Gabi na kami nakauwi ni Johan galing EK. Akalain mo yun napagtagumpayan namin ang way #3. Kahit nandoon na nga kami sa kotse niya eh wala pa rin siyang tigil sa pagdada how fun the rides is.
Naalala ko lang tuloy si Singkit ganun na ganun rin kasi siya na kapag may naaccomplish na isang bagay ay ang tagal makamove on. He keeps on blabbering like an idiot. Tapos ipagyayabang kung ano ang napagtagumpayan niya. Naalala ko tuloy yung nakaraan. Yung una naming pagkikita.
[Flashback:]
"Mommy. *sniff* I want to go home! *sniff*" Again, I'm crying. Palagi nalang eh, halos everyday. Para na ngang naging habit ko na nga ito. Kasi naman eh. Palagi nalang nila akong pinagtitripan, palaging pinapamukha sa akin kung ano ang kulang sa buhay ko, palaging binubully kasi wala namang magtatanggol sa akin.
Hindi ako katulad nila na kumpleto ang pamilya. May amang tagapagtanggol, may inang kasa-kasama nila sa school, may kapatid na kalaro at higit sa lahat may masayang pamilya. Bully dito, bully doon. Yan parati nilang ginagawa sa isang tulad kong walang kahit na sinong mapupuntahan dahil busy ang ina sa pagkakayod, walang amang tagapagtanggol at higit sa lahat walang kaibigan dahil lahat ng mga kaklase ko ay itinuring akong freak at anak sa kasalanan.
Wala rin naman na akong magagawa. Hindi ko kayang maipagtanggol sarili ko kasi mahina ako. At saka paano ko maipagtatanggol ang sarili ko kung ako lang mag-isa? Kaya wala akong magawa kundi ang umiyak nalang ng umiyak. Ngawa ng ngawa.
Para na akong palaboy nito. Ang dumi dumi ng damit ko dulot ng mga bully ko. Tinapunan kasi nila ako ng juice at saka spaghetti kaya ito ako ang rusing habang naglalakad-takbo sa gilid ng daan pauwi. Hindi rin naman kasi ganoon kalayo ang bahay namin sa school at saka hindi ako marunong magcommute.
Iyak pa rin ako ng iyak walang pakialam sa mga taong nasa paligid. Hindi inalintana ang init at pagod. Ang gusto ko lang sa oras na ito ay ang makauwi. Parang ayaw ko na ngang pumasok eh. Gusto kong sa bahay lang parati dahil atleast doon tahimik dahil ako lang mag-isa.
"*sobs* asdfghjkl. *sobs* asdfghjkl." Iyak ng kung sino habang nagsasalita ng kung anong lenggwahe.
Napaangat ko naman ang ulo ko ng wala sa oras. Dun ko nakita ang isang batang lalaki na sigurado akong kaedad ko lang at katulad ko rin umiiyak. Naglalakad siya patungo sa direksiyon ko habang palinga-linga na para bang hindi alam kung asan siya. Hindi siya pure Pilipino sigurado ako dahil sa singkit ang mata neto at maputi rin. Ang beauty niya kasi ay hindi pang Pilipino. Mayaman siya sa suot palang netong klarong branded talaga. Edi siya na rich kid. Pero bakit siya umiiyak? Wag mong sabihing binubully din siya kasi ang labo. Kahit bata pa kasi siya ay makikita sa mukha nito na ang gwapo niya. May future!
Nang malapit na kaming magtagpo ay naglakas ako ng loob na tanungin siya. "Oy bata ba't ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya at ngayon ay nagkatitigan naman kami kasi itinuon na niya ang kanyang tingin sa akin galing sa paglinga-linga sa paligid. We both look at each others teary eyed. He look confused na para bang hindi ako maintindihan.
"Excuse me? What did you say?" Sabi niya ng nagtataka. Foreigner nga di kasi maintindihan tanong ko eh. Mabuti nalang talaga at matalino ako kaya kahit sa mura kong edad mas fluent pa akong magsalita ng Ingles sa mga nakakatanda sa akin. Sa ilan lang ha. Hindi sa pagmamayabang pero yan lang talaga ang napansin ko.
"Ow sorry. Why are you crying?" Tanong ko nalang. Nandito parin kami sa gilid ng kalsada may sumisita na nga sa amin na pumunta sa safe place kung saan malayo sa mga sasakyan kaya tinanong ko nalang muna ang bata na dun kami mag-usap sa park na nasa tapat lang pala namin. Pumayag naman siya dahil mukhang papagalitan na kasi kami ng mga nakakatanda.
BINABASA MO ANG
My Introverted Enemy
Подростковая литератураHighest Rank Achieved: Rank #147 in Humor Category "No way! Never!" Hailey said after being interrogated about her liking Johan. Her mortal enemy and nightmare. What if those words will remain a word. There's no action performed because her action...
