Original Works of Chai Ji Dan
Xiao Yao and Yuan Zong in the media section😍😍😍😍
Pagkatapos ng trabaho dumiretso si Xiao Yao sa isang tindahan para bumili ng sigarilyo.
"Isang kaha pong sigarilyo."
Inabot naman ng tindera ang binili ni Xiao Yao na sigarilyo. Habang binibilang niya ang sukli may biglang pumasok na isang lalake. Nalipat naman ang tingin nang tindera sa bagong dating mahahalata sa mukha nito ang di mapigilang takot at kaba.
Isipin niyo na lang na may biglang pumasok na isang nakakatakot na tao sa iyong tindahan di ka kaya kabahan.
"Ahmm... A..an-ong bibilhin mo?"
"Isang kahang sigarilyo din." (Kaha means one pack)
Isang baritonong boses ang lumabas sa bibig ng bagong dating na lalake na bumasag sa katahimikang bumabalot sa kanila. Nagmamadali namang kumuha ng isang pakete ng sigarilyo ang tindera.
Tumingin naman si Xiao Yao sa katabi niyang lalake at pinag aralan ang itsura nito.
Ang lalake ay may taas na 1.9 meters, may malaking pangangatawan na nakapaloob sa itim at maluwang na damit. Mayroon siyang hooded eyes extended to his temples, may katangusang ilong na akala mo'y iniukit ng isang magaling na eskultor. Mayroon siyang pahabang mukha na may magandang baba na nakadagdag sa kaguwapohan niya.
Inaaral din naman ni Yuan Zong ang bawat detalye sa mukha ng kanyang katabi.
Sa mukha pa lang malakas na ang sex appeal na talaga namang di mo pagsasawaang titigan idagdag mo pa ang may kasingkitang mata na may malalantik na pilik, may medyo makapal na kilay at maitim at nakakaakit na mga mata. Kahit na nagpapakita ng isang matikas na lalake ang kanyang mukha, nagmumukha pa rin itong maamo at sexy pag isinama ang kutis nitong maputi at makinis.
Dahil sa nakaramdam na tinititigan din siya ng katabi nakaramdam naman si Xiao Yao na kailangan na niyang umalis.
"Hoy! Pogi naiwan mo itong binili mo", ang sigaw naman ng tindera.
Babalik na sana siya sa harap ng tindahan ng may mabilis na anino ang kumuha ng sigarilyo niya, lumapit sa kanya, kinapitan ang kuwelyo ng kanyang damit at ipinasok ang pakete ng sigarilyo sa loob ng damit niya, sobrang bilis nang mga pangyayari maging si Xiao Yao ay di makapaniwala sa bilis ni Yuan Zong. Di na nakapagpasalamat si Xiao Yao dahil napaalis na agad ni Yuan Zong ang kotse niya.
"Fuck, bakit ba ipinasok niya pa sa damit ko yung pakete." Ang buwiset na buwiset na sabi ni Xiao Yao.
Para makuha niya ang sigarilyo kailangan niya pang alisin ang damit niya kasi di niya maabot ang kinalalagyan nito.
Nagmamaneho na si Xiao Yao pauwi ng maramdaman niyang may parang panganib na nagbabadya sa paligid. Alas siyete na ng gabi kaya buhol buhol na naman ang trapiko sa daan. Ibinaba naman niya ang kanyang bintana para makahinga ng preskong hangin sa labas ng makita niya ang mga matang nakatitig sa kanya katapat ng bintana ng kotse niya. Nakatingin lang sa kanya ang lalaki habang siya ay nagmamaneho.
Naalala niya na ito yung lalake na nakasabay niyang bumili ng sigarilyo na may kakaibang bilis. Maraming tanong ang pumasok sa isip niya ngayon: Paano siya nakakapagmaneho nang hindi tumitingin sa dinadaanan?, Bakit niya ako tinititigan? Yan ang mga tanong na nagbibigay sa kanya ngayon ng di kumportableng pakiramdam sa kanya para sa lalakeng nakatingin pa rin sa kanya ngayon pero kahit na medyo di kumportable ang kanyang pakiramdam nakuha niya parin na ngitian ang lalakeng iyon.
"Siguro wala naman siyang masamang pakay." yan na lang ang ipinasok niya sa kanyang isipan. Isinara na niya ang kanyang bintana at di na tumingin sa katabing sasakyan ng kotseng minamaneho niya.
Hanggang sa makarating siya sa kanilang bahay nakasunod pa rin sa kanya ang pakiramdam niya kanina na parang may panganib na darating. Pagkababa niya ng kanyang kotse inilibot niya ang kanyang paningin at ng masigurong walang tao pumasok na siya ng kanilang bahay.
Makalipas ang ilang araw, laging nagpapabalik balik si Yuan Zong buong araw mula opisina niya hanggang sa pinagtatrabahuhan ni Xiao Yao para lang titigan at pag aralan ang mga galaw nito. Kahit na paminsan minsan ay nahuhuli siya ni Xiao Yao na nakatitig siya di pa rin niya binabawi ang tingin niya dito. Pulis si Xiao Yao kaya alam niya kung may nagmamasid sa kanya kahit sa sobrang layo ng agwat nito sa kanya. Wala siyang kinatatakutan kahit na delikado ang isang sitwasyon pilit niya pa rin itong pianapasok, marami na rin siyang kinalaban na mga mamamatay tao, kinakalaban niya din ang mga sindikatong nasa likod ng pagbebenta ng droga. Marami ng pinagdaanang buwis buhay na pangyayari si Xiao Yao. Pero wala sa mga pangyayaring iyon ang nagbigay sa kanya ng pangamba, ngayon pa lang.
**********************************
Sorry po sa mga maling grammar at spelling. Pinilit ko lang ang sarili kong magtranslate ngayon. Bukas ko na lang iiedit..
Votes and Comments are highly appreciated. Khob Khun Krab!!
BINABASA MO ANG
An Irresistible Force
Hành độngFilipino Translation of "Advance Bravely" originally writen by Chai Jidan. Si Sergeant Xiao Yao ay isinilang sa mayamang pamilya , isang dating playboy na biglang na lamang nagbago. Yuan Zong ay isang dating sundalo na nagtayo ng isang Bodyguard T...