Eleventh Loop - The Curse

75 7 0
                                    

***

"Presumed historical reasons why everyone protects me..."

***

"Have we met before?" makaraan ang ilang segundo ay tanong nito sakin habang hila padin ako. This time, nakabuhol na sa kamay nito ang mga kadena habang mabilis akong hinihila kung saan.

Parang nanghihila lang ng alagang aso na inii-stroll sa park ah?

Ansakit ng balikat ko pero hindi naman ito nakikinig. Malayo na din ang nalalakad namin.

Hindi ako makapaniwalang natakbo ko ang ganun kalayong lugar na kalapit na ng pader para lang makatakas. Dala siguro ng adrenaline kaya hindi ko ramdam iyong kirot kanina mula sa mga sugat pero ngayon.. Fvck! Ang sakit na!

Sinusubukan ko pang pigilan ang pagdudugo kanina pero dahil hinihila ang kadena nitong lalaking iniluwa yata ng kalawakan dito sa mundo ng mga tao, hindi ko na ito mahawakan.

"Er.. N-no?" patanong na sagot ko sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita. Sigurado ako dun.

"You kinda resemble someone... And your voice sounds identical to her..."

"A-ah.."

Concidence? Madami namang magkakamukha sa mundo na hindi related diba? May mga magkakaboses din.

"Your scent, too.."

"Ah- what?!" gulat ang tono na tanong ko rito. Is he sniffing me the whole time he's close to me? Aba't!

"Is it normal for two different persons to smell exactly... the same?" he drawled with an amused tone.

"What the hell-!"

"XZEUS!!" sasapakin ko na sana sa likod 'tong lalaki ng may sumigaw sa di kalayuan.

Napatigil ito sa paglalakad kaya tumigil din ako. Papunta sa direksiyon namin ang mga kaklase ko, si Blade, si Nyne at iyong babaeng nakasalamin kanina na siyang dahilan kung ba't ako napunta sa sitwasyong 'to.

"Shi-tzu! Sinaktan ka na naman nila?!" sigaw pa ni Jenine na nakasunod sa likod ni Blade at Nyne.

Thank god they're alright!

"I'm fine, Jen. Blade, Nyne, ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa saka sila tinitigan mula ulo hanggang paa.

Parang biglang nabutas ang energy bag sa loob ng katawan ko at awtomatiko akong nanghina kaya nabuwal ako sa kinatatayuan ko. Namamanhid ang mga sugat lalo na ang balikat ko. Naigagalaw ko pa ang braso ko kaya nasisiguro kong walang sensitibong ugat ang direktang tinamaan.

"Got ya."

Buti nalang at nasalo ako ng lalaki dahil nasa tabi ko ito na hindi pa din binibitawan ang kadena.

"Hime!" Blade yelled softly.


"Xzeus! Darn it. May sugat ka na naman?!" Jenine screamed as well na halatang nagpanic.

"Kita mo naman ang balikat na dumudugo diba?" Alfred murmured, his hands hidden in the pockets of his pants.

"Shut up, Red."

Devil's ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon