A/n: I know it sounds really weird nang title pero yan yung translation eh. 55555
#263 po tayo sa Action themed salamat po sa suporta guys
Original works of Chai Ji Dan
Nahiga lang si Xiao Yao sa kama niya at naghintay na lumubog ang araw. Sa paglubog nang araw sa kanluran may bigla namang sumulpot sa kanyang balkonahe dahil sa kakaibang ingay na narinig sa kanyang balkonahe.
Dali dali naman siyang pumunta sa pinanggalingan nang kakaibang ingay. Inalis niya ang kurtina sa kanyang bintana at bumungad sa kanya ang nakakabuwiset na mukha ni Yuan Zong. Dahan dahan namang binuksan ni Yuan Zong ang bintana at inaabot ang kulungan nang kanyang Hill Myna. Nakuha niya ang kulungan sa loob lamang nang dalawang segundo bago narinig ni Xiao Yao ang kakaibang tunog nasa kamay na niya ang kulungan nang ibon niya.
"Ikaw na buwesit ka!", ang mahinang niyang sabi. Ayaw niyang sumigaw dahil baka mataranta na naman ang kanyang Mother Dowager.
"Nahuhulog na yang pang itaas mo, nakikita yang suso mo." Ang walang emosyon na sabi naman ni Yuan Zong.
Nakasuot lang nang sando si Xiao Yao, sa pagdadali dali niyang pumunta sa pinanggagalingan ng ingay kaya di niya namalayan na namilipit na yung laylayan nang damit niya. Pantalon naman ang pang ilalim niya na medyo nakatupi ang laylayan kaya nakikita ang kanyang pantay na hita, na may maliit na pagitan, nagpapalakas sa makahayop nitong kamandag.
"Nang aasar ba ito? Suso di niya ba alam na di naglalabas ng gatas ang dede ko, kaya dapat alam niya kung ano nag pinagkaiba nang dede sa suso". Yan ang nasusuklam na sinasabi ni Xiao Yao sa isip niya. Inilabas naman niya yung kamay niya sa labas nang kanyang bintana.
"Sige na ibigay mo na sa akin.
Nagtataka naman si Yuan Zong. "Alin ang ibibigay ko sa'yo?"
"Yung regalo na ipinabibigay sa akin nang kapatid mo." Ang seryosong sabi naman ni Xiao Yao.
Tumalikod naman si Yuan Zong at pumunta nang kanyang kotse para kunin ang Cookie box at ilang pakain sa ibon na ibinigay ni Yuan Ru sa kanya.
Pagkakuha ni Xiao Yao nang kahon, nagsalita agad siya, "Ngayong tapos muna yung mission mo mabuting umalis ka na sa harap ko ngayon."
Pagkasabi niya, bigla na niyang isinara ang kanyang bintana at ibinaba ulit yung kurtina.
Itatapon na sana ni Xiao Yao ang kahon, pero gusto niyang makita ang laman nang kahon kung bakit ganun na lang ang pamimilit ni Yuan Zong na maibigay sa kanya ito. Bubuksan niya na rin ito kasi madami nang kaguluhan sa buhay ang dinala nang kahon sa kanya.
Di naman makapaniwala si Xiao Yao sa kanyang nakikita nang buksan niya ang regalo at makita ang laman nito. [1] Bamboo Tocsin ang laman nang kahon na ginagamit sa Budhist Rituals.
[Tocsin] batingaw sa tagalog. Ginagamit ito sa China para makakuha nang atensiyon o magbigay nang babala pag may darating na sakuna. Kadalasang ginagamit nang mga Buddhist sa mga pagdadasal at ritwal sa temple.
Binuksan niya pa yung isang laman nang kahon at nakita niya ang isang libro na panahon pa nang mga Dinastiya nang maisulat. Isa itong [2]Shu Ching.
[2.] libro nang kasaysayan ng Budismo.
Umakyat naman lahat nang dugo ni Xiao Yao sa ulo niya, na parang nagpainit sa kanyang ulo. Hinawakan niya nang mahigpit ang mga regalo at galit na galit na pumunta sa bintana par asana itapon ang mga iyon kaso pagbukas niya nang bintana nakita niya pa ding nakatayo si Yuan Zong doon na akala mo'y estatwa.
"Mabuti naman at nandito ka pa at di ka pa umaalis, sabihin mo diyan sa kapatid mo na gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon. Kung gusto niya pa din na maganda ang huli naming pagkikita wag siyang magsusuot nang short skirts."
Nang gabing iyon, halos magtatalon naman si Yuan Ru sa saya nang malaman niyang pumayag si Xiao Yao na makipagkita sa kanya. "Omg! Believe na talaga ako sa'yo kuya. Matagal ko na siyang nililigawan pero di niya ako pinapansin at tinatanggihan niya akong magdate kami."
Nagpakita naman si Yuan Zong nang malasakit sa kapatid dahil sa natupad nitong pangarap. Malasakit na minsan lang niya ibibigay. "Mabuti pa isipin mo yung isusuot mo bukas."
"Tama!" sa isang iglap tumakbo na si Yuan Ru sa kanyang kuwarto para maghanap nang kanyang susuotin. "Puwede na kaya ito? Masyado bang sexy? "Ah ito na lang siguro? Hindi wala akong maipapartner diyang sapatos."
Finally, nakapili na din si Yuan Ru nang damit na nagustuhan niya isa itong super short skirts. Sa karaniwang pagkakataon di niya papayagan ni Yuan Zong si Yuan Run a mag suot nang ganyang mga damit, kaya nang lumabas si Yuan Ru na suot ang maigsing damit kaya medyo natakot si Yuan Ru na ipakita sa kuya niya ang napili niyang damit.
Tinignan naman ni Yuan Zong si Yuan Ru nang matagal, at sumang ayon naman siya sa kagustuhan nang kapatid, "Maganda, yan na yung isuot mo."
(A/n: tsk! Tsk! Tsk!)
********
Kahit isang mahinang utot lang masisira nun ang suot na damit ni Yuan Ru.
Kaya pinilit ni Xiao Yao ang sarili na wag mailang kay Yuan Ru at iniisip na lang niya ang kanyang mga pinagdaanan nang mga nakaraang gabi. Di talaga puwedeng pakiusapan si Yuan Zong dahil natatandaan niyang sinabi niya dito na wag pagsuotin si Xiao Yao nang maigsing damit.
"Kailan mo ako titigilan?" ang tanong agad ni Xiao Yao sa babeng kaharap.
Inilagay naman ni Yuan Ru ang kanyang mga kamay sa pisngi niya, at malagkit na tinitigan si Xiao Yao.
"Kahit maging katapusan na nang mundo, di kita bibitiwan."
"Ang ibig mo bang sabihin, kahit anong mangyari di mo ako titigilan?"
"Ipaglalaban kita kahit kamatayn man."
Di naman makapaniwala si Xiao Yao sa kabaliwang napapakinggan niya. Tumigil muna siya at huminga nang malalim, at nag ipon nang lakas nang loob para magsalita muli.
"May malubha akong karamdaman."
"Wala kang sakit honey, wala akong makitang mali sa'yo. Sa aking mga mata napakaliit lang nang katawan mo pero hindi yun hadlang dahil lalo akong naakit sa'yo dahil sa maliit mong katawan. Eh ano namang problema kung hindi ka perpekto? Kahit ako di din ako perpekto. Ang pag ibig ay parehas na nararamdaman nang dalawang tao. Kahit na sino ka pa, kahit na baliw ka pa o madumi ka, kahit na yung ugali mo ay masama, tatanggapin kong lahat yun dahil mahal na mahal kita. Kahit na masira man nang asido yang kaguwapuhan mo mamahalin pa rin kita hanggang sa dulo nang walang hanggan. Kahit na maging lumpo ka pa at parang lantang gulay na, handa pa din kitang pagsilbihan habang buhay. Kahit na..."
"Paano kung inutil ako..? ang pagputol ni Xiao Yao sa sasabihin ni Yuan Ru.
Natulala naman si Yuan Ru sa kanyang narinig at ilang minuto din ang itinigil niya bago siya muling nakapagsalita.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mabilis lang akong labasan, matagal na ang tatlong segundo bago ako pumutok kaya di kita mapapaligaya sa kama." (A/n: di talaga ako sanay magsulat nang mga ganito ka explicit na mga kuwento 55555!)
Napakamot naman si Yuan Ru sa kanyang batok, "Ahmmm... naalala ko nga pala na may importante akong gagawin ngayon, kaya mauuna na ako sa'yo, di na kita kukulitin pa, ewan na lang natin dito kung ano man ang meron tayo, di din naman ako mahinhing babae kaya di mo din ako magugustuhan, sige maiwan na kita."
Pagkasabi niya nang mga salitang yun , halos talunin na niya ang papalabas nang coffee shop sa pagmamadaling umalis.
(A/n: Pag ibig pala ha.... Tsk! Tsk!)
+++++
Comments and votes can help for the next update...
BINABASA MO ANG
An Irresistible Force
ActionFilipino Translation of "Advance Bravely" originally writen by Chai Jidan. Si Sergeant Xiao Yao ay isinilang sa mayamang pamilya , isang dating playboy na biglang na lamang nagbago. Yuan Zong ay isang dating sundalo na nagtayo ng isang Bodyguard T...