Carrying ADLS Babies#24

5.6K 92 1
                                    


Angel's pov

Dalawang buwan na ang lumipas at malapit nakong manganak.

Nakakaexcite na syempre nakakatakot, kasi madaming pwedeng mangyare habang nanganganak ako.

Nitong mga nakaraang araw din ay kinakabahan ako para sa seguridad ko,
Ilang linggo nang may nagpapadala sakin ng mga death threats pero tinatago ko lang kay andrei yun dahil may pa ka oa yun, hinde ko naman alam kung seryoso ba yung nagpapadala dahil uso ngayon ang pag paprank.

Wala namang ginagawa atsaka wala namang nangyayari sakin e, pero syempre kinakabahan parin ako baka kasi isang araw may mangyare na lang bigla samin ng babies ko.

Kinakabahan ako para sa safety namin ng mga anak ko, hays god! Please protect us.

Kinuha ko ang cellphone ko na tumutunog at binuksan.

Nics bessy is calling

Sinagot ko naman agad yun.

"hi bessy! Sorry ngayon lang alam mona busy sa school malapit na mag end of class e, puro clearance nanaman, sabay sana tayong naiistress ngayon,sayang"-nics

Natawa naman ako

"Hello bessy! Miss u! Napaka galing mo talaga mamwiset, mastress ka pa sana"

Narinig ko namang natawa sya.

"By the way ano nga palang gender ng inaanak ko?" Curious na tanong nya.

Naexcite naman akong sabihin sa kanya, dahil hinde ko pa pala nasasabi sa kanya.

"Twins sila dalawang lalaki" masayang sabi ko

"Waaaahhh im so excited to see them!
Kailan mo nga pala nalaman?"tanong nya.

Kinabahan naman ako kasi hinde ko nakwento sa kanya ayoko rin namang mag alala pa sya dahil sakin.

" kasi ano nung na hospital ako"kinakabahang sabi ko.

At kagaya nga ng naiisip ko na gagawin nya.

"What?! Nakakatampo ka! Hinde mo sinabi! Ano kamusta kana? Kayo nila babies? Omyyy!ano bang nangyare! Ang tagal mo ng di nagkkwento sakin! Nakakaasar kana!"sigaw ni nics.

" oo na eto na kkwento na nga"

Kinuwento kona sa kanya ang mga nangyare simula nung sa kinasal na kami ni andrei.

"W-hat? Si s-anaya na ex ni drake? Bumalik na sya? Kailan pa? Bakit, pano nya nakilala si kyle?" Nauutal na sabi ni nics.

Bakit feeling ko kilala nya si sanaya, hay nako hayaan na nga baka nagaassume lang ako.

"Matagal na syang bumalik kung saan man sya nang galing, nagkaron sila ng affair ni andrei nun, at hinde ko alam kung paano sila nagkakilala ni kyle"

Tumahimik naman si bessy kaya tinanong ko sya.

"Bessy, uyy nandyan ka pa ba?" Tanong ko.

"Uhmm, oo nandito pa ako, kamusta na kayo ni smith? Inaalagaan kaba nya nako, Yare sya sakin!"-nics

"Easy bessy okay na kami, actually ano kasi kami na." sabi ko

Narinig ko naman syang tumili bago magsalita muli.

"Waaaahhh besss! Im so happy for you! Hays sa wakas naka move on na sya kay sanaya!"-nics

Nagtaka naman ako sa sinabi nya.

"Hah?"sabi ko.

"Ahh, ehh , wala sige bye na bessy! kapag may time ako labas tayo hah! Bibilhan ko damit mga inaanak ko!"nagmamadaling sabi nya.

"Sure bessy bye na iloveyou!"

"Bye bessy! Iloveyou too"-nics

Pagsabi nya nun ay pinatay nya na ang tawag.

Miss kona si bessy! Huhuh

Nag vibrate ang phone ko kaya muli kong binukas yun.

May nagtext.

Binuksan ko yun at hinde ko alam pero kinabahan ako.

From: unknown

MISS ME BITCH?! I JUST WANT TO TELL YOU, GOOD LUCK! BE READY, ITS ALREADY MY TIME.

Nabagsak ko ang phone ko ng mabasa ko yun.

Napahawak ako sa dibdib ko at umupo sa kama.

Sino kaba talaga!

Natatakot na talaga ako.

Dapat ko na ba tong sabihin kay andrei?

Kinuha ko na ang phone ko sa lapag para tawagan si andrei at sabihin na ng biglang may nagtext.

Tinignan ko agad yun dahil baka pauwe na si andrei at may iutos.

From: 09957102***

Bes !Kita tayo sa parking lot nandto ako:)

Nagtaka naman ako dahil bes ang tawag nya sakin, baka na typo lang.

Nagreply naman ako upang magtanong.

*reply *

Bes?

Agad naman syang nagreply.

From: 09957102***

Ako to si nics.

Nakitext siguro.

Nagreply naman ako.

*reply*

I thought busy ka?mukang biglaan ahh! Sige wait moko dyan.

Pagreply ko nun ay nag ayos nako at bumaba na sa parking lot.

Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng kaba habang pababa dun.

Binuksan ko ang cellphone ko at tinext sya.

"Bessy masama pakiramdam ko,resched na lang"

Message sent!

Nang magreply sya ay binasa ko agad.

From: 09957102***

Angel sige na bumaba kana saglit lang, may SURPRISE kasi ako.

Angel?

Tinatawag nya lang ako ng ganun pag galit na sya pero ang impossible naman na magalit sya dahil lang dun.

Pero baka nagalit na sya kasi ayaw pa naman nun ang pinaghihintay sya kaya dumiretso nako papunta dun.

Sanaya's Pov

Siguro naman pupunta sya dito kasi kung hinde papasugudin kona ang mga tauhan ko upang makaladkad sya papunta dito.

Nakita ko namang nagreply sya na kakalabas nya lang sa elevator, dahil dun ay napangisi ako.

"Its your time boy, do your work now"

Carrying A.D.L.S babiesWhere stories live. Discover now