IKALABINDALAWANG YUGTO : PANGAKO

2 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

( HARRY Part )...

Ang hirap. Bakit ganito. Ang sakit. Gusto ko ng mawala sa mundo. Gusto kong maglaho. Hindi ko alam na ganito kasakit. I shouldn't entertained this feeling. Ngayon, heto na. Nararanasan ko na.

Sampung araw na ang nakalilipas ng maghiwalay kami ni Drew. Nung unang dalawang araw matapos ang aming paghihiwalay, sinusubukan nya kong i-text at tawagan. Pero hindi ko sya sinasagot. Madalas naka-off ang phone ko para hindi sya mangulit. Kapag binubuksan ko naman ay pangalan nya ang lumilitaw sa screen. Pangatlong araw, dumating sya sa dorm ng lasing na lasing, gusto nya akong kausapin at makipagbalikan sakin. Pero lalo akong nagalit sa ginawa nya. Literal na pinagtabuyan ko sya. Sinabi ko sa kanya na sa susunod na magtangka pa syang lumapit sakin ay tuluyan na kong magagalit sa kanya at kahit pagkakaibigan namin ay kakalimutan ko na. Buti na lang kasama nya si Jason nun kaya hindi nako masyadong nag-alala.

Oo, nag-aalala pa din ako sa kanya. Mahal ko pa sya at hindi madaling mawala 'yun. At hindi ko din alam kung mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ang mga panahong magkasama kami lalong-lalo na ang mga pinakamasayang pangyayari. Isa lang ang alam ko, kailangan kong kalimutan ang anumang namagitan sa amin dahil sa simula pa lamang ay mali na ang aming relasyon.

Buti na lang nakokontrol ko pa at kaya ko pang pigilan ang damdamin ko. Madalas nasa kwarto ako at nagmumukmok. Doon ko ibinubuhos lahat ng lungkot ko sa buhay dahil sa paghihiwalay namin ni Drew.

Iniiwasan ko din si Jen. Hangga't maari ayoko syang kausapin. Ayokong marinig mula sa kanya na mali ako. Si Jen naman kasi, hindi marunong magsinungaling. Kahit sana ang pagsisinungaling ay makagagaan ng kalooban ko, hindi nya ginagawa. Naaalala ko pa, isang araw pagkatapos kong tinapos ang relasyon namin ni Drew ay kinausap ako ni Jen.

"Wala ka ba talagang balak isubo 'yang pagkain na nasa kutsara mo? Kanina mo pa tinititigan 'yan ah.." Nasa hapag-kainan kami at nag-aalmusal. Hindi ko pa nga nababawasan ang pagkain sa plato ko. "Pati 'yang kape mo sa harap. Malamig na."

"Wala akong gana Jen.."

"Walang gana? Harry, 'wag mo nga akong artehan ah.." - inis nyang tugon. "Hindi ba ginusto mo 'yan? Hindi ba ikaw may kasalanan kung bakit kayo nagkahiwalay?"

"Jen, hindi ako! Kung alam mo lang Jen.. Kung nakita mo lang sana ng halikan ni Kaye si Drew.. Kung nakita mo lang. . ."

Pinutol nya ang pagsasalita ko. "Kita?! Sa'yo na rin nanggaling Harry. Si Kaye ang humalik kay Drew. And not the other way around.."

Bigla na naman bumalik ang eksenang 'yun na madalas at pilit pumapasok sa utak ko. Tama nga ang sinabi nya. Ngayon ko lang napagtanto na si Kaye pala ang humalik kay Drew. Pero bakit hindi umatras si Drew? Isa lang ang ibig sabihin nun, nagustuhan din nya.

"Jen, kung ano mang kasinungalingan ang sinabi ni Drew sa'yo 'wag kang maniwala sa kanya."

"Hindi sya nagsisinungaling Harry.."

"Paano mo naman nasabi 'yun? Jen, sino ba ang kaibigan mo sa aming dalawa ha?" - galit kong tanong. "Bakit ba mas kinakampihan mo pa si Drew kaysa sakin?"

"Kaibigan ko kayong dalawa Harry.." - mahinahon nyang tugon sa galit kong emosyon. "Pero kahit mas matagal kitang kaibigan at kahit na kababata pa kita, mas kakampihan ko si Drew dahil sya ang tama. At mali ka Harry." Tiningnan nya ko ng diretso.

"Jen, please. 'Wag ngayon..."

"Bakit Harry? Bakit ganun na lang ang galit mo kay Drew? Ni hindi mo lang siya hinayaang magpaliwanag. Ni hindi mo lang pinakinggan ang sasabihin nya. Sabihin mo nga sakin Harry ha? Ano bang nangyayari sa'yo? Alam ko naguguluhan ka lang ngayon dahil sa nangyari. Pero alam ko din na mahal na mahal mo pa din sya."

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon