Nawalan ka na ba ng konsensiya?

97 4 5
                                    

Original works of Chai Ji Dan

Kinabukasan pinili ni Xiao Yao na gamitin na lang ang kanyang bisekleta para iwasan si Yuan Zong. Medyo nakatungo siya habang minamaneho ang kanyang bisekleta samantalang ang kanyang kamay naman ay nakahawak ng mabuti sa manibela ng bisekleta, nakasuot siya ng puting damit at nahihipan ng hangin ang pang ibabang bahagi nito kaya lumalabas ang kanyang pang ibabang tiyan.

Ang tuwid at mahaba niyang hita na sumasabay sa pagpedal niya na akala mo'y nagsasayawan ang mga ito dahil sa nakakatuwang tignan. Lahat ng mga babaeng nakasakay sa kotse na madaanan niya ay ibinababa ang bintana ng kotse niya para lang makita siya ng malinaw. Malalagkit na tingin ang ibinibigay ng mga it okay Xiao Yao sa sobrang gandang tanawin ang ibinibigay niya sa mga ito. Tatlong salita lang ang mailalarawan mo kay Xiao Yao ngayon: "Sobrang guwapo niya!"

Pagkarating niya sa opisina nila, iginarahe niya ang kanyang bisekleta sa parking lot ng makita siya ng mga kasamahan niya.

"Xiao Yao anong meron ngayon at nagbisekleta ka?"

Hindi naman niya puwedeng sabihin ang totoong dahilan sa mga kasamahan niya kung ano talaga ang dahilan kung bakit siya nagbisekleta ngayon kaya gumawa na lang siya ng palusot: "Gusto ko kasing mag ehersisyo."

"Para atang nasosobrahan na yang ginagawa mong ehersisyo ah." At tinapik ni Chang Tian ang puwet ni Xiao Yao, "Pinapalaki mo ba ito baby?"

Nagbigay naman si Xiao Yao ng nakakamatay na tingin kay Chang Tian, "Bakit sinusubukan mo bang gawing flat yan?"

Nagets naman ni Chang Tian ang sinasabi ni Xiao Yao, "Oopps, Sorry nakalimutan ko."

"Master Xia, ayaw mong hinihipo ka ng ibang tao, ayaw mo ding mahipo ang katawan ng ibang tao, o ayaw mo ding makakita ng hubad na katawan ng ibang tao. Paano na lang kaya kung nagka asawa ka na?"ang tanong naman ni Chang Tian.

Bigla namang hinampas ni Xiao Yao sa batok si Chang Tian, "Bakit mo ba pinoproblema yan?"

Matapos ang mahabang oras na pagtatrabaho sa opisina, dahan dahang lumabas sa likod na gate si Xiao Yao. Tinignan niya ang parking lot, nandoon pa ang kanyang bike. Tumingin din siya sa main gate, at nakita niya ang isang kotse na parang hinihintay ang paglabas niya sa kanyang trabaho. Isang mausisang tingin naman ang binigay ni Xiao Yao dito at sinimulan na niyang ipedal ang kanyang bike.

Pinaandar naman ni Yuan Zong ang kanyang sasakyan, napatitig siya sa matambok na puwet ni Xiao Yao na na ngayon ay nag babanggaan at naglilikha iyon ng nakakapaglaway na tanawin.

Sa pagliko ni Xiao Yao sa kanto may nakita siyang maliit na eskinita. Bigla niyang itinigil ang kanyang bisekleta at sumigaw na may nakakalokong ngiti sa mukha, "Sige sumunod ka pa sa akin kung talagang matapang ka napakahina mo naman kung mauunahan pa kita."

Tumigil naman si Yuan Zong sa may entrance ng eskinita. Kumunot naman ang noo ni Xiao Yao at nagtataka kung bakit tumigil ang sasakyan ni Xiao Yao. Mas binilisan niya pa ang pagpedal sa bike niya para lang matakasan ang tingin ng lalakeng humahabol sa kanya. Sa sobrang bilis na pagpepedal niya naistuck yung clutched ng bike niya at naglikha ito ng kakaibang tunog na nagsasabing may nasira sa bike niya.

Umupo siya at tinignan ang kanyang bike kung may sira ito o wala, namula naman ang mata ni Xia Yao sa kanyang nakita. Putol ang kanyang kadena.

Bigla naman siyang nabuwiset at nagngangalit ang kanyang mga ngipin sa pagkasira ng kanyang bisekleta.

Siguro iisipin mong hihingi ako ng tulong sa'yo para maibigay mo sa akin ang regalo ng kapatid mo. Lalake ako, at ang lalakeng ito ay di pipiliing sumakay sa kotse mo. Kaya ko ang sarili ko. Yan ang mga pumasok na salita sa kanyang isipan.

Kaya inakay niya na lang ang bike niya at patuloy na naglakad palayo kay Yuan Zong. Pero ipinanganak siguro siya na kakambal niya ang kamalasan dahil may nakalagay na babala sa dinadaanan niya na may ginagawa sa eskinitang iyon at hindi pa puwede daanan ng mga tao. Wala siyang magawa kung hindi bumalik kung saan siya nanggaling. Nandoon pa rin si Yuan Zong at nakangiti.

Naasar man ngumiti naman si Xiao Yao at kumatok sa bintana ni Yuan Zong. Hindi pa naibaba ni Yuan Zong ang bintana niya ng buong lakas na ibinato ni Xiao Yao ang bike niya sa kotse ni Yuan Zong. (yung scene po ay nasa media section.)

Buong tapang namang sinigawan niya si Yuan Zong na dinig sa bawat sulok ng daan, "Puwede bang bawasan mo yang kakapalan mo ng mukha?"(a/n: wag galitin si Xiao Yao hahahaha)

Pagkatapos niyang ibato ang bike at sigawan si Yuan Zong tumakas na siya hangga't maaga pa. Di naman maiwasan ni Yuan Zong mapangiti sa inasta ni Xiao Yao sa kanya.

Nang gabing iyon napansin agad ng nanay ni Xiao Yao na di niya dala ang bike niya pag uwi.

"Nasaan yung bike mo? Di ba sinakyan mo ito kaninang umaga?" yan ang tanong na sumalubong kay Xiao Yao pag uwi niya ng bahay.

"Ahhhmm..." napatawa naman ng sapilitan si Xiao Yao

"Iniwan ko sa pagawaan kasi nasira po yung pedal."

"Di ka talaga nag iingat! Napakataas ng kalidad ng bike na iyon. Paano mo nasira ang iyon?"

Nakita naman ni Xiao Yao ang red warning sa sinabing iyon ng kanyang ina.

Di na siya nakapagsalita at dali daling pumasok sa kuwarto niya. Napawi naman ng pangamba ang naibigay na kasiyahan ng pagtapon niya sa bike niya kanina.

Isang tao lang ang kinatatakutan niya iyon ay ang kanyang Mother Dowager[1]. Kahit na siya lang ang kaisa isang anak ng mga magulang niya alam niya na papatayin siya ng nanay niya pag nalaman niyang itinapon niya ang bike niya. [1] Mother Dowager o Inang reyna. Tawag ni Xiao Yao sa kanyang ina.

Pinalaki siya ng nanay niya ng may disiplina sa sarili. Kahit na mayaman ang pamilya nila walang karapatan si Xiao Yao na gumastos ng malaki na di gamit ang suweldo niya. Sumasahod siyang 6000 yuan kada buwan (PhP 46,518.30) at may mga bawas pa yun.

Ang bike niya ay nagkakahalaga ng 1000 yuan (Php 7,753.05) kaya di niya masabing itinapon niya lang ito kanina. Paano kung malaman ni Mother Dowager ang nangyari siguradong mamamatay siya ng maaga.

Paano kaya kung pakiuasapan niya na lang si Yuan Zong na ibalik ang bike niya? Hindi, hindi ko gagawin niyo kahit kapalit pa noon ang buhay ko, okay pa na bugbugin ako ng nanay ko kesa sa makita ko ang ulol na yun!

Siguro hihiram na lang siya ng pera bukas sa mga katrabaho niya at bibili ng bagong bike.

+++++++++++

Two updates ngayong araw.. Kapalit yan ng mga nakakatuwa niyong comments.. #303 po tayo sa Action Category. Maraming salamat sa suporta.. Khob khun krab...

Vote and comments are highly appreciated.

ȕka

An Irresistible ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon