***
"The runaway troublemakers..."
***
Naglalakad kaming tatlo papunta sa elevator mula sa classroom ng may maulinigan akong bulungan sa likod namin na nakasunod. Mga special class students din pero ibang kurso lang.
"Rigel saved that bitch? You've gotta be joking."
"Yea. I remembered hearing some news about Greige saving her, too."
"Girl! Don't forget Rion when Aris had her soul triggered! The bitch is on the premise and flirted with him so he has no other choice than to save her. Duuh!"
Hindi napansin nina Jenine ang mga iyon dahil nag-uusap din sila tungkol sa party bukas ng gabi at kasalukuyan akong nahuhuli sa paglalakad kaya salung-salo lahat ng eardrums ko ang pangungutya.
Bakit ba laging binubuo ng tatlong mangkukulam ang kadalasang bitch trio sa lahat ng istoryang meron ang mundo?
"Paawa effect. Liar. Nagkukunwaring hindi gumagana ang mga kadena niya para kaawaan. Pero inatake niya naman si Estelle nung huling beses. Yuck. Pretentious whore."
Biglang nagpanting ang tenga ko dahil sa mga ito. Naaalala ko pa iyong Estelle kaya hindi ako maaaring magkamali na ako ang pinaparinggan nila.
Napangisi muna ako bago agarang tumigil at humarap sa kanila na halatang nagulat kaya bahagyang napaatras.
"Why oh why, bitches? Jealous?" malambing kong bungad na may halong tudyo ang tono ng nakataas ang kilay. Saktong itim ang shade ng lipstick ko ngayong araw kaya mas may karapatan akong magtaray kesa sa mga mukhang pasong babaeng to na puno ng malalaking bulaklak ang ulo. Isama mo pa yung mala sinturong mga chokers, parang mga aso.
"Hindi niyo ba kayang landiin yung mga lalaking pinuputak niyo kanina kaya hanggang tsismis nalang ang nagagawa niyo? Ganun talaga ang kapalaran ng mga babaeng insecure at mukhang mga tuta dahil sa naglalakihang dog collars."
"A-aba't! So inaamin mo ngang malandi ka talaga!" naiiyak na sigaw nung nasa gitna. Oh. Tiklop agad? Anlakas niyong mamintang kanina ah?
"Malandi? Well. I'm willing to take a virginity test to prove you who's the real whore among us here." I confidently stated while crossing my arms. I smirked at them when they flustered immediately.
"Oh. Did I hit the jackpot?!" I mocked them while acting like it's unbelievable and laughed at their faces. "Let me just remind you a bit, okay? Never insult a bitch, bitchier than you behind her back. Note, plebeians shan't ever defy a goddess. Never."
Dun ko pa lang naramdamang lumapit si Jenine sa tabi ko saka pinandilatan ang mga nasa harap namin.
"Tryin' to pick a fight, bitches?" tanong nito na ikinaatras nung mga babae. Kilala nila bilang baroness si Jenine at ang pagkakatanda ko, that title is one of the highest noble ranks on our year level and courses in this floor.
Madami ng nakatingin sa paligid kaya hindi ako umangal ng hilahin ako ni Harabelle sa braso at nauna na papasok sa elevator. May pahabol pang nakakalokong ngisi at irap kaya ngiting-ngiti ako habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
Devil's Chains
ActionAt the age of two, Alexzeus was able to summon a powerful weapon made of unbreakable substance that saved her life from danger; a chain -- her first savior. When she turns fourteen, another danger took place that put her in a situation which started...