Fourth Loop - First Victory

79 9 2
                                    

***

"Chaos is a part of me.."

***

Hindi ako makapagconcentrate pero nanatiling blangko ang mukha ko habang sinusundan ang bawat galaw ng babaeng guro na nagsusulat sa whiteboard.

Second and last subject ko 'to ngayon bago mag-lunch kaya sinubukan ko na ding makinig kunwari.

Ramdam ko pa din ang paninitig ng lalaki sa tabi ko kaya ang pesteng blood-pumping muscle sa loob ng dibdib ko ay nagwawala sa kaba.

Excitement? Kaba? Ewan ko. Naghahalo-halo ang emosyong nararamdaman ko dahil na din sa ito ang unang beses ng pagtapak ko sa literal na classroom na nahahaluan ng kakaibang sensasyon gawa ng katabi ko.

"Aayain sana kitang mag-lunch, kaso may klase pa 'ko pagkatapos nito e." he murmured while the teacher's speaking in front of us.

Shoot. Ako?!

Malamang, day. Sa'yo nakatingin diba?

Bahagya akong lumunok at sinilip siya na nakatingin pa din magpahanggang ngayon sa direksiyon ko kaya bahagya ko itong nginitian ng hindi nagsasalita.

Nagpaalam na ang guro saka lumabas ng klase matapos ang isang oras. Pareho lang ito ng naunang propesor, medyo utal pa nga iyong huli at ni minsan ay hindi nag-aksaya ng oras na suwayin ang mga kaklase kong maiingay.

Mga duwag!

"Una na 'ko, Xzeus. Geez. Kung alam ko lang na magiging kakagsfdhsv... dinrop ko na alshsgabs.... subjects last year.." bulong niya na hindi ko naintindihan. Balak ko sana siyang tanungin pero halatang nagmamadali ito dahil bahagya pa itong kumaway sa'kin ng marating ang pinto at lumabas.

Okay, heart.

We fvckin' need to talk calmly so stop pumping excessive blood inside my ribcage! Baka mapunta lahat ng dugo sa ulo ko!

Akmang tatayo na sana ako ng may metal na palaso ang bumaon sa mesa na dumaan sa kaliwa kong braso mula sa likod.

Nanigas ako ng bahagya sa kinauupuan ko at pinakiramdaman kung nadaplisan na naman ba ang braso ko pero mukhang wala naman kaya napausal ako ng mahinang pasasalamat.

"Hindi ka marunong umasinta, Lee." usal ng babae sa kanan ko.

Mukhang alam ko na ang sunod nitong gagawin kaya bahagya akong yumuko ng makita ko sa gilid ng mata ko na may itinapon ito papunta sa'kin.

Dahil sa ginawa ko, ang nakaponytail kong buhok ang nadale ng kung ano mang itinapon nito.

Naputol ang tali.

Kasabay ng pagkakahulog ng buhok ko dahil sa pagkakaputol ng tali ay siya ring hulog ng iilang hibla ng pula kong buhok sa itaas ng mesa pati na sahig.

Nanlilisik ang matang tinitigan ko ang babaeng nasa kanan na napansin kong may hawak na dalawang piraso ng throwing stars. Nilalaro nito iyon sa magkabila niyang kamay habang nakangisi.

Biglang kumulo ang lahat ng dugo sa buo kong katawan.

"Mahina pala talaga ang isang 'to, Val." someone yelled behind me. Tahimik na nanunood ang iba kong kaklase sa tabi habang ang iba ay kumaripas ng takbo palabas kanina pa.

Are they really expecting this to happen?

"Obviously, Stelle was right."

"Pupuruhan ko na ba?"

"Ako na pipilay."

My fists curled when my vision started to blur. Fvck! Ngayon pa ba 'ko mawawalan ng malay?! 'Ba naman yan, Xzeus?!

Devil's ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon