Twelfth Loop - Not-So-Happy Birthday

73 9 0
                                    

***

"One mask unveiled..."

***



"HAPPY BIRTHDAY, XZEUS!!!" sabay-sabay na sigaw ng malalaki at baritonong boses sa paligid ko kaya tinatamad akong bumangon ng pikit pa ang kaliwang mata at kinukusot naman ang kanan habang inaalalayan ng dalawang pares ng braso sa magkabilang gilid.


Hindi na gaanong masakit ang sugat pero daig ko pa ang may cancer kung alalayan nila.


"Hmm.."


Someone popped a party popper kaya umulan ng confetti na karamihan ay bumagsak sa mismong itaas ng kulay rosas kong comforter bago tumambad ang may kalakihang chocolate-filled molten choco cupcake na may maliit at pulang kandila sa itaas.


Napasilip ako sa digital clock na nasa itim na nightstand na katabi ng pulang queen-sized bed at pupungas-pungas na napabuntong-hininga ng makitang alas singko y medya pa lang ng umaga. Ni hindi pa natatabig ng mga kasambahay ang mahahabang pulang kurtina kaya sigurado akong hindi pa ganoong ka liwanag sa labas.


"It's too early for this, guys. At masyado na 'kong matanda para sa ganito." I complained with a pout before they started to give me their birthday kiss on my head.


Nung isang araw pa kami umuwi dito sa mansion para sa holiday kaya buong araw kaming naglaro kahapon. Naka-arm sling ang kaliwang braso ko dahil sa sugat pero tolerable naman ang sakit gawa ng antibiotics na itinuturok ng personal nurse.


Kahit ang mga gurang na sina Alexander at Aleydis ay nakisali dahil ako mismo ang nagpumilit. Hindi din nakaligtas si Elixir kahit pa sabihing wala na itong ginawa buong buhay niya kundi ang bumusangot, mag-utos at magseryoso.


Isang buong araw kaming naglagi sa amusement park kahapon as advance birthday gift para sa birthday ko ngayong araw. Feeling ko tuloy ay pang-9th birthday ko iyon imbes na pang-19th. And.. It's all souls day today.


Ang aga kong nakatulog kagabi dala ng pagod ng makauwi kami.


"Nah. You're a baby for life."


"Yea. Come on. Wake up now."


"Blow your candle, Princess! Hurry! Eizen and I baked this cupcake earlier!" Kaiser excitedly yelled like a kid na bigla namang tinulak ni Alexis kaya nahulog sa lapag. Si Elixir lang ang hindi nakisiksik sa kama ko.

Devil's ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon