Sinong Nagsasalita?

245 8 6
                                    


Original work of Chai Ji Dan

Our hot Xiao Yao in media Section.

.....********

Sa pagkapanalo ni Xiao Yao naghanda ang buong police department para ipagbunyi ang pagkapanalo niya. Pumila ang lahat ng pulis para salubungin ang kanilang Kampyeon.

"Xiao Yao, ang galing mo di mo kami binigo."

"Lahat ng babae sa department natin gustong magpakuha ng litrato kasama ka."

"Gusto din ni Chief na magkaroon ng Victory Party at salo-salo para sa'yo."

Yan ang mga sumalubong kay Xiao Yao pagbaba niya ng ring . Pero kahit ano pang papuri ang kanyang natatanggap wala siyang nagiging reaksiyon , nanatili siyang tahimik at inayos ang kanyang gamit. Pagkatapos niyang maayos ang mga dala niya at maipasok sa dala niyang bag ngumiti siya sa kanyang mga kasamahan at ngumiti, "Masama pa ang pakiramdam ko siguro sa ibang araw na lang, okay?"

Pagkatapos niyang magsalita, dinala niya ang kanyang bag at isinabit niya na lang yung uniporme niya sa kanyang balikat at nagmamadaling umalis.Nagtataka namang nagtinginan ang mga kasamahan niya.

"Bakit kaya parang mainit ang ulo niya?"

"Siguro dahil sa ninakaw na First kiss sa kanya ni Brown, kaya di siya kumportableng makisaya sa atin ngayon."

"Di naman siguro."

Matatagpuan ang tahanan ni Xia Yao sa Wang Fujing [1] malapit lang sa Imperial Palace. Ang napakalaki at napakarangya Chinese style na bahay nila, ito ay may kabuoang sukat na ilan daang metro parisukat. Mayroon itong tatlong sobrang laking kuwarto, sa bawat kuwrto ay may isang king sized bed.

[1] Wang Fujing isang sikat na malls sa Beijing. SM ito sa atin.

"Kamusta, Kamusta!",yan ang sumalubong na batik ay Xiao Yao sa kanya pagpasok niya ng kanyang kuwarto.

Ang bating iyon ay di galing sa tao kundi sa isang [2] Hill Myna, sobrang galing ng ibon na ito kaya pag may libreng oras si Xiao Yao tinuturuan niya ng isa o dalawang pangungusap ang kanyang Hill Myna, pag wala naman siyang time nagsasabit siya ng isang casette sa kulungan ng kanyang alaga at natututo naman ito sa ganung pamamaraan.

Ang bating iyon ay di galing sa tao kundi sa isang [2] Hill Myna, sobrang galing ng ibon na ito kaya pag may libreng oras si Xiao Yao tinuturuan niya ng isa o dalawang pangungusap ang kanyang Hill Myna, pag wala naman siyang time nagsasabit siya n...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[2] Hill Myna isang ibon na nabibilang sa Starling Family na may itim na balahibo at medyo maliit na pangangatawan na kadalasang makikita sa Timog Asya may kakayahan ang ibong ito na gayahin ang salita ng tao at puwedeng alagaan ng tao. Para siyang parrot na nanggagaya ng salita pero di sila magkatulad ng pamilya.

May bago itong natutunang kanta na pinapatugtog kanina sa radio na pulit-ulit nitong kinakanta, "Kiss kiss kiss kiss kiss, kiss me, kiss me passionately..."(A/n: I don't know what kind of song is that.)

Naglabasan naman ang mga ugat sa ulo ni Xiao Yao sa sobrang asar niya naaalala niya kasi ang nangyaring paghalik sa kanya ni Brown.

"Ano ba yang kinakanta mo ha? Wala ka na bang ibang kayang kantahin kundi yan ?! Para kang sirang plaka", Sumabay pa ang pagkasira ng cassette na tumutogtog ng parehas na kanta kaya parang sirang plaka na pulit ulit ang kantang kanyang naririnig.

"Tumigi ka na!", ang sigaw niya sa ibon.

Pero sa halip di siya nito pinansin at patuloy pa rin ito sa pagkanta. Kaya naman namumula sa galit si Xiao Yao ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at nakita niya si Peng Ze na pumasok sa loob ng kanyang kuwarto.

 Kaya naman namumula sa galit si Xiao Yao ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at nakita niya si Peng Ze na pumasok sa loob ng kanyang kuwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                                  ( Peng Ze)

"Bakit ka nandito", ang tanong ni Xiao Yao sa bagong dating.

May suot suot si Peng Ze na baseball cap at di pinansin ang sinabui ni Xiao Yao.

"Tinatawagan kita pero di mo naman sinasagot yung mga tawag ko, kaya pumunta na lang ako dito sa bahay niyo para personal na kitang maanyayahan, magkakaroon kasi ng party ngayong gabi ang department natin para sa pagkapanalo mo kaya dapat lang na pumunta ka!"

"Di ako pupunta", yan lang ang tanging sagot ni Xiao Yao.

"Wag ka ngang ganyan! Nag pareserve na si Sir Dou sa isang bar at madaming magagandang babae ang pupunta kaya pumunta ka na!"

Parang walang naririnig na pinagpatuloy ni Xiao Yao na paglaruan ang dalawang walnuts sa kanyang kamay. Ramdam ni Peng Ze na ayaw talagang pumunta ni Xiao Yao, "Alam ko na di ka masaya sa nangyari kanina sa laban mo, pero ano ba namang masama kung pumunta ka sa party na inihanda para sa'yo? Ayaw mo bang makatagpo ng mga bagong kakilala? Gusto lang naming magsaya sa pagkapanalo mo, kung mayroon nga lang akong red carpet ilalatag ko pa yun sa dadaanan mo."

"Wala ako sa mood magsaya ngayon."

Napabuntong hininga na lamang si Peng Ze sa sagot ng kanyang kaibigan.

May biglang nagsalita na ikinagulat na lang ni Peng Ze.

"Sinong nagsasalita?"

Napatitig naman si Peng Ze kay Xiao Yao at tinitignan kung ito ang nagsalita.

"Sino ba yung nagsasalita?" ang sabi ulit ng kakaibang boses.

Natatakot namang nilibot ni Peng Ze ang kanyang mata at ibinalik ang tingin niya kay Xiao Yao na ngayon ay tahimik pa ring nilalaro ang hawak niyang walnuts.

"Naririnig mo ba yung kakaibang boses?"

Gustong tumawa ni Xiao Yao ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili, "Wala naman! Anong sinasabi mong boses."

Nagsalita ulit ang ibon "Sinong bang nagsasalita?"

Sa una nagulat si Peng Ze dahil nagtataka siya kung sino ang nagsasalita pero bigla siyang napatawa at itinuro si Xiao Yao, "Ah! Alam ko na ginagamit mo yang tiyan mo para makapagslita ka na di mo ginagamit yang bibig mo para takutin ako ano?"

Xiao Yao, "..."

(A/n: siguro ang tinutukoy dito ni Peng Ze ay yung ginagawa ng isang Puppet master na ginagamit ang tiyan nila para makapagsalita na di ibinubuka ang bibig)

Salamat sa pagbabasa . I need your comments and votes

s_�

An Irresistible ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon