IKALABINGLIMANG YUGTO : PAGMAMAHAL

19 0 0
                                    

COFFEE - FLAVORED LOVE STORY

[ S U N D A Y ]

( HARRY Part )

7AM. Nag-alarm ang phone ko. Wala sa tabi ko si Drew. Naaalala kong magkatabi kaming matulog kagabi. Nasa'n na sya? Agad akong bumangon at lumabas sa kwarto. Nakita ko sya sa kusina. Mukhang may ginagawa. Nakatalikod sya sakin. Agad ko syang pinuntahan at niyakap sa likod.

"Akala ko umalis ka na..." - sabi ko.

Humarap sya sakin habang nakayakap pa din ako sa kanya. Ginantihan nya ko ng halik sa labi ko. "Hindi mangyayari 'yun. Even if you asked me to, I'll never ever leave you..." Hinagkan nya ulit ako.

"Sandali my love, hindi pako naghihilamos..." Nahiya ako.

"Whatever mahal ko..." Hinalikan nya ko ulit. "I don't care.." Hahalikan nya sana ako ulit pero lumayo ako.

"Magto-toothbrush lang ako." Nagpunta nako sa restroom. Paglabas ko, nasa harap ko na sya. Hinawakan nya ako sa baywang at hinila nya ko papalapit sa kanya. Hinagkan nya ko ulit. "My love, 'wag masyado madalas. Pahinga ka din 'pag may time! Di ba nakarami ka na kagabi?!"

"Na-miss ko ang mahal ko eh..." Sa leeg naman nya ko pinaghahalikan.

"My love, 'wag dyan.!" - pagtutol ko. "Nakikiliti ako." Pero hindi pa din sya tumigil. "Sandali, magsisimba pa tayo di ba? Baka mahuli tayo sa misa.." - palusot ko.

Tumigil na sya. "Oo nga no.. Sige upo ka na mahal ko. Kain na tayo."

"Kakain ka pa ba my love?" - tanong ko pagkaupo ko. "Hindi ka pa ba nabusog sa pagpapak mo sakin ng halik?" - biro ko.

"Hindi pa mahal ko." Gumagawa sya ng kape. "Appetizer pa lang 'yun... Mamaya na ang main course, tapos may dessert pa..." - ngumisi sya ng maloko. Mukhang napasubo ako sa sinabi ko ah.

"ASA!!!" - sabi ko. Binigay nya sakin ang ginawa nyang kape at tinikman ko. Kagaya ng inaasahan, sobrang sarap at kuhang-kuha pa din nya ang gusto kong timpla sa kape. "Na-miss ko 'to my love. Sobra.. Alam mo my love, ikaw lang nakakakuha ng gusto kong timpla."

"Always been my pleasure, mahal ko." - tugon nya. "Eh si Hunter, hindi ba nya kuha ang gusto mo?" Binigyan nya ko ng ginawa nyang peanut butter sandwich.

"Hindi eh.." - sagot ko. "Teka, pano naman napasok si Hunter sa usapan natin?"

"Madalas kitang bantayan, mahal ko. At madalas ko ding nakikitang magkasama kayo. Last week nga di ba? Nandito sya sa dorm, nagyakap pa nga kayo eh.."

"Oyyy, selos ang my love ko..." - biro ko.

"Oo naman. Alam mo gusto kayong puntahan nun at ilayo ka sa kanya sa sobrang pagseselos ko. Nasa gate ako nun. And to think na ikaw pa ang nag-alok ng yakap..." Natigilan sya. Kitang kita ko ang galit nya sa bawat pagnguya nya ng sandwich nya.

"'Di ba sabi ko kaibigan ko lang sya. At ganun talaga kami..." - sabi ko. Pero ganun pa din ang itsura ng mukha nya. "Drew, ano ba namang panama ng 'Tea Bag' sa 'My Love' ha?"

"Nanliligaw sya sa'yo no?"

"Hindi. May balak pa lang..."

"And??" - mabilis nyang tanong.

"Sabi ko pag-iisipan ko." - biro ko. Napansin ko ang biglang pagbabago ng emosyon nya. Mula sa galit papunta sa pagkalungkot. Natawa ako. "Biro lang 'yun my love. Ayaw kong magpaligaw.. Hindi ako pumayag.. Atsaka naguguluhan lang sya.." - paliwanag ko. "Isa pa, matagal ng may nagmamay-ari ng puso ko..." Binigay ko ang kalahati ng kape sa kanya. Tapos itinaas ko ang kaliwang kamay ko at pinakita ko ang singsing na bigay nya. "I love you, my love..."

Coffee-Flavored Love Story (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon