*Hailey*
Nagising ako na parang wala sa sarili. Ang sakit ng ulo ko at namamaga pa ang mata ko. Saglit akong nabobo at hindi maalala kung ano ang nangyari kung bakit parang namamaga yung mata ko. Nang napukaw na ang atensiyon ko at tuluyang magising sa katotohanan ay napahagulgol na naman ako. Ang sakit pa rin. Parang kanina lang nangyari yun.
I felt pain, disappointment and betrayed. Kasi naman eh. Bestfriend ko siya at gustong gusto ko naman si Marc.
What ifs...
It came rushing on my mind. Ang daming tanong at ang karamihan ay puro what ifs.
What if kinonfess ko sa tatlong bruha na may gusto ako kay Marc? Hindi ba siya sasagutin ni Lianne pag nagkataon?
What if I confess my feelings to him? May mababago ba?
And what if from the start tinuldukan ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Nung narealize ko na wala pala talaga akong pag-asa sa kaniya. Masasaktan ba ako ng ganito?
I hate this what if feeling. Kasi pinagmumukha niyang ang bobo bobo ko. Ganun naman talaga diba?
Nakakabobo ang pag-ibig.
Na kahit ang pinakamatalino sa buong mundo ay walang panama. Ganun ka unfair ang love. Ganun ka unpredictable. Ganun ka nakakabobo.
But I hate to admit it. Its all my fault. Wala namang ibang dapat sisihin diba kundi ako. Ako mismo ang nanakit sa sarili ko. Ako mismo ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyong ganito. Ako ang nagpakatanga at nagpakabobo. Ako ang nagpadala. Ako ang naniwala na balang araw may happy ending rin kami ni Marc. Ako ang nag-assume. Ako ang naglagay ng malisya sa lahat ng kanyang ginagawa. Ako at ako lang mismo.
Kaya kahit masakit I'll try to remain myself from what I am. The happy go lucky me. Ganyan naman ako diba? Dito ako magaling eh. Ang magpretend like everything's alright even if I'm silently breaking inside. I am a great pretender kaya paninindigan ko na.
Pinunasan ko naman ang huling butil ng luha na tumulo sa pisngi ko gamit ang aking kamao. From now, onwards I will never cry again. Hindi na ako iiyak. Hinding hindi ko na iiyakan ang pag-ibig na yan. Dahil natuto na ako.
You will learn something from your mistakes.
Dami ko ngang natutunan eh. Kaya ngayon, I am more strong, more firm. Kahit kailan hindi na matitibag pa.
Sana...
Tinignan ko naman ang wall clock ko. Its 5:00 AM. Kaya bumangon na ako para makapagluto na dahil mamayang alas sais na darating si mommy and I'm sure pagod na pagod yun.
Pagkabangon ko ay dun ko lang naramdaman ang grabeng pananakit ng ulo ko. Its like a hangover. Kinaya ko namang makatayo at saglit lang na tumigil para maibsan ang pananakit ng ulo ko. At nang hindi na ito gaanong masakit ay pumunta muna ako sa salamin ng kwarto ko na nakadikit sa dingding. When I'm finish doing my stuffs, I continue heading out.
Pagkalabas ko ng aking kwarto ay hindi ko inaasahan ang nadatnan ko. Johan was peacefully sleeping on the couch. Makikita sa mukha niya ang pagkapuyat at pagod. Ano kaya ang ginawa nito at pagod na pagod? Ang huli ko lang kasing naalala eh yung pagkatulog ko sa harap niya dun malapit sa bahay nina Lianne. Nothing more. I wonder, but still he's so handsome. He's angelic face that could mesmerize someone literally.
"Stop. I must not doing this." Sita ko sa sarili ko. Diba nga ayaw ko nang umiyak ng dahil sa pag-ibig na yan kaya't hanggang mas maaga pa kailangan ko nang tuldukan itong nararamdaman ko para sa kanya. I need to para hindi na maulit pa. I don't want to commit the same mistake again.
BINABASA MO ANG
My Introverted Enemy
Подростковая литератураHighest Rank Achieved: Rank #147 in Humor Category "No way! Never!" Hailey said after being interrogated about her liking Johan. Her mortal enemy and nightmare. What if those words will remain a word. There's no action performed because her action...
