Chapter XV: First Practice? HELL

28 3 0
                                        

This chapter is dedicated to @streimclare my first ever voter and @Mae_Magno027 my first ever commenter. You guys rock! Thank you for inspiring me guys it really means a lot to me. I'm sorry too if I have dedicate the both of you late. Ngayon lang naappreciate? 'Di naman. Nakalimutan lang talaga. Lol.
XOXO!
ENJOY!

~*~

*Hailey*

"Okay class we will have a long quiz next meeting so don't forget to study hard. Study your lessons that we already discussed and the lessons that we haven't because the long quiz will consist of a post test and pre-test. Good luck." Announce ng subject teacher namin sa Math. Okay lang naman siya kasi favorite subject ko naman ang Math pero nakakatamad parin. Ang hirap kayang magstudy on your own tapos hindi pa na discussed. I'm sure brain cracking problems na naman ang ibibigay ni Sir neto.

"I think thats all for today. Goodbye class." Pamamaalam niya at sakto naman na nagbell na. Umalis na si Sir at yung iba kong kaklase para pumuta ng canteen. Recess kasi ang next but I think magpapaiwan muna ako. Hindi pa kasi ako tapos magtake down ng mga notes para narin may guide ako mamaya.

"Sis, di ka ba sasama. Tara na sa canteen." Si Andy ang nagyaya.

"Oo nga patay buhay." Selene seconded.

"Come on mamaya na yan." Pagpupumilit ni Lianne. But I can't help the nostalgic feeling kasi hanggang ngayon bitter pa rin ako.

"Sige na mauna na kayo. Susunod na lang ako sa inyo. I really need to finish this. Ayaw ko rin naman mabagsak sa quiz natin sa Math. Remember I am a scholar." Tanggi ko sa kanila na may pagkabitter sa boses. Hindi naman nila yun nahalata kasi tumango lang sila at nagtungo na para lumabas. Binilinan naman nila ako na sumunod agad.

Nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat ng tahimik. Mataas-taas pa rin kasi ang isusulat ko. Kahit na maskit na yung kamay ko, tiniis ko nalang dahil grades ko ang nakataya dito.

"Hmmm hmmmm." I hummed para naman malibang yung diwa ko. Ang tahimik kasi talaga eh at idagdag pa yung lamig. Oo nga pala hindi pa pala naoff ang aircon ng room. Kapag kasi recess o kaya lunch ang next period ay inioff ito para daw hindi masayang ang kuryente. Wala rin naman kasing naiiwan dito sa room kapag time na ng mga nasabi kong periods. Kaya siguro iniwanan nilang nakabukas kasi nandito pa ako.

"Oy Puti nandito ka pa?" Tanong ng pamilyar na boses na ikinabigla ko. Kasi naman eh out of the blue may  magsasalita nalang kung saan. Ang tahi-tahimik kanina tapos may bigla nalang magsasalita. Sino bang hindi mabibigla.

"Nambibigla ka naman. Oo nagtatake down pa kasi ako ng notes o ikaw ang tagal mo sa C.R ah. LBM?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Oy hindi ah. Ang sabihin mo namimiss mo lang ako." Pang-aasar niya din sabay kindat. "Asa!" Bara ko.

"Oy pacopy ha. Gutom na rin kasi ako eh." Sabi niya ng may pahimas-himas pa sa tiyan niya. Tsk. Takaw talaga neto.

"Hintayin mo nalang muna ako. Malapit na rin naman kasi ako eh."

"Wag na. Kumukulo na rin kasi tiyan ko eh. At saka anong malapit eh nangangalahati kapa nga sa isang board eh. May isa't kalahati kapang kokopyahin." Tanggi naman niya.

"Bahala ka hindi kita pakokopyahin." Sabi ko sabay belat sa kanya. Bahala siya diyan. Yun lang nga ang hinihingi kong pabor hindi pa niya maibigay-bigay. As if pakokopyahin ko siya. Asa men!

"Sige na plsss. Nagugutom na talaga kasi ako eh." Pamimilit niya ng nakapout pa at hinihimas yung tiyan. As if madadala ako sa mga ganyan. Asa men!

"At ako kala mo hindi na gutom?" Sabi ko ng nakataas ang left eyebrow. Ayan na nagsisimula na akong magtaray.

"Sige na plss. Libre kita pizza mamaya." He offered na nagpaliwanag sa mata ko. Pizza? Tapos libre? Heaven! Pero hindi dapat ako padala. Hinding hindi ako matetemp niyan noh kahit yung isang buong pizza pa ibibigay niya sa akin. Never.

My Introverted EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon