Itatago ko na lang.

261 3 6
                                    

Original Works of Chai Ji Dan

Habang nagagalit si Xia Yao sa di inaasahang bisita niya, isa ding nakakatawang pangyayari din ang nangyari kay Meng Xin Yi.

Sa dinami dami na lugar na puwedeng dating(date) place ni Yuan Ru doon din sa coffee shop na yun na dating place din ni Xia Yao. (Si Yuan Zong nag set up nang dating place ni Yuan Ru.) Ano bang naiisip ni kuya lalake ang hiningi ko sa kanya, hindi itong panget na ito. (A/n: Turuan mo akong maging hokage, Yuan Zong.)

Maya maya may nakita siyang pamilyar na mukha sa kabilang sulok nang coffee shop. Nakita ni Yuan Ru si Xia Yao sa loob nang coffee shop na may kausap na babae at ang kinaiinis ni Yuan Ru mukhang enjoy na enjoy pa si Xia Yao.

Nag Beastmode naman agad si Yuan Ru dahil di niya alam na kaya palang ngumiti nang walang kabuhay buhay nitong itsura pag siya ang kaharap, at ang masaklap pa nito masaya ito dahil sa ibang babae, "Isa itong kabaliwan, wag niyang sabihin na nakuha pa niyang nakuhang makipag date sa iba. Wala siyang kakayahan sa kama pero may kakayahan pa siyang makipagkita sa iba?! Isa itong napakalaking kalokohan!"

Naputol naman ang pag iisip ni Yuan Ru nang tumayo si Xia Yao para puntahan si Yuan Zong.

Pagkaalis ni Xia Yao dali dali namang pumunta si Yuan Ru sa mesa nina Meng Xin Yi at pagkakataon na niya ito na sirain ang date ni Xia Yao. Umupo siya sa upuan ni Xia Yao at iniwan ang lalaking ka-date niya.

"Nandito ka din ba para makipagdate?" ang nakangiti pero may pait na sab ni Yuan Ru.

Nabigla naman si Meng Xin Yi dahil sa pagsulpot ni Yuan Ru sa kanyang harapan. Dahan dahna naman siyang tumango para sagutin ang tanong ni Yuan Ru.

Totoo nga.. Nangalit naman ang mga ngipin ni Yuan Ru sa kanyang nalaman,kaya naisip niya na sagipin ang walang kaalam alam na babae kay Xia Yao.

"Para sa akin, ang mga babae ay tao, mula sa mga immoral na babae, hanggang sa isang mahinhing babae na katulad mo, lahat nang babae kailangan nang sex. Kaya di na ako magpapaliguy ligoy pa. Wag mong husgahan ang libro sa pabalat nito, kundi pagsisisihan mo yan nang habang buhay."

Nakuha naman ni Yuan Ru ang atensiyon ni Xin Yi sa babala nito kaya kahit nalilito man tinanong niya si Yuan Ru. "Anong ibig mong dabihin?"

Nakakaliko namang ngumiti si Yuan Ru at binulong niya ang isang lihim kay Xin Yi, "Yung lalake na kadate mo ngayon mukha siyang perfect at man of your dreams, pero may isa siyang sikreto na matagal na niyang tinatago... wala siyang kuwenta sa kama, isa siyang inutil."

Para namang isang malakas na boltahe nang kidlat sa pandinig ni Xin Yi ang kanyang narinig.

"Bakit ko alam kasi ginawa na namin yung bagay na yun, alam ko naman na alam mo yung tinutukoy ko at alam ko rin na nagawa mo na rin yun." Ang pagpapatuloy ni Yuan Ru.

"Sinong maysabi sa iyo na nakipagsex na ako?" nahihiya at namumulang sabi ni Meng Xin Yi. "Di mo ako katulad di ko pa nararanasan ang mga naranasan mo na at alam ko na di din yun magagawa ni Xia Yao."

Nagkibit balikat naman si Yuan Ru pagkadinig niya nang sinabi ni Xin Yi, "Kung yan nag paniniwala mo, kalimutan mo na lang yung mga sinabi ko sa'yo."

Umalis na si Yuan Ru pagkatapos . Maya maya naman bumalik na si Xia Yao sa upuan nila ni Xin Yi.

Huminga siya nang malalim at iniisip niya na walang kahihiyang nangyari sa kanya.

"Puwede ko bang mahingi yung number mo? Para matext at makausap kita."

Nagtaka naman si Xia Yao sa sagot ni Xin Yi. "Pasensya na pero di ko na kayang makipagkita sa iyo."

"Anong sabi mo?"

An Irresistible ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon