***
"The beginning of the ceremonial bloodbath..."
***
Maxi, wrap, frock, bustier, asymmetrical hem... All types of black dresses were laid on top of her bed while the royal blue medieval cloak was hung on a mannequin stand near the window.
"Any dress won't matter, right? Matatakpan naman ng cloak ang costume so why did the students even bother themselves dressing up? Guh. This event is ridiculous!"
Pang-sampung reklamo na yan ni Xzeus habang bino-blow dry ni Blade ang buhok niya sa harap ng kulay puting tukador kung saan nakalatag ang mga make-up kits at hair accesories nito.
Kulang nalang ay magkulong ito sa banyo kanina dahil ayaw talaga sana nitong pumunta.
"Kung ayaw mong mamili sa biniling damit ng mga kapatid mo, mag pajama ka na lang." suhestiyon ko rito habang nakaharap sa full body-sized mirror na nasa unahang bahagi ng kwarto nito kung saan ko sila nasisilip na dalawa.
Ngumuso ito at umaktong nag-iisip.
"Magpa-pajama lang ako kung magb-brief ka lang sa party na 'to. Hahaha! Jenine and your horde of fangirls will probably thank me for the gift. Oh! They'll probably even pay me a couple of bucks for it!"
Sheeez! Ayan na naman siya sa mga nirereto niyang kaklase. Napangiwi ako sa sinabi nito habang inaayos ang butones ng polo na suot ko saka sumagot. "No thanks."
Isang malakas na tawa lang ang itinugon nito na agad tinungo ang kama at nagsimulang mamili sa damit habang nakapikit.
"Blade, number!" utos nito ng nakapamewang sa dulo ng kama.
"Seven." malamig ang tono pero maagap na tugon ni Blade kaya napabuntong hininga ako. Nagsimulang magbilang si Xzeus habang tinuturo ang mga damit at nakapikit pa din ang mata kaya napapailing nalang ako. Old habits don't die easily, huh? Sa ganitong paraan niya rin noon pinili ang instrumentong binalak niyang aralin, which happens to be her beloved piano, harpsichord and violin.
"... five, six, seven!" she yelled gleefully, her index pointing at the black lacy asymmetrical hem dress.
"Okay, Gorgeous. Kaja. (Let's go.)" dugtong pa nito saka hinablot ang maxi dress na katabi ng asymmetrical hem dress na naituro niya kanina.
Pft. Sabi na e.
Ganito ang kadalasang ginagawa ni Xzeus kapag hindi siya makapili agad. Magtatanong ng random number sa kahit na kanino at magbibilang ng pikit-mata habang tinuturo ang mga pinagpipilian na sa huli, yung katabi o yung mas nakaka-attract pa din sa kanya ang kukunin niya. What's the sense of counting when she already have chosen what she actually wants?
"Magbibihis na 'ko. Basta mabilis lang tayo dun ah?" usal ni Xzeus habang tinatanggal ang cloak sa mannequin. Madami pa itong paalala habang papasok sa walk-in closet imbes na sa banyo kaya natawa ako ng mahina bago bumuntong hininga ng tuluyan itong makapasok.
BINABASA MO ANG
Devil's Chains
ActionAt the age of two, Alexzeus was able to summon a powerful weapon made of unbreakable substance that saved her life from danger; a chain -- her first savior. When she turns fourteen, another danger took place that put her in a situation which started...