First Loop - Trap

166 12 0
                                    

***

"I hate the fact that I unknowingly fell into my sibling's trap.."

***


Wæpen Art University's Dormitory

"Cut the crap off, Claud. This isn't a school, for Pete's sake!" I yelled out of frustration making the female beside me drop her pen due to my voice's pitch. Sinong hangal nga ba ang nagbigay ng suhestiyon sa kapatid ko na ipasok ako sa quarantine facility na 'to?!

"Xzeus, please. Master Elixir only wants what's best for you. Even your other b-brothers agreed." she tried to console me with her pleading voice. Tch. I tried not to fall on her charming plea. Elixir knew she'll be able to convince me but I won't fucking admit defeat without even putting a fight.

"Best his ass! I told you already, Claud. Hindi. Andwae. Ie. Ja! No!" nasapo ko ang noo ko matapos itong sigawan. Doon din kumalansing ang mga kadenang nakasabit sa mga posas na nasa magkabila kong palapulsuhan dahil sa bahagyang paghampas ko sa upuan.

No.

Don't even bother thinking that I'm doing an erotic foreplay or whatever because of these odd accessories hanging on my limbs. These chains aren't made for the show.

Naiiyak itong napatitig saakin bago maagaw ng katok sa bintana ng kotseng sinakyan ko mula sa bahay ang aking atensiyon. Ilang minuto na kaming naandito sa parking area sa labas ng dormitory at wala akong ni katiting na balak na lumabas para manatili sa impyernong paaralang 'to.

Elixir. Damn that brute!

Pinaniwala niya 'kong sa Veluet University ako mag-aaral dahil sa balak kong hanapin ang taong 'yon, tapos malalaman ko nga-ngayon lang na sa Wæpen AU pala talaga ako naka-enroll? Bullshit! I shouldn't have let that freak interfere with my decisions and plans. Bakit ba 'ko nagpauto sa damuhong 'yon? Argh!

"Xzeus.."

"No."

"Come on, Xzeus. Elixir just wants a place for you where you won't be discriminated-"

"Who the hell says I'd let some lowly creatures discriminate me?"

"I-I know.. It's.. I-It's just that.. ipagpaliban mo nalang muna ang pagpunta sa Veluet para hanapin si Ra-"

"Shut up."

"Xzeus please. Alam kong makakatulong sa'yo ang school para makontrol ang mga kad-"

"Enough!" pigil ko rito ng bigla kong maipikit ng mariin ang aking mga mata.

"Xzeus please... A-Al and Kaiser w-will transfer here.. T-they've promised." nanginginig ang boses na dugtong nito. Napabuntong-hininga ako lalo dahil sa sinabi nito kaya tamad ko itong tinapunan ng tingin.

"This will be my last favor for you, Claud. Last favor. Don't mention that stuffs to me, ever again." bulong ko bago padabog na binuksan ang pinto. Bago pa man ako makalabas ay binalingan ko pa ulit ito saka binilinan ng may matalim na tingin.

"Tell Elix to start preparing his grand burial today. Sisiguraduhin kong mapapatay ko siya sa oras na magkita kaming dalawa sa labas. Naintindihan mo ba, Claud?" takot itong tumango kaya inirapan ko agad ito saka nilayasan.

Hindi nakahuma sa ginawa ko ang nag-aabang na si Nyne na mukhang alam na ang nangyari dahil bahagya lang nitong sinilip si Claud sa loob ng kotse para magpaalam bago ako sinundan na padarag ang ginawang paglakad papasok ng magarbong dormitoryo.

Devil's ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon