Original works of Chai Ji Dan
Habang kumakain nang hapunan mahahalata mo kay Xia Yao ang pagbabago sa kanya at halatang may iniisip. Kaya napansin agad ito ni Mrs. Xia na may mali sa kanyang anak.
Inilagay niya ang isang gayat na isda sa mangkok (bowl) nang kanyang anak. "May iniisip ka ba anak?"
"Ma, tanda mo pa ba yung sinasabi mong babae sa akin dati na anak ni... sino nga ba ulit yun? Si Mr. Meng ba o si Mr. Chao na kaparehas ko lang nang edad?"
"Ah, baka si Meng Xin Yi?" itinigil ni Mrs. Xia ang pagkain at binigyan nang ngiti ang anak.
"Noong huli kitang tinanong, sabi mo di ka interesado sa babaeng pinapakilala ko sa'yo. Anong dahilan mo at nagbago ang isip mo."
"Bakit? Anong mali doon, gusto ko lang naman tuparin yung pangarap niyo na mabigyan ko kayo nang apo."
Nagpanggap naman si Mother Dowager na nagalit kaya binigyan niya ito nang masamang tingin pero sa totoo lang tuwang tuwa ang kanyang kalooban, "Anak bakit ka ba nagmamadali, bata ka pa!"
"Hindi ka Ma nagmamadali pero ako kailangan ko na." tinanong niya ang ina niya habang nilalaro niya ang kanin na nasa mangkok niya, "Ano bang klase siyang babe?"
"Si Meng Xin Yi ba?"
Tumango naman si Xia Yao, tumigil muna si Mrs. Xia at nagsalita, "Ayos naman ang itsura niya, mayroon siyang katamtamang taas, madami siyang alam gawin. Madami siyang talento di lang siya magaling tumugtog nang piano kaya niya ding sumulat nang tula at awit. May natapos na din siyang dalawang libro. Importante kase sa pamilya nila ang tamang edukasyon. Napakamatapat pa nang magulang niya at talaga namang marunong magpakumbaba, kaya makakasiguro kang si Meng Xin Yi ay napakabuting babae."
Pagkatapos marinig ni Xia Yao ang mga sinabi nang ina, parang nanabik naman siyang makilala nito ang babae. "Sa totoo lang ma, gusto ko ang mga old-fashioned na babae."
Natutuwa naman si Mrs. Xia sa pinapakita nitong magandang pag uugali, dati rati kasi'y nagrereklamo ang kanyang mga kumara sa kanya na si Xia Yao daw ay masyadong pihikan pagdating sa babae at ayaw munang magkanobya. Di inaakala ni Mrs. Xia na ang anak niyang napakatigas nang ulo ay nakakaintindi na ngayon. Napakasaya ni Mrs. Xia ngayong gabi.
"Okay tatawagan ko mamaya yung magulang niya. Linggo bukas tamang tama, magkita kayo bukas."
****
Kinabukasan nang umaga at di pa sumisikat ang araw, ginising ni Yuan Ru si Yuan Zong. "Kuya tulungan mo naman ako, tulungan mo ako sa para makalimutan ko si Xia Yao."
"Tulungan mo akong makahanap nang isang lalake. Di ko na alam ang gagawin ko gulong gulo na ako, di tumatakbo nang maayos ang utak ko. Lageng si Xiao Yao na lang ang laman nang isip ko. Gusto ko na agad siyang makalimutan sa lalong madaling panahon."
"Wag kang mag alala, mayroon akong kilala na puwede kong ipakilala sa'yo."
Nagningning naman ang dalawang mata ni Yuan Ru, "Anong itsura niya kuya? Mahirap ba siya o mayaman, nakapagtapos ba siya nang kolehiyo o pero hindi na mahalaga yun, ang mahalaga sa akin ay kaguwapuhan niy. Magandang pangangatawan, malakas at matikas, yung parang ikaw kuya."
Pagkatapos ni Yuan Zong maghilamos nang kanyang mukha. Pumasok siya sa kanyang kama at kinuha nag card na nasa ibabaw nang kanyang mesa at ibinigay niya kay Yuan Ru.
