*Hailey*
"Multo!" I shouted out loud.
Naramdaman ko na lang na natahimik na ako. Nasa bibig ko na pala ang kamay ng multong nasa likod ko na pinipigilang akong sumigaw pa. Pero teka, multo ba talaga 'to?
Tinignan ko siya ng mabuti, at sakto namang nakatingin rin siya sa akin with his blank expression. Kaya eto, nagkatitigan kami ng ilang sandali through salamin. Ang awkward kasi talaga ng posisyon namin. Yun bang parang binackhug niya ako. Ang sweet sana kaso hindi ko naman siya kilala. Sino ba kasi 'to ha? Ba't siya nasa comfort room ng mga girls?
Hala! Diba si Marc 'to? The ever so hot Marc Pressman? My ultimate crush! Oh My God!!! How to breathe? Teka ba't bigla-bigla na lang uminit. Yung pisngi ko! Nagbablush at nakakahiya! Pero infairness ang bango ng kamay niya ang for the first time, nagkaroon na rin kami ng ganitong interaction sa isa't isa for the past 3 years na naging crush ko siya. Dream come true mga dre!
Bigla na lang nanlambot tuhod ko. Its so good to be true! Mabuti na lang talaga't nasuportaan niya ako kahit hindi naman gaano dahil bibig ko lang talaga ang hinawakan niya at yung isa niyang kamay ay nasa kanyang bulsa.
"What are you doing here?" He asked coldly. Woahh. Pero bakit ganon parang ang init-init pa rin nang nararamdaman ko.
Nang napansin niyang hindi ako makasagot dahil nasa bibig ko pa ang kamay niya ay tinanggal na niya ito't umatras ng ilang hakbang. Wait! I want more. Choss lang.
"Ahh ehh. Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ko rin pabalik. Kasi eh, GIRLS comfort room po ito. Baka namboboso 'tong crush kong ito sa akin. Wahhh. Ikaw crush ha may lihim ka palang pagnanasa sa akin. Hindi halata infairness.
"I asked first and besides this is a BOY comfort room." Sabi niya ng may diin sa salitang 'Boy'. Huh? Sa pagkakalam ko, GIRLS Comfort Room ito. Omo! Wag mong sabihing...
"Wag mong sabihing."
"Obvious ba." Sabi niya sabay tingin sa parte ng comfort room kung saan may makikita kang parang mga inidoro na tingin ko ay nasa sampo ang bilang. Ang kaibahan lang ay nakadikit ito sa wall na hula ko doon jumijingle ang mga boys at malayo namang magkakaroon ng ganun ang girls. What the! So nasa boys comfort room nga ako. Paano ako napunta dito? Kung yung pisngi ko kanina ay namumula sa kilig pwes ngayon hindi na dahil namumula na ito sa sobrang kahihiyan at ang masaklap sa krass ko pa. Wahhh! Nakakahiya!
"I'm sorry." Hingi ko sa kanya ng tawad at dali-daling lumabas. Hindi ko na siya tinignan pa pabalik dahil nakakahiya na talaga. Sobra!
--
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon para pumunta sa cafeteria ng school. Nagutom kasi ako dahil sa mga pangyayaring nagaganap ngayong araw. This day was a great mess. Sobrang ng kahihiyan ang naranasan ko at ang alam ko lang na makakawala nang stress kong 'to ay ang pagkain. Eating has always been my stress reliever.
Matapos makaorder ay pumunta na ako sa bakanteng lamesa na nasa gilid ng cafeteria. The perfect spot.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang ireminisce ang mga kahihiyang naranasan ko ngayong araw. And it all started with that jerk named Johan. Arghh. All this shameful things happened because of him. Kung di dahil sa pambababoy niya sa mukha ko ay hindi ko siya hahanapin, makita ng mga estudyante ang nakakahiya kong mukha at magmadaling pumasok ng comfort room kaya hindi na tinignan kung lalaki ba yun o babae at sa kamalas-malasan eh meron tao at ang masaklap eh crush ko pa. Nakakahiya! One word na makakadescribe ng nararamdaman ko ngayon.
"Oi! Buhay Patay!" Someone shouted out loud na parang pinaglalandakan ang nakakahiyang call sign na yan. Sino pa nga ba? Edi yung tatlong bruha kong friends and WTH! Grabe talaga ang mga bruhang yan. Yung kahihiyan ko umabot na sa sukdulan kasi naman eh napapatigil at napapatingin sa direksyon ng mga bruha ang mga estudyante at pagkatapos sa akin. Bwiset lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/122315831-288-k134464.jpg)
BINABASA MO ANG
My Introverted Enemy
Teen FictionHighest Rank Achieved: Rank #147 in Humor Category "No way! Never!" Hailey said after being interrogated about her liking Johan. Her mortal enemy and nightmare. What if those words will remain a word. There's no action performed because her action...