Angel's povKanina pako nagkamalay ngunit hinde ko muna minulat ang mga mata ko dahil sa mga naririnig kong salita na nanggagaling kay andrei.
Naiiyak nako ngunit kailangan kong pigilan iyon.
Kanina ay may naramdaman akong umupo sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko bago magsalita.
"Im really sorry angel, sorry kung naniwala ako kay kyle na sya ang ama ng pinagbubuntis mo, nagseselos din ako kasi sya lagi ang kasama mo na dapat naman ay ako, pero hinde kita masisisi dahil natatakot ka sakin, kinain ako ng galit na hinde naman dapat dahil sa kasinungalingang iyon, hinde ko napansin na sobra na kitang pinapahirapan at sinasaktan, bakit kasi nakinig ako sa kanya nun, dapat pinagkatiwalaan kita, asawa kita e"umiiyak na sabi nya habang hinihimas ang tyan ko.
"Pasensya na anak, mahal ka ni daddy, babawe ako sa pagkukulang ko sa iyo, sa inyo ng mommy mo, napaka bait ng mommy mo hinde nya iniwan si daddy kahit na bad ako sa kanya, sana mapatawad mo si daddy, hinde ko sinasadya yun"-andrei
Hinalikan nya ang tyan ko at kasabay nun ang pag sipa ni baby.
Mukang nagulat naman sya dahil sa reaksyon nya.
"Ikaw ba yun baby? Totoo ngang masarap sa pakiramdam pag naramdaman mong gumalaw ang anak mo sa tyan ng mommy"
Pagsabi nya nun ay nakaramdam ako na parang may nakatingin sakin, makalipas ang ilang segunda ay naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo.
"Im sorry babawe ako sayo, iloveyou"
Parang biglang huminto ang mundo ko nang marinig ko yun at ang mga sumunod na sinabi nya.
"Bakit ba hinde ko naisip nun na ako nakauna sayo,dapat hinde talaga ako nagpadala sa sinabi ni kyle nun edi sana okay tayo ngayon, sana maayos ang kalagayan nyo ngayon ni baby, sorry kung bumawe ako sa pamamagitan ng pag papahirap sayo sa bahay at pag uuwe ng mga babae, im really sorry,promise babawe ako"
Inayos nya ang kumot ko at narinig kong bumukas ang pinto.
Mukang doctor na yun.
"Good morning mr?"ani ng doctor.
"Smith po, asawa nya"saad ni andrei.
Siguro ngayon ay mapula na ang aking pisnge dahil sa kilig na nararamdaman.
"Ok mr.smith so, mrs.smith is now safe and okay na din ang mga bata, stable na ang lagay nila, sa ngayon kailangan lang ni misis na mag pahinga, hinde muna sya pwede mag gagalaw sa bahay, less stress dapat at uminom ng vitamins"-doctor
Hinde ko masyadong maintindihan ang sinasabi ni doc dahil hanggang ngayon ay hinde parin ako maka paniwala sa mga sinabi nya.
"M-ga bata?"utal na tanong ni andrei.
Narinig ko namang tumawa ang doctor.
"Oww! Mukang hinde mo pa pala alam, twins ang pinagbubuntis ni misis, dalawang lalaki,by the way! congratulations! Sige aalis nako"saad ng doctor na tumatawa.
Naiiyak ako gusto ko ng imulat ang mata ko.
Tumabi ulit si andrei at natutuwang kinuwento sakin ang magandang balita.
"Did you hear that angel twins ang baby natin, lalaki pa parehas kaya dapat magising kana dyan para maalagaan na natin sila baby sa tyan mo"masayang sabi ko.
Naeexcite nako.
Unti unti ko ng iminulat ang mga mata ko.
Dahan dahan ko syang tinignan at naiyak na ng tuluyan.
YOU ARE READING
Carrying A.D.L.S babies
Romance"Kung sino pa yung taong hinde mo inaasahan na mamahalin mo ay iyon pa ang taong mamahalin mo higit pa sa sarili mo"~ andrei "Ano man ang problemang dumating sayo ay dapat wag mong tatakasan dapat sa problema ay sinusulusyunan lang"~angel Guys! Ano...