ng inumin na araw-araw nilang pinagsasaluhan kapag magkasama sila. Kapag nawala 'yun, siguradong maglalaho ang magandang relasyon nila sa isa't isa."
Naguluhan si Eros sa sinabi ni Psyche. "Pero hindi naman mawawala ang kape sa mundo." Umiling pa ito tanda ng pagsalungat sa sinabi ng asawa. "Hindi kailanman."
"Kaya nga. Kaya imposible ding mawala ang pag-ibig nila sa isa't isa." Nakangiting umiling-iling din si Psyche. "Hindi kailanman."
Nakangiti si Psyche at biglang gumaan ang loob ni Eros. Laging napapakalma ni Psyche si Eros sa pamamagitan ng kanyang pagngiti.
"Maraming salamat, mahal." - sabi ni Eros.
"Masaya akong gawin ang tungkulin ko bilang asawa mo." - malambing na tugon ni Psyche. "Kaya 'wag mo na silang alalahanin. Isa pa baka nakakalimutan mo, mahal. Ikaw ang dyos ng pag-ibig at ako ang dyosa ng kaluluwa. Hindi natin sila papabayaan, mahal. Makakaasa kang tutulungan kitang mapanatili ang apoy ng kanilang pagmamahalan. At sigurado akong dadalhin nila ang apoy na ito kapag humarap na silang dalawa kay Hades." Nakangiti pa din si Psyche. "Gusto mo bang lagyan ko pa ng kape ang kopa mo, mahal?"
Tumango si Eros. "Kawawang mga nilalang. Akala siguro nila masarap na ang kapeng iniinom nila. Maswerte akong naging asawa ko ang pinakamasarap gumawa ng kape sa buong sansinukob."
"Mahal, asawa mo na ko. Hindi mo na ko kailangan pang purihin."
"Araw-araw kong gagawin 'yun mahal kong asawa."
Muli, tiningnan nila ang dalawang taong naging paksa ng kanilang sagradong gabi. Hindi natural sa mga dyos at dyosa ang pag-usapan ang buhay ng mga mortal. Pero ang buhay ni Drew at Harry ay pumukaw sa kanilang kaisipan at damdamin. Hindi pangkaraniwan ang kanilang pag-iibigan, pero hindi imposible. Lahat pwedeng mangyari sa pag-ibig.
'Ito na ang pinakamagandang pinaglaanan ko ng aking pana at palaso ng pag-ibig.' - sabi ni Eros sa kanyang isip.
**********
Natigil lamang sila Drew at Harry ng marinig nilang umiyak si Zeus. Agad nila itong pinuntahan.
"Zeus, tama na. Nandito na si Papa." - sabi ni Harry pagkakarga sa bata. Agad nya itong sinayaw para patahanin.
"Oo nga Zeus, nandito na rin si Daddy. Sorry ah." - sabi ni Drew.
Agad naman ding tumigil ang bata sa kanyang pag-iyak. Pero hindi pa din binaba ni Harry si Zeus sa kanyang kuna.
"Nabitin ako, mahal ko."
Natawa si Harry. "Oo nga, my love. Ako nga din eh. Limang minuto pa lang 'yun di ba?"
"Hindi ah. Tatlong minuto pa lang 'yung halik na 'yun."
Seryoso ang mga sinabi nila. Wala silang kaalam-alam na halos kalahating oras na nilang ginagawa ang pagsaluhan ang kanilang pagmamahal.
"Ulitin natin." - yaya ni Drew.
"Sige. Pero 'wag ng aggressive ah. Kapag binaba ko kasi si Zeus, sigurado magigising ulit 'to." May naisip na maganda si Harry. "Tama! Bukas pagkatapos ng kasal natin, iiwan natin si Zeus kila Mom at Mama, tapos honeymoon tayo ulit."
"Oo nga, mahal ko." Ngumisi sya ng maloko. "Siguro kailangan na din nating magpahinga para bukas dahil sigurado akong mapapalaban ka."
"Hinahamon mo ba ko Mr. DeAndre?"
Natawa si Drew. "Gusto ko 'yan. Tara na mahal ko. Pahinga na tayo. Para pareho tayong gwapo para bukas."
"Sandali, 'yung good night kiss ko?"
"Masyado makapag-demand ah. Tapos ikaw pa 'tong gustong ipatanggal ang mistletoes sa bahay. Eh mas adik ka pa pala sakin pagdating sa halikan."
Pigil ang naging tawa ni Harry dahil baka magising ulit si Zeus sa bisig nya. "Ayaw mo ba?"
"Hindi ako tatanggi dyan. Ako pa? Sandali, ako na hahawak kay Zeus. Para hindi ka mahirapan."
Agad namang ibinigay ni Harry si Zeus kay Drew. "Mahirapan saan, my love?"
"Sa halikan natin... I did my part a while ago. Ngayon, ikaw naman ang maging agresibo. Early wedding gift mo na para sakin, mahal ko. Sarapan mo ah. Kasi baka. . ."
Hindi na natapos ni Drew ang pagsasalita nya.
Bukas, ikakasal sila ulit. Bukas, mas lalo silang magiging isa mga taong nakapaligid sa kanila. Bukas, muli nilang maririning ang romantikong sumpaan nila sa isa't isa. At marami pang bukas ang haharapin nila baon ang pangako nilang pag-ibig sa isa't isa.
"I love you, Drew." - hingal na hingal na na sabi ni Harry.
Hinabol din ni Drew ang kanyang hininga matapos ang mahaba at matamis nilang halikan. "Mas mahal kita, Harry."
Hindi na sila mapaghihiwalay ng sinoman, ng panahon, at ng pagkakataon. Namumuhay at patuloy silang mabubuhay na maligaya at masaya sa piling ng isa't isa.
