***
"The birth of disaster seven.."
***
"Oh my gosh, Xzeus! I still can't believe na Kuya mo pala sina Third at Fourth!! Tapos pinsan mo pa si Morpheus! Kyaaaaaaaah! Inuulan ako ng swerte this weeeeek!"
I covered my ears when she squealed right in front of my right ear. Kulang nalang ay dambahin niya 'ko sa tuwa ng ipakilala kami nina Kaiser sa kanila kanina.
Pumanhik na muna kami sa ikaapat na palapag kung saan naroon ang mga kwarto namin dahil napagdisesyunan kong magpalit ng mas komportableng damit. Kung alam ko lang naman na dito kami pupunta, hindi na ko nag-aksayang magsuot ng coat at binders para sa mga kadena ko.
"I can sense na magkaka-lovelife na 'ko bago magpasko! Kyaaaah!"
Eww. Ano bang nakita nito kay Nyne at para itong sinasaniban sa kilig? All I can see in my cousin is the word "Bastard" in a bold, cursive font, written around his body.
"Hindi ko narinig o napansin na interesado siyang magka-lovelife. Mas mahal nun career niya e." sagot ko rito habang isinusuot pabalik ang bondage boots. Night stalker.
"What?! Are you serious?! Baka naman di mo lang napansin or what?"
I shrugged. Inisip ko ang mga panahon na kasama ko ang pinsan ko. Wala talaga akong maalalang nagbanggit siya ng tungkol sa babae. Minsan ko na nga ding naisip na baka bakla talaga siya e. Pero hindi ko na binanggit yun kay Jenine.
Nasa elevator na kami pababa ng ang mga kuya ko naman ang napagdiskitahan niya.
"Si Third ba may girlfriend na? I know Fourth had none. Masyado siyang masungit. I'm a bit lucky I made friends with them because of my cousins. Connections. Hihi."
Hindi ko alam. Halos four years silang nasa States at tuwing nag-uusap kami o umuuwi sila, wala din naman silang nababanggit na may nililigawan sila. Flings, sobrang dami. Hindi din kasi tinatago samin ni Kaiser ang pagiging malandi niya, unlike Al, palihim kaya di halata pero madami din.
Narating namin ang first floor ng puro mga lalaki ang lumalabas sa bibig ni Jenine. Dahil nasa sarili namin kaming bar, hindi na masyadong umaaligid sa'kin si Nyne at si Blade o kahit ang mga kuya ko.
Nyne's probably with his friends somewhere in the second floor while Blade, I'm sure she's checking the security system.
Naupo kami ni Jenine sa crescent couch kung saan naroon ang lima pa. May ilan silang kasama na pamilyar saakin pero hindi ko maalala kung saan ko nakita.
Harabelle's having a tequilla match with Jin and Solomon kung saan nagpapaunahan silang tatlong makaubos ng limang nakahilerang shotglass ng alak ng hindi pinapakialaman ang kalamansi at asin.
Geez. Are they trying to burn their throats?
Agad kumuha ng dalawang bote ng beer si Jenine at binigay sakin ang isa habang kausap iyong lalaking tinabihan niya. Tinanggap ko iyon saka nilinga ang paligid. Madaming tao ngayon dahil nga sa welcome back party nila 'to.
Nakita kong nasa may bar counter si Kaiser kaya nagpaalam muna ako saglit sa kanila na pupuntahan ito.
Napapalingon sa'kin ang mga nakakasalubong ko dahil hindi na coat ang suot. Midriff shirt, hot short at itim na bondage boots. Malayang nakasabit sa posas sa palapulsuhan ko ang kadena kaya hantad na hantad ito ngayon kahit pa sabihing dim ang mga ilaw.
"Cocktail, Dan." bungad ko ng makalapit sa high stool katabi ni Kaiser. Halatang nagulat ito ng makita ako. Sinenyasan ko pa itong manahimik dahil muntik na nitong isigaw sa katabi ang presensiya ko.
BINABASA MO ANG
Devil's Chains
ActionAt the age of two, Alexzeus was able to summon a powerful weapon made of unbreakable substance that saved her life from danger; a chain -- her first savior. When she turns fourteen, another danger took place that put her in a situation which started...