Tenth Loop - Saved By Falling Chestnuts

57 9 0
                                    

***

"It's simply hard to fight when the fight ain't fair at all..."

***

"Blade!? Where are you?!" I called out as I searched the area behind the building. Mapuno ang likurang bahagi ng mga building pero hindi naman masukal o madamo. Pantay ang pagkakaputol sa damo na inaapakan ko ngayon na halatang maintain sa lawn mower.

"Blade!" tawag ko ulit habang hinahanap ito sa paligid.

Nakakailang hakbang pa 'ko ng marating ko ang isang landas na may nakahilerang matatayog na puno ng acasia sa magkabilang gilid. Mag-uundas na pero halos mapuno ng kulay dilaw na mga talulot ng bulaklak ang mga punong kahoy.

Imbes na dumiretso ay tinahak ko ang daan na tinutumbok ng mahabang landas pakaliwa. Sobrang tahimik ng paligid at wala akong makitang ni anino ng tao maliban sa tunog ng mga ibon.

Maya-maya, napansin ko ang isang bulto ng tao sa di kalayuan.

A student?

Nakatali ito sa isang puno kaya napabilis ang lakad ko palapit dito. Bigla din akong kinabahan ng mapantantong PE uniform ng Wæpen ang suot nito, mahaba at itim ang buhok... unconscious.

"B-blade?" tawag ko ng ilang metro nalang ang layo ko mula rito. Hindi ito gumagalaw pero kitang-kita ko ang pagpatak ng pulang likido mula sa baba papunta sa leeg nito.

"Shit! Blade!" sigaw ko saka tinakbo ang ilang metrong pagitan naming dalawa.

Bigla akong napatili ng parang may pumatid sa binti ko bago ako umangat mula sa lupa pataas ng may mahihigpit na lubid na pumulupot sa parehong mga binti at braso ko. Pabaliktad pa ang pagkakabitin sakin pero ipinagpapasalamat ko nalang na jogging pants at tshirt ang suot ko.

"Holy fvck-"

"Suprise~!!" tili ng kung sino n agad sinabayan ng mahihinang tawa at bulungan.



"Wild animals really do fall easily on traps because they're brainless. Sana pala, malalim na hukay na puno ng daggers nalang ang ginawa ko."



Tangina. Ito yung kaklase ko nung first day!



Nilingon ko si Blade sa likod kahit na halos mamula na 'ko dahil sa pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Wala ng tao na roon.

"Good acting, Leean."



Val... Valentine!



"Ano bang kailangan mo?! Hindi ba't winarningan na kayong wag lalapit sakin?!" pilit kong sigaw na sinusubukang iangat ang katawan para hindi ako mahilo.



She glared at me with her chinky eyes before walking close. Fuck! Kailangan kong makatakas dito.



"Girl, you're so noisy." saad ng isa na nakatayo sa tabi nung babaeng tinawag niyang Leean na ngayon ay pinupunasan ang likidong inakala kong dugo. Hawak nito ang dalawang metal stick na singhaba ng isang ruler na merong tila wires sa dulo na siyang pumulupot sa katawan ko kanina.



Darn it! This really is a trap!

"Do I look like I give a damn? It's not just about revenge, bitch. I've received an order to do this. Meaning. We have a permit to hurt you."



Devil's ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon