*Hailey*
"Bwiset Ka!!! Curse you Jonathan Hansel Park!" I exclaimed out of anger. Wala na akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng mga estudyanteng nandito sa hallway at kahit na pinagtatawanan na nila ako. All I care is on how to kill that jerk. Arghh! Ang sarap niyang iprito ng buhay! He's getting on my nerves! I can't let this pass. Dapat makaganti ako sa hayop na yon! Mas malala pa sa pagdadrawing ng kung ano sa mukha ko. Yes, pinagtripan niya lang naman ang napakaganda kong mukha. Nakatulog kasi ako kanina, vacant eh. Kaya I grab the opportunity, late na kasi ako natulog kagabi kakawattpad. Hihihi.
[Flashback:]
Nagising ako dahil sa mga naririnig kong mga tawa at bungisngis sa paligid ko. Hindi ba sila aware na may natutulog na dyosa? Tsk.
Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang mga kaibigan ko at iba ko pang kakalase na nagtatawanan at ang iba naman ay pigil na pigil.
Si Lianne Micabalo na ngiting-ngiti na nakaharap sa blackboard at take note, kitang kita yong ngala-ngala niya.
Si Andy Tinsay na pigil na pigil habang nakatingin sa akin. She's creepy. Diba nga dapat hindi ganyan ang expression kapag nakakita ka ng maganda? Dapat nakatiwang-wang ang bibig hindi nakatikom na para bang kahit ilang segundo ay hahagalpak na sa kakatawa? Iba na ba ngayon? Hindi ako informed.
And lastly, si Selene Madrigal na outstanding sa lahat. Sa kanya sigurong tawa ang narinig ko kaya ako nagising. Grabe kasi talaga eh. Ang lakas-lakas, may pahawak-hawak pa sa tiyan at pahampas-hampas sa hangin.
Kaya tuluyan ko na talagang inangat ang ulo ko, nakatagilid pala yung ulo ko habang natutulog. Which is mas maganda para makita nila ang anghel kong mukha habang natutulog.
"Hahahahaha!!" Tawanan ng mga kaklase ko at syempre kasama dun ang tatlong bruha kaya nakitawa nalang ako kahit hindi ko alam kung ano ang nakatawa. Baka masabihan pa ako na KJ.
Tawa parin sila ng tawa kaya ito ako nakikitawa nalang rin kahit hindi alam kung ano ang nakakatawa. Parang wala silang balak tumigil. Anong kaya nakakatawa at naging ganyan sila? Nabaliw na ba silang lahat? Oh my gosh! Napapaligiran ako ng mga baliw! Baka mahawaan ako! Dapat ko na talaga silang tanungin. They creepying me out.
"Guys? Ano ba talagang nakakatawa?" I asked hesitantly. Baka kasi mabulyawan ako ng lahat na ang kj ko, knowing me na go na go sa ano mang trip nila.
"Hindi Ano. Sino." Natatawang sagot ni Selene. Huh? Nababaliw na talaga siguro sila. Sino namang nakakatawa eh wala naman akong nakikitang clown, joker o comedian sa harapan para magpatawa? Niloloko ba nila ako? Or maybe meron silang nakikitang comedian na multo na pugot ang ulo sa harapan, tinatanggal nito yung ulo niya tsaka nagme-make face. Nakakatawa nga yun. Oh my God! May third eye sila??
"Ahh ehh. Oo nga noh? Nakakatawa talaga yang multong pugot ang ulo na nagme-make face. Hahaha!" Sabi ko nalang habang tumatawa ng peke. Ayaw ko namang ma out of place noh. Baka sabihan nila akong "Maganda ka lang Hailey Natividad pero hindi unique." Ayaw ko naman marinig yun. Dapat maganda ako sa paningin nila at the same time unique para perfect.
Natigil nalang ako sa pagtawa ng peke ng bigla silang tumigil sa kakatawa. Baka umalis na yung multong pugot ang ulo. Humarap nalang ako sakanila, nasa pinakaharapan kasi ako. The perks of being small.
Nagtataka ko silang tinignan lahat. Yung tawa kasi nila kanina ay napalitan ng pangamba at takot, ang iba pa nga eh putlang-putla na ngayon. Anyare? Para silang nakakita ng multo. Ay oo nga pala multo pala yung tinitignan nila kani-kanilang pero bakit ganyan mga mukha nila?
Oh my God! Baka balak na kaming patayin nung multong pugot ang ulo! Wahhh! Ayaw ko pang mamatay! Mommy!
"Guys? Yung multong nagme-make face kanina, balak na ba tayong patayin? Sige na sabihin niyo na para maaware naman ako. Wala kasi akong third eye tulad niyo eh. Hindi ako unique, maganda lang talaga ako. Sabihin niyo na baka magawan pa natin ng paraan." Mangiyak-ngiyak kong basag sa katahimikan. Baka kasi may magagawa pa kami. Baka mapaalis pa namin at maengganyong manahimik na siya at pumunta sa kabilang--
BINABASA MO ANG
My Introverted Enemy
Novela JuvenilHighest Rank Achieved: Rank #147 in Humor Category "No way! Never!" Hailey said after being interrogated about her liking Johan. Her mortal enemy and nightmare. What if those words will remain a word. There's no action performed because her action...
