Carrying ADLS Babies#14

7.2K 143 0
                                    

Angel's POV

Nandito na kami sa resort nila bessy at sobrang ganda ng tanawin dito may mga puno sa paligid at madaming mga halamang bulaklak kung kaya't tiyak ako na sa pag gising ko sa umaga ay mabango at fresh agad ang malalanghap ko.

Nagstay dito si nics ng ilang araw at nagpaalam din agad syang aalis,kasi may pasok pa.

Speaking of pasok, namimiss kona yung school,yung room, yung mga tao dun although hinde naman ako close sa lahat.

Hinde kona mabilang kung ilang araw at linggo na kaming nagsstay dito ni kyle.

Laking pasasalamat ko dahil nandito si kyle lagi sa tabi ko, kahit na minsan ay naw-weirdohan ako sa kanya, sa mga galaw nya.

Lunes nanaman ngayon at heto ako nakatambay lang sa sala habang nanonood sa tv.

Nanonood ako ngayon nung ano ulit title nun basta yung sa planet of the apes ba yun basta nakalimutan ko, hinde ko alam pero this past few weeks gustong gusto kong manood ng mga may unggoy na palabas, basta ang cute nila.

Nakakaasar nga sila bessy at kyle kasi pinagtatawanan nila ako bakit daw ayun ang pinaglilihian ko, tss! Hinde ko naman pinaglilihian sadyang nagustuhan ko lang talaga sila ang cute e!

Nagulat ako ng biglang sumulpot si kyle habang tumatawa.

"Nics nanonood nanaman ng planet of the apes,oo! Hahaha! Napaka indenial ayaw pa umamin, oo teka bibigay kona sa kanya"-kyle

Lumapit na si kyle at sumenyas na ibinibigay sakin ang telepono,hinablot ko naman yun at gigil na tumingin sa kanya.

" oh! Ano nanaman kailangan mo?!" Tanong ko kay bessy.

Napansin ko naman na hinde na sya tumatawa at sumeryoso na.

"Bessy, may dapat kang malaman sorry talaga"-nics

Kinabahan naman ako dun.

" w-hy?"

"B-essy kahapon diba napag usapan natin si inaanak ko, ano kasi" kinakabahang saad ni bessy

"Ano bayun? Naaasar nako"

"Nagulat kasi ako kahapon nung palabas nako sa garden biglang hehe nandun pala si andrei so ayun tinanong nya ako kung sino yung buntis"-nics

Napa kagat naman ako sa labi ko ng narinig ko yun.

" hinde ka naman umamin diba?"tanong ko.

"Bessy kasi ano, last last week kapa napag uusapan dito, may nakakita ata satin sa pinagbilhan natin ng PT kumalat agad yun sa campus, nung unang linggo wala pa silang alam kung sino sating dalawa pero nung lumipas ulit ang isang linggo ayun boom! Ikaw na ang inakala nilang buntis kasi ikaw yung biglang nawala"-!nics

Hinde ko alam pero naimagine ko si bessy na nagkkwento habang inaaction yun, lalo na sa part na may boom, gusto ko sanang matawa pero kinakabahan ako.

" wala nakong magagawa bessy, atsaka naka drop naman na ako hayaan mona sila,wag mo na lang pansinin pag you know may mga panlalait silang sinasabi sakin"

"P-ero kasi bessy ilang a-raw kana hinahanap sakin ni drake"-nics

No way.

" b-akit daw? Imposible na isipin nyang sya yung ama"

"B-essy nalaman na din kasi nilang ikaw yung babae na kasama ni drake dati sa picture na nagviral sa facebook,yung sumasayaw kayo hehe"-nics

Nang sabihin ni bessy yun ay para bang ayoko ng humawak ng cellphone at lumabas kasi baka any time malaman ng fans ni drake na nandito ako.

"T-apos?" Kinakabahang tanong ko.

"Napag usapan na baka daw si drake yung ama ng dinadala mo tapos ayun hinde naman nagsasalita si drake kasi mukang wala syang pakielam nun, pero ngayon grabe na sya mangulit pati mga kaibigan nya tanong na ng tanong kung nasan ka"-nics

Nagtaka naman ako kung bakit.

" bakit daw ba?"

Narinig kong nag inhale at nagexhale si bessy bago magsalita.

"Nakarating sa parents ni drake, galit na galit si drake kasi akala nya ikaw ang nagsabi dahil narin siguro sa ang pinapakalat dito ng mga bashers mo e, pinagyabang mo daw sa kanila na buntis sya at si drake ang ama, ayoko sanang sabihin sayo to kasi baka mastress ka pero kasi sila mommy at daddy nadamay na dahil pinagbantaan na kami ng pamilya nila drake, gusto nadin kitang i-inform na baka any time from now e susunduin kana ni drake dyan, pasensya kana bessy sinabi kona sa kanya kasi para din naman sa inyo to ng inaanak ko"-nics

Nang marinig ko yun ay kusa na lang akong naluha at binaba ang phone.

Niyakap naman ako ni kyle at hinaplos ang buhok ko.

" lumayo na lang tayo, akong bahala sa inyo, kaya ko naman kayong buhayin"seryosong saad niya.

Agad akong napatingin sa kanya sa gulat.

"Ano bang sinasabi mo kyle?"

Sumeryoso sya ng tingin sakin at nagsalita muli.

"Mahal kita"-kyle

Tatanungin ko na sana sya kung bakit ako, ngunit mas may nakakagulat pa palang mangyayare ngayon.

"So,eto pala ang pinag kakaabalahan mo dito?"

Kilala ko ang boses na yun, andrei.

"Bakit nandito ka" maangas na tanong ni kyle kay andrei.

Gulat na naakatingin parin ako kay andrei hanggang ngayon dahil hinde ko naman inaasahang ngayon sya dadating dito.

"Pinapasundo sakin ng parents ko ang babaeng yan" walang reaksyong sabi ni andrei kay kyle habang tinuturo ako.

"Hinde sya sasama sayo makakaalis kana"-kyle

Lumapit naman sakin si andrei at nagulat ako ng bigla nya akong hinaltak patayo.

" aray, dahan dahan naman" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Nagulat ako ng biglang tumayo si kyle at hinatak ako papunta sa kanya.

"Hinde sya sasama sayo" madiing sabi ni kyle habang nakatingin ng  kunot noo kay andrei.

Nakita ko namang napangisi si andrei.

Nagulat ako ng bigla nya akong buhatin ng pang bagong kasal at naglakad na palabas.

"A-no ba! Ibaba moko!" Inis na sabi ko.

Ngunit parang wala syang narinig at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.

"Nautusan lang ako, ayokong gawin to, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya humanda ka sakin. wag kang umasa na magiging maayos ang pakikitungo ko sayo" sabi ni andrei sa malamig na tono.

Pinasok nya na ako sa kotse nya at wala na kong nagawa kundi ang hayaan sya.

Carrying A.D.L.S babiesWhere stories live. Discover now