Angel's POV
Pagkatapos ng klase ay hinila agad ako ni nics papunta sa cr ng girls at hindi ko alam pero medyo kinabahan ako.
"Umamin ka nga buntis ka ba?" Seryosong sabi ni nics kaya agad akong umiling ng mabilis.
"Ano bang s-sinasabi mo?" Natatawang sabi ko pero tumingin lang sya sakin ng seryoso.
"Ilang araw ko ng napapansin ang pagiging mapili mo sa pagkain at nasabi mo sakin ang pagsusuka mo tuwing umaga" -Nics
Hindi ko alam pero mabilis akong napailing at kusang tumulo ang mga luha ko pababa sa pisngi ko.
"Hindi pwede bessy, hindi pwedeng mangyari yung ganun" Umiiyak kong sabi habang patuloy na umiiling.
"Kailangan nating makasigurado bessy bibili tayo ng pregnancy test" Sabi ni bessy at pinunasan ang mga luha ko.
"Natatakot ako" Kinakabahan kong saa.
"Wag kang matakot ano man ang maging resulta nandito lang ako para sayo" Naangiting ani ni bessy bago ako niyakap kaya kinayakap ko din sya pabalik.
"Maraming salamat" Sabi ko at humiwalay ng yakap sa kanya.
Tara na bili na tayo ng pregnancy test"-nics
Inayos ko muna ang sarili ko at sabay kaming lumabas ni bessy papunta sa malapit na drugstore para bumili ng pregnancy test na gagamitin ko
Nang makarating kami sa drugstore ay bumili agad kami ng tatlong pregnancy test na magkakaiba ng brand para makasigurado kami.
Pagkatapos naming bumili ay dumiretso kami sa bahay nila bessy dahil doon namin napahdesisyunang subukan ang mga pregnancy test na nabili namin.
Nang makarating kami ay agad nya akong pinapasok sa cr ng kwarto nya para masubukan ko na agad.
Sinunod ko ang instruction na nakalagay sa balot ng pregnancy test bago isa isang ginamit, nang matapos kong gamitin ay lumabas agad ako ng cr at nakita kong naghihintay sa labas ng pinto si nics
"Ano na bessy!"-Nics
Binigay ko sa kanya ang pregnancy test at dumiretso sa kama nya at umupo.
"Ikaw nalang ang tumingin nyan bessy hindi ko kayang tignan kinakabahan ako" Sabi ko bago humiga sa kama.
"B-bessy"-nics
Kinabahan ako sa tono ng boses ni nics kaya napaupo ako at kinakabahan na napatingin sa kanya.
"P-positive" Nauutal na sabi ni nics kaya tuloy tuloy na dumaloy pababa sa pisngi ko ang luha ko at dali dali namang tumakbo papalapit sa akin si bessy at niyakap.
"Thank you ulit sa pagdala sakin dito kyle" nakangiti kong sabi kay kyle
"Welcome..bye na" sabi ni kyle
"Pasok ka muna" Aya ko sa kanya pero umiling lang sya.
"Wag na hinatid lang talaga kita..BTW congrats sa baby mo."-kyle
"Ahhmm..th-aank you."
"Bye." Sabi nya at pumasok na sya sa kotse nya
Ilang araw na ang nakalipas matapos kong malaman na buntis ako at matapos naming mag iyakan ni bessy ay tinawagan ko agad si kyle para sabihin sa kanya ang nangyari.
Nagpahatid lang ako sa kanya ng spaghetti at bread rool dahil nagccrave nanaman ako.
Lagot ako kila mommy kapag na laman nilang buntis ako kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila,nakauwi na ako sa bahay at hindi ako lumalabas ng kwarto ko dahil ayoko munang magpakita kila mommy lumabas lang ako ng dumating si kyle at bumalik din agad sa kwarto ko pagkatapos.
Masagana kong kinain ang bread roll at spaghetti na dala ni kyle, mag gagabi na ngayon kaya ito na ang pinaka dinner ko mabuti nalang ay maraming binili ni kyle.
Pagkatapos kong kumain at uminom lang ako ng tubig at inayos ang pinagkainan ko bago humiga sa kama ko dahil nakaramdam agad ako ng antok at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako ng parang hinahalukay nanaman ang sikmura ko kaya nagmamadali akong pumunta sa cr at nagkusa.
Halos maiyak ako dahil nahihirapan na ako at ayaw ko ng maramdaman ito.
Pagkatapos kong magsuka ay naligo agad ako dahil monday ngayon at may pasok ako pero kailangan kong magdoble ingat dahil hindi nlang ang sarili ko ang iintindihin ko dahil may buhay narin ang nasa sinapupunan ko.
Pagtapos kong maligo ay nag ayos na ako at bumaba na, Pagbaba ko sa sala para kumain nagulat ako kasi nandun si bessy.
"Oyyy!! Bessy namiss kitaaaaa!" Sabi ni nics
At niyakap ako"Ang baho mo!" Nandidiring sabi ko bago ako lumayo sa kanya at tinakpan ko ang ilong ko.
"Grabe ka naman!"-nics
"Pwede ba bessy wag kang lalapit sakin hindi ko gusto ang amoy mo" Sabi ko at lumayo sa kanya.
"Magpacheck up ka mamaya sasamahan kita"-nics
"Oo na wag kang maingay!" Mahinang sigaw ko at tumingin sa paligid para makasiguro na walang tao.
Dumiretso na ako sa kusina kaya sumunod din sakin si bessy dahil balak nya yata ditong mag almusal
Nakita ko si mommy at daddy na kumakain na kaya umupo nalang ako at nagsimula na ring kumain
"Good morning po!"sabi ni jics bago tumabi ng upo sa akin at kumain na rin.
"Kailan mo balak sabihin sa ama nya?"-nics
Umiling lang ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay andrei ang totoo o itatago ko nalang
"Sasabihin moba sa kanya?"-nics
"Hinde! please bessy wag mong sasabihin sa kanya" pag pipilit ko.
"Oo na po..basta take care kayo lagi ni inaanak"-nics
"Opo ninang"
"Tara na" sabi ni nics at bumaba na ng kotse ko , sya ang nagdrive dahil buntis daw ako at bawal akong magdrive ang oa nya talaga!
"Bessy pano sila tita..alam na ba nila?" Sabi ni bessy habang naglalakad kami papunta sa room.
"Hindi ko alam.. bahala na" Mahinang sabi ko sapat lang para marinig nya pero di sya sumagot at tumahimik nalang.
Nang makarating kami sa room ay ako na ang bumukas ng pinto at nagulat ako dahil
may malamig na tubig ang bumuhos sa akin kaya basang basa na ako."HAHAHA BUTI NGA SAYO!! BITCH KA KASI MANG AAGAW." Bago pa ako makabawi ay pinagsasabunutan nila ako. Naramdaman ko namang pinipigilan sila ni bessy pero pati si bessy ay dinamay nila, napahawak ako sa tyan ko ng maisip ko si baby. Kapit k lang baby huh? Hindi ko sila hahayaang masaktan ka.
"Hey! Girls stop it!"-Andrei
"And why we will stop it?!"-girls
"Babaho kamay nyo!"-Andrei
Aba't akala ko pagtatanggol ako pero iinsultuhin din pala
Pagkasabi nya nun ay sabay sabay akong binitawan ng mga babaeng sumasabunot sa buhok ko.
"eeeewwww" Sabay sabay na sabi ng mga babae.
"Tara na girls hayaan nyo na yang bitch nayan!"-leader nila
Pagkaangat ng ulo ko saktong dumating ang prof
"Ohh ms. Ki anong ngyare sayo?"-prof.akira
"Okay lang po ako" Sabi ko at pilit na ngumiti bago tumayo, tinulungan naman ako ni bessy hanggang sa makaupo sa upuan namin.
"Humanda sa akin yung mga bitch na yon!" Mahinang sigaw ni bessy pero di ko nalang sya pinansin at niyakap ang katawan ko dahil nilalamig na ako.
YOU ARE READING
Carrying A.D.L.S babies
Romance"Kung sino pa yung taong hinde mo inaasahan na mamahalin mo ay iyon pa ang taong mamahalin mo higit pa sa sarili mo"~ andrei "Ano man ang problemang dumating sayo ay dapat wag mong tatakasan dapat sa problema ay sinusulusyunan lang"~angel Guys! Ano...