***
"That weird feeling..."
***
"After them!"
Anlalaki ng hakbang ni Chestnut papunta kung saan. Yung hakbang na nagiging takbo na para sakin dahil kahit pa sabihing matangkad ako, nagmumukha pa din akong maliit pag katabi ito. Pansin ko pa ang paghawi ng iilang estudyanteng nadadaanan namin habang mabilis kaming tumatakbo dahil hinahabol na naman kami nung mga lalaki sa cafeteria.
"Tss!" Chestnut hissed. Is he mad?
Aba! Hindi ko naman sinabing makialam siya diba?
"T-teka lang! San ba tayo pupunta?" tanong ko ng nakahawak na sa braso nitong humihila naman sa kanang braso ko.
T-strap platform shoes na may 6-inch heels ang suot ko kaya hirap akong tumakbo. Kahit halos magkandadapa na 'ko, sinusubukan ko pa ding sabayan ang paghakbang niya.
Agad kaming lumiko sa harap ng building kung saan wala akong nakikitang estudyanteng nakatambay sa labas. Halos kaladkarin ako nito paakyat sa hagdan kaya lihim akong napapamura.
Daig pa nito nanghihila ng stuff toy kung hilahin ako ah?
Sa likod, nakasunod pa din samin yung mga humahabol. Ba't nga ba kami hinahabol?
'Loko ka, day. Tinapunan mo ng pasta diba? Minura-mura niyo pa diba? Malamang ipahabol ka nun at pag nahuli ka, ipakain ka sa buwitri!'
"Bilisan niyo!" dinig ko sa malayo bago namin inakyat ang isa pang hagdan mula sa dulo ng hallway ng building na 'to.
Nang marating namin ang unang palapag, binuksan niya agad ang isang pinto mula sa hagdan saka ako pinasok at marahas na sinandal sa katabing dingding ng tinatakpan ng isang palad ang bibig ko.
"Don't move." bulong nito malapit sa mukha kong natatakpan lang ng palad niya. Nakadantay naman ang kabila niyang braso na nakatukod sa pader sa kabilang gilid ng ulo ko at kasalukuyang nagkukulong sakin sa pader at katawan niya.
Gosh! Ang lapit lapit niya!
Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi habang tinititigan ang pagtaas baba ng muscles sa leeg nito dala ng magkakasunod na paglunok. Ang mata nito'y nasa labas at tahimik na nakasilip. Napalunok din ako habang unti-unting naliliyo sa amoy nitong bago sa sistema ko.
I've been surrounded by males my entire life but it doesn't affect me at all because they're my brothers. I thought I got used to it...
But this. This is something I can't explain... something that torments my innards. I can feel some wierd stuffs clouding my stomach for an unknown reason!
Makaraan lang ang ilang segundo, rinig ko ang mga yakap ng mga taong humahabol samin. Naipikit ko nalang ang mata ko habang nakahawak sa kamay nitong nakatakip sa bibig ko. Dun ko pa lang naramdaman ang mainit nitong hininga na dumadampi sa balat ng kamay ko.
I did a mental facepalm to control my senses. Bakit ba hindi nawawala sa sistema ko ang magmaldita at mang-away habang wala akong bantay? Napapahamak tuloy ako. Tss.
Ilang minuto pa ang lumipas ng mapansin kong hindi din gumagalaw si Chestnut.
Nang imulat ko ang mata ko, dun ko lang napagtanto na mariin itong nakatitig sa mukha ko, partikular na sa mga mata ko. Napalunok tuloy ako lalo at mabilis tinaggal ang kamay nitong nakatabing sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Devil's Chains
ActionAt the age of two, Alexzeus was able to summon a powerful weapon made of unbreakable substance that saved her life from danger; a chain -- her first savior. When she turns fourteen, another danger took place that put her in a situation which started...