Suck on that!!

134 5 8
                                    


Original works of Chai Ji Dan

Dedicated po ang chapter na it okay @JhanonSobair na masipag magcomment sa mga chapter. Khob kun krab po sa suporta..

Pagkabukas ni Xiao Yao ng kanilang pintuan kinabukasan nakita niya ang bike niya na nakasandal sa dingding.

Maayos na ang sira nito na parang walang nangyari, napalitan na yung kadena at yung nasirang parte ay napalitan na din ng bago. Nilibot naman ni Xiao Yao kung nasa paligid pa si Yuan Zong at huminga na lang siya ng malalim. Walang Yuan Zong siyang nakita.

"Mabuti naman at gumawa ka din ng mabuti na katulad sa isang normal na tao".

Pero kahit na inayos ni Yuan Zong ang bike niya mas pinili pa rin niyang wag gamitin ito kasi nakakapagtaka ang normal na ginawa nito sa bike niya. Paano kung may plano siyang masama kaya ginawa niya yung bike? Ang buhay at kaligtasan niya ay wala nang kasiguraduhan. Kaya nagroller skates na lang siya.

Kabaligtaran ng suot niya kahapon na medyo maluwag at presko, ang suot niya ngayon ay may kasamang protective gears. Nang makapasok siya sa main gate ng opisina nila may nakasalubong siyang mga babae na katrabaho niya. Sa isang iglap lang nawala na siya sa harap ng mga ito, at nagsimula ng magdaldal ang mga babaeng katrabaho niya.

"Ano kayang meron kay Xiao Yao? Kahapon nagbike siyan ngayon naman nagroller skates?"

"Siguro nagpapa-impress siya sa akin."

"Hindi, Baka sa akin baliw."

Translator: "..."

Pumunta na siya sa desk niya at inalis ang roller skates sa kanyang paa. "Tignan naton kung paano mo sisisrain ang araw ko." (A/n: yung totoo Xiao Yao, galit ka ba o nagpapabebe lang..)

Pagkatapos ng trabaho niya, sinuot ulit ni Xiao Yao ang roller skates niya, tuwang tuwa siyang magroller skates sa maluwang na daan, dumadaan din siya sa mga makikipot na daana at walang pag aalala na bumabagabag sa kanya. "Sundan mo ako kung kaya mo! Sige! Sumunod ka! Sisiguraduhin kong kahit anino ko hindi mo makikita. (A/n:may tawag sa ganyang ugali eh...)

Sa makalipas na araw inenjoy ni Xiao Yao ang mga panahon na walang mga matang nagmamasid sa kanya. Halos magtatalon ang puso niya sa sobrang kaligayahan. Sa sobrang saya niya nakakain pa siya ng isang tasang kanin sa hapunan.

Ang nakakalungkot lang di pa natatapos ang buong araw may isang tanawin na naman ang pumutol sa selebrasyong nagaganap sa loob niya. Pagpatak ng gabi, itinaas ni Xiao Yao ang tabon sa kanyang bintana ng may nakita siya sa balkonahe nang kuwarto niya na nakapagpagulat sa kanya at nakapag paatras sa kanya ng tatlong hakbang.

Matapos makahinga ng malalim at makabawi sa kanyang pagkakagulat nakaipon siya ng tapang at hinahon, lumabas siya ng kanyang kuwarto at pumunta sa kinatatayuan ng lalakeng nagbigay sa kanya ng kakaibang pagkagulat.

"Fuck off!"

Sa sobrang lakas at gigil ng kanyang pagkakasabi nagising naman ang maliit na Myna na natutulog sa kanyang kulungan.

Dali dali namang pumunta si Mother Dowager sa kuwarto ng kanyang unico hijo nang may pag aalala dahil sa sigaw na narinig. "Xiao Yao ayos ka lang ba diyan sa loob?"

Bumalik naman siya sa loob ng kuwarto niya at isinara ang bintana, huminahon siya at sumagot siya sa kanyang ina, "Okay lang ako Mom, bumalik na kayo sa kuwarto niyo."

Pagkaalis ng nanay niya umupo muna siya sa kama niya at nagmeditate para humanap ng kapayapaan sa kalooban niya. Mabuti na lamang at medyo malayo ang pagitan ng kama niya at ng malaki niyang bintana siguro kung hindi baka namatay na siya sa bangungot at nilamon na ng nakakadiring mga mata ni Yuan Zong ang kanyang kaluluwa.

Bakit ba hindi pa mawala sa ibabaw ng lupa ang pesteng lalaki na may kasing kapal ng rhinoceros ang balat? Nang dahil sa pesteng regalo lang na yun kahit pagtulog niya ikakamatay niya din.

Kung may utak talaga ang baliw na yun puwede naman niyang itapon na lang yung regalo at sabihin niya sa baliw din niyang kapatid na naibigay niya sa akin yung regalo. (sa totoo lang Xiao Yao tinapon niya yung totoong ibinibigay sa'yo ni Yuan Ru.)

That motherfu**er!

Pagkatapos niyang pakalmahin ang sarili niya. Di niya matiis silipin si Yuan Zong sa labas ng kanyang bintana. Iniisip niya na nakaalis na si Yuan Zong dahil sa mahigit isang oras niya pinakalma ang kanyang sarili.

Dahan dahan siyang lumapit sa bintana at sinilip niya ang lalake sa siwang ng kanyang kurtina. At magmula sa siwang ng bintana nakita ni Yuan Zong ang dalawang pares na magagandang mata na di maitago sa kanya ng kanyang paningin. Napansin din niya ang katangusan ng ilong nito, ang labing malambot, ang matikas nitong baba, at ang maamong hugis na mukha na nagpapakita ng di mapigilang galit.

Sa wakas isang tunog na sinarang kurtina ang narinig ni Yuan Zong sa labas at sinundan pa ito ng pagsara ng bintana.

Sa sumunod na araw, bago siya pumasok sa trabaho. Nilagay ni Xiao Yao ang dalawang battery sa cassette niya. Pinaandar niya ito at isinabit malapit sa kulungan ng kanyang Myna.

Paulit ulit na tumutunog sa cassette ang nirecord na boses ni Xiao Yao na nagsasabi ng "Alis! Alis! Alis!"

Nang gabing iyon nag roller skates ulit siya pauwi ng kanilang bahay, at binibilisan niya pa ang pagroroller skates para maiwan ang lalakeng humahabol sa kanya. Pagkatapos nilang maghapunan pumunta na siya sa kuwarto niya at binisita niya ang kanyang dakilang amplifier.

Kahit di pa dumadating si Yuan Zong nagsasalita na ang ibon at ginagaya ang sinasabi ng kanyang cassette. Siyempre pagkadating ni Yuan Zong sa balkonahe ni Xiao Yao mas lalong linakasan ng mynah ang kanyang sinasabi, "Alis! Alis! Alis!...."

Inilalarawan naman ni Xiao Yao ang itsura ni Yuan Zong sa sinasabi ng kanyang Myna, hindi niya mapigilang ngumiti sa kanyang iniisip. "Suck on that!" at napatawa pa si Xiao Yao..

*****

Thank you so much for reading.. Xiao Yao paghandaan mo ang paghihiganti ni Yuan Zong..

Votes and comments are highly appreciated

An Irresistible ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon