Second Loop - First Blood

113 10 0
                                    

***

"Too old to be treated like an infant. I can protect myself."

***

"Black forest gateau and waffles."

"Carbs."

"Ah! Dagdagan mo na pala yung tonkatsu at tempura."

"Too many carbs."

"Tsaka.. Meron bang strawberry sundae, Bley? Samahan mo na din nun pag meron ah?"

"Overwhelming carbs."

"Tsaka..."

"Carbs, carbs, carbs.."

"Nevermind. That's enough."

Matalim kong tinitigan si Nyne na inaantok pa ang mukha habang wala sa sariling tinitinidor ang pancake na nasa harapan nito. Pangalawang araw namin sa dormitory at dahil linggo ngayon, wala pa masyadong estudyante. Napagdesisyunan naming tatlo na sa cafeteria sa baba mag-almusal.

"Di uso diet no, Xzeus?" he babbled absent-mindedly. I glared at him to shut him up but he ignored me face-to-face.

"Di uso ang di nakikialam no, Nyne?" I scowled back with overflowing sarcasm.

Tss.

Loose jacket ang isinuot kong pang-itaas na ipinatong ko sa pulang pajama. Magulo namang naka-bun ang buhok kong hindi ko na pinag-abalahang suklayin ng gisingin nila ako kanina.

Nababanas ako.

Mainit na naman ang ulo ko dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi nung makausap ko sa skype ang dalawa kong kapatid.

Isa pa.

Namamahay ako.

-

"Kuya Elixir said it's not safe outside anymore, Xzeus.. Kaya nga kami susunod ni Kaiser dyan. Don't blame kuya too much. It's for your own good." seryoso ang boses ni Al habang naririnig kong nagrereklamo si Kaiser sa tabi nito. Kakauwi lang nila galing eskwelahan para ayusin ang mga kailangang papeles sa paglipat na siyang ikinagulat ko dahil hindi ko naman sineryoso ang sinabi ni Claud tungkol sa pagsunod nila rito.

Damn it! Maayos na sila doon kaya bakit sila biglaang uuwi? Kalagitnaan na din ng klase nila ngayon hindi ba?

"Yes, Princess. Whatever is happening right now, kuya Elix will find a way to fix it. They surely will. Wag ng tampo, okay?" Kaiser said with a playful grin before one of them flipped the computer and fought behind it, orally. Nag-aagawan na naman sila ng posisyon sa harap ng laptop.

"Go away! I am talking to her." that's Al talking with finality in his serious voice.

"Ba't? Ikaw lang ang kapatid, ganun? Kakausapin ko din siya. Gag- Shi-"

Nagsapakan sila. I know. Ramdam ko kahit di ko kita.

At ipupusta ko si Nyne na mamabaog sa future, basag na nosebridge ni Kaiser ngayon.

Huminga muna ako ng malalim bago sumigaw para bumalik silang dalawa.

"Al. Kai.." tawag ko pa ulit.

"I'm not going to accept this bullshit without hearing Elixir's explanation!" sigaw ko. "Kung iniiwasan niya mang makausap ako, then, pinapatunayan niya lang ang isang bagay. He's getting rid of me!" iritado kong saad na siyang tuluyang nakapagpabalik sa kambal ng nagsisiksikan. Busangot ang mukha ko at sobrang seryoso dahil ngayon ko lang ulit sila nakausap, mas pinili pa nilang magpatayan.

Devil's ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon