Chapter III: Fussy Jerk

50 23 7
                                    

                        *Johan*

Matapos ang kahihiyan ko kanina sa Cafeteria ay umuwi na ako para makapagbihis ng slocks.

Grabe yung kanina. Yun na siguro ang pinakanakakahiyang pangyayari na naranasan ko for the past 16 years. Ibang klase talaga ang babaeng yun kung makapag-ganti. Actually, alam ko naman na kahit kailan ay hindi papatalo o papa-api yang si Hailey eh. Ewan ko ba kung bakit parang hindi kumpleto ang araw ko sa tuwing hindi ko siya naaasar at makita ang epic niyang mukha.

Pero grabe talaga yung kanina. Ang hirap makamove-on. Biruin mo, napakarami kayang estudyante sa cafeteria dahil recess tapos hindi ko man lang napansin na meron na palang nakadikit na napkin sa pwetan ko. Kaya pala feeling ko ang lagkit-lagkit kanina at dahil sa pabaya ako, hindi ko na lang binigyang pansin.

Hindi ko talaga inaasahan yung kanina. Oo alam ko na pupunta siya doon para masaksihan niya mismo kung paano ako mapahiya at makita ang priceless kong mukha. Pero yung pag-attemp niyang tulungan ako? Yun yung hindi ko talaga inaasahan. At dahil sobrang kahihiyan ang naranasan ko kanina, hindi ko maiwasang kamuhian at mainis sa kanya. Ikaw ba naman ang mapahiya ng ganon. To be honest, nagulat talaga ako kanina. Nakakapagtaka't ganun inasal niya. Baka naawa siguro sa akin. Tsk. Hindi kailangan ang 'awa' niya. Magsama sila.

Pagkatapos magbihis ay naisipan kong pumunta sa paborito kong lugar. Sa lugar kung saan naiwan ang mga ala-ala ko nung bata pa ako. Dito ako parating tumatambay kapag frustrated ako. Hindi ko alam pero parang nawawala lahat ng stress, sakit, inis at frustrations ko kapag nandito ako.

Pagkarating ko ay ganun parin, walang pinagbago. Nandoon parin ang puno na napapaligiran ng mga damo. Nag-iisa lang ang puno at tanaw doon kung gaano kaganda ang kalikasan. Maaaninag mo ang asul na dagat na parang kumikinang, ang mga kabahayan na hindi naman talaga karamihan at mga kakahuyan. Napakalayo sa siyudad kung saan napakagulo.

"Nandito ka pa pala." Naisambit ko matapos matignan kung ano ang nakaukit sa katawan ng puno.

P & S.

"Kamusta kana? Ang tagal ko nang walang balita sayo ha. Nawala lang ako ng dalawang taon, iniwan mo na ako. Halos 8 years na kitang hindi nakikita. Miss na miss na kita. Miss ko na kakulitan mo, kalampahan at ang napakacute mong mukha. Miss na kita Puti." Kausap ko pa rin sa puno na tila ba masasagutan niya lahat ng tanong ko. Sana nga. Para matahimik na rin ako at mapuntahan siya.

Cellphone Ringing...

Sino na naman kaya 'tong tumatawag?

Si dad pala. Ano na naman kaya kailangan nito. Tsk. Dadagdagan pa niya frustrations ko.

"Appa?" (Dad?)

"Where are you"

"Nasa dorm ko. Waeyo? (Why)"

"I just want to remind you that this coming October, you're going back here."

"Dad, how many times do I have to tell you that I don't want to. Masaya ako dito."

"Pupunta ka dito at final na yan. Wala ng angal pa."

"I don't care. Basta ayokong pumunta diyan. Aniyo! (No)"

Binabaan ko na si dad dahil kahit anong tanggi ko eh ayaw parin akong pakinggan niyan. Hindi ko nga alam kung bakit nila ako pinagpipilitang pumunta doon. Mas gusto ko dito sa Pilipinas eh at tsaka hahanapin ko pa siya.

Oo na sa Korea sila at ako lang ang nandito sa Pinas. Meron akong kapatid na babae at kasama nila yun dun. Ang dad ko ay pure Korean habang ang mama ko naman ay pure Filipino. But my dad and my sister can fluently speak tagalog kasi yun ang ginagamit namin pag nasa bahay kami sa Korea. Utos yan ni mom. Kaya wala na rin kaming nagawa.

My Introverted EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon