Ang unang paghaharap

112 7 5
                                    

The Scene in the media section

Original works of Chai Ji Dan

Sa di maipaliwanag na dahilan, nakakaramdam si Xiao Yao ng kakaibang pakiramdam, pakiramdam na may criminal na dadampot at kukuha na lang sa kanya.

Dahil sa kakaibang pakiramdam, lihim niyang iniimbestigahan ang lalakeng sumusunod sa kanya kaya kahit tapos na ang trabaho nagpapaiwan pa rin siya sa opisisna para tuminigin sa mga criminal records sa nakaraang dalawang taon para i-tulad ang mga larawan o deskripsiyon ng mga kriminal sa hitsura ng lalakeng nagmamasid sa kanya. Pero kahit anong paghahanap niya sa mga records na nakalagay sa files ng departamento nila wala siyang makitang records na katulad ng itsura ni Yuan Zong.

Sa ilang araw na pagkabalisa, labag man sa loob niya nagsasama na siya ng sampung bodyguard pag umaalis at lumalabas siya ng bahay at trabaho. Laging nakabuntot ang mga ito sa kanya kahit sa pagmamaneho niya papuntang trabaho may ilang kotse ang nakasunod sa kanya para magbigay proteksiyon. Nang makarating sila sa isang bakanteng lugar nakita ni Xiao Yao sa bintana ng kanyang kotse ang pamilyar na titig na nagbigay sa kanya ng pansamantalang takot.

"Ihinto niyo muna ang kotse", ang utos niya sa driver niya.

Huminto din ang mga kotseng nakasunod sa kanila, ibinaba nito ang bintana at nakipagtitigan kay Xiao Yao.

"Ang lakas naman ng loob ng buwiset na to na makipagtitigan sa akin, makikita mo ngayon ang hinahanap mo", yan ang sumpang sinasabi ni Xiao Yao sa kanyang isipan habang nakatitig pa rin siya kay Xiao Yao, tinuro ni Xiao Yao ang lalakeng nasa kabilang kotse. "Gusto kong dalhin niyo siya sa akin, kahit anong mangyari."

Sampung magagaling na bodyguards ang lumabas sa kotse at nagtungo sa kotse ni Yuan Zong. "Lumabas ka ng kotse mo." ang sigaw ng leader ng mga bodyguard kay Yuan Zong.

Wala namang naging reaksiyon si Yuan Zong sa sinabi ng bodyguard sa halip lumabas ang dalawang bodyguard din na kasama ni Yuan Zong. Lumabas sa kotse ang dalawang balabas- sarado, kalbo at malalaking lalake.

"Hindi kayo ang pinapalabas namin kundi yung kasama ninyo," ang sinabi ng isa sa mga bodyguard ni Xiao Yao.

"Bago niyo harapin ang boss namin kailangan niy munang dumaan sa mga kamay namin," yan naman ang sagot ng kabilang panig.

Pagkatapos ng sinabing iyon ng kalaban sumugod agad ang pinuno ng mga bodyguard ni Xiao Yao. Pero bago pa siya makatama tumumba na agad siya sa sipang pinakawalan ng kanyang kalaban.

Sumugod naman ang isa pa para ipaghigante ang sinapit ng kanilang pinuno pero sa kasamaang palad napilipit na agad ang kanyang paa bago pa ito tumama sa kalaban.Sumugod ulit ang dalawa pa pero parang papel lang ang mga itong lumipad sa ere. Dahil sa mga pangyayari natakot naman ang mga natira pang bodyguard ni Xiao Yao at hindi na makaalis sa kintatayuan.

Di naman makapaniwala si Xiao Yao sa mga nangyaring labanan dahil siya mismo ang pumili sa mga bodyguard niya hindi man niya kasinggaling ang mga ito sa pakikipaglaban pero alam niya ang kakayahan ng mga ito at yun ang katotohanang hindi niya kayang tanggapin.

Hindi na siya makatiis lumabas na siya ng kanyang kotse.

"Tumabi kayo," yang ang seryosong sambit ni Xiao Yao sa mga bodyguard niya.

"Pero young master," ang nag aalalang tugon naman ng isa sa mga bodyguard niya.

Hindi niya pinansin ang mga sinasabi ng mga bodyguard niya nagdirederetso sa kinaroroonan ng mga bodyguard ni Yuan Zong at binigyan agad niya ang isa ng isang malakas na sipa. Sa isang kisapmata tumilapon na sa lupa ang sinipa niyang iyon.

Lahat naman ng bodyguard ni Xiao Yao ay napatanong sa kanilang sarili. "Bakit pa niya kami dinala dito kung kaya pala niyang ipagtanggol ang sarili niya?"

Nasasayahan naman si Yuan Zong sa kanyang nakita. Wala pa siyang nakikitang kasing liit ni Xiao Yao na kayang magpatumba ng isang malaking tao.

Tumalon naman ang isa pang bodyguard ni Yuan Zong para magbigay ng flying kick para atakihin si Xiao Yao. Mabilis naman itong nasalag ni Xiao Yao, kinapitan niya ito sa paa at parang papel na inihampas sa lupa.

Pinagpag ni Xiao Yao ang kanyang mga kamay at dumiretso sa kotse ni Yuan Zong para ito naman ang kanyang patumbahin. Bumukas naman ang pintuan ng kotse at lumabas si Yuan Zong para harapin si Xiao Yao.

Hindi pa nakakapagsalita si Xiao Yao ng biglang umanagat ang kanyang katawan sa lupa. At ang mga sumunod na pangyayari ang nagpanganga sa lahat ng nanonood . Si Xiao Yao na mag isang nagpatumba sa dalawang magagaling na bodyguard ay ngayon ay parang isang sako lang na pinaiikot ni Yuan Zong sa ere.

Gusto kumawala ni Xiao Yao sa mga kamay ni Yuan Zong pero di niya ito magawa. Ang kanyang posisyon ngayon ay parang isang musmos na bata na kumalaban sa isang matanda. Patuloy pa rin siyang pinaiikot ni Yuan Zong sa ere kaya di niya magawang gumanti.

Tumigil lang si Yuan Zong sa pagpapaikot sa kanya ng maramdaman niyang di na kayang lumaban ni Xiao Yao. Wala namang nakuha na malalang sugat si Xiao Yao mga gasgas lang at mga pasa, hilong hilo din siya sa ginawang pagpapaikot sa kanya.

Pagkatapos makabawi ng lakas binigyan niya ng masamang tingin si Yuan Zong, "Linawin mo nga ang pakay mo sa akin, sinusundan mo ba ako dahil gusto mo akong paghigantihan? Di gawin mo na, ngayon na ang magandang pagkakataon na gawin mo iyon!"

Sinagot naman siya ni Yuan Zong sa isang kalmadong boses, "Guso ka nang kapatid ko."

"Ano?", di kasi makuha ni Xiao Yao ang gustong iparating ni Yuan Zong.

"Gusto ka nang kapatid kong si Yuan Ru."

Parang tanga namang napatitig na lang si Xiao Yao sa kanyang mga paa.

Sa loob ng isang linggong wala siyang tulog sa pag iimbestiga, kaba, pag iisip at di masyadong makakakain yun lang pala ang dahilan ng pagsunod nito sa kanya.

Makalipas ang isang minuto muling iniangat ni Xiao Yao ang kanyang ulo at sa tinipon ang kanyang natitirang lakas para sigawan ang kaharap.

"Nababaliw na ba kayong magkapatid?!"

Lahat ng naipong galit sa loob ni Xiao Yao sa loob ng isang lingo ay inilabas niya sa sigaw niyang iyon.

Tumayo na lang siya, pinagpagan ang sarili at pumasok sa kanyang kotse. Bago siya umalis binaba niya ang bintana ng kanyang kotse at nag iwan ng isang pangungusap.

"Sabihin mo sa kapatid mo na tigilan na niya ako!"

*************

(A/n: kawawa naman si Xiao Yao)

Salamat sa pagbabasa... Votes and Comments are highly appreciated.

An Irresistible ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon