*Hailey*
Ilang araw na ang lumipas at wala pa rin kaming pansinan at imikan sa isa't isa ni Johan. Hindi na niya ako pinagtitripan, wala ng nang-aasar sa akin and somehow I felt peace.
But I don't know why. I don't know why I'm feeling this. I hate to admit but I miss him teasing me. Nasanay na kasi akong araw-araw pinagtitripan niya ako. Na hindi natatapos ang araw na hindi niya ako inaasar o pinaprank. Nakakamiss rin pala ang mokong na yon.
Nung mga nakaraang araw kapag uuwi ako ng bahay ay parati kong chinicheck phone ko baka dun niya ako pinagtripan pero wala. Wala na talaga. Kaya feeling ko nung mga nakaraang araw ay hindi kumpleto ang araw ko. Dahil may kulang.
Wala na akong magagawa pa. Ginusto niyang iwasan ko siya kaya iiwasan ko siya. Kailangan kong igalang ang desisyon niya. Wala na akong pakialam sa kanya. Bwiset siya.
"Lutang ka na naman diyan Buhay Patay." Lianne said while looking at me worriedly. Oo nga pala, nandito pala ako sa bahay nina Lianne gumagawa ng project kasama na rin yung dalawang bruha. Kami kasing apat ang magkagrupo dahil choose your own team daw sabi ni maam kaya kaming apat ang naging magkagrupo at mas mabuti na rin 'to.
"Oo nga sis. Parati ka na lang ganyan. Minsan nga wala ka sa sarili mo. Si Johan ba yan?" Andy seconded. Pansin pala nila ang pagiging absent minded ko this past few days. Ewan ko ba kung ano ang nangyari sa akin. Ewan ko ba kung bakit naapektuhan ako ng ganito.
"Oo. Ewan ko rin sa sarili ko. Diba nga maging masaya na ako kasi walang ng mantitrip sa akin pero kabaliktaran yung nararamdaman ko ngayon. I felt empty. I miss his pranks on me." I explained honestly.
"Hala! Alam ko yan eh. Alam na alam ko yan. Namimiss mo siya noh?" Selene asked teasingly. The heck!
"Hell no! Pranks at trip niya lang ang namimiss ko hindi siya. Gaga." I defended. Totoo naman eh. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ng gagang 'to.
"Eihhh! Defensive. Deny pa more." Selene teased wearing her annoying smirk. Arghh! Kahit kailan talaga napakamalisiyosa ng babaeng 'to.
"Hindi nga sabi eh! Never!" I said in annoyance. Gigil niya si ako mga dre.
"Eihh. Baka crush mo na! Eihh!" She teased again at may pakundot kundot pa sakin at parang bulateng gumigiling dahil sa kilig. Iniinis talaga ako ng babaeng 'to.
"Selene just drop it. Di ka nakakatulong eh." Andy said ng makitang niyang inis na inis na ako. Mabuti na lang talaga't kahit papaano may matured sa grupo namin. Complete kaya kami. May matured, madaldal, mahinhin at maganda. Syempre ako yung maganda. Pakk! Pose! Rampa!
"Wala ka ng magagawa diyan sis. Its his desisyon. Lets just respect him and I'm sure masasanay ka na rin na hindi ka na niya pagtripan." Andy said seriously. Alam ko naman yun eh. Sasanayin ko na lang siguro ang sarili ko.
"Thats true and yan lang ang alam naming solusyon. Ang sanayin ang sarili mo." Lianne agreed. So sasanayin ko na lang talaga ang sarili ko. Masyado siguro siyang nasaktan at napahiya sa ginawa ko.
"I'll try." Sabi ko na lang. Oo itatry ko. Sana nga lang effective.
"Don't try. Do it." Lianne corrected me.
"Okay. I'll do it."
"Sis tapatin mo nga ako. Pranks lang ba talaga namimiss mo?" Andy teased me. Wahh! Inuungkat na namn niya. Akala ko ba drop it eh bat niya tinanong ulit. Wahhh!
"Oo nga. Fast talk. Gusto mo na ba siya o mahal na?" Tanong rin ni Lianne. At ngayon pinagkakaisahan na nila ako. Bestfriend ko ba talaga ang mga gagang to? Okay na yung kanina eh. Bwiset sila!

BINABASA MO ANG
My Introverted Enemy
Подростковая литератураHighest Rank Achieved: Rank #147 in Humor Category "No way! Never!" Hailey said after being interrogated about her liking Johan. Her mortal enemy and nightmare. What if those words will remain a word. There's no action performed because her action...