*Hailey*
Ilang araw ang lumipas at sumapit na nga ang araw ng sabado. Ang araw kung saan may friendly date ako with Johan.
Sa mga nagdaang araw ay ganun parin ang ginagawa ko. Iniiwasan si Marc at hindi na kami kagaya nung dati ni Lianne. Yung closeness namin ay unti-unti ng naiibsan dahil nagkaroon na ng pader sa pagitan namin na ako mismo ang gumawa. I know na nagtataka na siya sa mga kinikilos ko pero pinagsawalang bahala ko muna yon at tsaka hindi rin naman siya nagtatanong eh or hindi niya ako inaaproach which is good.
Nandito ako ngayon sa room ko at naghahanda kasi mamaya ng 10 A.M ang date namin ni Johan. Friendly date to be specific. Mag aalas nuebe na rin kasi eh. Tapos na rin naman akong kumain ng umagahan at handa na ako. Actually, nung araw na sinabi sa akin ni Madame na yun nga, tutulungan ko si Johan to overcome his social fears ay kung ano-ano na ang mga pinag-gagawa ko pagsapit ng gabi.
Browse dito, browse doon. Ininterview ko pa nga si mama pagkaumaga eh kahit pagod na pagod na siya, pinilit ko parin at kahit papano nakalakap rin naman ako ng konting impormasyon at mga paraan. Day shift na nga pala ngayon si Mama at sabi pa niya kanina bago siya umalis ay mamaya ko na daw makilala ang boyfriend niya. Excited ako syempre at masaya rin at the same time para kay mama dahil sa wakas nakahanap na rin siya ng taong magpupuno sa mga pagkukulang ng ama ko. Amo kong iniwan lang kami sa ere.
Ng matapos na ako sa pag-aayos ay hinanda ko na ang mga dadalhin ko. Hindi naman siya ganun karami. Notebook lang at saka pen na inilagay sa sling bag ko na kulay blue. Hindi siya ganon ka girly pero hindi rin naman siya ganun ka pantomboy. Sakto lang. I'm not really into girly stuffs eh.
Katulad nga ng napag-usapan namin ay sa isang coffee shop kami magda-date. Friendly date to be exact. Hindi rin naman ito ganun kalayo sa amin at bagong tayo pa lang rin ito.
Nang makarating ako sa isang napakagandang establisyamento ay agad akong pumasok. Dream High nga pala ang pangalan ng coffee shop na ito. Maganda ang loob nito. Properly arrange and the things are obviously luxurius. Air conditioned and they had many different kinds of coffee as well as cakes, sandwhiches etc. You can really say that they have paid too much for this at talagang pinabonggahan ng sobra. Marami rin naman kasi silang rival dito eh and I must admit ang kanila ang pinakamaganda. Sure akong mahal dito but no need to worry. Papalibre ako. Hahaha.
Wala pa namang Johan ang naabutan ko sa loob kaya naghanap na lang muna ako ng pwesto maaga parin naman kasi eh. Meron pang 20 minutes para mag 10.
Dun ako pumunta sa bandang transparent na ding-ding kung saan kitang-kita ang mga taong naglalakad sa labas at mga sasakyang dumadaan mula dito and I'm sure ganun din sa labas. Bakit ko gusto dito? Wala rin naman kasi akong choice eh. Sa pwesto lang kasing ito ang merong pangdalawahang upuan. Yung nandoon kasi sa gitna at ang nasa hindi transparent na ding-ding ay pangbarkada o kaya pampamilya. And I must admit, napakaromantic dito sa inuupuan ko. Pang couple talaga pero exemption kami ni Johan ha. Wag kayo.
Habang naghihintay kay Johan ay naisipan kong ilabas muna ang notebook ko kung saan ko inilagay ang mga nakalap kong impormasyon at mga paraan para matulungan ko si Johan. Umorder rin muna ako ng Cappuchino at Black Forest. Baka kasi palabasin ako dito at saka hindi rin naman ako ang magbabayad nito. Diba siya ang nagyaya? So definitely siya ang manglilibre.
Matapos ng ilang minuto at mafinalize kung ano man ang nakasulat sa aking notebook ay siya namang dating ni Johan.
Pagpasok palang niya sa coffee shop ay yung kaninang napakatahimik na paligid ay naging maingay ng slight dahil sa mga bulungan ng mga nandito. May magjowa na ngang nag-aaway eh. Hindi ko sila masisisi dahil ang gwapo naman talaga ni Johan ngayon at head turner talaga.
BINABASA MO ANG
My Introverted Enemy
Novela JuvenilHighest Rank Achieved: Rank #147 in Humor Category "No way! Never!" Hailey said after being interrogated about her liking Johan. Her mortal enemy and nightmare. What if those words will remain a word. There's no action performed because her action...