Napakagat labi naman si Yuan Ru sa hiya. "Kuya nakakahiya naman kung ako pa ang mag aayang lumabas."
"Okay ako na lang magsasabi sa kanya."
"Ikaw na din kuya ang bahala kung saan at anong oras!"
Lumabas si Yuan Run a parang bata na nabilhan nanag lollipop,at pumunta sa kanyang kuwarto para maglagay nang make up.
++++++
Kinabukasan napagkasunduan nina Meng Xin Yi at Xia Yao na magkita sa isang coffee shop. Pinili niya ang lugar na iyon dahil alam niya na hindi mahilig sa ganitong lugar si Yuan Zong kaya di siya masusundan nito. Wala namang naging hiling si Xia Yao sa kadate niya ngayon basta wag lang itong magsuot nang maiigsing shorts at nakikita ang hita matatanggap niya na agad ito bilang kanyang nobya, at puwede ding maging asawa sa hinaharap. Gagawin niya ang lahat para tigilan na siya ni Yuan Zong.
Nakahinga naman siya nang maluwag nang mkaita niya na di maigsi ang suot na short ni Meng Xin Yi, naka long trouser ito at di nakalabas kahit kaunting balat.
Kinakabahan naman si Meng Xin Yi sa unang pagkikita nila ni Xia Yao. Pero ang lahat nang mahinhing babae kahit na pinapakita nila na okay lang sila sa labas pero ang totoo niyan nag aalala sila sa kanilang loob.
"Napaka old fashioned kung babae, tahimik lang kaya sana wag kang mailang o mabored sa akin."
Sumagot naman si Xia Yao, " Wag kang mag alala, mas okay nga sa akin kung old fashioned ang isang babae."
"Sir ito po yung inumin niyo." Waiter.
"Sige, salama-.."
Bago pa niya masabi ang kanyang pasasalamat sa waiter natulala na siya sa isang imahe na nakita niya di kalayuan sa kinauupuan nila.
Si Yuan Zong, nakasuot siya nang disenteng suit, na mas lalong nakadagdag nang kaguwapuhan at kakisigan sa kanya. Madali siyang nakalahok sa mga tao na nasa coffe na akala mo'y nagmula din sa isang mayamang angkan. Yung mga mata niyang nagbibigay nang kakaibang takot sa iba na nagsasabing masama siyang kalabanin, na nagbibigay naman nang galit at yamot kay Xia Yao."
"Damn it! Bakit ba ang kulit kulit niya.? Buwiset siya!"
"Excuse me, punta lang ako nang Comfort Room."
Mabilis siyang nagtungo sa kinalalagyan ni Yuan Zong.
"Di mo talaga ako titigilan ano? Di mo talaga ako lalayuan? Gusto mo ba na sampalin muna kita sa harap nang maraming tao para mapahiya ka?" inilabas ni Xia Yao ang kanyang Bitch Side. (A/n: Bitchmode On. 5555)
Wala namg sinabi o sinagot si Yuan Zong sa sinabi ni Xia Yao, tinignan niya lang ang mga mata ni Xia Yao, at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa bewang ni Xia Yao.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" ang galit na galit na reaksiyon ni Xia Yao.
Kalmado namang sumagot si Yuan Zong, "Wala naman, mababa lang yang pantalon mo itinataas ko lang."
Halos pumutok naman ang ugat ni Xia Yao sa ulo niya dahil sa nakakahiyang ginawa sa kanya ni Yuan Zong. Di kasi sila nasa basta basta na lugar, nasa gitna sila nang Café kung saan puwedeng may makakita sa kanila dahil sa mga curved walls lang ang tanging pagitan nila sa ibang taong nandoon. Lalake siya pero may isang jerk na nag ayos nang kanyang panalon at sinturon.
++++
Votes are comments may help for the early update.
BINABASA MO ANG
An Irresistible Force
AkcjaFilipino Translation of "Advance Bravely" originally writen by Chai Jidan. Si Sergeant Xiao Yao ay isinilang sa mayamang pamilya , isang dating playboy na biglang na lamang nagbago. Yuan Zong ay isang dating sundalo na nagtayo ng isang Bodyguard T...