Sixth Loop - Special Class

60 9 0
                                    

***

"Who is she..?"

***

Seven people with seven different personalities are stuck in one of the classrooms on the last floor of College of Business. Ang ibang classroom katabi ng room namin ay freshmen din pero ibang kurso nga lang tulad ng commerce, accountancy, and other business-related courses. What a waste of resources and space.

Mahigit isang oras palang ang nakakalipas ng pumasok ako sa bago kong classroom ay nag-umpisa ng mahilo ang ulo ko. Hindi ako makapagfocus.

Earlier, after we ate our lunch back at the dorm's cafeteria, I went on a salon inside the campus for my hair. Pinabago ko na din ang kulay, na ngayon ay light brown na, tsaka tuluyang pinagupit ang naputol na buhok gawa nung throwing stars kaya meron na kong bangs ngayon. Bahagya ding kulot ang dulo na pinasadya ko kaya nakalugay ang buhok ko ng makapasok ako sa classroom.

Nasa dalawampu ang mesa't upuan sa loob ng classroom pero pito lang kaming estudyante ang narito. Special class nga.

"Prof! Wag ka ng magpaseatwork please! It's making me sick. Sa field nalang tayo! Pretty please~" sigaw ng babaeng sa mesa nakaupo habang ngumunguya ng bubblegum. Ang lalaking malapit sa kanya ay wala din sa lecture ang atensiyon dahil kanina niya pa nilalaro ang metal ball sa palad niya habang tahimik na nakadungaw sa harap ng bintana.

Ang isa pang babae sa harap na malapit sa desk ng professor ay nakaub-ob sa mesa at lantarang natutulog. Katabi niya ang isang lalaking busy sa kakalaro ng kung ano sa cellphone niya. Meron pang dalawang lalaki sa likod na nag-uusap ng kung ano-ano at halatang hindi interesado sa kaganapan sa harap.

Bumuntong-hininga naman ang PE professor namin at ginaya ang pag-upo ng babae sa mesa makaraang itabi ang classcard na hawak nito kanina.

Special class talaga ang tawag nila sa klaseng 'to? Feeling ko, mga special child ang mga estudyante dito ngayon maliban sakin e.

"Ms. Samonte, today's supposed to be our lecture class. Naalala mo naman siguro ang training camp after ng Halloween party hindi ba? Paghahandaan natin iyon."

Hindi tulad ng mga takot na guro na nakilala ko noong unang tapak ko sa classroom sa baba, normal na nakikipag-usap saamin ang professor dito ngayon. Kahit iyong nauna sa PE professor namin ay strikto din at hindi mo makakakitaan ni katiting na takot kaya napapaisip ako. Weapon wielders din kaya ang mga ito?

Napatingin sa'kin ang teacher saka ngumiti. Sa tantiya ko, kaedad niya lang si Aleydis o si Elixir. He's probably in his early thirties.

"You're the youngest daughter of Mr. Alexis Jr, aren't you?" tanong nito. Ramdam ko ang pagbaling ng atensiyon nilang lahat saakin kaya napaangat ang kilay ng bahagya saka marahang tumango.

"How's Alexander? Nakauwi na ba siya galing honeymoon?"

Err. Bakit biglang napunta sa ganito ang topic? His questions were way too personal and I'm having thoughts of refusal to answer him.

"Oh.. I see. Mukhang mabait ang bunso nila at hindi madaldal." natatawang sagot niya saka tinignan na naman ang mga estudyante niya. Binalingan niya iyong babaeng nakaupo sa mesa kaya napatitig din ako dito.

"Anyways. I heard you've seen the Hermit before, Jen. Is it true?"

Hindi ako tsismosa pero wala akong choice dahil para lang silang nasa piknik kung mag-usap, sobrang kaswal. Wala na ding isang oras ang itatagal ng klase namin kaya mukhang wala na din itong balak magpatuloy sa pagtuturo.

Devil's ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon