*Hailey*
"Ahhhhhhhhhhh" Mahabang hikab ko. Ang sarap ng tulog and luckily, I slept early. Mabuti na lang talaga't ang katawan ko na mismo ang bumigay.
Madilim pa sa labas and I think mga 5 above na siguro. I relax first my body. Stretching dito at stretching doon. Teka, ano 'tong parang masakit na ewan at pakiramdam ko eh may tumubo sa ilong ko. Ano kaya 'to?
"Pakkk!" Ingay ng parang nabasag na kasangkapan. Anyare doon sa kusina? Baka si mom yun. Maaga sigurong nagising pero night shift siya ngayon ah at ako ang schedule sa pagluluto ngayon. Baka trip niyang mangbasag ng kasangkapan namin ngayon. Tsk. Mga trip ni mom nakakaba.
Lumabas na lang ako ng kwarto at agad tinungo ang kusina. Tama nga ako ng hinala. Nadatnan ko kasi si mom na may nililigpit sa sahig na basag na plato.
"Mom nakahithit ka ba? Trip mo ngayon?" Bungad kong tanong sa kanya at napatingin naman siya sa direksyon ko. Busy kasi siya sa pagliligpit kaya siguro hindi niya ako napansin o naramdaman man lang na pumasok sa kusina.
"Gaga. Nagluluto ako at dahil sa saya ko ay nabasag ang plato." Paliwanag niya. Huh? Di ko gets.
"Huh? Dahil masaya ka kaya mo binasag ang plato? May ganun ba mom? Ah oo ikaw pala." Naguguluhan kong wika. Eh kasi naman eh. Diba nga masaya siya eh bakit siya nagbabasag. May ganun ba talaga? Explain it to me guys.
"Boba. Syempre dahil sa kasiyahan ko ay nagsasayaw ako habang nagluluto at aksidente kong nasagi ang plato na inihanda ko para lagyan ng mga luto na itlog at hotdog. Teka, ano yang nasa parteng dulo ng ilong mo? Kalungat ba yan?" She explained.
"Hindi ako boba mom. Sadyang ang gulo lang talaga ng sinagot mo kanina. Ano naman ang ikinasaya mo? Siguro magdadate kayo nung boyfriend mo ngayon noh? Night shift ka ngayon at tsaka ako nakatuka sa pagluluto." Tukso ko sa kanya and she gigled. Hay lakas talaga makabagets ni mom.
Tumango lang siya. Teka ano yung sinabi ni mom kanina? May kalungat sa dulo ng ilong ko? Hinawakan ko naman ang parteng iyon at naramdaman ang isang maliit na bilog at masakit siya ng konti infairnes.
"Hindi yan kalungat mom tigyawat siguro." I corrected her. Huwaat? Tigyawat? May tigyawat ako? Oh my ghad! No it can't be!
Lumapit naman sa akin si mom at tinignan ang parteng yun. Sana hindi tigyawat. Please! Sana hindi.
"Tigyawat nga." She confirmed. Wala na yung maganda kong mukha. Wala na. Paano na to? Sa dulo pa naman ng ilong ko at banderang bandera na mahahalata talaga ng lahat. Idagdag pa ang kaputian ko. Huhuhu. Letseng tigyawat na 'to. Leave me alone!
"Inlove ka nak no? Sino ang malas na lalaking yan?" Mom teased and I could feel my cheeks burning as hell. What the! Ano namang konek ng pagiging inlove sa pagkakaroon ng tigyawat. At tsaka hindi naman ako inlove. Nagkagusto siguro. Sino pa ba edi si Marc.
"Ano ka ba ma. Pag tinubuan ng tigyawat, inlove agad? Diba pweding dahil sa pagkapuyat lang? At ang harsh mo mom ha, malas talaga? Anong klase kang ina!" Pagdadrama ko.
"Anong klase akong ina? Isa lang naman akong napakabayolenteng ina na piniprito ng buhay ang anak niyang kinukwistyon ang pagiging ina niya." Banta niya. Wahh! Ang hilig talaga niyang barahin ako. Sige ikaw na bayolente.
"Mom naman eh di naman mabiro. Hehehe." Bawi ko na lang. Mahirap na baka kung ano pa ang mangyari sa akin dito.
"Biro rin yun. Hahaha. Pero seryoso, sino ba ang maswerteng lalaking yan na iniisip mo tuwing gabi at napuyat ka na naging dahilan ng pagkakaroon mo ng mahiwagang tigyawat?" Wika niya at bumalik na nga sa kanyang gingawang pagpiprito.
BINABASA MO ANG
My Introverted Enemy
Подростковая литератураHighest Rank Achieved: Rank #147 in Humor Category "No way! Never!" Hailey said after being interrogated about her liking Johan. Her mortal enemy and nightmare. What if those words will remain a word. There's no action performed because her action...
