Original works of Chai Ji Dan
Habang hinahanap ni Yuan Ru si Yuan Zong para tanungin kung kamusta ang ipinabibigay niya kay Xiao Yao, nasa labas si Yuan Zong at tinitignan ang training ng mga team members. May mga bagong pasok kasi sa training program nila lahat ng mga iyon ay sasailalim sa matinding training sa loob ng isang buwan. Sa daming pumasok na iyon halos nasa ikatlo lang ang matitira sa kanilang lahat at yung iba ay aalis na lang o matatanggal sa training program.
Sa di kalayuan makikita mo ang anim na trainee ang nagbubuhat ng isang malaking na gulong na kung titimbangin mo ay lalagpas ng isandaang kilo,buhat buhat nila ito gamit ang kanilang balikat at dahil sa hindi sila magkakaparehas ng tangkad kaya nakakapagod ang kanilang pagbubuhat, tatakbo sila ng sobrang layo na kung ipagagawa mo sa isang ordinaryong tao ay hindi kakayanin.
Pagkalipas ng tatlong beses na pabalik balik, bigla na lang bumagsak ang isa sa kanila at di na makalakad sa sobrang pagod.
Ang vice commander na nakatayo sa tabi ni Yuan Zong ay dali daling tumakbo papalapit sa trainee na di na makalakad at sa halip na tulungan sinipa pa niya ito gamit ang may spike na boots kaya nabalatan ang natamaan nito. Sa sobrang sakit natumba na lang siya sa lupa at napahiyaw sa sakit.
"Tumayo ka!" ang sobrang lakas na sigaw ng vice commander. (yung totoo training ba ito o hazing)
Sobrang pagod ng trainee paano kaya ito tatayo ng maayos?
Tinapakan nito ang may bandang puwetan nito at diniinan, na lalong nagpasigaw sa rookie. Di na ito bago sa paningin nang mga trainer dito, sa loob ng siyam na taon na nagtetraining sila normal na sa kanila ang ganitong mga pangyayari.
Pumunta naman si Yuan Zong sa kinaroroonan ng bumagsak na rookie. "Tumayo ka."
Napakanormal ng tono ng pagkakasabi niya ng dalawang salitang iyon pero para sa mga nakapakinig para itong dalawang baril na sabay pumutok na nakakapagbigay sa iyo ng kakaibang takot.
Sumigaw naman ang rookie at sa natitira niyang lakas pinilit niyang tumayo. Pagkatayo nito nagsalita agad si Yuan Zong.
"Takbo!"
Di na nag dalawang isip ang anim at nag unahan sa pagtakbo.
"Commander Yuan, hinihintay po kayo ng inyong kapatid si Yuan Ru."
Bago umalis sinabihan niya ang kanyang second in command na ayusin mabuti ang pag eensayo sa mga baguhan.
Hindi pa siya nakakalayo nagsama sama naman ang ilan sa mga nagtetraining at nagkuwentuhan.
"Alam niyo ba ang dahilan kung bakit busy ngayon ang Commander natin?"
"Ah narinig ko kasi na nagkagusto daw sa isang lalake si Ms. Yuan Ru, nasa 24 years old na daw yung lalake, sobra ang guwapo at balita ko pa galing daw ito sa marangyang pamilya."
"Alam mo naguguluhan na din ako diyan kay Commander eh, una sa lahat 30 years old na siya , pero wala pa akong nababalitaang nililigawang babae yan. Nagpapaganda na nga yung mga babae nating trainee dito, nagbikini pa sila noong nagbeach tayo pero kahit isa wala man lang siyang pinansin."
"Nararamdaman ko lang na si Commander ay walang hilig sa babae."
"Ano.. bakit mo naman nasabi yan?"
"Hayy di mo ako naintindihan. Ang ibig kong sabihin, wala pa sa isip ni Master Yuan ang pag ibig dahil sa napakabusy niyang tao, mas inuuna niya ang pangarap niya kesa sa pag ibig."
"Hindi naman siguro, di pa lang siguro dumadating yung taong magpapatibok ng puso niya. Yung tiyuhin ko nga nasa 35 years old na siya pero di pa rin siya nag aasawa akala nga ng mga lolo at lola ko eh binabae siya pero nang nakita na niya ang tiyahin ko alam mo ba ang nangyari di niya tinigilan yung tiyahin ko hangga't di nagpapakasal sa kanya."
"Tuamayo na tayo, breaktime na."
>>>>>>>>>>>>>>>
Dumating si Yuan Ru sa lobby ng kompanya ni Yuan Zong para magkuwento na naman ng mga bagay bagay tungkol kay Xiao Yao.
"Alam mo ba kuya na si Xiao Yao ay may alagang Hill Myna. At napacute ng myna niya na yun katulad niya."
Paano hindi malalaman ni Yuan Zong na may alaga si Xiao Yao na hill myna? Kagabi lang halos dalawang oras siyang pinapaalis nang ibon sa balkonahe ni Xiao Yao.
"Kuya gusto ko din yung Hill Myna niya. Pag kasi inalagaan ko din yun di ba ang romantic lang?"
"Ano bang gusto mong iparating?" ang seryosong tanong ni Yuan Zong.
Natuwa naman si Yuan Ru sa sinabi ng kapatid. " Puwede ba kuya na ibigay mo sa kanya itong pakain sa hill myna. Binili ko yan sa isang animal trainer, makakatulong yan para sa pagdevelop ng boses nito. At pag ikinasal na kami ni Xiao Yao hihiling ako sa Myna niya na kantahan kami ng isang kantang pag ibig araw araw."
Wala namang sinagot si Yuan Zong sa kabaliwan ng kanyang kapatid at kinuha na lang yung kahon.
Naisip naman ni Yuan Ru na parang ayos ang pakikitungo ng kanyang kapatid sa lalaking nagugustuhan niya. Siguro natanggap na nito na maging bayaw si Xiao Yao." (no comment na lang ako diyan...)
Hindi alam ni Yuan Run na ang kanyang kuya ay may Hill myna din ng katulad ng kay Xiao Yao, bagong bili lang niya nito kaninang umaga sa isang pet shop. Ang ibon niya ay mas malaki kesa kay Xiao Yao (A/n: parang may dalawang meaning yung ginamit kong translation) ang balahibo nito ay itim (oppppss!), at ang boses nito ay mas magandang pakinggan.
Pagkabalik ni Xiao Yao sa kanyang opisina, binuksan niya yung kahon na pinaglalagyan ng pakain sa ibon para pakainin niya ang kanyang Hill Myna.
Makalipas ang dalwang araw parang naging malungkot ang myna ni Xiao Yao di na kasi ito nakikipag usap sa kanya katulad ng dati. Naging matamlay din ito at di na nakikipaglaro sa kanya. Naging mapili din ito sa pagkain, di na nito ginagalaw ang mga mani na paborito nitong pagkain.
Siguro naging bunga ito nang pagmumura nito ng halos dalawang araw. Kaya nawalan ito ng kakayahang makapagsalita.
Kaya inilayo nan i Xiao Yao dito ang kanyang cassette para makapagpahinga ito ng maayos. Pero kahit anong gawin ni Xiao Yao wala pa ring pinagbabago ang kanyang Myna at lalong naging malala ang lagay nito.
Dahil sa labis na pag aalala sa kanyang alaga mas inagahan niya ang paglabas sa kanyang trabaho at dali daling nagmaneho papunta sa kanilang bahay.
Pagkadating niya sa kanila, bago pa siya bumaba sa kanyang sasakyan, napapakinggan niya agad ang boses ng ibon na galing sa loob nang kanilang bahay.
Bumalik na ba sa normal ang kanyang ibon?
Dali dali naman siyang tumakbo at pumasok sa kanyang kuwarto at tuwang tuwa na binuksan niya ang kanyang pinto pero kasalungat ng nararamdaman niya kanina ang nararamdaman niya ngayon dahil sa nakakagimbal na tanawing nakikita niya ngayon.
Isang malaking Hill Myna ang nakakulong sa tabi ng kulungan ng kanyang hill myna, parang kidlat ang boses nito na nakikipag usap sa kanyang ibon. "Hindi ako aalis, hindi ako aalis! Hindi ako aalis!"
Kaya naman ang kanyang kawawang Hill Myna kahit paos na at medyo wala ng boses ay pilit na sumasagot na "Alis, alis, alis, alis!"
Hirap na hirap ang kanyang myna sa pagsasalita, kaya halos mabiyak naman ang puso ni Xiao Yao para sa kanyang myna.
Nang di na ito makapagsalita , isinara na lang nito ang mga mata at pumunta sa sulok ng kanyang kulongan, na parang naglalarawan sa isang kaawa-awang nilalang. Sa kabilang banda patuloy namang nagsasalita ang malaking myna .
Halos makalimutan naman ni Xiao Yao na huminga.
++++++++++++
Thanks for reading
BINABASA MO ANG
An Irresistible Force
ActionFilipino Translation of "Advance Bravely" originally writen by Chai Jidan. Si Sergeant Xiao Yao ay isinilang sa mayamang pamilya , isang dating playboy na biglang na lamang nagbago. Yuan Zong ay isang dating sundalo na nagtayo ng isang Bodyguard T...