Original Works of Chai Ji Dan
Pagpasok nina Xiao Hui at Chang Tian sa opisina nakita nilang may ilang nakahandang snacks at inumin na makikita sa mesa nila. Tumingin naman sila kay Xiao Yao na ngayon ay kampanteng kampante na nakaupo, nakataas noo habang nakatingin sa kanila.
"Nasa langit na ba ako, anong meron?" nagmadali naman pumunta sa desk niya si Xiao Hui, at dali dali niyang pinuno nag kanyang bibig nang pagkain.
"Para sa inyo lahat nang yan." ang sagot naman ni Xiao Yao.
Nangilabot naman si Chang Tian. "Anong okasyon?"
"Wala namang okasyon ngayon. Sadyang maganda lang yung mood ko ngayon."
Nahirapan naman buksan ni Xiao Hui yung balat nang buto nang pakwan. Pero napalaki ang bukas nito kaya natapon ang iba sa sahig. Dali dali namang tumungo si Xiao Hui para linisin at pulutin yung mga buto na nagkalat sa sahig. Pinigilan naman ni Xiao Yao si Xiao Hui sa pagpulot nang mga buto.
"Wag na ako na lang ang gagawa."
Palihim naman nagkatinginan naman si Xiao Hui at Chang Tian, nang marinig nila ang sinabi ni Xiao Yao. Ano kayang pangyayari sa mundo ang nakapagpabago sa magiting na si Xiao Yao at nagkusang tumulong na maglinis?
Pero sadya sigurong ang kasiyahan at paghihinagpis ay laging magkasama. Bago pa man makilala ni Xiao Yao si Yuan Ru parang lumalampas lang ang oras sa kay Xiao Yao normal lang nag lahat. Dahil sa pinagdaanan niya na mga pagsubok at krisis simula nang makilala niya si Yuan Ru at ang kapatid nito, ngayon lang siya ulit naging masaya at naging panatag dahil di na siya muling ginugulo nang dalawa.
Nang matapos ang masaya niyang araw sa opisina di pa rin kumukupas ang kaligayahan ni Xiao Yao, nakisabay at nakaakbay pa siya sa mga kasamahan niya paglabas nang gate, nakikipagtawanan at ankikipagkuwentuhan pa siya.
"Sabihin mo nga sa amin kung bakit sobrang saya mo ngayon Xiao Yao?"
Sinarado namn ni Xiao Yao ang kanyang bibig na parang di niya sasabihin ang dahilan nang kanyang kasiyahan, pinakita niya na lang sa mga ito ang kaligayahan na nakadikit sa kanyang mga mukha.
"Di ko sasabihin."
"Ang daya mo naman Xia, talaga bang pag iisipin mo pa kami kung anong dahilan kung bakit ka masaya ngayong araw? Chang Tian anong puwede nating gawin? Di pa rin niya sinasabi eh!"
Pagkatapos pinagtulungan ni Xiao Hui at Chang Tian si Xiao Yao na kilitiin para ibigay sa kanila ang hinihinging kasagutan/
"Tama na, hahaha. Tama na.."
Inalis naman ni Xiao Yao ang kamay nila nang may kalhating yamot at kalhating kasiyahan. Habang silang tatlo ay nagkakasiyahan, may nahagip naman ang kanyang mga matang pamilyar na sasakyan na nakatigil di kalayuan sa kinatatayuan nila. Biglang nabago naman ang kanyang masayang mukha kanina ganun na din ang boses niya.
"Tama Na!" ang sigaw ni Xiao Yao sa galit.
Bigla nama inalis nang dalawa ang kanilang kamay pero atuloy pa rin sila sa pagtatanong kay Xiao Yao.
"Bipolar ka ba? Bakit bigla bigla kang nagagalit? Ayos ka pa naman kanina ah. Ano bang nangyari?"
Sinubukan namang magbigay ni Xiao Yao na pilit na ngiti. "Wala naman wag niyo nang problemahin yun. Umuna na kayong umuwi kukunin ko lang yung kotse ko."
Pagka-alis nang dalawa bumalik ulit ang buwesit na buwesit niyang itsura at dirediretsong naglakad papunta sa kotse na nasa kabilang kalsada.
"Bakit nandito ka pa rin?"
May hawak hawak na sigarilyo si Yuan Zong, binuksan niya ang bintaana at inalis niya ang abo nito. Wala pa ring nagbabago sa ibinibigay niyang titig kay Xiao Yao, titig na titig pa rin siya sa mukha nang lalakeng kaharap.
"Nag usap na kami nang kapatid mo, hindi pa ba niya sinasabi sa'yo?" ginamit niya ang huling patak nang kanyang pasensya para masabi niya lang pangungusap na yun.
"Sinabi niya sa akin."
Nayamot naman si Xiao Yao sa narinig niyang tono nang pananalita nito na walang buhay at basta lang pero napaka kalma nang kanyang pagkakasabi.
"Eh ano pang ginagawa mo dito?!" nagbago na ang tono nang pananalita ni Xiao Yao na parang nagbabanta.
Lumabas naman si Yuan Zong nang kotse niya, itinapon niya ang sigarilyo niya at dinurog ito gamit ang kanyang mga paa pero ang kanyang mga mata ay nakatingin lang sa napakalapit na mukha ni Xiao Yao.
"I've fallen for you."
Lalo namang nagwala ang ang galit na nasa loob ni Xiao Yao sa kanyang narinig, at pingalitan niya si Yuan Zong, "Anong ibig mong sabihin na "having fallen for me"? Nawalan na nang gana sa akin ang kapatid mo kaya kung puwede lang itigil mo na yan, tulungan mo na lang siya na makahanap nang lalakeng mas babagay sa kanya."
Bahagya namag napangiti si Xiao Yao sa kanyang narinig. Ibinuka niya ang mga braso at itinuro niya ang kanyang puso bago niya sundutin ang sungki nang ilong ni Xiao Yao.
"Ang ibig kong sabihin ay "Nagkagusto na ako sa'yo."
Ang salitang iyon na nanggaling sa bibig ni Yuan Zong ay parang Kamekameha ni Goku sa lakas nang pagsabog nito sa utak niya. Sa isang kisapmata lang napaatras agad siya sa pagkakagulat.
"Wala- walang kwenta yang sinasabi mo, di kita maintindihan! Mukha ba talaga akong bakla?"
"Gusto kita, wala akong pakialam kung bakla ka o hindi." Ang sabi lang ni Yuan Zong.
"At sa tingin mo na magkakagusto din ako sa'yo?" ang galit nag alit na tugon ni Xiao Yao.
"Kahit magustuhan mo man ako o hindi walang magbabago sa nararamdaman ko para sa'yo."
"Ang ibig mo bang sabihin na kahit na magkagusto ka sa akin wala kang pakialam kung ano yung nararamdaman ko sa'yo ganun ba yun?"
"Oo ganun nga yun."
"Ano?"
"Ikaw ang nagustuhan ko kaya wala kang magagawa para magbago yung nararamdaman ko." (A/n: WALA NA AKO, WALA NANG MAGTATRANSLATE NITO, PATAY NA AKO NGAYON..)
"Fuck You! Sige, kung yan ang gusto mo, di ko na kayang makipag usap pa sa buwesit na ito!" yan ang sinasabi ni Xiao Yao sa kanyang isipan.
Sumagot naman si Xiao Yao sa sinabi ni Yuan Zong sa kanya, "Motherfucker! Kung sakali man na magkagusto ako sa'yo, puputulin ko yung pagkalalake ko!" (Tsk! Tsk! Aabangan ko yan Xiao Yao)
Tumalikod na siya at dali daling umalis. Pakiramdam niya na parang idinikit sa nagbabagang bakal ang mukha niya dahil sa pamumula nito na parang kamatis, sa sobrang init na nararamdaman niya sa mukha niya feeling niya na parang mabubura ito pag di nahihipan nang hangin.
+++++
Nasa ER na ako ngayon.
Votes and Comments are highly Appreciated.
![](https://img.wattpad.com/cover/122689861-288-k339728.jpg)
BINABASA MO ANG
An Irresistible Force
ActionFilipino Translation of "Advance Bravely" originally writen by Chai Jidan. Si Sergeant Xiao Yao ay isinilang sa mayamang pamilya , isang dating playboy na biglang na lamang nagbago. Yuan Zong ay isang dating sundalo na nagtayo ng isang Bodyguard T...