Anong katangahan yan

107 3 4
                                    

Original works of Chai Ji Dan

Buong magdamag na walang tulog si Xiao Yao, hindi niya kayang ipikit nang matagal ang kanyang mata. Di siya mapakali lahat na nang mga kakaibang posisyon sa kama ginawa na niya para lang dalawin siya nang antok pero ganun pa rin naiisip niya pa rin yung mga nangyari bago siya umuwi sa bahay nila, lalo nang kumukulo yung dugo niya pag iniisip niya ang mga nangyaring iyon. Paanong nangyari na may nagkagusto sa kanyang lalaki? Mas madali sana niyang masosolusyonan nag problema ito kung babae yung nagkakagusto sa kanya, madali lang niya itong mapapaalis at magawan nang paraan para tigilan siya. Pero kilala niya ang lalakeng nagkakagusto sa kanya at sa pagkakakilala niya dito hindi ito madaling pasukuin, sa itsura pa lang ni Yuan Zong magdadalawang isip ka na na gawan ito nang masama at kahit na wala si Xiao Yao nararamdaman kay Yuan Zong , pinagpatuloy pa rin nito ang pagtatapat nang pag ibig sa kanya sa harap pa nang police station, lahat nang yun ang nagbibigay nang sakit sa ulo ni Xiao Yao ngayon.

Karaniwan na gustong gusto ni Xiao Yao na matulog lalo na kapag Sabado na at walang pasok kinabukasan, pero ngayon kahit gusto niyang mamahinga hindi niya magawa.Naghanap na lang siya nang puwedeng tawagan sa mga contacts niya na nasa Cellphone niya, tumigil siya sa pangalan ni Peng Ze at pinindot ang call button nang may pagkabalisa.

"Hello" galing sa inaantok na boses mula sa kabilang linya.

Hininaan naman ni Xia Yao ang kanyang boses, "Da' Ze wala ka bang ginagawa ngayon?" (Da means malaki ginagamit ito bilang isang respeto katulad sa Thai na P' kasalungat nito ang Xiao means small o maliit ginagamit naman ito if kaedad mo o kaclose mo yung tao.)

"Kailan?"

"Ngayon."

Naghikab naman si Peng Ze sa kabilang linya, "Di mo baa lam kung anong oras na ngayon?"

Nagpakawala naman si Xiao Yao nang isang malalim na hinga, "May problema lang ako, isang napakalaking problema. Kung wala kang gagwin ngayon please puntahan mo ako sa Café sa Western Gate. Iintayin kita doon."

Pagkatapos ibaba ang tawag nagmadali siyang bumangon at naghilamos nang mukha, nagpalit nang damit at umalis nang kanilang bahay.

Inaasahan ni Xiao Yao na dalawa lang silang mag uusap ni Peng Ze , pero di niya mapaniwalaan nag kanyang mga nakikita nang nakita siyang lalakeng kasama si Peng Ze na isang lalake. Ang malupet pa di lang ito basta lalake, mukha pa itong malamya na nakadamit na may tawag na Western style at taas noong lumalakad sa gitna nang daan.

"Sino yan?" ang tanong ni Xiao Yao

Pinakilala naman ni Peng Ze ang kasama niya kay Xiao Yao, "Ah kaibigan ko si Li Zhenzhen."

Ngumisi naman si Li Zhenzhen, "Tawagin mo na lang akong Zhenzhen."

Halos mapasuka naman si Xiao Yao sa tono nang pagsasalitang iyon ni Zhenzhen. Siguro kaya di na siya komportableng makakita nang mukhang bakla na lalake ay dahil sa katotohanang may gusto sa kanya si Yuan Zong.

Nakita naman ni Zhenzhen ang naging reaksiyon nang mukha ni Xiao Yao nang magpakilala siya dito kaya binigyan niya ito nang masamang tingin.

Pagkaupo nilang tatlo, may lumapit namang waiter sa kanila.

"Coffee, please." Ang sabi ni Xiao Yao sa waiter.

"Gawin mo nang dalawa." ang pahabol naman ni Peng Ze tapos tumingin siya kay Li Zhenzhen, "Anong gusto mo?"

"One glass of Natural Glacier Mineral Water." Ang sagot ni Li Zhenzhen. (ang arte nang baklan to ah)

Tumawa naman si Peng Ze, "Pinaganda mo pa yung pangalan puwede namang sabihin mo na lang na "Filtered Water."

"Magkaiba ang yung "Glacier Mineral Water sa Filtered Water." Ang mineral water na ito ay nakakapagpapalambot nang balat na hindi kayang gawin nang simpleng Filtered water."

Binigyan naman ni Xiao Yao na buwesit na tingin si Li Zhenzhen.

Pagkaalis nang waiter itinuro naman ni Peng Ze si Xiao Yao at tinanong si Li Zhenzhen, "Guwapo ba itong kabarkada ko?"

Tiningnan naman ni Li Zhenzhen si Xiao Yao at walang siglang sumagot "So-so, mukha naman siyang tao." (A/n: pigilan niyo ako babalian ko nang buto tong baklang to!!) (So-so means average o normal lang)

Di naman pinapansin ni Xiao Yao ang mga komento nang iba tungkol sa itsura niya o mga biro nang mga kabarkada niya tungkol sa kanya pero pakiramdam niya na may pait ang komentong iyon ni Li Zhenzhen sa kanya.

Tinanong naman ni Peng Ze si Xiao Yao, "Bago ko makalimutan, ano nga pala ang problema mo at pinapunta mo ako nang ganitong oras?"

"Kalimutan mo na yun, Pagod na yung utak ko kakaisip nang tungkol diyan." Bumuntong hininga si Xiao Yao. " Di ko alam kung paano ko yun sasabihin sa'yo, kaya hayaan mo na lang yun at iba na lang ang pag usapan natin."

Sumagot naman si Li Zhenzhen , "Mukhang sinasabi mong ako yung hadlang kung bakit di mo masabi yung problema mo." (A/n: isa na lang talaga itutokhang na kita.)

Pinalo naman ni Peng Ze ang hita ni Li Zhenzhen, "Wag ka ngang paranoid diyan, di naman niya sinabing hadlang ka."

Medyo nayamot naman si Li ZhenZhen, "bakit mo pinalo yung hita ko? Makinig ka! Para maayos natin ang pag arte natin kailangan alam mo kung saan ka lulugar, wag kang masyadong malandi, paano kung makita tayo nang ibang tao?"

"Naglalandi ba ako, eh ano naman?" kinapalan lalo ni Peng Ze yung balat niya at lalong ikinalat niya yung mga kamay niya sa katawan ni Li Zhenzhen. "Yang bibig mo ang kailangan mong isara, para di nila malaman."

Sinadya naman ni Li Zhenzhen na magmoan, na nag lagay sa di komportableng katayuan kay Xiao Yao.

Pagkatapos niya maglandi tumayo na si Li Zhenzhen, "Kung ganun di na ako magiging hadlang sa madamdaming pag uusap niyo. Pupunta lang ako sa stationary store na yun at maglilibot lang."

"Bilhin mo lahat nang magustuhan mo, akong asawa mo ang magbabayad." Ang sabi ni Peng Ze.

Bago umalis si Zhenzhen, kinindatan pa siya ni Peng Ze kaya lalong sumama ang mukha ni Xiao Yao.

"Alam ko nasa isip mo" ang simulang paliwanag ni Peng Ze, "Nagkagusto ako sa isang babae ngayon para makuha ko ang loob niya kailangan kong makepagrelasyon kay Zhenzhen."

Napabuka naman ang labi ni Xiao Yao sa sinabi nang kaibigan. "Nakepagrelasyon ka sa isang lalake, para makipaglandian sa isang babae?"

Anong katangahan yan!

Pinaliwanag naman ni Peng Ze ang side niya. "Kailangan eh! Kase yung mga babae ngayon mahilig na sa ganyang relasyon , mas kinikilig pa sila ngayon sa relasyon nang dalawang lalaki kesa sa mga normal na relasyon nang babae at lalake, noong una direkta ko siyang sinusundan pero di naman niya ako pinapansin, pero nang malaman niyang nagdedate kami ni Zhenzhen lagi na siyang nakatingin sa akin."

Wala naman naging reaksiyon si Xiao Yao.

"Tama! Umalis na si Zhenzhen ano bang masamang nangyare sa'yo? Tayo na lang dalawa dito kaya puwede mo nang sabihin sa akin."

Umiling lang naman si Xiao Yao.

"Wala"

"WALA?"

"Oo"

*******

Di ko na sana ito itutuloy dahil kay Zhenzhen bitch.. iiskip ko na lang sana..

Votes and comments are highly appreciated.

An Irresistible ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon