Angel's povIsang linggo na ang lumipas simula ng maging okay na ang lahat.
Nandito kami sa bahay nila, as in sa bahay ng mga smith.
Kanina nagusap na kami ni tita este mama, ang bait nya sobra naka close ko na sya hinde ko inaasahan na magkakavibes kami.
Nagusap kami sa kung anong bagay bagay lang katulad sa mga paborito namin habang umiikot kami sa bahay nila, nakita ko ang mga litrato nila.
Nandito kami sa dating kwarto ni andrei at lubos na lang ang tuwa ko ng pinakita sakin ni mama ang mga litrato ni andrei nung maliit pa sya.
Sobra kong naenjoy yun dahil may mga nakita akong pictures ni andrei na nakabihis ng pangbabae.
Gustong gusto kasi ni tita na nakabihis ito ng ganun noon.
"Tignan mo eto, nagagalit sya sakin nyan kasi kahit nung nag teenager na sya ay minsan pinagsusuot ko parin sya ng pangbabae" natatawang ani ni tita.
Agad ko namang tinignan yun at natawa.
"Ang cute ni andrei, sana maging kamuka nya tong kambal namin"
Natawa naman si mama.
"Sana nga pero yung ugali sana naman wag na sa kaniya mag mana, sasakit lang ang ulo mo iha"-mama
Nagulat ako ng biglang pumasok si andrei na nakanguso.
" mom! Isa kang taksil! Sabi ko wag mo papakita kay angel e!"-andrei
Mas natawa ako dahil sa bukod sa nakapout sya ay nagdadabog din sya.
"Cute naman diba iha?" Tanong ni mama sakin.
Tumango naman ako bilang pag sang ayon.
"Opo mama, ang cute cute parang gusto ko tuloy syang makitang naka dress hihi"
Dali daling lumabas si andrei ng kwarto at padabog na sinara ang pinto.
"Ang attitude ng anak mo mama" natatawang sabi ko.
"Parehas sila ng ama nya, nako mas abnormal pa kesa sa babae"
Pati sya ay nakitawa narin.
Sa isang linggo ay nakakailang dalaw din kami sa mga pamilya namin, sabay kaming bumibisita kapag hinde na masyadong puno ang schedule nya sa school.
Sabado ngayon at ito ang araw namin sa isa't isa nandito ako sa sala at kanina ko pa tinatawag ang magaling kong asawa.
"Hoooonnn! Kuha moko singkamaaaasss! Ishake mooo"sigaw ko.
Dali dali syang pumunta sa harap ko at nagsalita.
"Opo hon no sugar! No milk!" Ngiti nyang saad sakin.
Napatawa naman ako at pinaalis na sya.
Nanunuod ako ngayon ng planet of the apes ngayon habang hinihintay matapos si andrei sa pinapagawa ko.
"Ang cute talaga,sana makakita kita sa personal" malungkot na sabi ko.
"Hon eto na yung shake mo"-andrei
Nang iabot nya sakin ang shake ay tumabi sya sakin.
"Alam mo hon nakakaselos na yung unggoy na yan, ano hinde kaba nagsasawa dyan? Baka mamaya kabisado mona script nila "naglolokong saad ni andrei.
Napa kunot naman ang noo ko ng dahil dun.
"Tigilan moko smith,pagaawayan ba ulit natin to?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.
Nung isang araw kasi ay sobrang naboboring nako e wala pa sya so napag pasyahan ko na lang na manood ng planet of the apes.
~Short Flashback~
Kasalukuyan akong umiiyak dahil sa eksena ng pinapanood ko, hinde ko napansin na nadito na si andrei
"Hon im home"masiglang ani nya.
Hinde ko sya pinansin at nanood lang.
Ang cute talaga ng mga monkeys, parang bet ko pumunta sa zoo, kaya lang naalala ko na ayaw ni andrei.
"Tss"saad ni andrei
Nakita kong tumayo sya at dumiretso sa kwarto upang magbihis.
Nanonood parin ako hanggang mag 11 pm na, paulit ulit lang yun sa isang araw, ewan koba hinde naman ako nakakaramdan ng pagkaumay o pagka sawa sa pinapanood ko.
"Hon naman, Nagtatampo ako hinde moko sinundan sa kwarto kanina, nakatulog nako't lahat lahat wala paring angel na naglalambing sakin! Nood ka lang ng nood dyan, ang panget naman nyan,nandito naman ako na gwapo ah!"-andrei
Hinde ko sya pinansin dahil focus parin ako sa pinapanood ko.
Nagulat ako ng biglang pinatay nya ang tv.
"Ano ba?!" Asik ko sa kanya.
Tinignan ko sya ng pagalit.
"Kanina pako nagsasalita, hinde mo man lang binibigyan ng pansin kasi focus na focus ka dyan sa pinapanood mo!"singhal ni andrei sakin.
Inirapan ko lang sya at pumunta na sa kwarto upang matulog.
Hinde ko rin naman natiis at humingi ako ng tawad sa kanya hinde naman nya ako pinapansin.
At dahil narin sa kaantukan ay nagisip muna ako ng pwedeng gawin na pang bawi sa kanya para bukas at natulog na.
Nung sumapit naman ang kinaumagahan ay maaga akong nagising at pinagluto ko sya ng mga paborito nyang pagkain.
Lambing lambing na din.
~End of Flashback~
"Hon nakikinig kaba,ayan ka nanaman"nakanguso nyang saad.
"Ay sorry, may naalala lang hon,ano ba yun?" Tanong ko sa kanya.
"Sabi ko date tayo"saad nya habang nakangiti.
Naexcite naman ako.
"Sigeeee wait mag papalit lang ako sa taas."
Umakyat nako sa kwarto at nagpalit.
by the way nung lumabas ako sa hospital nun ay pinalipat nya na agad ako sa kwarto nya para daw mabantayan nya ako any time.
Nagpalit nako ng maternity dress at nag sandals, kinulot ko ang dulo ng buhok ko at nag apply light make up.
Pagkababa ko ay sakto ring nakahanda na si andrei upang umalis.
"Hon tara na!" excited kong sabi.
Napatawa naman sya.
"Ang ganda naman ng hon ko"pangbobola ni andrei.
Sinakyan ko na lang ang trip nya.
"Aba syempre" tatawa tawa kong sabi at nagflip hair pa.
Inalalayan nya na ako papasok sa kotse at sinuot sakin ang seat belt.
"ahmm hon san ba tayo pupunta?"takang tanong ko sa kanya.
"Sa resthouse hon,mag pipicnic at magsstay na din siguro tayo dun, kahit mga 3 days"-andrei
Wala akong damit, pano yun.
"Pero wala akong dalang damit"tanong ko.
"Boyscout ata ako hon haha, naka ready na dyan sa likod"-andrei
"alright"
"Matulog ka muna medyo malayo yun kaya matatagalan tayo sa byahe"saad ni andrei.
Nang simulan na nyang mag maneho ay medyo inadjust ko ang upuan ko pahiga upang makatulog ako ng maayos.
YOU ARE READING
Carrying A.D.L.S babies
Romance"Kung sino pa yung taong hinde mo inaasahan na mamahalin mo ay iyon pa ang taong mamahalin mo higit pa sa sarili mo"~ andrei "Ano man ang problemang dumating sayo ay dapat wag mong tatakasan dapat sa problema ay sinusulusyunan lang"~angel Guys! Ano...