-----------
Ang kanilang relasyon ay nagsimula sa hindi sinasadyang 'Pagkakamali.' Natural na mabuting tao, hiningi nila ang 'Pagpapatawad' ng bawat isa. Naging malapit silang dalawa at naging magkaibigan na nauwi sa 'Pagpapahiwatig' ni Drew para kay Harry ng kanyang pagsinta. Pinakinggan ni Drew ang sinasabi ng kanyang puso na naging dahilan ng kanyang 'Pagdedesisyon' na ligawan si Harry at 'Pagtatapat' ng kanyang pag-ibig. Malaki ang naging 'Pangangamba' ni Harry sa gustong mangyari ni Drew para sa kanilang dalawa kahit alam din nya sa sarili nya na may malalim na rin syang nararamdaman para kay Drew. Dahil dito, hiningi nya ang opinyon ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Ang 'Pagpapakilala' ni Harry kay Drew sa mga taong malapit sa kanya ang nagbigay-daan para mas lalong mapatunayan ni Harry na tama nga ang magiging desisyon nya. Labis pa ang ginawang 'Pagsuyo' ni Drew kaya sa bandang huli ay sumuko na din si Harry. Pinakinggan na din, sa wakas, ni Harry ang kanyang puso at nauwi ang relasyon nilang dalawa sa 'Pag-Ibig.'
Pero hindi pa din maalis ang 'Pag-aalala' ni Harry sa kanilang relasyon dahil hindi ito pangkaraniwan sa mga mapanuring mata ng ibang tao. Laging pumapasok sa isip ni Harry ang pag-aalinlangan na baka hindi sya ang taong dapat makatuluyan at paglaanan ng pag-ibig ni Drew. Ang pagkabahala ay nag-resulta ng isang matinding 'Pagsubok.'
Ang matamis nilang pag-iibigan ay nauwi sa mapait na hiwalayan. Pero matindi ang kapit ng dalawang pusong nagmamahalan. Hindi nila matiis ang isa't isa. Ngunit pareho silang nagbitiw ng kani-kanilang 'Pangako' sa bawat isa na nagsilbing sandalan nila para ipagpatuloy pa ang kanilang buhay na hindi magkasama. At matindi ang naging 'Pangungulila' sa mga panahong sila ay magkahiwalay.
Subalit napakabait pa din ng tadhana para sa kanilang dalawa. Hindi nito ipinagkait ang muling mapaligaya ang mga pusong sabik-sabik sa 'Pagbabalik' ng 'Pagmamahal' na pareho nilang gusto pang ipagpatuloy.
Ang 'Pagsasama' ng dalawang pusong pinaglaruan ng pagkakataon ay naging mas maganda pa sa ikalawang pagkakataon. Malaki ang naging 'Pasasalamat' nila dahil muling pinagbigyan na mabuhay at muling tumibok muli ang kanilang mga puso. At tuluyan na nilang ipinangako sa isa't isa ang 'Pagsisimula' ng kanilang walang hanggang pag-ibig...
... Sa lasang dala, mapait at matamis man, ng pinakapaborito nilang 'kape.'
---------- WAKAS ----------
Sabi nga ni Harry, "This is overly romantic to be true." Tama ngang napakagandang kwento ng pag-ibig nila ni Drew na parang isang panaginip...
Parang ang hirap paniwalaan na pwedeng mangyari ito sa totoong buhay...
'Yan ang hirap sa mga taong hindi marunong magtiwala. Hindi pa nila nasusubukan, nawawalan na kaagad sila ng pag-asa. Paano kang mananalo kung sa umpisa pa lamang ay iniisip mong talo ka na?
Nabubuhay tayo sa mundong natural sa mga tao ang magbigay-puna sa kung anomang nangyayari sa paligid nila. Kapag may nakita silang hindi nakasanayan, magbibigay kaagad sila ng kanilang komento, na kadalasan ay masama.
'That defies the norm.'
'That opposes the law.'
Totoo ngang may nakasanayan tayong mahirap baliin. May mga batas tayong dapat sundin.
Pero paano kung ang paghihiwalay mo sa kultura ng 'tamang' pakikipagrelasyon ay ang tanging makapagpapasaya sa'yo? Paano kung ito ang magbibigay sa'yo ng kalayaan para makilala mo pa ang totoo mong kagustuhan sa buhay?
Tol, may sariling batas ang pag-ibig. Hindi nito hinahadlangan ang mga tao. Wala itong binibigay na kasanayan na dapat sundin. Hindi nito pinipigilan ang puso na magmahal, kahit sa kapareho mong kasarian. Ang mahalagang batas lang, 'Magmahal ka ng ganap at lubos. Walang takda at walang kundisyon.'
Sabi nga dun sa lyrics ng isang kanta, 'Don't give up on your Faith. Love comes to those who believe it.' Mabubuhay lamang ang pag-ibig sa mga taong naniniwala dito. Maaring matagal. Maaring mapagod ka na sa paghihintay. Pero 'wag kayong mawalan ng pag-asa. . .
Malay nyo, makatagpo din kayo ng 'Drew' na wagas kung magmahal o kaya naman isang 'Harry' na aalagaan ang puso mo...
Malay nyo, may isang taong bigla na lang lalapit sa inyo at aalukin kayo ng isang mainit at matamis na kape...
Malay nyo, kayo na pala ang susunod na paglalaanan ni Eros ng kanyang 'pana at palaso ng pag-ibig.'
'Don't surrender 'cause you can win, in this thing called 'Love.'
Magtiwala lang tayo. Walang imposible pagdating sa pag-ibig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon