Yuan Zong at the media section😍😍😍😍😍😍😍
Original work of Chai Ji Dan
Naglalakad lakad si Xiao Yao sa tabi ng ilog kasama ang kanyang myna ng may kotseng tumigil sa kanilang harap. Lumabas sa kotse ang isang napakagandang dalaga na nakakuha agad ng kanyang pansin.
Binagayan ng kanyang ganda ang kanyang suot na kulay aquamarine na gown mula sa nakalabas nitong balikat na nagbibigay lalo ng ganda sa alon alon niyang buhok. Pero ang mas nakakaagaw pansin ay ang kanyang mapuputing hita na makikita mo sa siwang ng kanyang palda.
Walang sino mang lalake ang di mag iinit sa pang aakit ng babaeng ito. Pero ang mas nakakalungkot na katotohan kasama si Xiao Yao sa 0.01% na hindi naakit.
"Young Master Xia, bakit di ka umattend sa victory party mo? Matagal kitang hinintay. May hinanda pa naman akong mamahaling alak para sa'yo."
"Wala akong pakialam." Ang iritadong sabi ni Xiao Yao sa kausap.
"Iniiwasan mo ba ako?" lumapit pa sa kanya si Yuan Ru at mas lalo pang pinapakita ang kanyang nakakaakit na binti.
"Bakit naman kita iiwasan?" tumalikod na si Xiao Yao at humakbang na paalis.
Hinabol agad naman siya ng dalaga, "Tinatanong pa kita, wag ka munang umalis!"
Bigla naman tumigil sa paghakbang si Xiao Yao at humarap kay Yuan Ru, "Umabot na ba hanggang kili-kili yang siwang ng gown mo?"
Dahil sa may pagkamanhid si Yuan Ru hindi siya nasaktan sa sinabi ng binata sa halip tinawanan niya lang ito. "Sa tingin mo sexy ba ako?"
Sinadya niya namang itaas ang siwang ng palda niya para mas lalong ipakita ang makatulo laway niyang hita. Sa halip na maglaway, umatras naman si Xiao Yao para makalayo kay Yuan Ru at ng makalayo na siya tumakbo na siya ng mabilis.
Sinubukan siyang habulin ni Yuan Ru gamit ang kanyang kotse , mas binilisan naman ni Xiao Yao ang kanyang pagtakbo ng maramdaman niyang nakasunod ang dalaga sa kanya. Tumigil naman sa paghabol si Yuan Ru ng di na kayang dumaan ng kotse niya sa makitid na daang dinaanan ni Xiao Yao.
****
"Kuya, may nagugustuhan ulit akong lalaki." Kung mahahalata niyo "ulit" means nangyari na dati pero naulit na naman.
"Pero di tulad ng ibang nagustuhan ko di ko siya kayang makuha. Kaya gusto ko na tulungan mo ako para magustuhan niya ako. Alam ko namang di mo ko pababayaan."
Bigla namang sumimangot ang mukha ni Yuan Zong.
"Apo siya ng isang kilalang tao na tumulong sa nakaraang rebolusyon sa ating bansa."
Walang nabago sa ekspresyon ng mukha ni Yuan Zong sa sinabi ng kapatid.
"Guwapo siya, matiyaga, walang bisyo, at higit sa lahat wala siyang karelasyon. Sabihin mo kuya, saan pa ako makakahanap ng ganyan kaperfect na lalake? Wala ng iba pang babagay sa kanya kundi ako lang, ang nakakabata mong kapatid na babae!"
Wala namang naging sagot si Yuan Zong sa sinabi ng kapatid. "Puwede bang magsalita ka naman!" ang nayayamot na sabi ni Yuan Ru ng hindi siya makakuha ng tugon sa kapatid.
"Wala kang pakialam."
Napaisip naman si Yuan Ru sa sinabi ng kanyang kapatid, "Mayroon siyang pusong bato. Kahit sinong magandang babae ang nagpapapansin sa kanya di man lang niya makuhang tignan. Yung ibang lalaki pinapangarap na makita yung hita ko, pero siya, wala siyang pakialam."
Katulad din kanina wala na namang reaksiyon na makukuha sa mukha ni Yuan Zong.
"Patunay ba na yang pananhimik mo ay nagsasabi na puwede kong pagkatiwalaan ang isang katulad niya?"
Nagpatuloy pa rin sa pagsasalita si Yuan Ru kahit wala siyang nakukuhang sagot sa kapatid niya. "Kuya! Pakiusap tulungan mo naman ako! Sinisigurado kong magugustuhan mo din siya pag nagkita kayo."
(oops! Tama ka Yuan Ru magugustuhan niya ang lalakeng gusto mo pero hindi para sa'yo😈😈😈😈😈😈😈😈)
******
Yuan Zong and Yuan Ru
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
An Irresistible Force
AkcjaFilipino Translation of "Advance Bravely" originally writen by Chai Jidan. Si Sergeant Xiao Yao ay isinilang sa mayamang pamilya , isang dating playboy na biglang na lamang nagbago. Yuan Zong ay isang dating sundalo na nagtayo ng isang Bodyguard T...