Get Lost

112 3 4
                                    

Original works of Chai Ji Dan

Lumalabas ngayon na parang mas madaming libreng oras si Yuan Zong kesa kay Xiao Yao.

Ang libreng oras na ito ay hindi sumasalamin kung ilang oras ka walang ginagawa sa loob ng isang oras, ito ay ang kalayaan mong pumili kung kailan mo gusto at katagal ang pagkakaroon mo ng libreng oras. Kahit na si Xiao Yao ay kakaunti lang ang ginagawa buong araw kailangan niya pa ding tumigil at umupo sa opisina hanggang alas singko ng hapon. Di tulad kay Yuan Zong na kahit madami siyang ginagawa, nakukuha niya ng umalis ng kanyang trabaho pag natapos niya ang mga usapin sa opisina at maghihintay na lang siya sa paglabas ni Xiao Yao sa trabaho.

Tiniis ni Xiao Yao ang tatlong sunod sunod na araw na high pressure sa kapaligiran at sa utak niya parang mahahati sa dami ng iniisip. Sa loob ng tatlong araw na yan tiniis niya ang mga nakakakilabot na tingin ni Yuan Zong na pakiramdam niya ay mawawalan na siya sa katinuan.

Pero kung iba ang tumitingin sa kanya hinahayaan niya lang, di niya ito pinapansin. Pero hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang epekto sa kanya ng mga titig ni Yuan Zong na akala mo ay may mga tinik na kahit hindi niya pinapansin pakiramdam niyang may tumutusok sa kanyang balat, naglalagay sa kanya sa di komportableng kalagayan.

Sa ikatlong araw na pagtitiis, gustong iwasan ni Xiao Yao ang mga titig ni Yuan Zong kaya di niya ginamit ang kotse niya at piniling sumakay sa tren kung saan maraming tao. Tatlong taon na ang nakakalipas nang huli siyang sumakay ng tren, mas gusto niya pang mapagod sa pagmamaneho kesa sa makipagsiksikan araw araw sa madaming tao, mayroon kasi siyang sakit na tinatawag na Anxiety Disorder pag maraming tao na nakapaligid sa kanya. Pakiramdam niya na mahihilo siya at pakiramdam na parang may mga paru paro sa kanyang tiyan.

Hindi lang yun nakakapressure din sa kanya nag pagkakaroon ng madaming tao dahil sa trabaho niya, kailangan niyang magmasid at maging alerto sa bawat oras. Mag iisip siya ng mga negatibong dahilan kung bakit ganun ang isang bagay o tao, Bakit ganun na lang kaluwang ang suot ng babaeng yun siguro may tinatago siyang droga?, Bakit yung lalake ay may kalong na sanggol? Siguro isa siya sa mga nagbebenta ng mga bata.

Pero kahit na ganun ang kalagayn ni Xiao Yao pinagpatuloy niya pa rin ang pagsakay para makaiwas lang kay Yuan Zong. Rush hour na nang makasakay si Xiao Yao kaya nakailang palit siya ng line simula line 6 pumunta siya ng line 2 at sa huli lumipat siya ulit ng line 1, tatlong transit line ang pinalitan niya na naging sanhi ng ilang tulak, paghila, at pagbunggo sa kanya ng napakaraming tao, isama mo pa ang pinaghalo halong amoy pawis ng mga tao. Pero hindi yun ang nagbibigay sa kanya ng masamang pakiramdam kundi ang dalawang babaeng nasa kaliwa't kanan niya na maiiksi ang mga suot, kunting siksikan pa at lalapat na sa katawan niya ang mga hita ng mga ito. Kaya sari saring mura at sumpa ang lumalabas sa kanyang isipan.

FUCK!!

Nakaramdam si Xiao Yao ng iba't ibang sama ng pakiramdam sa dibdib, sa tiyan na parang gusto niyang masuka. Pinapalakas na lang niya ang loob niya at sinasabi niya sa sarili niya ang katagang "Kahit anong sakit titiisin ko para lang maiwasan ko ang asshole na yun!"

Sa loob ng tren may nakaagaw ng kanyang atensiyon na nagpatigil sa kanyang paghinga at lalong nagpasama ng pakiramdam niya.

Sa di kalayuan sa kinatatayuan niya nakikita niya ang pamilyar na bulto ng pangangatawan, di mo masisisi si Xiao Yao talaga namang kapansin pansin ang mataas na pangangatawan ni Yuan Zong. Lutang na lutang ang ulo ni Yuan Zong sa karamihan dahil ang agwat ng ibang tao sa kanya ay tatlong metro, na akala mo'y kakainin sila ng buhay ni Yuan Zong. Tinatago naman ni Xiao Yao ang totoo niyang nararamdaman at di ipinapakita kay Yuan Zong kung anong epekto nito sa kanya.

Naging seryoso namang tinignan ni Yuan Zong si Xiao Yao, pero para kay Xiao Yao ang ibig sabihin ng seryosong tingin na ibinibigay sa kanya ay pang aasar. Kung ang paa lang ni Xiao Yao ay dalawang metro baka di siya magdadalawang isip na sipain ito sa mukha.

Sobrang nakakainis talaga.

"Ang susunod na istasyon ay Dongdan, sa lahat ng mga pasaherong bababa ihanda niyo na ang mga dinadala niyo at icheck kung may maiiwan kayong gamit. The next station is Dongdan station (in English)."

Ang katabing mga pasahero ni Xiao Yao ay nagsisimula ng pumunta sa exit ng tren kaya medyo nagsisiksikan na sa kinatatayuan niya. Nagsimula naman siyang magbilang kung kailan ang tamang oras para siya ay bumaba at di makasunod si Yuan Zong sa kanya at ilang segundo na lang bago tuluyang magsara ang pinto ng tren tumakbo siya ng mabilis sa exit at tumalon. Maayos namang nakababa si Xiao Yao ng may ngiti sa kanyang mukha.

Magsisimula na sana siyang humakbang paalis ng may mainit na kamay ang nakapagpatigil sa kanyang paghakbang.

Kalmadong boses naman ang lumabas sa bibig ni Yuan Zong, "Bakit ka agad bumaba? Di ba sa sunod pang istasyon ang baba mo?"

Sinadya ko ang pagbaba ko. Tanga! Di mo na kailangang ipaalala sa akin!!!!!

Buwiset na buwiset si Xiao Yao sa mga nangyayari ngayon, bumuntong hininga na lang siya bago niya inalis ang kamay nito sa kanyang balikat at tumingin sa kinaroroonanni Yuan Zong, "Dude di mo ba talaga ako titigilan."

Nagbigay naman ng mapait na tingin si Yuan Zong at di sinagot ang tanong ni Xiao Yao.

Nagsimula namang bumaba ang tono ng boses ni Xiao Yao kabaligtaran ng kanyang nararamdamang galit ngayon, "Sa totoo lang mataas ang tingin ko sa'yo noong una tayong magkita, napakalalakeng lalake kasi ang datingan mo. Pero bakit ba hinayaan mong maging utusan ka ng kapatid mo? Hinayaan mong kontrolin ka ng kapatid mo! Ito na lang ang maipapayo ko sa'yo sumuko ka na, oo tama! Kung talagang totoo kang lalake wag mong hayaang bumaba pa ang tingin ko sa'yo."

Halos isuka naman ni Xiao Yao ang puso niya sa sagot ni Yuan Zong , "May gustong ibigay sa'yo ang kapatid ko."

Di na mapigilan ni Xiao Yao ang tinatagong pagkayamot at sinigawan ang kaharap, "Get lost! The further the better!!!!"

______________________________________

Natatawa ako habang tinatranslate namin ang chapter na ito.. Salamat po sa mgandang feedback na nanggagaling sa inyo, inspirasyon ko po ang mga comments niyo na ipagpatuloy ito kahit mahirap magtranslate.

Thanks for Reading. Votes and Comments are highly appreciated.

An Irresistible ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon