Eighth Loop - Uncontrollable Chains

68 10 0
                                    

***

"Holding the keys to the gates of Tartarus.."

***

I was biting my lower lip hard the whole ride that it almost bled. Namumutla na din ang mga daliri ko sa kamay sa higpit ng pagkakakuyom ko roon dahil masakit ang binti kong may darts. Bakit hindi pa din ito nawalala?

Mabilis ang takbo ng sasakyan pero alam ko sa sarili kong hindi iyon ang dahilan ng malakas na pagkaba ng dibdib ko.

Sino ka ba?

Why are you making me feel.. so.. damn affected, excited...

And stupid at the same time?

Mabilis naming narating ang St. Claridel's Hospital makaraan ang ilang minuto.

Binuhat ulit ako ni Greige palabas kahit nagdahilan akong kaya ko namang maglakad.

Iilang tao lang ang nabungaran namin ng makapasok kami na agad akong dinaluhan.

Napalunok ako ng makitang nakatarak pa din sa binti ko iyong darts na mas malaki ng tatlong beses kung ikukumpara sa normal na darts.

"Alexzeus Imperium?" tanong ng nurse na na kay Greige ang tingin bago lumapit ang doktor mula sa likod nito at sinipat ang darts sa binti ko.

Masakit ang ang binti ko pero hindi ko napigilang titigan ng nakaangat ang kilay ang nurse na hindi pa din ako tinitignan.

Tumikhim pa ko para maagaw ang atensiyon nito.

"I'm Alexzeus Imperium," I said in a monotone. "Not him." doon na ito natauhan at nataranta habang natawa naman ang doktor na mabilis inasikaso ang sugat ko.

Naramdaman ko pa ang pagtusok ng karayum sa balat ko bago ito namanhid.

Nakatayo lang sa tabi si Greige na mataman akong tinititigan kaya napayuko ako para iwasan ito at sundan ang ginagawa ng doktor.

Bahagya pa nitong hinawakan ang paa ko para tanggalin ang suot kong sapatos ng tumindi ang pagmanhid noon gawa ng anesthesia.

"Why did you let them hurt you, Alexa?" he mumbled just enough for us to hear while smiling. I guess he misheard my name.

Umangat ng awtomatiko ang kilay ko dahil sa tanong nito. "My name's Alexzeus, doctor."

"Oh. But-"

"Percy. Focus on the darts and remove it quickly." Greige stated in a hard tone, completely cutting him off.

Imbes na maasar ang doktor ay natawa na lamang ito. Nang mag-angat ako ng tingin ay madilim na ang mukha ni Greige na nakikipagtitigan sakin pabalik at nakasandal sa pader sa malapit.

"One good look and you'll be mistaken it for silver.." saad ng doktor saka sinipat ang dart.

Napansin ko pa ang pagbukas ng pinto pero napako ang tingin ko sa hawak nito kaya hindi ko alam kung sino ang mga pumasok.

"But it's not."

"Uh-huh. It's something harder and you know a few who can conjure it."

"Yeah."

Silang dalawa lang ang nag-uusap at palaisipan na naman sakin ang tinutukoy nila.

"Titanium."

Naagaw ng boses na iyon ang atensiyon ko kaya napaangat ako ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Eizen. Sa likod niya nakasunod si Etherius na bahagya akong nginitian bago tinapik sa balikat ang doktor.

Devil's ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon